LightReader

Chapter 88 - Chapter 86: Cold treatment

[Dahil 'to sa video na ini-edit! Holy shit hindi parin nakakalimutan ni Boss 'yun? Ang tagal na nun ha.]

[Ako nga memorize ko pa 'yung mga salita dun.]

[At sinong makakalimot doon?]

[Ano ba kasing dahilan ni Boss?! P'wedeng sabihin niyo nalang?! Fuck!]

[Dahil 'yun sa malaswa na video at ini-edit nila na si Boss ang nagsasalita! Are you satisfied?!]

[You fucking.... This grandpa can't understand anything!]

[Sigh.jpg]

Nang makita nila ang matalim na ekspresyon ni Boss nung game 2 ganun ang ekspresyon ni Boss nung mapanood nito yung video. Hindi pa siya streamer ng HoK nun at nasa MLBB pa siya habang nakikipag-trash talkan sa mga trolls. Kahit sila wala 'ring ideya sa video na sinend sa live chat hanggang sa pinindot ni Boss ang file at makitang gameplay iyon ni Gan&Mo ayun sa caption. Makikita ang pagtataka sa mukha ni Boss dahil sa lower left ng gameplay kung saan mukha dapat ng streamer ang nakalagay ay siya ang nandoon habang nagsasalita. Maging ang boses niya ay gayang gaya at halatang matinding effort pa ang ginawa ng nag-edit para lang palabasin na siya ang naglalaro nun.

Sa video ng gameplay ni Gan&Mo, maririnig ang malaswa na salita habang si Boss ang nasa lower left na nagsilbing streamer, katulad ng skills ni Gan&Mo na 'tusok' marami pang lines na masyadong malaswa at halos maging p*rn*graphic na ang video. Alam naman nila na hindi 'yun si Boss ngunit maging ang boses ay gayang gaya na parang siya talaga nagsasalita at mahirap isipin kung edit lang. Hindi nagsalita si Boss nung time na 'yun at kalmado lang nitong pinatay ang video, pinagpatuloy niya ang livestream hanggang sa matapos. Kahit ang nag-send ng video ay hindi niya rin blinock. Akala nila wala lang kay Boss ngunit sa mga sumunod na livestream nito isang linggo siyang hindi nagsalita at naka-off ang camera habang nag-lalive, pinakitaan sila ni Boss ng isang linggong cold treatment at kahit ang comment section ay naka-mute. Walang makakalapag ng comment at nagbago rin ang display name ng kanyang livestream room.

Pagkatapos ng isang linggong cold treatment, ang pinaka-unang sinabi sa kanila ni Boss ay 'Ulitin niyo pa 'yan' may warning na saad niya. Nasanay silang laging nakangiti, nag-jojoke at nan-tatrash talk si Boss ngunit sa mga sandaling iyon hindi nila maisip na may ganun siyang side. Matalim ang kanyang mga mata at salubong ang kilay, walang ibang rumerihistro sa kanyang mukha kundi galit, lamig at seryuso. Yung galit ni Boss na dapat ay para sa taong nag-edit ay napunta sa hero, sa sobrang inis niya maging ang hero ay iniiwasan niya na sa puntong kapag nakita niya si Gan&Mo parang gusto niya nalang masuka. Tumatak na sa isipan ni Jacian na ayaw niya sa hero na 'to at kahit makalimutan niya pa ang dahilan kung bakit ayaw niya sa hero na 'to hindi niya parin lalaruin.

Trending ang FTT vs EXTRA dahil sa game 2 at puro clip ng match nila ang makikita sa mga reels. Maging ang gc ng mga professional players ay biglang nag-ingay kahit na alas-otso palang ng umaga, dahil doon wala nanamang tigil sa pagtunog ang cellphone ni Just at simpleng ini-on niya lang ang airplane mode. Bumaba siya sa second floor para pumunta sa break room at kumuha ng bottled water, ininom niya iyon bago dumeritso sa training room para tingnan kung nandoon si Jacian. Si White at ilang players lang ng second string ang naroon habang nag-t-training, nagulat pa sila at bahagyang napalinga sa pinto nang bigla itong bumukas. Tinanong ni Just kay White kung pumunta si Jacian sa training room ngunit sinabi ni White na alas sais pa siya sa training room ngunit hindi niya nakita si Jacian.

Tumango lang si Just at sinara ang pinto. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at hinanap ang SweetTalk account ni Jacian, nagtitipa siya habang paakyat ng second floor. Nang marating niya ang pinto ng dorm ni Jacian kakatok na sana siya nang makatanggap ng reply.

[Just Call Me Boss: Bakit?]

Reply nito nang tanungin niya kung nasaan siya.

[Just: Nandito ako sa harap ng pinto mo, open the door.]

