LightReader

Chapter 219 - Chapter 49

Nagising na lamang si Veno sa isang hindi pamilyar na lugar kung saan ay wala siyang matandaan kung anumang senaryo. Ang huling natandaan niya ay nasa lugar siya kung saan nilalabanan niya ang binatang si Van Grego na nagmula sa lahi ng mga tao at nasunog niya ang kaniyang buong blood essence.

"Gising ka na pala halimaw na Mutated Giant Black Bear. Hindi ko aakalaing bibiktimahin mo ang binatang nagngangalang Van Grego hehehe..." Sambit ng isang misteryosong nilalang na nakakubli sa dilim.

Mistulang nagulat naman si Veno sa nilalang na nakakubli sa dilim. Hindi niya alam kung sino ito o kung anong klaseng nilalang ito. Hindi niya kasi maramdaman ang enerhiyang inilalabas ng katawan ng nilalang na ito o kung gumagamit ba ito ng kapangyarihan o abilidad nito upang ikubli ang sariling aura nito. Sinubukan niyang eksaminin ang misteryosong nilalang na nakakubli sa dilim.

Maya-maya pa ay nagsalitang muli ang misteryosong nilalang na siyang kaniyang ikinagulat.

"Wag mo ng subukan pa halimaw, dahil kung hindi ka kayang patayin ng binatang iyon ay kayang-kaya kitang paslangin sa paraang gusto ko. Sa kaunting panahon lamang ay mabilis kong napalakas ang aking lebel ng kapangyarihan ngunit nang dahil sa'yo ay masyado siyang mahina dahil sa pagpigil mo sa kaniyang paglalakbay papunta sa Martial Beasts Cultivators Territory. Medyo natuwa ako sa iyong ipinakitang katapangan ngunit hindi mo inaakalang malakas ang insektong binatang iyon. Tama ba ko?!" Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang na nakakubli pa rin sa dilim.

Agad namang nagulat si Veno sa kaniyang narinig. Yung tipong pinamukha talaga sa kaniya na isa siyang mahina. Yung tipong naapakan ang kaniyang dignidad kung saan ay paulit-ulit pa talagang ipinapaalala sa kaniya ito.

"Grrrrr... Akong si Veno na isang makapangyarihang nilalang ay hindi makakapayag na hindi ko mapatay ang binatang iyon. Hindi ko matatanggap na apakan at patuloy niyang tapakan ang aking dignidad. Sa oras na lumakas ako ay ako mismo ang papaslang sa kaniya. Hindi na siya dapat pang mabuhay sapagkat hangga't buhay pa siya ay mananatili siyang bara sa aking lalamunan at tinik sa aking puso. Nang dahil sa kaniya ay magkakaroon ako ng heart demon. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya napapatay sa paraang gusto ko!!!!!" Nagpupuyos sa galit na sambit ni Veno, hindi niya aakalaing darating ang araw na magkakaroon pa siya ng Heart Demon sa anyo ng binatang taong nagngangalang Van Grego. Hindi niya papayagang mabuhay pa ito ng matagal.

"Gusto mo siyang paslangin?! Nahihibang ka na ata... Maging ako ay gustong-gusto ko na siyang paslangin ngunit hindi pa pwede. Alam mong walang sinuman sa nakalaban ng binata ang nabuhay pa dahil sa paghadlang sa dinaraanan niya, lahat ay brutal niyang pinatay. Pasalamat ka at niligtas kita kaya kumalma ka muna hehehe..." Sambit ng misteryosong nilalang na nasa madilim na parte ng lugar ng kweba.

"Hmmmp! Paano ako kakalma kung nabubuhay pa ang binatang iyon. Sige nga, sabihin mo, kapag nagkaroon ako ng Heart Demons ay siguradong babagal ang bilis ng aking Cultivation at sa paraan ng aking pagcucultivate. Habang lumalaki ng lumalaki ang aking Heart Demons ay siguradong lalakas din ito. Ayokong maghintay!!!!!!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis nitong pagkamuhi at gustong agad na mapaslang ang binatang si Van Grego.

"Hahaha... Ano'ng akala mo ganon-ganon lamang ang gusto mong mangyari?! Niligtas kita upang maging kasangga kita sa paglaban sa binatang iyon. Ngunit dahil sa kapalpakan at padalos-dalos mong desisyon ay siguradong magiging mahirap na ang paghunting o pagpaslang mo sa binatang iyon. Nakakatawa ka hahahahaha!!!!" Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang sa dilim.

"Hmmp! Nagsabi ang mayroong nagawa sa binatang iyon. Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan dahil baka isunod kita sa kaniya o mas mabuting unahin kitang p--------!" Galit na sambit ni Veno ngunit naramdaman niya lamang na biglang may pumulupot sa kaniyang leeg na bagay at mahigpit itong sumasakal sa kaniyang leeg.

