LightReader

Chapter 121 - Chapter 119: FTT vs. HUV - Last Round

lHalos pantay lang ang laban ng FTT at HUV dahil sa tuwing nakakakuha ng advantage ang HUV babawian sila ng FTT, sa tuwing FTT naman ang nakakakuha ng advantage babawian naman sila ng HUV. 11 minutes na sa loob ng match ngunit 200 lang ang lamang ng FTT sa gold. Maraming kills ang HUV ngunit kahit na marami silang napatay kumpara sa FTT mas angat parin sa gold ang FTT dahil marami silang napabagsak na towers.

Mabilis mag-farm ang FTT dahil sa hatid factor na ginagawa ni Jacian. Isa nanaman ang magiging problema ng HUV dahil sa panibagong magic ng FTT. Mag-isang pumupunta si Jacian sa ibang parte ng mapa at gagamitin niya ang kanyang ult para tawagin si Just, gagamitin naman ni Just ang skill 1 ni Li Bai sabay teleport kung nasaan si Jacian para linisin ang minions, pagkatapos linisin ang minions gagamitin niya ulit ang kanyang skill 1 para bumalik kung saan siya nanggaling. Nakakapag-travel sila sa mapa nang walang kahirap-hirap. Iyon ang combo ng Li Bai at Da Qiao.

Hindi rin makapag-push ang HUV dahil mas priority ng FTT ang overlord kaya lane management ang isa sa pinaka-problema nila. Pushing pa ang minions ng FTT sa tatlong lanes kaya nag-aalanganin ang HUV kung mag-iinitiate ba sila, kung magkakaroon ng teamfight siguradong mahahati ang atensyon nila dahil p'wedeng mag-defend lang ang FTT at hindi magpapapatay dahil nand'yan si Jacian na kayang i-recall ang mga teammates sa oras na bumaba ang kanilang HP. Uubusin lang ng FTT ang oras nila sa teamfight at hindi malabong gapangin ni Lucky ang mapa at mag-push mag-isa sa kanilang crystal. Katulad ng ginawa nito noon sa TK.

Para sa side ng HUV ang kailangan lang nila ay manalo sa isang teamfight, kasalukuyan pang FTT ang may kontrol ng mapa kaya kailangan nilang agawin iyon sa FTT para makabawi. Ngunit paano nga nila magagawa kung ganito ang ginagawa ng FTT, pinapakitaan sila ng magic at ang mas malala pa hindi pa nila napapatay si Just. Sobrang ganda ng early ni Just at siya narin ang gold leader dahil sa hatid na ginagawa ni Jacian, mabilis siyang nakakapag-farm kaya mataas ang kanyang gold.

Ang magiging pag-asa nalang ng HUV dito ay ang kanilang marksman. Hindi rin naman nagmamadali ang FTT dahil nag-iingat sila sa hero ni Alone, lalo na si Jacian, lagi siyang nakatingin sa mapa para i-check kung saan nakapwesto si Alone dahil posibleng sumulpot nalang iyon bigla sa kanyang likuran at gamitan siya ng combo. Isa si Jacian sa nagpapasakit sa ulo ng mga players ng HUV dahil sa ginagawa niyang pag-recall sa kanyang mga teammates, kung gagamitan ng HUV ng CC ang mga players ng FTT i-rerecall lang iyon ni Jacian para ibalik sa kanilang spawn point at magpa-full health sabay balik ulit sa mismong teamfight, kaya tuwing magkakaroon ng teamfight laging full health ang mga players ng FTT samantalang HP bar nalang ang natira sa mga players ng HUV, kaya para sa HUV kailangan muna nilang patayin si Boss bago mag-initiate ng teamfight.

Umabot ng 20 minutes sa loob ng match at halos pantay parin ang kanilang gold, nagkaroon din ng advantage ang HUV at nagawang basagin ang tatlong high ground ng FTT ngunit nang patungo na sila sa crystal para basagin iyon nakapag-defend ang FTT kaya napilitan silang mag-retreat. Kung hindi sila uuwi baka sila pa ang ma-ACED kaya naisip ng HUV na hindi pa nila kayang i-end, bumalik muna sila sa kanilang base para magpa-full health dahil ilang segundo nalang mag-i-spawn na ang tempest dragon.

Makikita ang pressure sa sampung players ng dalawang teams at may mga butil-butil na pawis narin sa kanilang mga noo kahit na malamig sa loob ng venue. Pare-pareho silang nakayuko habang nakatuon ang atensyon sa screen ng gaming phone, mabigat ang kanilang bawat paghinga at animo'y pinapakiramdaman ang bawat segundo.