[Just Call Me Boss: Wala ako sa dorm.]

Bahagyang kumunot ang noo ni Just, tumingin muna siya sa nakasarang pinto bago nagtipa, ngunit hindi niya pa nasesend nang mag-chat uli si Jacian.

[Just Call Me Boss: Nasa likod ako ng base.]

Isinuksok ni Just ang cellphone sa kanyang bulsa at bumaba para pumunta sa likod ng base. Malapad na garden ang likod ng kanilang base at maraming malalaking puno, pinasadya iyon ni Mrs. Sojurn para gawing tambayan at kung gusto nilang pagpahangin.

Nang marating ni Just ang likod ng base nakita niya si Jacian na nakasandal sa malaking puno, nakayuko ito habang may hawak na cellphone sa kanang kamay, ang kaliwang kamay naman nito ay may hawak na stick ng sigarilyo sa pagitan ng daliri. Pagkatapos, iniangat nito ang kanyang kaliwang kamay para humithit ngunit nanatiling nakatuon sa cellphone ang kanyang mga mata, hindi niya na napansin na patungo si Just sa kanyang pwesto.

Nang maramdaman ni Jacian na may papalapit nag-angat siya ng mukha at nakita niya si Just na nasa kanyang harapan at iniangat nito ang kamay para agawain ang sigarilyo sa kanya ngunit bahagya niya lamang iniiwas ang kanyang kamay. Kumunot ang noo ni Just.

Humithit si Jacian at pinatay ang kanyang cellphone bago iyon ihulog sa kanyang bulsa. Tinanggal niya ang sigarilyo sa kanyang bibig at tiningnan si Just. Putla ang buong mukha ni Jacian at makikita ang malaki niyang eyebags, magulo pa ang basa niyang buhok at halatang dumeritso kaagad siya sa likod ng base para manigarilyo, sa itsura niya halatang wala siyang tulog buong gabi.

Ibinaba ni Just ang kanyang kamay at tiningnan si Jacian pati ang sigarilyo sa kamay nito. "Bakit naninigarilyo ka? Saan mo nakuha 'yan? Hindi ka pa eighteen kahit bumili ka sa tindahan hindi bibigyan ng may-ari." Tanong ni Just.

Mas lalong idinikit ni Jacian ang kanyang likod sa puno. Lumabas siya ng base kanina para pumunta sa tindahan, ngunit katulad ng sinabi ni Just hindi siya binigyan ng may-ari dahil hindi pa siya eighteen. Pumunta siya sa break room ng second floor kung saan laging naninigarilyo si Blue at naisip niya na baka may naiwang sigarilyo si Blue, hindi naman siya nabigo at matapos maghanap nakakita siya ng isang kaha sa gilid ng estante. Ngunit tatlong stick lang ang laman kaya hindi na-satisfied si Jacian.

Tiningnan niya si Just at hindi sinagot ang tanong nito, bahagya niya lang iniyuko ang kanyang ulo. "Kailangan ko ng nicotine." Sagot niya kay Just habang nakahawak sa kanyang bulsa kung saan naroon ang isang kaha ng sigarilyo at may isang stick pa na laman.

"Ilang stick pa 'yan." Tanong ni Just at itinuro ang bulsa niya.

"Isa."

"Akina." Saan ni Just at inilahad ang kanyang palad. "Ibigay mo sa akin 'yan."

Hindi siya pinansin ni Jacian, dinukot lang ni Jacian ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ang SweetTalk, matapos magtipa doon tumunog ang cellphone ni Just na nasa kanyang bulsa. Nagtatakang dinukot ni Just ang kanyang cellphone para i-check at nakita niyang nag-send si Jacian ng 15,000 pesos.

"Hindi ba sabi ni Coach Dang 5,000 pesos per stick? Nagbayad na ako ng multa." Aniya ngunit mabilis niyang inilihis ang kanyang ulo para umubo. Mabilis namang lumapit si Just para hagurin ang likod niya. Nung unang hithit ni Jacian ng sigarilyo pumunta lahat ng usok sa kanyang lalamunan at pakiramdam niya may nakabarang baga doon dahil sa sobrang init. Ilang beses din siyang umubo at halos lumabas na sa ilong niya ang usok. Nakikita niya noon sila Chase na naninigarilyo ngunit nagtataka siya kung bakit napakasimple lang nila gawin 'yun, pero siya parang may baga sa kanyang lalamunan at halos hindi pa siya makahithit ng matagal, masakit sa lalamunan na parang ayaw niya ng umulit. Akala niya rin kanina dudugo ang ilong niya dahil sobrang init ngunit napagtanto niyang usok pala.

