LightReader

Chapter 761 - Chapter 761: END OF VOLUME 14

Hindi niya maitatanggi na sa kanilang tatlo na magkakasama ay siya pa rin ang pinakamahina sa pisikal na kakayahan maging sa kakayahan na tumanggap ng atake.

Kung wala ang suporta nina Earth Dawn at Light Prime ay siguradong hindi magiging maganda ang kalagayan niya.

Isa na rin itong leksyon para sa kaniya na maging maingat.

Nang masiguro niyang stable na ang lagay ng mga ito at ligtas na sa taning ni kamatayan ay agad niyang nilisan ang lugar na pinagkublihan niya sa katawan ng mga kasamahan niya.

Hindi talaga maganda ang kutob niya sa mga nangyayari kaya mas binilisan niya ang pagbalik niya sa lugar na pinagmula nila sa sentrong bahagi kung saan naroroon ang Blood Pool.

Halos nagimbal si Wong Ming nang makita niya ilang metro sa bungad pa lamang ng lugar na ito ang nasabing kaganapan.

Nakita nito na putol ang isang paa ni Silver Ripper at sumusuka na ito ng dugo.

Habang ang siyam na natitirang black hooded na mga nilalang ay napaslang na ng tuluyan dahil sa mga nakakalat na mga iba't-ibang parte ng katawan ng mga ito.

Nakita niya pa ang mga pagmumukha ng mga nilalang na ito at nagulat siya nang makita ang mga kulubot na mga mukha ng matatandang hukluban ang mga ito.

Siguro ay ito ang kapalit ng ibayong pisikal na lakas maging ng cultivation levels ng mga ito.

Hindi malayo ito, wala rin namang silbi ang magandang mukha o ang youthness ng mga nilalang na ito na talagang ipinalit nila sa kapangyarihan.

Napansin ni Wong Ming na bigla na lamang nawalan ng hininga si Silver Ripper habang makikita ang galit sa mukha ng dalawang sugatang miyembro ng Silver Trio.

Hindi makapaniwala si Wong Ming na lumaki at lumakas ang nasabing presensya maging ang enerhiya ng misteryosong nilalang.

Napakalakas at magulo ang enerhiyang inilalabas ng katawan nito hatalang kumain ito ng forbidden pill.

Mukhang umabot na sa sukdulan ang labanang ito.

Malala na ang natamong pinsala ng dalawang buhay na Silver Trio habang ang kinakalaban nila ay unti-unti na ring nagde-decline ang nasabing epekto ng forbidden pill sa katawan nito dahil unti-unting bumalik sa dati ang pangangatawan nito habang ang nawawala na rin ang enerhiyang inilalabas ng katawan nito.

Napangiti na lamang sina Silver Champ at Silver Captain habang nagkatinginan.

Sa isang iglap ay natawid ni Silver Champ ang distansya ng nanghihinang kalaban nila at gamit ang mahabang espadang nasa kamay nito ay tinaga nito ang nasabing nilalang.

TACKKKK! TSAKKKK!!!!!

Kasabay ng pagtarak ng espada ni Silver Champ sa mismong puso ng kalaban nito ay nanlaki ang mga nito nang mapansing nakatarak din ang isang punyal sa mismong leeg nito.

Nanlaki ang mga mata nina Wong Ming at ni Silver Captain lalo na nang mapansing kritikal ang lagay ni Silver Champ.

Parehong bumulagta sa lupa ang nasabing nilalang na kalaban nila maging ang walang buhay na katawan ni Silver Champ.

Imposibleng mabuhay pa ito. Namatay na nakadilat ang mga mata ni Silver Champ.

Nakaramdam ng panganib si Wong Ming sa hindi niya malamang dahilan.

Mayroong killing aura ang bigla na lamang umalpas.

Agad na tinawid ni Wong Ming ang distansya na kinaroroonan ni Silver Captain dahil mukhang ito rin ang puntirya ng nasabing killing aura.

Nagulat pa si Silver Captain sa biglang paghagip sa kaniya ng binatang si Little Devil. Ni hindi man lang nito naramdaman ang nasabing presensya ng binata.