"Wag mo kong subukan Hangal na halimaw. Kung susunod ka sa gusto kong mangyari ay magbebenepisyo ka ng malaki pero kung susuway ka sa aking ipinag-uutos ay madali lang naman kitang mapapaslang! Ni hindi ka nagpasalamat man lang na iniligtas ko ang basurang buhay mo mula sa kamay ng binstsng iyon tapos magiging ganito ka lamang hmmp!" Sambit ng misteryosong nilalang habang makikita sa tono ng boses nito ang labis na pagkagalit kay Veno.

Mabilis nitong pinalaho ang itim na animo'y baging na pumulupot kanina sa leeg ng halimaw na si Veno.

"Upang malaman kong pumapayag ka sa aking gustong mangyari ay kainin mo ang bagay na aking ibibigay sa'yo. Hindi lamang ika'y lalakas kundi magiging pinakamalakas ka na nilalang sa mundong ito kung susunod ka lamang dahil kung hindi ay alam mo na ang mangyayari sa iyo. Isa pa ay ang Heart Demons mo ay magiging lakas mo rin hehehe..." Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang habang biglang kumutang papunta sa kinaroroonan ni Veno ang isang maliit na itim na hugis bolang bagay na ngayon lamang nito nakita sa tanang buhay niya.

"Ano ang bagay na ito?! Bakit ngayon ko lamang ito nakita? Sigurado ka ba sa iyong sinasabi?!" Sambit ni Veno habang hindi jito maipagkakailang nagdadalawang-isip siya patungkol sa bagay na ito. Malay niya bang baka nakakamatay na lason ito o kung ano pa man na magdudulot sa kaniya ng masamang epekto sa halip na gamutin siya o tulungan siyang maging napakalakas na Cultivator.

"Hangal, lung gusto kitang paslangin o lasunin ay kanina ko pa ginawa. Palagay mo ba ay pag-aaksayahan kita ng oras kung gagawin ko iyon. Ayaw mo bang lumakas edi sige babawiin ko na." Naiiritang sambit ng misteryosong nilalang habang mabilis pa nitong pinabalik sa kaniyang kinaroroonan ngunit mabilis din itong hinablot ni Veno.

"Sige na nga. Nagtitiwala ako sa iyong sinasabi. Basta kung mapapatay lamang ang binatang iyon ay gagawin ko ang lahat para sa bagay na ito." Sambit ni Veno habang makikita na determinado siyang mapaslang ang binatang nagngangalang Van Grego at upang mawala na ang Heart Demons sa kaniyang puso.

Walang tanong-tanong na nilunok niya ang itim na bagay na iyon. Noong una ay parang wala lamang ngunit maya-maya pa ay naramdaman nitong uminit ang kaniyang tiyan partikular na rito ang kaniyang dantian.

"An-ano'ng ginawa mo sa akin... Ba-bakit parang umiinit ang temperaturang aking nararamdaman?! Sambit ni Veno habang uminit ng uminit ang temperaturang kanyang nararamdaman. Tiningnan niya ng matalim ang kinaroroonan ng misteryosong nilalang.

"Wag kang mag-alala dahil hindi ka mamamatay kundi matutulog ka ng matagal. Ako ng bahala sa katawan mo Veno hehehe... Sa oras na magising ka na ay malakas ka na. Ang lahat mg bagay ay mayroong kabayaran kahit ang tulong ko hehehe..." Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang na nakakubli sa dilim.

"Hmmmp! Hindi ko aakalaing magpapagamit ako sa ibang nilalang lalo na sa katulad mo. Kung sana ay hindi na lamang ako pumayag hmmmp!" Galit na sambit ni Veno habang makikitang nagpipigil lamang ito.

"Noong una pa lamang ay wala ka ng pagpipilian pa at ako lamang ang makakatulong sa iyo. Muntik ka ng mapaslang ng binatang tao na iyon kaya magpasalamat ka na lamang at tinulungan kita hmmmp!" Sambit ng misteryosong nilalang na nasa dilim pa rin. Sa totoo niyan ay mapipinsala nilang pareho ng binatang si Van Grego at ni Veno ang isa't-isa ngunit hindi nila mapapatay o mapapaslang ang isa't-isa sapagkat ang lebel ni Van Grego na 1-Star Martial Ancestor Realm ay maihahalintulad sa talentadong 6-Star Martial Ancestor Realm Expert. Mahihirapan na siyang labanan ito lalo pa't si Veno ay mistulang nagkaroon ng fortitious encounter sa Saint Beast na Blue Luan kung kaya't kahit ano'ng gawin ng binatang si Van Grego ay hindi nito mapapaslang ang halimaw na si Veno sa kasalukuyan nitong lakas.

