LightReader

Chapter 86 - Chapter 84: Struggles...

[Holy shit! Gan&Mo.]

[Naaamoy ko na 'yung galit ni Boss.]

[After 3 years. Makakakita nanaman tayo ng Gan&Mo ni Boss.]

[Anong Gan&Mo ni Boss? Edit 'yun.]

[Wait, p'wedeng paki-explain. Bakit galit si Boss?] [+1]

[+2..+3..+ID numbers..]

[Dahil 'to sa video na in-edit diba? 3 years ago?]

[Yes, kung sino man 'yung taong 'yun huwag na siyang magpapakita. Tingnan niyo ang itsura ni Boss oh.]

[Sinusubukan niya 'yung skills ni Gan&Mo, wala talaga siyang ideya kung paano gamitin ang hero na 'to.]

[Trash! Ito ba 'yung trash talker na ang galing mang-trash talk ng mga pro players pero hindi kayang gamitin si Gan&Mo?]

[LMAO! Kahit kapatid ko na 6 years old kayang kaya gamitin si Gan&Mo.]

[What a trash pro player!]

[Boss must leave FTT! Top1BestNoobOfTheYear.#FTT.Boss]

[Kahit kailan talaga walang kwenta 'yung mga mid laner ng FTT. May nagpapabayad, may trash talker na sa bibig lang magaling. Tsaka tingnan niyo, wala rin si Coach Dang. Si Lan lang talaga 'yung magaling na mid laner.]

[Sinasabi mong magaling si Lan? Siya nga nag-utos kay Boss na gamitin si Gan&Mo tapos magaling? I think napaka-unreasonable niya.]

[Hindi sa hindi kayang gamitin ni Boss ang hero na 'to, sad'yang ayaw niya lang gamitin.]

[May pro player ba na nagpipili lang ng hero, anong tingin niya sa sarili niya Coach? Mas magaling pa siya sa Coach?]

[Nagmamarunong kasi. Tsk! Game 2 niya palang 'to sa professional arena ah, ang yabang pa nung opening match tapos hindi pala marunong mag-Gan&Mo.]

[Shut up, trash! Just watch and wait!]

Sa match area ng FTT, makikitang seryuso si Jacian habang nakatingin sa screen ng gaming phone. Ini-drag niya ang icon para pagalawin ang hero, ginamit niya ang skill 2 at skill 3 ni Gan&Mo kanina at napagtantong meron itong 2 seconds cooldown. Mabilis lang ang cooldown ng skills nito at malayo ang range ngunit ang hirap maghanap ng magandang posisyon. Kailangan pang dumestansya sa enemies para tamaan ito ng skills. Hindi tiningnan ni Jacian ang kanyang teammates sa mapa at pumunta sa mid lane para simulang mag-clear ng minions. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay mag-playsafe para hindi niya ma-drag mababa ang kanyang teammates.

Ngunit habang naglilinis siya sa mid lane, bigla na lamang sumulpot ang jungler, mid laner at support ng EXTRA, dumikit pa ito sa hero niya para gamitan siya ng skills combo. Ito ang mahirap sa isang Gan&Mo, wala siyang crowd control at mahirap mag-counterattack kapag dinikitan ng assassins hero, level 1 palang siya at hindi niya pa magamit ang kanyang movement na merong knockback effects, napilitan siyang gumamit ng flash pabalik sa tower at nagawa niya namang mabuhay gamit ang isang guhit na HP, ngunit...

First blood!

Ginamit ng mid laner ng EXTRA ang flash para habulin siya at gamitan ng skill 1. Hindi inaasahan ang ginawa ng mid laner ng EXTRA, sobrang halaga ng common skill sa isang hero lalo na kung flash ang kailangan ng hero, ginagamit lang ito kapag may teamfight na kailangang tumakas o di kaya'y kapag may nang-gank. Tinatabi ito dahil sobrang tagal ng cooldown, halos 2 minutes bago nanaman ito uli magamit kaya hindi p'wedeng sayangin. Ngunit sa 1 minute mark ng match, ginamit ng mid laner ng EXTRA ang kanyang flash para lang habulin si Boss. Sa katunayan hindi naman importante na mapatay nila ang isa't isa kapag level 1 palang dahil ang mas priority ay linisin ang minions at itaboy ang enemies ngunit hindi iyon sa puntong kailangan nilang patayin ang isa't isa. Sa ginawa ng mid laner ng EXTRA halatang desidido talaga nitong patayin si Boss, dahil kung hindi bakit naman nito sasayangin ang common skill?

Commentator Zia: "This.." Napatingin siya kay Commentator Waver. "..ang aga ng first blood ni Boss." Hindi makapaniwalang saad niya.

Commentator Waver: "Walang laban si Boss, kasi 1v3 sa mid lane oh tapos ginamitan pa siya ng smite ng jungler tapos ginamit pa ng mid laner ng EXTRA 'yung flash para habulin siya. Wala talaga siyang takas."

