LightReader

Chapter 102 - Chapter 100: Thanks, captain.

Lamang ng 5 thousand gold ang FTT ngunit lamang naman sa kill ang TK. Dalawang beses ng namatay si Just at tatlong beses ng namatay si Jacian, may isang death narin si Blue at Gem. Si Lucky nalang ang hindi pa namamatay sa kanila at siya sana ang mapagkukunan nila ng damage ngunit ngayon ay hindi pa siya gaanong sumasama sa teamfight.

Tamang trabaho lang ang ginagawa ni Lucky at butas na ang tower ng TK sa farm lane.

"H'wag din kayong magpakamatay guys." Saad ni Lucky at pumunta sa jungle para kunin ang red buff. Hindi naman nagsalita ang apat niyang teammates at tanging paghinga lang ang maririnig sa noise cancelling headphones.

May tower pa ang FTT sa high ground at kompleto rin ang kanilang second turrets. Samantalang sa TK ay butas ang kanilang farm lane ngunit nakatayo parin ang dalawang high ground at isang second turret sa mid lane. Marami silang nakuhang kills at kaunti ang kanilang deaths ngunit kung titingnan ang gold, lamang ang FTT pati narin sa lane management.

May 1 minute nalang para mag-enhance ang overlord/tyrant ngunit wala pa namang nangunguna pumunta sa overlord pit dahil ang parehong jungler ay nasa kani-kanilang jungle. Pushing pa ang farm lane ng FTT at kung kukunin ng FTT ang overlord wala silang problema dahil makapal ang kanilang minions sa farm lane at pushing rin sa clash lane.

Commentator Zia: "Naku, mahahati ang atensyon ng TK dito kung makikipag-agawan sila sa overlord."

Commentator Waver: "Yes, at para kay Sin sobrang hirap gumawa ng play dito knowing na may Liang and Princess Frost sa kabila. Kahit makipag-agawan sila sa overlord mahihirapan sila, pero kung hindi sila makikipag-agawan mahuhuli sila sa gold. Kitang kita naman natin na si Lucky ang nangunguna pagdating sa gold."

Commentator Zia: "Oo, at sobrang taba na talaga ni Lucky ngayon. Kung mapapansin natin kanina sobrang lakas na ng skill 1 niya eh."

Commentator Waver: "Mm, nakailang attempt na si Sin eh, na patayin itong si Lucky pero mabilis kasing nag-react si Lucky. Hindi ko alam kung paano nakita ni Lucky na nandun si Sin sa damuhan pero sobrang galing ng reaction ni Lucky, lakas nung game awareness." Saad ng dalawang commentators.

Nang mag-enhance ang overlord/tyrant, nasa clash lane sina Just at Boss para mag-clear ng minions at pumunta sa overlord pit. Katulad ng sinabi ng dalawang commentators kung hindi makikipag-agawan ng objectives ang TK mahuhuli sila sa gold at mahihirapan na silang i-comback ang laban. Kaya naman matapos linisin ang minions sa clash lane na inihatid nina Just at Jacian pumunta ang TK sa overlord pit para makipag-agawan.

Si Just at Gem lang ang makikita sa mapa para sa side ng FTT dahil parehong nakatago sa damuhan si Jacian at Blue. Hindi alam ng TK kung nasaan ang ibang members ng FTT kaya pinauna nila ang kanilang support para magbigay ng vision. Ngunit nang dumaan ang support, nilapag kaagad ni Jacian ang skills combo para ma-freeze ito ng matagal, sinipa ito ni Blue gamit ang 1-2 combo para sa single target at ito na ang tumapos sa support ng TK. Hindi naka-abot sa overlord pit ang TK dahil nag-initiate kaagad ang FTT ng teamfight sa river palang. Matapos gamitin lahat ng skills, naunang namatay si Jacian sa kamay ni Sin ngunit namatay din si Linus sa kamay ni Blue. Nilapag ni Gem ang kanyang ult para hulihin si Sin ngunit nakapag-transform pa si Sin at naiwasan ang ultimate ni Gem, sa huli napatay nito si Gem at nagawang maka-double kill.

(TK.Sin) Defeated (FTT.Boss)

(FTT.Blue) Defeated (TK.Linus)

(TK.Sin) DOUBLE KILL! (FTT.Gem)

Mababa na ang HP ng mga players ng FTT kaya napilitan silang mag-retreat, ngunit hindi hinayaan ng TK na makatakas ang mga players ng FTT at nagawa pang mahabol ni Sin si Just, mabilis namang lumapit si Blue para i-defend si Just ngunit masyadong malakas ang damage ni Sin at hindi na nagawang makatakas ni Just kahit na ginamit niya pa ang roll ball.

(TK.Sin) Unstoppable! (FTT.Just)

Ngunit habang nangyayari pala iyon, si Lucky ay nasa farm lane habang hinahatid ang mga minions sa crystal ng TK!

