LightReader

Chapter 127 - Chapter 125: "Boss, I like you!"

Ngayon lang naging normal ang line-up ng FTT dahil kinuha nila yung mga hero na madalas nang ginagamit ng maraming teams at madaling paganahin. Kinuha rin ni Blue si Liu Bang para mabuhay itong si Lam na siyang inaasahan narin ng mga audience.

Mabilis na natapos ang ban/pick phase dahil parehong hindi masakit sa ulo ang kinuha nilang line-up, maging ang GOT-G ay kinuha rin ang common combo ng Arli at Dyadia.

Si Gan&Mo ang kinuha ni Shadow at kanina pa nila nakikita na ilang beses ginamitan ng ult ni Shadow si Boss ngunit ginamit lang ni Boss ang kanyang skill 1 para protektahan ang kanyang sarili, pagkatapos nun pareho silang nag-retreat. Parehong nag-kokontrol ang dalawang teams na h'wag munang mag initiate ng teamfight dahil pareho sila ng gold at kontrol sa mapa, kung sino ang matatalo sa teamfight siguradong wala nang uuwiang crystal.

Pareho ang plano ng dalawang teams na tapusin nang mas maaga ang match at halatang gusto na nilang tapusin sa isang teamfight lang. High ground nalang ang natitira sa clash lane ng GOT-G dahil doon nagsimulang mag-push sina Blue at Just. Nang umabot sa 10 minutes ang match at mag-enhance ang overlord/tyrant, nagsimula ang mahabang sayawan sa overlord pit. Nakailang beses na-reset ang overlord hanggang sa magkaroon ng teamfight.

Mabilis bumaba ang mga HP ng FTT ngunit mabilis silang na-heal ni Gem bago ito mamatay para protektahan si Lucky. Napatay ni Just ang marksman ng GOT-G ngunit kalahati nalang ang kanyang HP nang mag-retreat siya, gusto siyang habulin ni Lessen ngunit ginamit ni Jacian ang kanyang ult para pigilan ito. Ngunit kahit nag-retreat na si Just nagawa parin siyang tamaan ng ult ni Shadow.

(GOT-G.Shadow) Defeated (FTT.Just)

(FTT.Boss) Defeated (GOT-G.Shadow)

(GOT-G.Lessen) Defeated (FTT.Boss)

Isa isa silang namatay at nagawang makuha ni Lessen ang overlord gamit ang kanyang smite. Ngunit habang nangyayari pala iyon makikitang nasa clash lane si Blue kasama ang tatlong minions na patungo sa crystal ng GOT-G.

Maging ang GOT-G ay hindi nila napansin dahil abala sila sa teamfight, hindi nila napansin na wala si Blue sa teamfight! Nagulat nalang sila nang marinig ang salitang, 'Our Crystal is under attack!'

Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area nang i-flash sa big screen si Blue na patungo sa crystal ng GOT-G. Nagawang mag-recall ni Lessen ngunit nag-tower lock na si Blue at walang minion wave kaya wala ng ibang paraan si Lessen para i-defend ang kanilang crystal.

(FTT.Blue) Master Thief

Umilaw at sumabog ang crystal ng GOT-G.

VICTORY!

...at sa hindi inaasahan nagawa nilang talunin ang GOT-G sa isang series!

Malakas na sigawan ang maririnig sa audience area lalo na sa side ng FTT at iniangat pa nila ang malaking banner para iwagayway iyon. Natalo nila ang GOT-G! Ang team na back to back champion sa PKL.

Maging ang mga players ng FTT ay nakangiting tinanggal ang kanilang noise-cancelling headphones para tumayo at makipag-shakehands, kanina lang ay tuwang-tuwa na si Lucky nung nanalo sila sa game 2 dahil ililibre sila ni Coach Dang, ngunit hindi nila inaasahan na magagawa nilang matalo ang GOT-G sa isang series. Maging sila ay hindi rin in-expect na hindi mapapansin ng GOT-G na wala si Blue teamfight at nasa clash lane para nakawin ang crystal, kinabahan pa sila dahil iniisip nilang baka alam ng GOT-G ang plano nila dahil nagawa narin nila ito sa ibang teams sa nagdaan nilang match sa regular season ngunit nagulat sila nang mapansing wala man lang ideya ang GOT-G na kukunin na ang kanilang crystal. Halatang hindi sila nanonood ng matches ng FTT sa ibang teams.

Mababakas sa ekspresyon ng GOT-G na hindi nila matanggap ang result, para bang hindi sila makapaniwala na natapos ang laro ng ganun lang. Walang makikitang ekspresyon sa kanilang mukha at tuliro habang nakikipag-shakehands sa mga players ng FTT.

Nang magharap sina Jacian si Lessen, bahagya niya lang tinanggap ang kamay ni Lessen at sinabing, "Trash."

Lessen: "!!!" Bullshit!