Commentator Zia: "Mukhang si Boss ang tinatarget nila ngayon ah, malaking kawalan para sa FTT ang early game dahil nakuha ng EXTRA ang first blood. Tandaan niyo ah, may extra gold ang first blood kaya mahalaga talaga 'yan." Ani Commentator Zia habang nakatingin sa camera, ngunit mabilis din nitong nilinga si Commentator Waver. "..Pero level 1 palang ah...very unusual."

Sa kabilang banda, nang mag-popped up ang first blood sa screen bahagyang nagulat si Lucky. Ginamit niya ang skill 2 para kunin ang roster sa gilid.

"Hindi ka talaga marunong mag Gan&Mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucky. Alam niya kung gaano kalalim ang hero pool ni Jacian ngunit hindi siya makapaniwalang hindi nito kayang gamitin si Gan&Mo. Nagulat siya nang makitang si Jacian ang first blood, hindi ito nangyari sa mga naging practice match nila dahil minsan nga wala pang deaths si Jacian ngunit ngayon..

Hindi nagsalita si Jacian, deritso lang siyang nakatingin sa screen na merong death recap. Pinagtulungan siya kanina sa puntong naranasan niya 'yung tinatawag nilang VIP treatment, nagamit pa ang flash at smite para lang patayin siya. Sa ginawa ng EXTRA hindi man lang sila nanghinayang na mawala ang kanilang mga common skill at animo'y sigurado talaga silang mapapatay nila si Boss, mukhang alam ng EXTRA na hindi siya marunong gumamit ng Gan&Mo kaya nag-take advantage na sila sa early game. Alam ni Jacian na siya ang target kaya kailangan niyang mag-ingat. Tiningnan niya ang gold at nakitang 200 gold lang naman ang lamang ng kalaban, madali lang itong habulin kung magiging stable siya.

Hindi na siya nag-isip ng kung ano at kalmadong dinrag ang icon pabalik sa mid lane. Magkasalubong ang kanyang kilay habang nag-lilinis ng minions, malayo ang range ng skills ni Gan&Mo kaya nagagawa niyang umiwas sa damage ng enemy mid laner at nagawa pang mag-poke.

Tahimik ang noise-cancelling headphones ng FTT simula nang ma-first blood si Jacian at tanging paghinga at maliliit na sounds lang ang maririnig. Kalmado rin si Jacian at nagsimulang i-drag ang kanyang hero pabalik sa tower para pindutin ang na-unlock niyang skill. Pinindot niya iyon hindi para gamitin, pinindot niya ng matagal para basahin ang description. Hindi niya pa nagagamit si Gan&Mo at hindi niya rin alam ang damage at effects ng skills nito kaya binasa niya ang skills description para maintindihan ang ability ng hero.

Nang mapanood ng mga viewers ang Pov ni Boss, hindi nila maiwasan ang hindi malungkot, lalo na 'yung mga lolo ni Boss. Hindi pa nila nakita na nasa mesirableng sitwasyon ang kanilang apo. Parang hindi na sila nanonood ng match, parang nanonood na sila ng live tutorial. Nakita nilang mano-mano nitong binabasa ang skills description at sinusubukan ang skills, inaalam nito kung ano ang skills combo ni Gan&Mo.

[Fuck! Naiiyak na ako para sa apo ko!]

[Hindi ba parang unfair naman 'yung treatment? Nakuha ni Lucky 'yung signature hero niya, nakuha ni Gem 'yung signature hero niya, hawak nila 'yung mga hero kung saan sila magaling tapos si Boss pinagamit ng hero na hindi niya pa nagagamit?]

[I'm telling you guys, hindi ko pa nakita si Boss na nasa ganitong sitwasyon.]

[Kung ako sa posisyon ni Boss, naiyak na ako. Hindi niya alam kung paano gamitin ang hero na 'yan tapos pinagamit sa kanya sa harap ng libo-libong viewers? Wala na siyang dignidad.]

[Wala man lang assist sa kanya sa mid lane kanina.]

[Hindi niyo napansin kanina guys pero nagulat si Boss nung nagsalita si Lan kanina sa hero picking. Nawala 'yung likod niya sa sandalan kanina eh, siguro nagulat talaga siya.]

[Ang galing sana ni Boss sa assassin hero, ibang iba 'yung gameplay niya sa Shangguan nung opening match. Sayang.]

[Hintayin niyong gamitin ni Boss ang assassin mage niya. Sasakit talaga ang mukha ng mga haters sa faceslap!]

Nang dumalaw ang jungler at mid laner ng EXTRA sa mid lane nasa kalagitnaan si Jacian ng pagbabasa ng skills description, nakapag-counterattack siya at napatay ang jungler ngunit kulang ang damage niya para ma-execute ang mid laner, ginamit ng mid laner ang kanyang ultimate para mag-recover kaya hindi tumama ang damage niya, ginamitan siya ng crowd control ngunit ginamit niya ang kanyang knockback para hindi maabot ngunit masyadong malagkit ang mid laner ng EXTRA at hinabol parin siya nito.

