LightReader

Chapter 2 - KABANATA I: DAYANG HALINA

Napaka payapa tingnan ng malawak na kalangitan sa gabi, ang mga nagliliyab na mga bituin, ang malamig at mahinahong hangin na humahampas sa hubo't hubad na mga uripon, sa mga mahihinang paghampas ng alon sa karagatan kasabay ang malayang paglipad ng mga ibon, Tunay ngang malawak at kay hiwaga ng mundo.

Ngunit, magiging hiling na lamang ba para sa mga uripon ang maging isang malaya? Kagaya ng isang ibon, malayang nakakalipad, makita sa malapitan ang mga ulap na wari mo'y sumasayaw habang nakayakap sa araw.

" Dayang Halina, 'tila malalim ang iyong iniisip " Tanong ng isang uripon ni Dayang Halina. 

" Manganganak na rin pala ang kaulayaw ng aking bana " tanging nasambit ni Dayang Halina, siya rin ay nagdadalang tao ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, kasabay niyang mabuntis ang isang  hayohay na iniibig ng kanyang bana.

Hindi na nakasagot pa ang uripon sapagkat batid niya ang labis na pagsinta ng kanyang Dayang Halina sa bana nitong si Datu Mahidlaw.

Maayos ang pagsasama ni Dayang Halina at Datu Mahidlaw, ang unang anak nila'y tinawag na Maningning na 'di kalauna'y ginawang binukot,ngunit sa bawat paglipas ng araw, linggo at buwan, ang dating  pagkagiliw ni Datu Mahidlaw sa kanyang asawa ay unti-unting  kumukupas, wari mo'y isang hangin,na ang layunin lamang ay dumaan at hindi manatili.

Nagkaroon nang kaulayaw ang kanyang bana sa isang aliping namamahay, nagkaroon ng isang supling na lalaki, isang tagapag mana, labis na nasiyahan ang datu sa nangyari ngunit labis din ang pagraramdam ng kanyang asawang si Dayang Halina, napawi rin agad ito noong siniping siyang muli nang Datu.

" Panginoon, batid ko ang labis mong pag kahidlaw , ngunit ika'y wag nang tumangis, sapagkat ikaw ay nagdadalang tao sa iyong pangalawang supling " nag-aalalang sambit ni ada, ang kanyang sariling uripon.

" Ada, sa iyong sapantaha, ano pang silbi ng buhay nitong supling kung siya ay binayaan na ng kanyang baba? " wala sa sariling tanong nito.

" Dayang, wag niyong sabihin 'yan sapagkat ang bawat buhay ay mahalaga, lalo na at siya ay iyong anak."

Hindi na pinansin ni Dayang Halina ang sinambit nito, at pumasok na sa kanilang balay.

Wala na naman ang kanyang bana, siya ay nakakatiyak na ito'y nasa kandungan na naman ng kanyang kaulayaw na uripon.

" Halina,aking kapatid, ikaw ay tumatangis na naman" ani Salalila at umupo sa higaan ng kanyang kapatid. Nakayuko ito at humihikbi

" Umbo, hindi ko mabatid kung bakit mas pinili ng aking bana ang isang uripon kaysa sa akin na anak ng isang matapat na datu." Ani nito " Labis kong iniibig ang aking bana ngunit bakit para sa kanya'y wala lang ito? Bakit pa siya namangkaw sa ating banwa kung ako'y sasaktan niya lamang ng lubos." Dagdag pa nito.

" Labis na kaawa-awa kang tingnan aking kapatid, ngunit hindi mo rin masisisi ang iyong bana, sapagkat siya ay sabik sa tagapagmana.

" Umbo, wala lang ba sa kanya ang aming anak na si Maningning? Batid mong-" hindi na natuloy ang sasabihin sana nito sapagkat siya ay tinahan na ni salalila.

Nang makatulog ang dayang, pinagmasdan na lamang ni salalila ang kanyang kaawa-awang kapatid, bakas parin ang luha mula sa pagtangis.

Mabuting Tao si Halina, matulungin at mapag-unawa ito kaya hindi niya rin mahinuha kung paano nagawang saktan ni datu Mahidlaw ang kanyang asawa.

KINABUKASAN.

Hindi pa nakasikat ang araw, ngunit gising na gising na ang banwa ni Datu Mahidlaw, ang mga uripon ay nagsisimula na sa kanilang mga gawain. Ang kababaihan ay pagsasaka ang binibigyang pansin habang ang mga mangangayaw naman ay nagsasanay.

Habang abala ang lahat sa kanya-kanya nitong gawain, bigla na lamang tumunog ang silindro, palatandaan na dumating ang isang datu o ang kanyang pangunahing asawa na tinatawag na dayang.

natigil ang lahat sa kanya-kanya nitong ginagawa at sabay na yumukod tanda ng pag galang sa dayang.

" Iharap ninyo saakin ang uripon na kaulayaw ng aking bana " mautoridad na sambit nito, suot ang magarbong kemban at sarong na gawa sa isang magandang uri ng sutla ( silk ) ito'y hinabi pa mula sa ibang nasud, puno ng bulawan ang kanyang katawan, Mula sa payneta, patan-aw, kamagi at pulseras ( gold bangle ).

Sa likod nito ang dalawang alipin sa gigilid na may dalang parasol at ang dalawang bantay na bitbit ang kanyang-kanyang bankaw, Itinaas ni Dayang halina ang kanyang kanang kamay at saka marahas na hinila ng kanyang bantay si maram, ang kaulayaw ng kanyang bana.

GLOSSARY ;

Banwa- Territory / community

Dayang- The wife of a Datu

Datu - Chief or Lord of a vassal

Uripon - slave

Hayohay- slave

Bana- Husband

Kahidlaw- yearning; wistful or melancholy longing

Umbo- Term for older sister

Binukot- Secluded young woman ( princess ) usually the daughter of a datu or rajah, they were kept inside the house away from public eye

Sutla - silk / a fine, strong, soft, lustrous fiber produced by silkworms in making cocoons and collected to make thread and fabric

Payneta- ( pieneta ) ornamental comb

Patan-aw - ( or look at me earrings )

Kamagi - necklace

Bankaw- spear

Parasol- is a type of umbrella  made for protection from the sun.

More Chapters