Maging ang mga audience kanina na sobrang ingay ay nadala sa pressure na nararamdaman ng mga players at halos tumahimik sa audience area. Pinakita sa big screen ang heart rate ng dalawang teams at halos lahat sila ay umabot sa 180. Tanging si Just lang ang may pinakamababang heart rate at tumaas lang iyon sa 105.

Ngunit alam naman ng mga audience na sa lahat ng mga pro players ay heart rate ng Great Demon King ang pinakamababa, laging 49 to 52 lang ang heart rate ni Just tuwing tournament ngunit makikita ngayon na lumampas sa 100. Ibigsabihin, maging ang Great Demon King na sobrang kalmado ay nakakaramdam narin ng kaba ngayon. Hindi naman nakakapagtaka dahil si Just ang core, siya ang kailangan para manalo sila sa match.

Nag-spawn ang tempest dragon at maririnig ang nakakadagdag pressure na tunog.

The tempest dragon has arrived! The final battle begin!

Wala ng high ground towers ang FTT at tanging crystal nalang, sa side naman ng HUV ay may nakatayong high ground sa may mid lane ngunit may bawas na ang kanilang crystal nang makarating doon ang minions ng FTT. Mataas pa naman ang buhay ng kanilang crystal dahil sobra pa iyon kalahati ngunit para sa HUV malaking disadvantage iyon dahil mahalaga ang isang guhit na buhay ng crystal.

Nagsimulang pumunta sa tempest dragon ang parehong team ngunit pareho silang nag-iingat. Paunti-unti nila itong kinukuha gamit ang kanilang skills at basic attack habang tinatabi ang ultimate para sa teamfight.

Mataas ang HP ng tempest dragon at hindi ito makukuha ng ilang segundo lang, halatang mahabang sayawan nanaman ang mangyayari dito kung gusto nilang isama sa match ang tempest shadow vanguard. Ngunit makalipas ang dalawang minuto sa dragon pit maririnig ang malakas na sigawan sa audience area nang mag-initiate ng teamfight si Alone. Si Jacian kaagad ang target lock nito at ginamitan ng ultimate ngunit mabilis na nakapag-react si Jacian at ginamit ang kanyang flash nang dikitan siya ni Alone. Mabilis siyang binigyan ni Just ng assist ngunit isang bar nalang ang HP niya nang mag-retreat si Alone.

Samantala, akala ni Alone ay nakatakas na siya ngunit hindi niya inaasahang sinundan siya ni Just at ginamitan ng ultimate, gustong habulin ni Kai si Just ngunit ginamit ni Just ang kanyang enhanced skill 1 para bumalik sa dati niyang p'westo.

(FTT.Just) Defeated (HUV.Alone)

"Wala ng Charlotte! Wala ng Charlotte guys, p'wede nang mag-teamfight!" Command ni Jacian.

"Wala kang flash!" Paalala ni Lucky.

"Okay lang, kaya niyo 'yan. Walang magpapapatay!"

Hindi na nila kinuha ang tempest dragon at sinimulang i-target ang mga players ng HUV. Nag-retreat ang mga players ng HUV ngunit malakas ang mobility ni Just at may untargetable effects pa ang kanyang skills kaya napapasok niya ang marksman at mage ng HUV na tumatago sa likuran.

Namatay ang marksman at mage ng HUV kaya tanging support nalang at si Kai ang natitira, nag-retreat sila pabalik sa crystal para mag-defend ngunit nag-tower locked na ang FTT.

"Tore, tore, focus sa tower!" Saad ni Jacian habang inaatake nila ang tower. Bumaba ang buhay ng tower hanggang sa umilaw iyon at sumabog.

VICTORY!

Nanalo sila sa game 1!

Maririnig kaagad ang sigaw ni Lucky sa noise-cancelling headphones na nababahiran ng tuwa at ginhawa, animo'y siya ang gumamit ng Li Bai at pumatay kay Alone kahit na taga bigay lang ng CC ang trabaho niya.

"Para kang babeng nanganak." Malamig na saad ni Gem kay Lucky dahil napabuntong hininga pa ito sa sobrang ginhawa.

Binigyan naman siya ni Lucky ng masamang tingin. "Hindi mo alam kung paano ko pinigilan magsalita para lang marinig ang command ni Boss." Saad ni Lucky.

Hindi na nagsalita si Gem at nilapag lang ang noise-cancelling headphones sa mesa.

Narinig nila ang 'congratulations' ng dalawang commentators bago bumaba sa stage para sa 10 minutes break. Pabalik sa break room, tinanggal ni Jacian ang kanyang jacket para punasan ang pawis sa kanyang mukha.

Tumawa siya nang maramdamang gumulong ang pawis sa kanyang likod.

"Hala grabe, parang naligo na ako." Natatawang saad ni Jacian at pinahid ang pawis na gumulong mula sa kanyang noo.