You have been slain!

Sa Pov ni Boss, nang mag-popped up ang death recap, pumunta siya sa shop para i-check ang mga builds. Hindi na siya naghintay ng ilang segundo para titigan ang kanyang hero na nakahiga sa damuhan, para bang hindi na mahalaga kung mamatay siya dahil ang mas mahalaga ay aralin ang builds. Parang nakikita nila na hiniling nalang din ni Boss na mamatay para i-check ang mga items na p'wede niyang gamitin kay Gan&Mo.

[Fuck!]

[Ngayon ko lang nakita na durog si Boss.]

[Holy shit! Hindi ko kayang i-adjust ang mental state ko ng ganyan.]

[Sa match palang sobrang laking pressure na tapos iisipin mo pang sesermonan ka ng coach pagbalik sa base. Sobrang nakakakaba 'yan.]

[Nanginig na siguro ang kamay ko kung ako 'yan.]

[Huwag kayong mag-alala guys, mukhang alam na rin ni Boss ang skills at damage ni Gan&Mo.]

[Dumb streamer! Ako na lolo mo dito halos umabot na sa 190 ang heart rate sa sobrang kaba pero sa'yo 52?!!]

[???]

Viewers: [..........]

Audience: "......."

Nag-popped ang heart rate ng mga players sa tabi ng kanilang hero at natuon doon ang kanilang atensyon.

[Holy shit! Sobrang baba ng heart rate ni Boss!]

[AKALA KO BA NAMAN KINAKABAHAN NA SIYA!!]

Commentator Zia: "..Oh? Wow! Tingnan mo 'yung heart rate ni Boss, 52...51...50.."

Commentator Waver: "..baka maging 49 'to."

Commentator Zia: "Matapos mamatay ng dalawang beses naging 50 'yung heart rate, hindi kaya namatay narin pati puso ni Boss? Haha." Tumawa ang dalawang commentators.

Commentator Waver: "..wait bumababa parin...49..48.." Na-shock si Commentator Waver, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Commentator Zia: "Na-break niya 'yung record si Just!" Gulat na saad ni Commentator Zia at nilinga ang heart rate ni Just ngunit, "Wait, 'yung heart rate ni Just.......... Tama ba 'tong nakikita natin? 140 ang heart rate ni Just..."

Commentator Waver: "..."

Sa 4 minute mark ng match, nakuha ng EXTRA ang tyrant. Apat na beses nang namatay si Jacian dahil kahit saan siya pumunta laging naka-abang sa kanya ang players ng EXTRA. Literal na target lock. Mariin siyang napapikit nang makitang dumilim nanaman ang kanyang screen, maling item ang nabenta niya at huli na para bilhin ang 'resurrection on the spot' huli narin nang mag-assist si Just dahil kasalukuyan nitong kinukuha ang overlord kanina.

Tiningnan ni Jacian ng ilang segundo ang screen bago niya kinuha ang bottled water sa gilid atsaka uminom ng dalawang beses. Alam ni Jacian sa sarili niya na nakakaramdam siya ng galit, hindi niya na naramdaman ang bilis na tibok ng puso at halos wala narin siyang maramdam, tanging pagmanhid nalang ng kanyang kamay na may nakadikit na patch ang nararamdam niya. Tiningnan niya ang kanyang heart rate monitoring watch at hindi na siya nagulat nang makitang 48 nalang iyon. Ganito siya kapag galit, humihina ang tibok ng puso niya at mas nagiging kalmado siya ngunit alam niyang kapag ginalit pa siya baka bigla niya nalang itumba ang mesa kasama ang mga gaming phone.

Sa mga sandaling iyon naglakad ang camera man patungo sa harapan niya para kunan siya ng video, naagaw nun ang atensyon ni Jacian kaya wala sa sariling nag-angat siya ng mukha para tingnan ang camera man. Ngunit nang mag-angat siya ng mukha bahagyang nanginig ang camera na bitbit ng staff at makikita iyon sa big screen.

Nagtayuan ang mga balahibo ng audience nang makita ang matalim na mukha ni Boss sa big screen, magkasalubong ang kilay nito at kumikislap ang mga mata dahil sa reflection ng spotlight. Bakat ang kanyang panga at makikita ang maganda niyang side profile nang luminga siya sa gilid para ibalik ang bottled water.

Matapos kunan ng video si Boss mabilis na bumaba ng stage ang camera man na animo'y naka-apak ng baga.

Audience: "......."

Viewers: [????]

[Holy shit! Muntik nang umagos sa bibig ko ang kape sa sobrang tulala!]

[Hindi pa nagalit ng ganito ang apo ko. [Sigh.jpg]]

[Parang gusto niya ng durugin 'yung gaming phone sa higpit ng pagkakahawak.]

[P'wedeng tapusin niyo na 'yung match? Can't take it anymore.]

More Chapters