LightReader

Chapter 734 - Chapter 734

BANGGGG!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang nalikha ng pagtama ng likidong metallic ores nang tumama ito sa mismong bukana ng kuweba kung saan silang lahat ng magkakagrupo ay nakapasok sa loob ng nasabing kuweba.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa lakas ng atakeng kayang gawin ng babaeng mayroong maliit na medalyon sa noo nito.

Isang Golden Vein Realm Expert ang nasabing babaeng kasamahan niyang ito sa ekspedisyon nila para sa paghahanap ng pambihirang materyales ngunit nakaya ng skills nito na pigilan ang limang nilalang na mayroong matataas na cultivation levels.

Patunay na isa itong pambihirang cultivator ngunit naiisip na ni Wong Ming kung anong klaseng nilalang ito.

Lakad-takbo ang ginawa nila ni Wong Ming kasama ang nasabing babaeng kasamahan niya ngunit ang limang kasamahan nila ay tila ba iniwan sila at nauna ng pumasok sa mismong loob ng kwebang ito.

Magkagayon pa man ay hindi nila hinayaang mawala lamang ang sa kanilang sariling mga isipan ang ipinunta nila rito.

Nangunguha pa rin sila ng mga metallic ores na nakikita nila sa dinaraanan nila at isinisilid ito sa kanilang mga interspatial rings.

Dalawang oras ang nakalilipas at napagdesisyunan nilang magpahinga muna sa kinaroroonan nila.

Masyadong delikado man ang sitwasyon nila ay mas delikado kung ipagpapatuloy nila ang pagsuong sa pinakaloob ng kweba kung wala silang lakas o enerhiyang natitira sa kanilang sariling katawan.

Nakita ni Wong Ming na sa paglalakbay nila ay talagang nagpahuli ang nasabing dalaga na siyang ikinapagtataka niya.

Dalawa lamang sila ngunit tumaas ang respeto niya sa dalagang ito na hindi nag-atubiling iligtas siya kahit na sabihing isa lamang itong malaking pagsubok.

Kahit nga sa mga oras na ito ay hindi man lang ito naaasiwa o nahihiya na humarap sa kanya.

Mahahalata ni Wong Ming na sanay na ang dalaga sa matitinding mga sitwasyon kagaya niya.

Sigurado siyang maingat ang nasabing binibining ito sa bawat galaw nito at talagang walang inaksayang oras ito upang surpresahin at pigilan ang mga kalaban nila upang sila'y bawasan.

Maya-maya pa ay tumunog ang kanang kamay ng dalaga at kitang-kita kung paano'ng ang sobrang dilim na kapaligiran sa mismong dinaraanan nila kanina ay umilaw.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming at talagang namangha siya nang malaman kung ano iyon.

Trap Array!

Hindi siya nagkakamali na sobrang ingat ng nasabing dalaga.

"Tsk!" Tanging naisambit ng dalaga habang nakatingin sa nakangangang binata. Makikitang tila hindi nito alintana ang nasabing reaksyon ng binata na animo'y hindi alam ang kaniyang ginagawa.

"Isa kang Demon Race hindi ba?!" Biglaang naiusal ni Wong Ming na animo'y nagtataka pa rin sa katauhan ng nasabing dalaga.

"Kung isa akong demon race, tingin mo ay makakaya ko bang gawin ang mga bagay na ito?!" Pakiwari naman ng nasabing dalaga gamit ang makuhulugang pangungusap na ito na ikinakunot-noo naman ng binata.

Alam ni Wong Ming na tinutukoy nito ang Trap Array. Ngunit iba ang sinasabi ng instinct ni Wong Ming.

"Hindi ako nagkakamali sa ginamit mong skill binibini. Patunay na isa iyong Earth Demon Skill!" Malakas na saad ni Wong Ming na animo'y siguradong-sigurado ito.

Nakangisi naman ang nasabing dalaga at kitang-kita kung paanong sa isang iglap ay kitang-kita ni Wong Ming ang napakaraming nagtataliman mga patulis na bato ang nakatutok sa kaniya.

Sa pangalawang pagkakataon ay nasilayan niya ang pagbabago sa buhok ng dalaga maging sa mismong balat nito na animo'y naging kakulay ng bato.

Isa pa sa nagpamangha sa kaniya ay ang maliit na hugis-bilog na medalyon sa noo nito.

"Pasensya na binata ngunit wala akong planong buhayin ka. Tama ka ng hinala, nasa lahi na namin ang pagiging Earth Demon at ang layunin ko ay makapasok sa Vermilion Sect upang matutunan pang hasain ang aking kakayahan." Seryosong sambit ng nasabing dalaga habang makikita ang determinasyon sa mukha nito.

Napansin ni Wong Ming ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Masasabi niyang napatunayan niya na may mabuti pa rin itong puso.