Maririnig ang sigawan sa audience area nang i-flash iyon sa big screen. Naka-focus ang atensyon nila sa teamfight at hindi nila napansin na nasa baba si Lucky. Walang minion wave ang TK at kayang kaya ito pasabugin ni Lucky.

Commentator Zia: "Si Lucky nasa baba!"

Commentator Waver: "Oh my goodness! Walang nag-rerecall! Walang nag-rerecall!"

Ilang sandali ang makalipas nang mag-recall ang mga players ng TK ngunit inilapag na ni Lucky ang kanyang mga summons at hindi na naka-abot ang mga players ng TK! Nag-tower lock na si Lucky at sumabog ang crystal!

(FTT.Lucky) Master Thief

Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area dahil sa ginawa ni Lucky. Walang tigil ang pagwagayway nila ng malaking banner ng FTT na may logo ng trono.

Sa taas ng stage, tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at tumayo para pumunta sa break room. Nang marating nila ang break room, binigyan sila ni Mrs. Sojurn ng thumbs up.

"Not bad." Saad ni Mrs. Sojurn habang hawak ang folder.

Nilapitan naman sila ni Lacey para isa-isang bigyan ng painkiller patch. "Wow, ang galing nung ginawa ni Lucky. Kahit ako hindi ko napansin na wala ka sa teamfight at nandun pala sa baba." Nakangiting saad ng kanilang lead coordinator matapos nitong bigyan ng patch si Lucky.

Inilapag naman ni Lucky ang patch sa mesa habang umiinom ng tubig. "Ideya ni Boss 'yun. Diba Boss?" Saad nito at sumaludo kay Jacian na ngayon ay tahimik na kumakain ng crackers.

"Hindi ko rin in-expect na hindi mapapansin ng TK." Sagot niya at uminom ng tubig. Pinapunta niya si Lucky sa farm lane para linisin ang minions habang kumukuha sila ng overlord, sinabi ni Jacian na makikipag-4v5 sila sa TK at hayaang makakuha sila ng kills para matuon sa kanila ang atensyon ng TK at makapag-push si Lucky nang hindi nila napapansin, hindi rin naman napansin ng TK na wala si Lucky dahil busy sila sa pagpatay sa mga players ng FTT. Akala nila sa kanila na ang victory ngunit hindi nila napansin na nasa baba si Lucky para nakawin ang kanilang crystal.

Ito ang unang beses ni Lucky maging Master Thief at kumikinang sa tuwa ang kanyang mga mata.

Hindi naman nag-react si Jacian at uminom lang ng tubig, nakababa sa kanyang dibdib ang zipper ng kanyang team hoodie at makikita ang manipis na pawis sa kanyang leeg nang bahagya siyang tumingala.

Nang makita iyon ni Just, kumuha siya ng tissue sa box at inunat ang kanyang kamay para punasan ang leeg ni Jacian.

"Thanks." Sagot ni Jacian at kinuha ang tissue sa kamay ni Just at siya na ang nagpunas.

Ilang sandali ang makalipas nang kumatok ang staff sa kanilang break room at sinabihan silang magsisimula na ang susunod na match. Uminom pa si Jacian ng maraming tubig bago tumayo at sumunod palabas, kinapa niya ang kanyang bulsa dahil baka nailagay niya roon ang kanyang cellphone at nakahinga naman siya ng maluwag nang wala siyang makapa. Ngunit, may nakapa siyang manipis na bagay, dinukot niya iyon at nakitang painkiller patch iyon na binigay ng kanilang lead coordinator. Nakalimutan niyang idikit dahil abala siya sa pagkain kanina. Ilalagay niya nalang sana iyon sa kanyang bulsa nang mapansin siya ni Just.

"Bakit hindi mo nilagay?" Tanong ni Just habang nasa loob ng bulsa ang dalawa niyang kamay.

"Mayroon pa sa kamay ko." Ani Jacian at pinakita ang dalawa niyang kamay.

"Sa balikat mo?"

Napahawak si Jacian sa kanyang balikat, kakatanggal niya lang iyon kanina dahil sa init at nakalimutang maglagay ulit. Tiningnan niya si Just at kumurap.

"Nakalimutan ko." Sagot niya.

Nilahad ni Just ang kanyang palad. "Akina, ilalagay ko."

Binigay ni Jacian ang patch sa kanya at tinuklap naman iyon ni Just bago lumapit para idikit sa balikat niya. Hinawi ni Just ang hood ng jacket at bahagyang hinila ang leeg ng damit ni Jacian, nang hilahin iyon ni Just makikita ang maputi at makinis na leeg ni Jacian at ang collarbone sa baba nun. Iniwas ni Just ang kanyang paningin at dinikit ang patch pagkatapos inayos ang damit at hood ni Jacian.

"Thanks, captain." Ngumiti si Jacian at kinapa ang patch sa kanyang balikat.

"Mn. Let's go."