Itinulak lang ni Jacian ang kamay ni Just para mag-senyas na hindi na kailangan. Tiningnan siya ni Just ngunit kalmado lang siyang nakasandal sa puno habang pinaglalaruan ang sigarilyo sa kanyang kamay, maliit nalang 'yun at ilang hithit nalang magiging abo na ang dulo. Inalog iyon ni Jacian para matanggal ang abo.

Tahimik naman si Just habang nakatingin sa kanya. Alam niyang wala siyang karapatan na pigilan si Jacian dahil siya mismo ay naninigarilyo 'rin, ginagawa niya iyon sa tuwing galit siya at stress at dito rin siya mismo naninigarilyo sa garden. Ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya si Jacian na naninigarilyo, ang sabi ni Jacian kailangan niya ng nicotine. Alam niyang galit ito, alam niyang stress ito at dahil iyon sa nangyaring match kahapon, kaya siya nandito ngayon para kausapin si Jacian tungkol sa match. Ngunit nang makitang nanigarilyo si Jacian, parang may pumiga sa puso ni Just at gusto niyang bumalik sa base para suntukin si Lan.

Bumigat ang naging paghinga ni Just at tiningnan si Jacian. Hindi naman ito nakatingin sa kanya at nakayuko lang.

"Jacian." Kalmadong saad niya, "Yung match kahapon.....my fault." Mariing saad ni Just. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung makikinig ba si Jacian kaya pinili niya nalang muna na itago para pakalmahin ang sitwasyon.

Nag-angat ng tingin si Jacian para tingnan siya, ilang sandali ang makalipas nang magpakawala si Jacian ng mahinang tawa. "Iniisip mo bang nanigarilyo ako dahil sa match kahapon? Nanigarilyo ako dahil sa private matters, sariling problema ko 'to walang kinalaman ang mga tao sa base." Simpleng sagot ni Jacian at inihulog ang upos ng sigarilyo. Iniunat niya ang kanyang paa para apakan 'yun. Dinukot niya ang isang kaha sa kanyang bulsa para kunin ang natitirang isang stick, inipit niya iyon sa kanyang bibig at sinindihan gamit ang lighter, pagkatapos inihulog niya sa kanyang bulsa ang lighter at nagbuga ng usok. Tiningnan niya si Just. "Nag-training na ako kagabi, nilapag ko lang ang flashdrive sa mesa ni Coach Lan kanina, hindi ko alam kung nakita niya na. P'wedeng pasabi nalang? Maglalakad-lakad ako." Saad niya at humakbang paalis ngunit napahinto siya nang hawakan siya ni Just sa braso.

"Yung nangyari sa tulay, p'wedeng h'wag mo nang ulitin?" Seryusong saad ni Just habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Bahagyang natigilan si Jacian. "Of course." Saad niya at binawi ang kanyang braso, yumuko siya para humithit sa bagong sindi na sigarilyo at tuluyan nang naglakad palayo. Hindi in-expect ni Jacian na nakakatanggal pala ng stress ang paninigarilyo, kung maaga niya lang sana nalaman 'to baka hindi niya ginawa 'yung nangyari sa tulay. Hindi siya komportable sa init ng usok ngunit ramdam niya na kumakalma siya. Hindi niya alam kung komportable ba siya o hindi ngunit ang alam niya lang kailan niya ng nicotine para pakalmahin ang sarili at sa sigarilyo niya lang iyon makukuha.

Umalis si Jacian ng base para bumalik sa dati niyang boarding house. Nakatanggap siya ng text mula sa collector ng utang na pupunta sila ngayon sa boarding house niya para kausapin siya, sinabi nilang 'kausapin' ngunit alam ni Jacian na 'sisingilin' ang ibig nitong sabihin. Natatakot siguro sila na baka tumakas siya. Nagbayad narin siya nakaraan ngunit sinabi ng collector na malapit na ang katapusan ng kanilang palugit at kung hindi niya mababayaran lalaki ng lalaki ang interest at mas malaki pa ang kailangan niyang bayaran sa susunod. Alam naman ito ni Jacian matapos siyang mag-self study tungkol sa General Mathematics para alamin ang interest. May point ang collector dahil mahabang palugit ang binigay sa kanya ng lender nang malamang bata pa siya, hindi pa pumayag ang lender na siya ang magbabayad dahil napakabata niya pa at wala naman silang awa kung sisingilin nila ang 13 years old na bata. Ngunit nagpumilit si Jacian at sinabing siya ang magbabayad.

Hindi alam ni Jacian kung para saan ang paninigarilyo niya, kung dahil ba sa match kahapon, dahil ba may galit sa kanya si Lan o dahil sa collector ng utang na sinisingil siya. Sobrang gulo ng utak niya at kailangan niya ng nicotine para kumalma.

More Chapters