LightReader

Chapter 174 - Chapter 4

Naalarma naman si Nimbus sa kaniyang naobserbahan sa mga mummified puppets dahil masyado itong nagiging mabangis habang papatagal ng papatagal. Isa lamang ang dahilan nito at nababahala siya sa kaniyang naiisip.

"Ano ba ang ginagawa mo Human Demon! Isa kang pangahas na nilalang at napakasama mo! Layunin mo talaga silang gawing mga manika mo!" sambit ni Nimbus sa nanggagalaiting boses. Hindi niya aakalaing ang bawat rune symbols nito na nakikita kanina ayon sa obserbasyon niya ay unti-unting nawawala dahil pumapasok ito sa katawan ng mga Hybrid Sect Masters.

"Hahahaha... May alam ka na pala sa aking gagawin o ginagawa. Tama ka, hindi ko man makontrol ang isipan ng mga ito ay kaya ko naman kontrolin ang katawan ng mga ito hahaha... Ako si Human Demon Chief Frant at wala kang magagawa upang pigilan ako!" nakangising sambit ni Human Demon Chief Frant na animo'y isa talaga siyang demonyong nagkatawang-tao.

"Yun ang akala mo, akala mo ay hindi kita mapapaslang pero nagkakamali ka hahaha... Kung demonyo ka mas demonyo ako sa'yo!" Nakangising sambit ni Nimbus. Agad siyang sumipol ng malakas at biglang nagkaroon ng kakaibangg pangyayari sa paligid na siyang ikinaalarma ni Human Demon Chief Frant.

"Ano'ng binabalak ng misteryosong nilalang na iyan, hindi dapat ako magpakampante!" Sambit ni Human Demon Chief Frant sa kaniyang isipan habang inoobserbahan ang paligid niya at doon ay nanlaki ang kaniyang mata sa kaniyang natuklasan.

"Nasaan ang dambuhalang alaga mong unggoy ha?! Ano ang binabalak mong gawin?!" Nababahalang sambit ni Human Demon Chief Frant habang pilit niyang magsalita ng diretso kahit na naaalarma siya sa maaaring gawin ng misteryosong nilalang.

"Ako na si Nimbus ay totoo sa aking sinasabi, kapag gusto kitang patayin ay makakaya ko yung gawin. Ngayon ay tikman mo ang bagsik ng isang Primal Golden Ape na minamaliit mo!" Sambit ni Nimbus habang mabilis nitong tiningnan ang kalangitan na siyang ipinagtaka ni Human Demon Chief Frant na agad rin nitong tiningnan at doon niya nakita ang isang dambuhalang halimaw na animo'y unggoy pero ang katawan nito ay mistulang lumubo ng grabe.

"Primal Golden Ape: Air Blast Destruction!"

Agad na nagpakawala ng isang damabuhalang enerhiyang gawa sa hangin ang bibig ng Primal Golden Ape at doon ay direkta niyang pinatama sa lokasyon ni Human Demon Chief Frant pailalim. Mabilis itong bumulusok sa ibaba na siyang ikinatakot nito.

"Ano'ng klaseng dambuhalang halimaw na ito? Bakit napakapuro ng hangin ang inilabas nito sa katawan nito? Hindi ako maaaring mamatay. Bahala na, pero ito na lamang ang last chance ko!" Sambit ni Human Demon Chief Frant dahil hindi siya tanga para hindi malaman na napapaloob sa loob ng Air Blast ang destructive properties ng hangin. Kapag natamaan siya nito ay sigurado siyang magiging abo siya.

Agad niyang dinukot ang isang kakaibang talisman sa kaniyang bulsa at doon ay makikita ang kakaibang enerhiyang nakapaloob rito.

Bago pa man siya matamaan ng nasabing atake ng Primal Golden Ape ay mabilis niya itong pinagana sa pamamagitan ng kakaibang lingguahe...

Maya-maya ay mistulang nagslow mo ang paligid at doon ay mabilis na sumabog ang Air Blast na siyang atake mismo galing sa dambuhalang Primal Golden Ape.

Mababanaag sa mukha ni Nimbus ang saya ngunit mabilis itong nagbago ng makita niyang hindi man lang nagalusan ang halimaw na Human Demon Chief na nagngangalang Frant. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niya itong kitilan ng buhay ngayon pa lamang dahil napakasama nito.

Ngunit ganon na lamang ang pagkagimbal ni Nimbus ng makita ang isang nilalang na mayroong kakaibang pakpak na walang iba kundi pakpak ng isang demonyo. Kaibahan ito sa ibang mga Hybrid dahil masyadong solido ang pakpak na ito at kakaiba ang enerhiyang tinataglay nito partikular na ang lalaking nagmamay-ari ng kakaibang pakpak na ito.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing ginamit mo pa ang cultivation copy talisman ng kalahi mong Human Demon para labanan ako. Ano ang magagawa niyang kumpara sa akin?! Wala kang binatbat dahil gawa lamang iyan sa enerhiya hahaha..." Sambit ni Nimbus ng malademonyo idagdag pang napakalalim ng kaniyang boses.

