Sa totoo lang, nagtataka talaga ako kong bakit ganun na lang ang concern ni Sky at ng gang niya kay Rain. Although I can and I have the ability to find out what's going on, I don't want to pry. Add the fact that I'm just not interested in doing so.
Oh Yes!! Kilala ko na siya by name and another yes, for I saw all of what happened. Thus, honestly, I want to wreck the neck of the asshole who slapped Rain.
AGAIN!!
I DON'T KNOW WHY!!!!!
Kasama ko tong mga kolokoy, including Sky, na pumunta sa canteen bago ang incidente. There, we watch the scene. When we saw that the guy punch Rain, agad na pumunta doon si Sky. The rest you already know what happened.
Hindi lang ako ang nabigla at nagtataka kung bakit ganun ang ikinilos ni Sky at ng gang niya kundi pati na rin ang mga kasama ko.
Soon!!!!!
Malalaman ko din kong bakit. Kasi wala namang lihim na hindi nabubunyag.
****************************************************************************************************
Binilhan ako nila Kuya Sky ng kapalit ng mga nasayang na mga pagkain ko ng dahil sa mga hinayupak na yon. Lalo kong kinatuwa ng binili nila ang lahat ng gusto ko. Wala silang reklamo kaya naman ay dinagdagan ko ang mga kinuha ko bakit ba.
Buti naman, kasi talagang gutom na gutom na talaga ako. Kapag ganito pa naman ako ay nagiging grumpy at moody ay talagang suntukan o pagkain ang tanging nakakapagpa kalma sa akin. Alam yan nina Capricorn.
‘Capricorn’ sambit ko bigla kasi miss ko na talaga sila.
Nawala lang sila sa isip ko ng hilahin na naman ako ni Kuya Sky papunta sa nagbebenta ng drinks. Lumawak tuloy ang ngiti ko. Iniisip ko na agad kong ano ang pipiliin ko kasi nakita ko na ang kanilang menu kanina. Pero yun lang, di ako nakabili kasi mas inuna ko yung buko juice. Fresh na fresh kasi dahil kung may bibili lang sa kanila, saka nila bi-biyakin ang prutas at kukunin ang katas non.
Oo na! Matakaw na kong matakaw eh ano na man? I SO LOVE FOOD VERY MUCH. I can't live without it. Ganito na talaga ako. Noon pa. Anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng palitan yun di ba ? Edi kong baguhin ko ang sarili ko ay hindi na ako toh?
Right?
Right?
At isa pa, kong wala mang magkaka-gusto sa akin ng dahil sa katakawakan ko at ma tu-turn-off sila dahil doon, bahala sila. I don't give a damn. Uulitin ko, hindi ko kailangang baguhin ang aking sarili ng dahil lang sa kanila. Wala silang maging pake kung ano ako, sino at ano ang ginagawa ko. I just want to be my self without any restriction.
Anyway, balik tayo sa kasalukuyan. Ang lahat ng mga tao dito sa canteen, alam ko pawang mga nagtataka sa nangyari. Lalo na at hindi ako linubayan ng mga to pagkatapos ang nangyari.
I know too, that, lahat sila ay nagseselos, especially those girls. Oo na, ako na ang mayabang , pero kasi, I know that my brother and his gang, the other members of Steel, were among the most sought after bachelors here in this school. Hindi lang dito, kundi pati na rin sa labas.
Ang kaso lang, hindi ko man pansinin, naiilang talaga ako. Kasi naman, sobra sila kong nakatitig eh! Lalong-lalo na ang mga babae. Maka-titig sa akin WAGAS! Tapos puro matatalim pa, parang kunti na lang bigla na lang akong mamatay at babagsak na lang sa talim ng tingin eh noh.
Pero siguro na din, they were questioning why they did that, and yun na nga, partly because of envy and jealousy na rin. Ikaw ba na man kasi ang ipagtanggol ng gwapong mga lalaki. Ilan sa mga idolo ng mga to. San ka pa? One more thing. I'm just a nerd. Well, partly, because I was disguised to.
Pagkatapos naming puntahan lahat ang mga stall at naka-pili ng mga gusto ko. Humanap na kami ng u-upuan. Grabe, sandamakmak yata ang binili namin kasi bumili din kami ng mga pagkain din nila. Natuto na siguro sila na ang mga inorder ko lang ay para lang talaga sa akin at hindi sila kasama doon.
Nong nakapili na kami ng mau-upuan ng wala man lang ka re-a-re-action dahil nga sa mga attention na binibigay ng mga tao dito sa amin. Pinaupo nila ako sa gitna nila. Ako naman na sunod sunuran. Shempre, sinunod ko sila. Ang isip ko ay sa mga darating na pagkain.
Nang dumating na ang aming order, agad na akong kumain pagkatapos kong sabihan sila na kumain na din.
Wala akong kaide-ideya na nakita pala ni Mr. Demigod ang nangyari.