Nakita na lamang ni Silver Captain ang nasabing katawan niya na bumulusok paitaas habang ang nasabing binata ay bumulusok paibaba.

TSAKKKKKK!!!!

kitang-kita kung paano'ng tumusok at nabutas ang nasabing tiyan ng binatang si Wong Ming na ikinanlaki ng mga mata ni Silver Captain.

Dito niya napansin na mayroong mga mahahabang mga buhay na kadena ang pinagbubutas ang katawan ng mga napaslang na mga nilalang. Hindi nakaligtas ang katawan ng mga black hooded na mga nilalang maging ang mga kasamahan nitong sina Silver Champ, at Silver Ripper. Pati na rin ang napaslang na katawan ng misteryosong nilalang na napaslang ni Silver Champ ay hindi din nakaligtas.

Ano'ng nangyayari?! Halos gulong-gulo na ang isipan ni Silver Captain at piniling lumipad paitaas na puno ng panghihilakbot.

Hindi siya maaaring magkamali na mayroong buhay na nilalang sa loob ng bronze coffin na iyon. Gising na ang nasabing nilalang na iyon at kinokontrol nito ang mga buhay na kadenang tila naging parte na rin ng lakas nito at kakayahan.

Gaano kalakas ang nilalang na iyon? Kahit na ang kadenang nagsisilbing restrictions nito ay tuluyan ng nakontrol upang pumaslang.

Agad na pinalipad ni Silver Captain ang isang papel na nagmaterialized sa mismong kanang kamay niya at nasunog sa ere.

WOOOHHH!

Isang malakas na liwanag ang pinakawalan nito sa ere.

Sa pagkakataong ito ay tila hindi aware si Silver Captain dahil sa isang iglap lamang ay sumabog ang ulo nito.

Isang malaking kamay ng isang nilalang ang may gawa nito at makikita ang nilalang na mayroong isang mata sa noo nito na tila nanlilisik.

Ang pangyayaring ito ay lihim na nasaksihan ni Earth Dawn.

Dahil sa espesyal na katangian ng pamilya nito ay nakita nito ang pagkapaslang kay Little Devil maging ang pagsabog ng mismong ulo ng nakaligtas na adventurer na si Silver Captain.

Naging posible ito dahil sa papel na nakadikit sa iba't-ibang direksyon ng mga batuhan. Ngsyon niya lamang nagamit ito at mukhang natunugan siya ng kung sinumang nilalang na ito sa hindi malamang dahilan ni Earth Dawn.

Napalingon sa kaniyang gawi ang nasabing nilalang at sa isang kumpas ng daliri lamang ng nilalang na ito ay agad na napabalik sa reyalidad si Earth Dawn habang napasuka ito ng sariwang dugo dahil sa tindi ng balik sa kaniya ng ginawang pagsira ng nilalang na iyon sa mga papel na nagsilbing mga mata niya.

Mukhang nakuha naman ni Light Prime ang tila nahihintatakutang ekspresyon sa mukha ng dalagang si Earth Dawn.

Kitang ni Earth Dawn kung paanong malakas na nagliwanag ang scepter ni Light Prime at napansin niya ang tila pagkawala ng presensya ng natural na enerhiya sa kinaroroonan nila.

Naramdaman na lamang ni Earth Dawn ang malambot na labi ng binata sa mismong mga labi niya.

Magpupumiglas pa sana siya ngunit ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Earth Dawn nang mapansin ang presensya nang isang kakaibang nilalang sa harap nila mismo.

Ito ang mismong nilalang na nakita niyang pumaslang sa isa sa mga survivor ng Silver Trio na nagawang iligtas ni Little Devil ngunit napaslang pa rin.

Paano siya nito nahanap kaagad? Napakabilis nito at mukhang wala itong papalampasing paslangin kapag nagkataon.

Ipinikit na lamang ni Earth Dawn ang mga mata niya habang namumuo ang mga butil ng luha sa mga mata nito.

Katapusan na ba nila ni Light Prime?!

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Earth Dawn dahil hindi malabong mapaslang sila dahil walang makikitang awa sa nilalang na ilang dipa lamang ang layo sa kanila.

END OF VOLUME 14

More Chapters