Agad namang humalakhak ng malakas si Human Demon Chief Frant sa sinabi ng misteryosong nilalang na nagngangalang Nimbus. Talagang inaakala niyang magiging madali siyang kalaban.

"Hahahahahahahaha... Ano ang tingin mo sa akin estupido? Malamang sa malamang ay ignorante ka at wala sa tamang pag-iisip. Upang insultuhin ang nilalang na nakatapak sa Martial Stardust Realm ay isa kang ignorante at talagang napaka-arogante mo. Ngayon ay malalasap mo ang lakas ng isang Martial Stardust Realm kahit na gawa lamang ito sa enerhiya. Ang pagiging arogante mo ang siyang papatay sayo na isa lamang hamak na Martial God Realm hahahaha!!!!" Sambit nito habang makikita ang malademonyong ngisi nito. Hindi siya papatalo sa isang hamak lamang na cultivator na ito. Alam niyang mananalo na siya ngayon dahil na rin sa tulong ng Cultivation Copy Talisman na meron siya. Ito ang lakas na meron ang kanilang lahing Human Demon. Papatalo ba sila sa mga insektong nilalang para hamakin ang lahi nila? Hindi nila iyon hahayaang mangyari.

"So ikaw pala ang nilalang na arogante?! Ako si Human Demon General Criouse at hindi mo nagustuhan ang inasal mo patungkol sa lahi namin. Hindi ko aakalaing isa kang mapangahas na nilalang. Bilang pambabastos mo sa lahi namin ay humingi ka ng tawad sa amin at paglingkuran mo ang lahing meron kami!" Sambit nito hindi sa tonong pakikiusap kundi sa tonong pautos. Halatang ang noble aura nito at masungit na personalidad na hindi magpapatalo at mapagmataas. Hindi nito nagustuhan ni Human Demon General Criouse ang pag-uugaling meron si Nimbus.

"Akong si Nimbus ay hindi nambabastos ng lahi bagkus nagsasabi lamang ng katotohanan na masasama ang lahi ninyo maging ang ugali niyo ay ugaling demonyo at hindi nababagay sa mundong ito. Talagang ang lakas ng loob niyong gumawa ng hakbang laban sa namumuno sa mundong ito hahaha... Masyado yata kayong nangangarap ng gising para balakin masakop. Tutal hindi naman kayo natatakot sa Central Region ay wala kayong magagawa upang maprotektahan niyo ang sarili niyo. Ang pagiging ganid niyo ang uubos sa lahi niyo!" Galit na galit na sambit ni Nimbus. Bumalik sa ala-ala niya ang lahat ng memorya niya na binalik sa kaniya. Masyadong masakit sa kaniya noon na nangamatay sa harapan ng kaniyang paningin ang kaniyang mahal sa buhay at kung paano ang mga ito inialay sa isinagawa nilang Blood Bath Ritual sa Hyno Continent. Ngayon na may lakas siya ay maghihigante siya hindi para sa nangyari noon kundi pigilan ang mga ito na mamuksang muli. Dahil sa misteryosong babaeng ibon na iyon ay nalaman nila ang lahat ng ito. Hindi niya aakalaing magbabalak naman ng paglusob ang mga Human Demon Race partikular na rito sa Pamumuno ng mga Chief at Generals nito pero alam niyang may malalakas pa rito.

"Lapastangan! Liban sa lahi naming Human Demon ay isa lamang kayong mga insektong mga nilalang lalo na ang Human Race na yan! Anong gagawin mo hahaha... Wala kang magagawa, talagang ang lakas ng loob mong kalabanin kami. Tingin mo ay may tiyansa kang manalo sa akin? o sa amin?! Hahaha inutil!" Galit na sambit ni Human Demon General Criouse habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kalaban niyang balot na balot ang katawan nito ng balabal. Wala siyang pakialam sa pangalan nito dahil una pa lamang ay ayaw niya na rito pangalawa ay nangangati na ang kamay nitong ipalasap rito ang bagsik ng kamatayang idudulot niya rito.

"Dami mong satsat laban na!" Sambit ni Nimbus na animo'y naiinip na ngunit agad siyang naalarma ng biglang nawala ang pigura nang nagngangalang Human Demon General Criouse sa pwesto nito kanina at mabilis niyang naramdaman ang paghigpit ng kaniyang leeg. Dito ay nakita niyang sinasakal siya ni Human Demon General Criouse. Habang tumatagal ng tumatagal ay humihigpit ito.

Napangisi na lamang si Nimbus at nagsalitang muli.

"Alam kong inip na inip ka na at galit na galit. Ano'ng akala mo ay mamamatay ako sa simpleng sakal mo? Hahaha... bobo!" Sambit ni Nimbus habang nagsasalita ito. Mangmang ng Human Demon General na ito na kulang na lang ay maglulupasay ito sa lupa.

Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Human Demon General Criouse nang maramdaman nito na biglang umiinit ang kaniyang kamay na animo'y napapaso habang nakalapat sa leeg ng misteryosong nilalang na nakarobang ito. Agad niyang inihagis si Nimbus sa marahas na paraan sa malayong lugar.

