LightReader

Chapter 135 - Chapter 133: Cap Tin, niregaluhan mo si Boss ng AI cellphone.

Ilang segundo bago sumagot si Just at nagpakawala siya ng 'Mn'

Jacian: "?"

Ilang sandali ang makalipas nang tumunog ang kanyang cellphone kaya tiningnan niya ito, ngunit kumunot ang noo niya nang makitang nag-chat sa kanya si Xiaowang at gusto nanaman nitong makipag-Q.

Nagpaalam siya kay Just na babalik sa base dahil gusto nanamang makipag-Q ni Xiaowang na tinanguan naman ni Just. Ilang araw hindi nagparamdam si Xiaowang matapos nitong makipag-Q nung lumabas sila ni Just para maglakad-lakad, nakailang game lang sila at third week na ng August, hindi alam ni Jacian kung paano niya masasamahan sa rank si Xiaowang dahil next month na ang playoffs. Mas mahaba ang training nila ngayon dahil naka-apply na ang global ban/pick at ang hero na ginamit nila sa game 1 ay hindi na nila p'wedeng gamitin sa susunod na game sa isang series. Kailangan nila ng maraming hero, maraming line-up at maraming strategy. Siguradong sasakit nanaman ang ulo ng mga coach pagdating palang sa ban/pick phase.

Dito na sila sa sitwasyon na halos tumira na sila sa training room. Sinabihan na ni Jacian si Xiaowang na ibabalik niya nalang ang pera sa binili nitong games na hindi pa nila nalalaro dahil wala na talaga siyang oras na samahan ito sa rank ngunit ayaw ni Xiaowang. Sa tuwing sinasabi niya iyon nag-iiba ito ng topic hanggang sa hindi niya na masingit ang tungkol doon. Nung una hindi pinansin ni Jacian dahil baka gusto pa nitong makipag-Q, ngunit nang ilang beses niya itong ipaalala sa chat hindi pinapansin ni Xiaowang ang sinasabi niya dahilan para mainis si Jacian. Sa inis niya hindi maiwasang hindi ito sabihin kay Just.

"Ilang beses ko ng sinabi." Sagot niya nang tanungin siya ni Just kung sinabi niya na sa big spender niya na ibabalik niya ang pera.

Pinatay ni Just ang burner at lumapit sa mesa para inilapag doon ang isang mangkok na sopas. "Mag-ingat ka doon, baka singilin ka ng malaki. P'wede niyang baliktarin na hindi ka nakipag-Q dahil pumasok ka sa e-sports." Ani Just.

"Naka-livestream ako nung bumili siya ng 1000 games. Kung i-rereport niya ako sa PKL marami akong witness." Sagot ni Jacian at sumandok sa sopas.

"P'wede niyang bayaran ang mga witness mo."

"Naka-screenshot lahat ng conversation namin." Segunda naman ni Jacian.

"Magkano ulit yung gifts niya?"

"100k." Kalmadong sagot ni Jacian. Kumuha si Jacian ng nilagang itlog at sinimulan itong balatan.

Nagtataka silang dalawa ni Just dahil ayaw tanggapin ni Xiaowang ang pera na binibigay ni Jacian para doon sa games na hindi pa nila nalalaro, kung kakausapin ni Jacian ang taong nakakaintindi na wala na siyang oras para samahan ito sa rank dahil malapit na ang playoffs sigurado naman si Jacian na papayag ito at tatanggapin nalang ang bayad dahil naiintindihan nito ang sitwasyon niya, pero kung kakausapin niya ang taong hindi nakakaintindi malamang magbibingibingihan lang ito. Sa dalawang uri ng tao mukhang doon sa taong hindi nakakaintindi ang big spender niya. Nasabi na ni Jacian ang mga dapat niyang sabihin kay Xiaowang, ngunit ayaw pa ring tanggapin ni Xiaowang at lagi siya nitong niyayaya sa rank. Sinasamahan niya nalang ito at pinapabilis ang match dahil sa sobrang buryong.