Sa big screen ng arena, makikita ang 5 seconds countdown bago magsimula ang ban/pick phase. Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area habang winawagayway nila ang mga banners at chibi. Nang matapos ang countdown sa big screen, nasa blue side parin ang TK at red side naman ang FTT.

Katulad ng nakasanayan, banned parin si Augran para sa side ng TK at binan parin ng FTT si Heino at Mozi. Hindi nila papakawalan sa ban spot si Mozi dahil isa ito sa mga hero pool ni Linus, karamihan sa mga players ay ginagamit si Mozi as support ngunit iba si Linus, signature hero niya si Mozi at alam naman ng FTT na kakaiba ang Mozi ni Linus lalo na't sobrang galing niya manghula ng posisyon kung nasaan ang enemies. Hindi rin nila papakawalan sa ban spot si Heino dahil mahihirapan silang gumalaw lalo na't gagamit sila ng line-up na maraming summons, ngunit alam ng TK ang plano nila kaya binan ng TK si Agudo para sa second ban spot. Pagkatapos, kinuha nila si Mai Shiranui para kay Linus.

Hindi nagbago ang line-up ng FTT at kinuha parin nila ang Liang/Princess Frost combo. Kinuha rin naman ulit ng TK si Pei para kay Sin kahit alam nilang may Liang/Princess Frost combo ang FTT, hindi nila pinansin ang Liang/Princess Frost combo at kinuha si Arli para sa kanilang marksman.

Napa-'woah!' ang dalawang commentators nang makita ang line-up ng TK, nakuha nila ang tatlo sa pinakamalalakas na hero. Nasa kanila si Mai Shiranui, Pei at Arli, sobrang lakas ng damage ng tatlong hero na 'to at sa line-up nila halatang makikipag-agawan sila sa mga resources dahil kumakain ng malaking gold ang mga hero nila. Kumuha nalang sila ng hero sa clash lane at roamer na malakas ang CC para makapag-teamfight sila ng komportable.

Para sa side naman ng FTT, kinuha nila si Laura para kay Lucky at Liu Bang kay Blue. Si Just ang pinakahuling pumili at kumuha siya ng tank jungler na si Menki. Nang makumpleto ang kanilang hero, hindi maiwasan ni Mrs. Sojurn ang hindi mapahawak sa kanyang sentido. Maging ang mga players ng FTT ay tuliro habang nakatingin sa kanilang line-up, marami silang CC at shield ngunit kulang sila sa damage, kahit ang farm lane dou na sina Luara at Liang ay hindi magka-combo. Masyadong masalimuot ang kanilang line-up na kahit ang psychologist ay hindi kayang ipaliwanag.

Kahit ang mga viewers sa official live broadcast ng PKL ay napa: [Ha? Paano paganahin 'yan?]

Maya-maya lang narinig nila ang boses ni Mrs. Sojurn sa kanilang noise-cancelling headphones. "Sorry, kasalanan ko ang match na 'to. Laruin niyo nalang kung ano ang tamang play sa line-up, don't push yourself." Ani Mrs. Sojurn at sinara ang kanyang folder.

"H'wag kang mag-alala, Coach. Matatalo nila kami pero hindi magiging madali ang laban." Saad ni Jacian habang ina-adjust ang builds.

"Of course! Panoorin mo ako kung paano paglaruan si Pei." Segunda ni Lucky at nilinga si Gem para kindatan. "Ano guys mag-macro tayo?"

"Mag-macro ka mag-isa." Malamig na saad ni Gem.

Lucky: "..."

Nagpakawala naman si Blue ng mahinang tawa.

Pagkatapos ng ban/pick phase, nag-shakehands sa gitna ng stage ang dalawang coach bago umupo sa bench area. Nakasuot ng noise-cancelling headphones si Mrs. Sojurn at maririnig niya ang sinasabi ng mga players niya ngunit hindi siya maririnig ng mga ito.

Malakas ang damage ng TK dahil mid-game core ang tatlong carry ng kanilang team, ang jungler, mid laner at marksman. Para sa side ng FTT, kailangan lang nila magsama-sama at patumbahin itong si Arli habang maaga pa dahil sobrang sakit ng damage nito sa late game kapag maganda ang early. Ngunit kahit mapatumba nila si Arli, si Mai Shiranui pa ang poproblemahin nila, kung masosolusyonan man nila itong Mai Shiranui, may Pei pa na poproblemahin ulit nila.

Ngunit p'wede pa silang magkaroon ng advantage kung makukuha nila ang objectives at h'wag hayaang mag-farm itong si Pei.

_

Weibo account: 瞎猫blindcat_

Maraming pictures ng mga characters ko kung gusto niyong makita. - Blind.

_

Lucky: "Ano guys mag-macro tayo?"

Gem: "Mag-macro ka mag-isa."

Lucky: "..." Bullshit!

.

Kung hindi niyo alam ang meaning ng macro, mag meta AI >⁠.⁠<

More Chapters