Sa oras na mawala kasi ang mga bakas nito ay siguradong hindi magdadalawang isip na puntahan at agawin ito ng isa sa nakapaligid na halimaw kung saan magpapaligsahan ang mga ito sa pamamagitan ng paglalaban-laban ng mga ito. Ang natirang nakatayo at maituturing na pinakamalakas ang siyang magmamay-ari ng teritoryong ito at mas magiging malawak ang hawak nitong lugar. Isa itong maituturing na oportunidad para sa mga Martial Beasts. Ang pangyayaring ito ay parang katulad sa maliit na Hyno Continent na binalak na sakupin ng mga napakaraming pwersa. Nagpapasalamat si Van Grego dahil hindi nakisali ang Three Great Continents. Mabuti na lamang at itinuring lamang nilang maliit na pirasong chess piece ang kontinenteng kaniyang kinalakihan na siyang ipinagpapasalamat niya. Hindi rin kasi kapani-paniwala na pag-iinteresan ito ng sinuman. Nagpanggap at nagtipon-tipon lamang ang mga Rogue Cultivators at mga maliit na asosasyon upanv galugarin ang Hyno Continent ngunit nabigo lamang sila. Hindi nila alam na nandoon nagre-recupate ang dalawang malalakas na nilalang na sina Alfero na isang Blue Fire Martial Spirit at Binibining Mystica na isang uri ng malakas na Royal Blood Serpent. Wala na siyang balita sa mga ito. Kapag nakalabas siya rito ay bibisita siyang muli sa Hyno Continent na siyang kinamulatan niyang lugar na pinagmulan niyang alam niyang hindi siya talaga nabibilang.
Agad na napabalik si Van Grego sa reyalidad ng makitang lumalakas ng lumalakas ang vibration ng kaniyang Ice Fire Cauldron habang makikitang napapasailim sa napaka-kakaibang pagbabago sa kaniyang ginagawang Ancient Martial Pill.
Dito ay nakita ni Van Grego kung paanong mabilis na tumipon ang nag-iitimang mga ulap sa itaas ng Kalangitang kapantay lamang ng kaniyang sariling lokasyon. Tunay na nakakapangilabot ang ganitong senaryo.
"Hmmp! Hindi ako papatalo sa simpleng Heavenly Dao Tribulation na ito. Hinding-hindi!" Sambit ni Van Grego while he gritted his teeth. The expression he has now really says so much wherein you can really tell that he is very serious when he says earlier that he will think of it as a do or die.
Tzzzz.... TzzzZZZZZZZZ... BZZZZZZ.....
Maya-maya pa ay bigla na lamang umangat sa ere ang nasabing Olfactory Pill o Wolf Pill na kung saan ay nag-uundergo ito sa kakaibang pangyayari.
Unti-unting nabalutan ito ng kakaibang liwanag na siya ring mas nagpabilis ng pagtitipon ng nag-iitimang mga ulat at nayroon nang namumuong mga boltahe ng kidlat sa nasabing ulap.
"Talagang hindi talaga paaawat ang Ancient Martial Pill na ito. Mas ipinakita pa nito ang sarili mula sa mata ng kalangitan. Hindi ko aakalaing ang miracle pill na ginamit ko ay mas mirakulo talagang hindi dapat ginagamit ng basta, tsk!" Sambit ni Van Grego habang may bagabag sa mukha nito at may pait sa tono ng pananalita nito.
Agad na lumitaw sa kamay ni Van Grego ang isang kakaibang talisman. Isa ito sa Ancient Talisman na nakita niya noon sa Hyno Continent. Noong una ay akala niya ay isa lamang ito ordinaryong papel na maaari niyang paglaruan lamang o gawing eroplanong papel. Masyadong bata pa noon si Van Grego kung saan ay laruan lamang ang tingin niya rito at walang kaalam-alam na isa itong uri ng pambihirang talisman.kung sakaling itinapon niya ito ay siguradong malaki ang panghihinayang niya.
"Wala man akong Thunder Technique o mga Skills ay mayroon naman akong Thunder Attribute Talisman!" Sambit ni Van Grego habang nakangiti.
Agad na nag-insert ng essence energy ang binatang si Van Grego sa loob ng nasabing Thunder Attribute Talisman.
"Ancient Thunder Absorbing Shield!" Sambit ni Van Grego nang bigla niyang ibinato sa himpapawid ang talisman.