Naririnig parin ni Jacian sa kanyang isipan ang trash talk sa kanya ni Lessen kanina nang magsimula ang trash talk segment. Habang nakaharap nito si Just sinabi nitong, "Wala akong sasabihin kay Just, pero sa mid laner nila meron. Boss, nakainom ka na ba ng gatas?"

Hindi alam ni Jacian kung bakit hindi nalang siya ang tinawag ni Ms. Phara para sa trash talk segment, gusto niyang gantihan si Lessen dahil sa sinabi nito sa kanya nung matalo sila sa third round. Mainit ang dugo nila ni Lessen sa isa't isa at satisfied siya nang makaganti siya ngayon. Hindi naman nakapagsalita si Lessen hanggang sa makaalis na ang mga players ng FTT at bumaba sa stage para pumunta sa backstage.

Habang patungo sa parking lot, kausap nila si Coach Dang para ipaalam kung kailan ito uuwi. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Lucky hanggang sa makapasok ito ng team van.

Samantala, papasok na sana si Jacian sa team van nang marinig niyang may tumatawag sa kanya. Huminto siya at nilinga ang kanyang likuran, luminga rin si Just na siyang nagbukas ng pinto sa backseat para tingnan kung sino iyon.

Isa itong lalaki na nasa 17 or 18 years old, nakangiti ito habang suot ang hairband na may dalawang sungay at may chibi ni Boss sa taas. Private ang parking lot ng PKL sa likod ng venue at maliban sa mga players at league officials wala ng ibang nakakapasok doon, kung nakapasok ang lalaking 'to sa parking lot ng PKL siguradong malaki ang connection niya sa mga officials.

Tiningnan ni Jacian ang lalaking yun nang lumapit ito sa kanya, naagaw ang atensyon niya sa suot nitong hairband ngunit seryusong ibinalik niya lang ulit ang kanyang paningin lalaking yun. Magsasalita na sana ito ngunit huminto ito at bahagyang sinilip si Just na nasa harap ng pinto habang nakatingin sa kanila.

Napansin naman ni Just ang tingin sa kanya ng fan boy ni Jacian kaya tiningnan niya si Jacian para ipahiwatig na sumunod siya bago tuluyang pumasok sa team van. 

Nilinga ni Jacian ang fan ngunit bahagya siyang nabigla nang makita ang napakalapad nitong ngiti, bahagya niya naman itong nginitian pabalik at tinanong kung anong kailangan niya. Nahihiya namang napakamot sa batok ang lalaking yun ngunit mabilis din itong tumayo ng tuwid para maging seryuso.

"..ahh, isa ako sa mga lolo mo."

Jacian: "???"

"..ako yung nagbigay sa'yo niyan." Saad nito habang nakatingin sa kaliwang pulsuhan ni Jacian kung nasaan ang yarn bracelet.

"Ito? Thanks." Ani Jacian at inangat ang kanyang kamay. Aalis na sana siya para pumasok sa loob ng team van ngunit hinawakan siya nito sa braso, kaagad naman itong bumitaw para ilabas ang kanyang cellphone.

"Boss, p'wede ba kitang i-add sa SweetTalk?" Nakangiting saad nito.

Kumunot ang noo ni Jacian. "Bakit?"

"Gusto ko kasing makipagka-close sa'yo." Dagdag nito. Hindi sumagot si Jacian at hinintay lang ang susunod nitong sasabihin. "..ah.. actually, gusto kong mapalapit sa'yo. Gusto kong---"

"Personal account ko yung SweetTalk, hindi ko ginagamit sa trabaho." Ani Jacian at inayos niya ang kanyang bag na nakasampay sa kanyang balikat.

Dahan-dahang tumango naman ang fan boy ngunit makikita ang malaking panghihinayang sa kanyang mukha. Inangat niya ulit ang kanyang mukha at lakas loob na tiningnan si Jacian.

"Boss, I like you!"

Jacian: "..."

Natigilan si Jacian. Natigilan siya hindi dahil sa sinabi ng fan boy, kundi dahil hindi niya alam kung paano mag-react. Nanatiling walang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha at para sa kanya hindi iyon maganda para sa harap ng isang taong nagpapakita ng feelings. Ngunit hindi niya alam kung paano mag-react at anong sasabihin.

Napalakas ang boses ng fan boy at nasa gilid lang sila ng team van kaya maririnig sa loob ng van ang boses ng fan boy. Ang kaninang maingay na si Lucky habang nakikipagkwentuhan ito kay Blue ay biglang tumahimik, napakurap siya at luminga sa bintana.

Samantala, kanina pa tahimik si Just habang naka-upo malapit sa bintana. Makikita ang mabigat na ekspresyon sa kanyang mukha habang nakapatong ang kanyang siko doon, ngunit maya-maya lang tinanggal niya ang kanyang siko na nakapatong doon para isara ang bintana.