Agad na nagpalakpak naman ng malakas si Wong Ming na siyang ikinagulat ng nasabing dalaga.

"Bakit ka pumapalakpak binata. Hindi mo ba alam na kikitlan na kita ng buhay?! Nababaliw ka na ba?!" Tila naiinis na saad ng dalaga na animo'y hindi ito makapaniwala sa naging reaksyon ng binatang kasamahan niya.

"Hindi ko aakalaing totoo ang sinasabi ng kaibigan ko na matagal ng namumuhay ang Earth Demon sa mundong ito." Turan ni Wong Ming habang tumigil na ito sa kakapalakpak.

Naupo ito sa isang tabi at kitang kung paano gumalaw ang mga butil ng tubig sa bawat parte ng kwebang kinaroroonan nila.

"Isa kang Water Demon?!" Malakas na wika ng dalaga habang nanlalaki ang mga mata nito sa sobrang pagkagulat.

Nawala ang konsentrasyon nito kung kaya't nagsilaglagan ang mga patulis na mga bato sa loob ng kweba.

"Isa ka ba sa mga naunang inilikas na miyembro ng Water Demon Tribe?!" Naisambit ng dalaga na tila nahihiya.

Dito pumasok sa isipan niya na tanging ang mga Elemental Demon Race lamang ang makakapansin sa kakayahan na ipinakita nita kanina. Masyado niya lamang minasama ang sinabi ng binata sa kaniya.

Agad na nagbago ang mga mata ni Wong Ming na katulad mismo ng isang Water Demon at doon ay napatampal na lamang sa kaniyang noo ang nasabing dalaga.

"Paumanhin sa aking inasal butihing ginoo, masyado lamang akong pinangunahan ng pangamba. Akala ko talaga ay naisiwalat ko ang aking sarili sa isang kaaway." Seryosong wika ng dalaga habang lumuluhod ito upang humingi ng kapatawaran sa kaniyang nagawang kalapastanganan.

"Walang anuman binibini. Narito ako upang tuparin din ang aking misyon na makisalamuha sa mundo ng mga tao upang palakasin ang aking kakayahan." Seryosong sambit ni Wong Ming habang ipinapakita nito na tila totoo ang kaniyang sariling sinasabi.

Hindi niya man layunin na magsinungaling ngunit natitiyak niyang hindi niya ito ikasasama. Isa pa ay may kaibigan naman talaga siyang isang maharlikang Water Demon. Ayaw niya ring samain sa nasabing dalagang ito lalo pa't napakahusay din nitong gumamit ng Earth Demon Skill.

Mabuti na lamang at naisip niya ang ideyang ito kung hindi ay mahihirapan siyang labanan ang nasabing dalagang ito.

Isang pambihirang medalyon ang nasa noo nito at tanging ang malalakas na nilalang sa hanay ng mga ito ang tanging makakagamit nito.

Namana niya man ang Ice Demon Bloodline ng yumaong nilalang na iyon na osang God Level Ice Demon Existence, malayo pa ang susuungin niyang hirap para magawa ito.

Nagpahinga muna sila saglit at nag-usap. Marami siyang nalaman at nakilala niya na ang pangalan ng nasabing katawan ng dalaga, siya si Xiaodan o mas kilala bilang Earth Dawn.

Nalaman niyang mabait ito at tatlo lamang sila ang ipinadala sa lugar na ito upang makapasok sa Vermilion Sect.

Nabibilang na sila sa lahi ng tao kahit na sabihing may dugo pa rin sila ng Earth Demon. Kaibahan lamang ay nananatili pa rin ang purong dugo mula sa bloodline ng pinakamalakas na Earth Demon ang pamilyang kinabibilangan nito. Sa katunayan ay sa tribo nila, nirerespeto ang kanilang pamilya dahil sila mismo ang namumuno upang patuloy na siguraduhing maipagpapatuloy pa rin ang existence nila sa mundong ito.

Sa kasamaang palad ay siya at ang isa pang malakas na Earth Demon Practitioner lamang ang ipinadala bilang representante ng pamilya nila dahil limitado lamang ang bilang nila At ang dalawang kasamahan nito ay parehong mga Water Demon Practitioner.

Practitioner, iyon ang nababagay na itawag sa kanila lalo pa't hindi naman talaga sila purong mga Elemental Demons ngunit nasisiguro ni Wong Ming na ang lakas ng mga ito ay maikukumpara sa totoong mga Elemental Demon ng lupa maging ng tubig.

Maya-maya pa ay ipinagpatuloy na nila ang paglalakbay lalo pa't nararamdaman na ng dalaga ang mga tunog ng pagyabag ng maraming mga paang patungo sa kinaroroonan nilang lokasyon.

Hindi ito lingid sa kaalaman ni Wong Ming at nilisan na rin ang lugar na ito.

More Chapters