Tumawa naman sina Lucky ngunit ngayon lang din nila napansin na pati sila ay pinagpawisan din. Sobrang intense ng laban kaya kahit sobrang lamig sa venue tumagaktak parin ang pawis nila.

Naramdaman ni Jacian na hinawakan ni Just ang kanyang likod. "Basa ang likod mo." Ani Just na bahagya niyang ikinatawa. "May towel ako sa bag, gamitin mo mamaya." Saad ni Just.

Sumagot naman si Jacian ng mahinang 'mm' kasabay ng tango.

Parehong pumunta sa break room ang dalawang teams para sa 10 minutes break. Binabalikan naman ng dalawang commentators ang replay para i-analyze kung ano ang dahilan ng pagkatalo ng HUV at pagkapanalo ng FTT.

Sa sumunod na match, parehong nagtanggal ng jacket ang dalawang teams. Bahagyang nagtaka ang mga fans nang mapansin iyon ngunit ang mas nakaagaw sa kanilang atensyon ay ang towel na blue na nakalagay sa likod ni Boss.

Bakit may towel sa likod 'to? Makikita ang pagtatanong sa kanilang mga mukha. Ngunit napansin naman nila kanina na tagaktak ang pawis ng mga players kaya siguro hindi narin sila nagsuot ng jacket at may panyo sa likod itong mid laner ng FTT.

[Hahahang cute ^⁠_⁠^]

[Cutie talaga ni Bossing.]

[Pinakabatang pro player sa PKL! #FTT.Boss]

[Grabe binibaby ng FTT. Parang gusto ko i-bulsa.]

[Ang cute talaga ni Boss, ang puti, ang pink ng palad. Swerte ng magiging gf nito.]

[Kung pumapatol lang si Boss sa lalaki patulan ko talaga 'yan.]

[Viewers: ???]

Sinuot na ng mga players ang kanilang noise-cancelling headphones para simulan ang ban/pick phase. Binan parin ng HUV si Jing dahil ayaw narin nilang makita ang Jing ni Just ngunit nandun parin si Augran sa first ban spot. Sa FTT naman ay naka-banned si Liang at Consort Yu. Halatang kukunin ulit ng FTT si Li Bai dahil binan nila si Liang at Consort Yu, dalawang hero na kayang i-counter si Li Bai.

Kalmado naman ang HUV at alam narin nila ang maging line-up ng FTT ngunit wala silang planong i-ban si Li Bai dahil marami silang paraan para i-counter ito. Hindi nagbago ang ilan sa mga hero ng FTT na ginamit nila nung game 1, tanging hero lang ni Lucky ang nagbago at pinagamit siya ngayon ng Erin. Isang marksman hero na mayroong mobility at mataas na damage na siyang compatible kay Li Bai.

Nagbago ang line-up ng HUV at kumuha sila ng hero na may burst kaagad, sa line-up ng HUV halatang ayaw na nilang umabot sa late game dahil pang mid game core ang kanilang mga hero. Kinuha narin nila si Mai Shiranui para hindi makagala mag-isa si Jacian.

Sa early palang, sinubukan ng pasukin ng HUV ang jungle ni Just ngunit hindi nag-defend si Just, nag-u-turn sila ni Jacian patungo sa blue buff ng HUV at ninakawan din si Kai. Hindi mahilig mag-defend si Jacian at kung kinuhanan sila kukuhanan din nila para parehas mawawalan, ayaw niya narin namang patagalin ang laban dahil pagod na siyang magsalita.

"Tara mag-teamfight na tayo." Saad niya sa kanilang noise-cancelling headphones. Kaka-level 2 palang nilang lahat at dalawang skills palang ang nabubuksan, hindi maiwasang magulat ni Lucky dahil sa sinabi niya.

"Wala pa akong ult." Ani Lucky.

"D'yan lang kayo sa baba. Gem pabantay ng mid."

"Okay."

Umakyat sila ni Just patungo sa clash lane para nakawan ng red buff ang HUV, kung i-dedefend ng HUV ang red buff nila hindi magdadalawang isip si Jacian na mag-initiate ng teamfight. Binigay sa kanya ni Just ang ilang resources kaya naabot niya ang level 4 samantalang level 3 palang si Just. Binigay ni Just ang resources kay Jacian para maabot nito ang level 4 dahil sakaling ipilit ng HUV na kunin ang red buff matatawag ni Jacian sina Lucky at Gem na nasa farm lane pati narin si Blue dahil mayroon na siyang ult.

Kaya wala silang kaba ni Just na pumunta sa red buff ng HUV at kunin iyon na parang nasa loob sila ng sarili nilang jungle.

More Chapters