Nang pumasok si Jacian sa team van, nagkantyawan kaagad ang kanyang mga teammates hanggang sa maka-upo siya sa tabi ni Just. Hinihintay pa nila si Mrs. Sojurn at ang kanilang lead coordinator na nasa loob pa ng venue.

"Naks! Pati lalaki nagkakagusto." Pang-aasar kaagad ni Lucky.

Hindi naman nagsalita si Jacian at deritsong umupo sa backseat, hinila pa ni Lucky ang kanyang jacket ngunit tinapik niya ang kamay nito.

Hindi alam ni Jacian kung paano niya nagawang makaalis sa harapan ng fan boy na yun. Matapos niyang marinig ang sinabi ng fan boy nagthank you siya at tinanggal ang yarn bracelet na nasa kanyang pulsuhan at binalik sa lalaking yun. Hindi ito ang unang beses na may nag-confess sa kanya ngunit ito ang unang beses na may gumawa nun sa personal. Hindi naman masyadong binigyan ng atensyon ni Jacian dahil alam niyang epekto lang iyon ng pagiging fan nito.

Bumalik na sila sa base at bukambibig parin ni Lucky ang treat ni Coach Dang, sinabihan naman sila ni Mrs. Sojurn na hintayin ang updates ng PKL para sa list ng mga teams na maglalaro sa playoffs.

Tapos na ang match nila sa regular season ngunit may ilang groups pa na maglalaban sa last round kaya hindi pa sila p'wedeng umuwi, kailangan pa nilang i-review ang kanilang match sa GOT-G dahil maraming nakita si Mrs. Sojurn na error sa t'wing mag-iinitiate ng teamfight. Dahil si Jacian ang commander, napunta sa kanya lahat ang maraming sermon na sinagot niya lang ng mahinang 'mm' ngunit napunta rin naman sa kanya lahat ng maraming puri na sinagot niya rin ng mahinang 'mm'

Pagkatapos ng kanilang review tumunog ang cellphone ni Mrs. Sojurn at nagpaalam nang lumabas, natalo nila ang GOT-G sa isang series at maraming reporters ang tumawag sa kanilang lead coordinator na gustong makakuha ng interview ngunit ni-reject lahat ni Mrs. Sojurn dahil busy ang kanilang club. May mga pumunta pang media sa entrance ng kanilang base ngunit hindi sila pinayagang pumasok ng guard kaya umalis sila nang bagsak ang balikat.

Nakangiting uminat si Jacian sa kanyang kama nang magising siya dahil wala na silang training at nakatulog siya ng maayos. Bumangon siya at binuksan ang nakasarang kurtina ng kanyang bintana, sinara niya iyon kagabi dahil hindi niya naman kailangang magising ng maaga at gusto niyang bumawi ng tulog. Tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha pagbukas niya ng kurtina kaya iniharang niya ang kanyang kamay.

7 a.m palang at mula sa pwesto ni Jacian natatanaw niya si Just na tumatakbo sa gilid ng kalsada. Naka-jacket ito ng blue at jogging pants na itim, nakatingin siya sa kanyang relo na nakalagay sa kaliwang kamay habang nag-jojogging.

Lumabas si Jacian sa kanyang kwarto at lumapit sa mesa na nasa sala para kunin ang kanyang cellphone na nakapatong doon, pumasok kaagad ang napakaraming notifications nang buksan niya palang ang data. Nakita niyang trending sila sa Melon sa e-sports category na siyang sinabi ni Lucky sa kanilang gc ngunit nagtaka siya nang makitang trending din siya.

[#3 GodBossThePKLMonsterMage]

Jacian: "???"

Nagdalawang isip pa si Jacian kung siya ba yung tinutukoy dahil baka ibang Boss iyon ngunit nang pindutin niya ang hashtag napunta siya sa post ni Just.

Jacian: "..." Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa re-post ni Just. Post iyon ng isang fan na ni-repost ni Just na may caption na:

[FTT.Just: God Boss @FTT.Boss [video]]

Jacian: "???"

Tinawag ba siya ni Just na God Boss?

Jacian: "..."

Tinatawag lang na 'god' ang mga players sa e-sports kapag sobrang gagaling na talaga ng mga players dahil iyon ang sign nila para ibigay ang respeto. Pinindot ni Jacian ang video na naging dahilan para tawagin siya ni Just na God Boss at napansing compilation iyon ng kanyang highlights sa regular season. Kasama ang highlights niya sa opening match kung paano niya napatay si Shadow sa spawn point, kung paano siya magbigay ng heal at CC sa kanyang teammates, napatay si Linus, hinabol ang Feyd ni Kai gamit si Mai Shiranui, makakuha ng pentakill, na-solo kill si Kirsty, mag-push gamit si Milady, kung paano niya naiwasan ang ult ni Shadow gamit nito si Gan&Mo habang hawak niya si Lady Zhen. Nasa 21 minutes ang compilation ng video at may nakasulat pa sa pinakahuli na 'ThePKLMonsterMage'

More Chapters