Mabilis na lumipas ang araw at kahit ayaw pa ni Lucky dumating ang last week ng August wala siyang magawa kundi ang tanggapin na training na nila. Nakaraang araw pa inuwi ni Coach Dang ang kanyang anak dahil malapit na ang kanilang training at hindi niya na ito kayang bantanyan.

Lumabas ang announcement ng PKL kung anong oras sila maglalive para sa draw, bunutan parin ang gagawin ng PKL para malaman nila kung sino ang makakalaban nila sa playoffs. Binubuo ng tatlong stages ang playoffs. Ang play-ins, ang knockout stage at ang grand finals. Ang natalong teams sa play-ins ay mahuhulog sa lower bracket at magpapatuloy sa knockout stage, sa knockout stage dito na mas iinit ang laban dahil double-elimenation ang format at ibigsabihin kapag natalo ng isang series ang team ay mahuhulog sa lower bracket. Ang nanalong team sa upper bracket ay makakalaban ng nanalong team sa lower bracket at sila na ang team na maglalaban sa grand finals.

Nabunot ang FTT sa pangalawang match ng playoffs at S.COMP ang makakalaban nila. Ang team na hindi nila nakalaban sa regular season. Top 7 lang ang S.COMP sa may pinakamataas na points kaya nakaramdam ng tuwa ang FTT dahil alam nilang hindi ganun kataas ang pressure. Itong team ang gustong pagtuunan ng pansin ni Jacian nung nakasakay sila ni Just sa ferris wheel ngunit hindi niya nagawa dahil sinabi ni Just na madali lang sirain ang kanilang rhythm. Maraming beses na itong nakalaban ng FTT at pamilyar na sila sa gameplay ng bawat players pero dahil bago palang si Jacian sa kanilang team wala siyang ideya. Playoffs na ang kanilang match at mas malakas ang mga players ngayon kumpara sa regular season, kahit na tuwang-tuwa si Luck nung malamang S.COMP ang makakalaban nila mas pinili parin ni Jacian na manood ng match ng S.COMP para mapamilyar siya sa strategy.

Naka-upo siya sa sofa nang naka-dekwatro habang nanonood ng match, lumapit naman sa kanya si Lucky at tumabi ng upo para tingnan kung anong pinapanood niya. Habang nanonood sila ng match bahagyang napamura si Lucky.

"Holy shit! Bago 'tong cellphone mo?!"

Jacian: "..."

Nagulat siya sa boses ni Lucky at bahagya niyang na-forward ang match, nilapat niya lang ang kanyang daliri para i-backward iyon.

"Ito ba yung bagong labas? AI cellphone yung kahit pumunta ka sa bundok may signal parin?" Tanong ni Lucky at dinungaw ang likod ng cellphone ni Jacian. "Holy shit! Ito nga. Paano mo nabili 'to? Ang mahal nito ah, kahit isang taon kang mag-livestream hindi mo 'to maaafford." Hindi makapaniwalang saad ni Lucky at parang kasalanan pa ni Jacian na may ganun siyang cellphone.

"Regalo ni Captain." Sagot ni Jacian at bahagyang tinaasan ang volume.

"Regalo ni Captain?" Tanong ni Lucky na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Jacian.

"Alangan naman regalo mo." Sarkastikong saad ni Jacian.

Lucky: "!!!" Ngayon niya lang napagtanto na dapat si Jacian ang may IGN na Lucky at hindi siya.

Maya-maya lang dumaan si Just sa living room na pawis na pawis dahil kakatapos lang nito mag-jogging. Kaagad siyang binalingan ni Lucky.

"Cap Tin, niregaluha mo si Boss ng AI cellphone tapos nung birthday ko kahit bati man lang wala?"

"Mn." Sagot ni Just habang pinupunasan ang pawis sa kanyang baba gamit ang sleeve ng kanyang jacket. Kumuha lang siya ng tubig pagkatapos umakyat na ng second floor.

Lucky: "???"

Ngunit napapitlag siya nang bigla siyang batuhin ni Blue ng unan.