BOOGSHHHH!!!!!

Isang malakas na pagsabog sa kalayuan ang bigla na lamang narinig ng hindi kalayuan kung saan marahas na bumulusok at bumagsak si Nimbus. Nagkaroon ng makapal na usok na dulot ng mga pinong lupang marahas na sumabog at humalo sa hangin.

"Hindi maaari, paanong mayroon siyang holy blessing?! Hindi maaari ito!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang nagtataka.

Agad naman siyang nilapitan ni Human Demon Chief Frant habang nagsalita ito sa kaniyang likuran.

"Ano'ng nangyari Human Demon General Criouse? Bakit hindi mo siya mapaslang?!" Sambit ni Human Demon Chief Frant habang may halong pagtataka.

"Bugok! Hindi mo ba nakitang napinsala niya ko, walang silbi!" Nagpupuyos sa galit na sambit ni Human Demon General Criouse habang tinitingnan ang pinagbagsakan ng misteryosong nilalang na nagngangalang Nimbus na gustong pulbusin ng pinong-pino. Kung nakakamatay lang ang nanlilisik nitong mata ay siguradong patay na mismo si Nimbus.

Agad namang nawala ang makakapal na usok na gawa sa pinong lupa at agad na tumambad sa kanila ang nag-aayos ng balabal na si Nimbus. Labis lamang ang pagkagimbal nila na wala man lang itong dinaramdam na pinsala lalo na si Human Demon Chief Frant.

Agad naman siyang pinanlisikan ni Human Demon General Criouse dahil sa inasta nito. Agad naman itong nagsalita kay Human Demon Chief Frant.

"Estupido ka talaga, Frant! Isa kang walang silbi. Nakita mo ngang ako ang napinsala ay nagawa mo pang tingnan ako ng ganyan. Tanga-tangahan ka ba o sadyang tanga ka lamang?!" Galit na galit na wika ni Human Demon General Criouse na haaltang nagpipigil lang ibunton ang lahat ng kaniyang galit sa itinalagang chief na ito. Kung hindi lang ito pinapahalagahan ng pinuno nilang mga lahing Human Demon ay matagal niya ng pinatalsik ito. Nabubwiset na siya sa kamangmangan at katangahan nito. Konti nalang talaga at makakatikim ito sa kaniya kung bakit ba naman ngayon pa nawalan ng utak ito edi sana hindi madadagdagan ang inis niya. Isa itong malaking kahihiyan sa kaniya lalo pa't nautakan siya ng mababang nilalang na ito na insekto na gusto niyang pisain ng pinong-pino.

"Pasensya na po Human Demon General Criouse. Kinakabahan lang talaga ako sa nangyari, patawarin niyo po ako." Sambit ni Human Demon Chief Frant habang magalang na yumukod.

"Hayop ka talaga Frant, ang laki mong sakit sa ulo. Ngayon ka pa maggaganyan, di mo ba nakitang nasa labanan tayo. Kung hindi dahil sa kagustuhan ni Boss ay malamang pinatalsik na kita sa posisyon mo at humanap ng papalit sayo'ng hindi estupido at tanga buwiset!" Malakas na sambit ni Human Demon General Criouse na may kasamang inis at galit. Sino ba namang nilalang ang mas estupido pa dito. Kung bakit ba naman pinapahalagahan pa ito ng kaniyang boss at dito pa binigay ang kaniyang Cultivation Copy Talisman. Ilang daan pa naman na cultivation ang nakalagay rito na soyang ikinagalit niya dahil parang hindi ito deserving ni Human Demon Chief Frant na mapasakamay. Sino ba naman ang gustong ibigay ito sa napakatangang chief para maging alas nito sa labanan pero kahit labag man ito sa loob niya alinsunod sa kagustuhan ng kaniyang boss ay ibinigay niya ito baka kasi siya naman ang mapag-initan ng kaniyang boss at ayaw niyang balewalain ang tiwala nito na siya namang sinunod niya. Once na masugatan ang katawan niyang ito na gawa sa enerhiya partikular na rito ang kaniyang sariling cultivation ay labis ang epekto nito sa kaniyang sariling cultivation at kapag mapaslang ito ay siguradong lubos na maaapektuhan ang kaniyang pangkabuuang lakas maging ang kaniyang cultivation. Kailangan niyang lisanin ang lugar na ito upang puntahan ang kaniyang totoong katawan para makuha ang lahat ng impormasyon na meron siya. Hindi ito konektado sa isip niya kung kaya't kailangan niyang mapag-isa ito sa kaniyang totoong katawan at manumbalik ang kaniyang lakas lalo na ang kaniyang pagtaas ng Cultivation. Parai tong cheating system ngunit malaki rin ang risk lalo pa't isang porsyento hanggang sampong porsyento ang maaaring ilagay sa kaniyang cultivation copy at masasabi niyang sampong porsyento ito ng kaniyang lakas at dito pa talaga napunta kay Human Demon Chief Frant na siyang ikinanlumo o ikinakabahala niya.

More Chapters