Lumipad naman ang nasabing talisman at sumabog sa ere. Kaibahan sa ibang talisman ito sapagkat ngayon ay nakita na tunay na gamit at itsura nito.
Nagkaroon ng pagbuo ng malaking arc na animo'y isang glass ang uluhan ng bahagi ng binatang si Van Grego. Mistulang napakaking pabilog na payong ito kung saan ay mistulang nakalutang o naka-stranded lamang ito sa ere.
"Kamangha-mangha, sa tingin ko ay talagang mahihirapan akong gawin ang Talisman na ito. Mababa lamang ang aking kakayahan sa aking propesyon bilang isang Rune Master. Ang lebel ng understanding ko at mga abilidad sa paggawa ng mga talisman ay napakaliit lamang. Kung alam lang nila na hindi isang Formation Master ang gumagawa ng Talisman kundi isang Rune Master ay siguradong magugulat sila na ang propesyong ito ay nag-eexist ngunit napakalakas kumpara sa mga Array Formation Master, Formation Master, Formation System Master. Makakagawa man ang alinman sa mga propesyong nabanggit ay wala sila sa specialization ng Rune Master." Sambit ni Van Grego habang namamangha pa rin sa ganitong klaseng propesyon. Ito kasi ang main branch ng iba't ibang propesyon na may kinalaman sa Rune Symbols ngunit bilang lamang sa kamay niya ang nakakaalam nito sa maliit na mundong ito. Kung sino man iyon ay hindi niya alam pero hinihinala niya na ang manunulat ng librong kaniyang binasa ay isang Rune Master. Kapag nakatungtong ka ng Level 5 Grandmster sa sub-branch ng Rune Master ay maaari ka ng sumubok matuto ng Basic Rune Symbols upang tumahak sa pagiging Rune Master ngunit ang propesyong ito ay hindi para sa lahat. Maging ang binatang si Van Grego ay hindi sigurado kung makakaya niya kayang makamit ang inaasam nitong propesyon bilang isang ganap na Rune Master sa hinaharap.
Nagulat na lamang si Van Grego ng unting-unting nakita niya ang nakalutang na Pill sa ere. Nakakamangha at napakaganda ng Ancient Martial Pill na Olfactory Pill o Wolf Pill. Hindi lamang iyon ngunit mas nakakaagaw pansin ang napakabangong amoy nito na siyang nagkakaroon ng kakaibang atraksyon sa nasabing Ancient Martial Pill na ito.
Ngunit kasabay ng pagkamangha ni Van Grego ay siyang walang pasabing pagkidlat ng malakas na siyang gumuhit sa ere papunta sa kalupaang kinaroroonan ni Van Grego.
BANG!!!
Mistulang nakakabinging paglagapak at pagtama ng isang napakalaking boltahe ng kuryente ang biglang lumiwanag ng lokasyon ng binata.
Tanging tunog lamang ang narinig ng binata at ang madaliang pag-apoy ng pagtama ng kidlat sa panaggang talisman na tinatawag na Ancient Thunder Absorbing Shield.
"Hindi ko aakalaing napakarahas ng Heavenly Dao Tribulation ngayon kumpara noong nakaraan. Wala itong senyales kung kailan ito tatama. Masyadong brutal ata itong Tribulation na ito ngayon. Sambit ni Van Grego.
Bigla na lamang nagsalita ang book artifact na nakalutang lamang sa ere malapit mismo sa binatang si Van Grego.
"Scanning... Analyzing... Data Completed... Base on the data gathered in the Pill. It is 97% Close to Perfection Pill. The Heavenly Dao Tribulation will be strike non-stop to the fullest in 10 minutes. The Ancient Thunder Absorbing Shield will only last for 7 minutes. For remaining 3 minutes, Heavenly Dao Tribulation will surge and attack aggressively to destroy the Olfactory Pill." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice lamang nito.
Hinayaan lamang nito ang Book Artifact na mag-analyze ng mga datas. Hindi niya aakalaing parehas lamang sila ng estimations ng nasabing Book Artifact. Kung paano nito na-estimate ang bagay na ito ay isang palaisipan sa binatang si Van Grego.
"Tunay na kamangha-mangha ang Book Artifact na ito. Hindi ko aakalaing mayroong kakayahan ang Book Artifact na ito na suriin ang Ancient Talisman na ito at alam nito ang pangalan ng Ancient Martial Pill na ito na Olfactory Pill." Namamanghang sambit ng binatang si Van Grego habang tinitingnan ang nasabing nakalutang na libro. Kahit wala itong consciousness ay mayroon naman itong nakatagong kaalaman mula sa dating Stardust Envoy Silent Walker noon. Kung ganon ay pamilyar pala sa dating Stardust Envoy ang mga Ancient Talisman at ang mga Ancient Martial Pill.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!