"Hmmp! Hindi ko sinabing iligtas mo ako. Wala akong alam kung ano ang pinaplano mo pero wag ma wag mong ilagay sa kapahamakan ang buhay ko sa plano mong ito!" Sambit ni Veno habang makikita ang sobrang pagkabahala sa sarili niyang buhay. Gusto niya pang lumakas pa ng lumakas hanggang sa ipakita na may ibubuga rin siya.

"Hmmm... Hindi naman ikaw ang pangunahin kong alas laban sa binatang iyon kaya wag kang mag-alala. Isa pa ay ang Cultivation Level mo ay napakahina para pasakitan ang binatang iyon. Mayroon akong inihandang pasabog sa kaniya at sa mga rehiyon ng mundong ito. Siyanga pala, ang aking ipinalunok sa iyo ay tinatawag na Darkness Fruit of Will. Ang iyong Heart Demon ay mas lumalaki at lumalakas na siyang nagpapalakas sa iyo ng higit pa sa inaasahan mo pero once na nagtraydor ka sa aking pamamahala ay ihanda mo ang iyong sarili sa kamatayan!" Sambit ng misteryosong nilalang na mahihimigan mo ang pagbabanta at pagpapaalala.

"Nakakamangha pala ang prutas na ito. Ngunit paano mo naman malalaman kung sakaling magtraydor ang sinuman habang nalunok niya na at pumunta sa kanyang dantian ang nasabing prutas?!" Sambit ni Veno habang labis na nagtataka.

"Ako ang pinagmulan ng Darkness Fruit of Will kaya malalaman at malalaman ko kung sino ang magtatraydor sa akin. Isa pa ay kayang-kaya kong patayin ang sinumang lumunok ng Darkness Fruit of Will anumang oras ko gugustuhin sa pamamagitan ng pagself-destruct ko ng prutas sa loob ng Cultivator kasama ang katawan nito, mamamatay ang sinuman rito. Kusang magrereact ang nasabing prutas sa iyong loob at isusuka mo ito kapag hindi ka na willing magpaalipin sa akin. Yun nga lang ay hindi ka na lalakas kagaya ng nasa loob mo pa ito. Simula ngayon y tawagin mo akong Lord, Lord Valc. Ipinapangako kong papatayin ko ang binatang nagngangalang Van Grego. Isa lang sa amin ang maaaring makaligtas sa labanan sa pagitan naming dalawa. " Sambit ng misteryosong nilalang habang makikita ang banta sa boses nito at sagad sa butong galit nito habang sinasabi ang pangalan ng binatang si Van Grego.

"Pareho tayo ng layunin kaya nagtitiwala ako sayong lubos Lord Valc. Wag mo sanang biguin ang iyong alipin. Maglilingkod at paglilingkuran kita ng buong puso hanggang sa mapaslang na natin ang pesteng binatang iyon!" Magalang na sambit ni Veno habang biglang yumuko ito. Sagad din sa buto ang galit niya sa binatang nagngangalang si Van Grego at gagawin niya ang lahat para mawala na sa landas at sa mundong ito ang binatang iyon anumang halaga o paraan ay gagawin niya hanggang sa mawala na ang Heart Demons na unti-unting namumuo sa kaniyang puso't isipan.

"Wag kang mag-alala, sa oras na magkaharap kami ay siguradong paghahandaan ko ang aming pagtutuos. Layunin kong ako mismo ang kikitil ng buhay ng pesteng binatang iyon dahil sa aming dalawa ay ako langang dapat at karapat-dapat na mabuhay. Isa lamang siyang mahina at lampang Martial Artists na mahirap patayin dahil sa nakakahiya nitong taktika sa isang sitwasyon. Umaasa lamang siya sa mga phenomenang nagliligtas sa kaniyang buhay. Hindi pa oras ngayon, sisiguraduhin kong pag-lisan ko sa lugar na ito at sa oras ng pagbabalik ko sa paglalakbay sa iba't-ibang rehiyon ay handa na ang lahat. Papaslangin ko ang lahat ng mahalaga sa kaniya maging ang mga bagay na nagpapasaya sa kaniya. Ang layunin niyang baguhin ang mundong ito ay hindi ko papayagang mangyari!" Sambit ng misteryosong nilalang habang makikita ang sobrang galit nito sa binatang si Van Grego.

Mistulang nagulat naman si Veno sa kaniyang narinig mula sa misteryosong nilalang na si Valc o Lord Valc.

More Chapters