Hindi nga nagkamali ng tantiya ang binatang si Van Grego at nagmistulang hindi mabilang na nakapangingilabot at nalalakasang mga tunog ng pagtama ng mga kidlat sa Ancient Talisman na panaggang ginamit niya sa kasalukuyan. Halos walang humpay sa nag-aatikabong pag-atake ang kalangitan upang puksain ang nakalutang sa ere na Olfactory Pill o Wolf Pill.
Mistulang huminto naman ang pagkidlat o ang pagtama ng kidlat sa nasabing Ancient Thunder Absorbing Shield kung saan ay nagkaroon ng pagkalma ni Van Grego ngunit maya-maya naman ay nagulat naman ito ng bigla na lamang kumidlat nang napakalakas kung saan ay mas malalakas ang mga ito at mas dumoble pa ang dami ng pagkidlat at pagtama nito sa Ancient Thunder Absorbing Shield.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!
"Grabe namang kidlat na ito. Hindi ba ito titigil sa panggugulat sa akin. Nakakainis na ha! Kung magpapatuloy ito ay malamang sa kalagitnaan palang ng anim na minuto ay siguradong mababasag ng tuluyan ang Ancient Talisman kong ito huhu..." Sambit ni Van Grego habang mistulang nalungkot pa ito. Ang pambihirang Ancient Talisman na ito ay sobrang napakatigas ng depensa nito.
Anim na minuto na ang nakalilipas nang walang tigil pa rin sa pagkidlat ng malakas ang kalangitan sa kinaroroonan ni Van Grego. Mistulang hindi talaga hahayaan ng kalangitan na hayaan na lamang ng basta-basta ang pambihirang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill na makaligtas sa nasabing Heavenly Dao Tribulation nito. Ang pag-exist ng isang Perfection o Close to Perfection na mga bagay o nilalang ay siguradong pupuksain ng Heavenly Dao Tribulation sa pamamagitan ng mga bayolenteng kidlat kaya ang pangyayaring ito ay medyo panibagong karanasan naman ng binata. Ngayon lamang siya nakaramdam ng malakas na Heavenly Dao Tribulation sa kasalukuyan.
Mas malala ang nangyari sa kaniya noon kung saan ay napakahina niya lamang pero ngayong may lakas o kakayahan na siyang protektahan ang kaniyang sarili ay gagawin niya ang lahat para makaligtas sa kalbaryong dala ng kalangitan na ito
Ngunit nagulat si Van Grego nang marinig nitong muling nagsalita ang Book Artifact.
"Warning! Warning! Ancient Martial Pill will getting consciousness. The Heavenly Dao Tribulation is now triggering it's final blows!" Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito. Mistulang nasagap nito ang pagbabago sa atake nito.
Nangilabot naman ang binatang si Van Grego sa kaniyang narinig. Mistulang dumadagundong naman na parsng tmabol ang kaniyang puso.
"Triggering?! Hindi pa ba sapat yung mga atake niya kanina?! Aba aba, gusto talagang puksain ng kalangitan ang last chance ko upang makaligtas at makapagpalakas sa lugar na ito. Talagang ganon ba ko kamalas ha?!" Sambit ni Van Grego habang hindi nito mapigilang malungkot. Tila pakiramdam niya ay hindi umayon ang tadhana sa kaniyang sariling kagustuhan. May potensyal man siyang martial artists lalo na ang kasulukang Ancient Martial Pill na mayroon siya pero sa mata ng Kalangitan ay gugustuhing puksain ito kaysa makabenepisyo pa siya rito.
Agad na pinawala niya ang ganitong negatibong kaisipan at nag-isip ng malalim ang binatang si Van Grego kung paano niya masusulusyunan ang malaking suliraning kinakahrap niya. Isa mang hamak kung tutuusin si Van Grego ngunit hindi nito basta-basta isusuko ang mga bagay na mahalaga sa kaniya.
"Kung gusto talagang puksain ng Heavenly Dao Tribulation ang aking ginawang Ancient Martial Pill ay hindi ko ito hahayaan. Dadaan muna siya sa akin bago niya mapuksa ang huling bagay na magbibigay pag-asa sa aking magpalakas sa lugar na ito. It's now or never!!!!!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.