"Sino ka ba para regaluhan."

Nakita nila ang chat ni Coach Dang sa kanilang gc bago sila natulog at sinabi nitong 8 a.m ang simula ng kanilang training bukas kaya naman maaga silang nagising para pumunta sa training room. Inaayos pa ng mga staff ang kanilang equipment kaya naghanap muna sila ng pagkakaabalahan. Antok na sumandal si Lucky sa mesa at inihiga ang kalahating katawan doon, ngunit maya-maya lang pumasok si Coach Dang at hinampas nito si Lucky sa ulo gamit ang hawak niyang notebook.

Abala si Jacian sa kanyang cellphone nang mahagip ng kanyang mga mata ang screen ng computer ni White na naka-connect sa gaming phone. Laging maaga si White sa kanilang training room para mag-livestream at nagpaturo talaga itong mag-assemble kaya kahit walang staff nakakapag-livestream ito. Ngunit nagtaka si Jacian nang makitang ginagamit nito si Lady Zhen samantalang substitute jungler siya ng team nila, naalala niya noon nung bumili si White ng 10 games para makipag-1v1 sa kanya ngunit sa sampung laro hindi ito nanalo. Ang isang game sa kanya ay 100 pesos at nagbayad sa kanya si White ng 1000 pesos, bakit mag-aaksaya si White ng pera para matuto gumamit ng mage kung isa siyang substitute jungler ng team? Bahagya niya tuloy siniko si Just para itanong yun.

"Balak ng club na ilipat si White ng role. Naaalala mo ba yung tungkol sa case ni Savage?" Tanong ni Just na tinanguan ni Jacian. "Hindi makahanap ang club ng player na ipapalit kay Savage kaya nagdesisyon muna sila na mag-training si White ng mage at kung wala parin silang mahanap si White ang gagawing mid laner ng team." Lintaya ni Just. Tahimik namang nakinig si Jacian. "Pero kapag hindi kayang mag-adjust ni White sa role, ako ang magiging mid laner ng team at siya ang magiging jungler."

Nagulat si Jacian. Hindi niya inaasahan na ganun ang sitwasyon ng team nila nung nawala si Savage. May mga nabasa siyang post at comments noon tungkol sa FTT at maraming nagsasabi na pa-worse ng pa-worse na ang FTT, ngunit sa lahat ng players ng FTT, si Just ang may pinakamaraming natanggap na trash talk, sa jungler lahat napunta ang sisi at hindi maintindihan ni Jacian kung bakit si Just ang sinisi sa naging result ng FTT last season. Malakas naman ang line-up ng FTT at malakas din sila sa micro ngunit wala silang tacit understanding at sobrang hina sa macro play. Doon sila na target ng RG at mabilis silang na-punish, idagdag pa na si Just ang target locked. Mahirap talaga kapag laging patay ang jungler sa early kaya siguro ito rin ang dahilan kung bakit binash si Just.

Ngunit sa dami ng mga players at streamer wala man lang gustong mag-sign in sa FTT?

"Pumayag ang club na lumipat ka ng role?" Tanong ni Jacian.

"Hindi pumayag si Coach Dang. Sabi niya maraming fans ang magrereklamo."

Tumango si Jacian. "Tama naman si Coach Dang."

Binalingan siya ni Just. "Buti nalang nag-sign in ka. Ang sabi maraming teams ang kumuha sa'yo pero ni-reject mo lahat."

Jacian: "..." Sino nagsabi nun?

Maraming list ng players at streamer ang kinuha ni Coach Dang pero sa dami ng listahan nila hindi nakasama ang account ni Jacian, naisip narin nila noon ni Coach Dang na baka hindi ito streamer, si Mrs. Sojurn pa ang nag-send sa kanila ng gameplay ni Boss at link ng account. May restrictions noon ang account ni Jacian dahil sa kakatrash talk niya at hindi iyon makikita sa recommendations kahit mayroon siyang million na followers, kinakailangan nila ng link para makapasok sa livestream room niya.

Saktong pag-send sa kanya ni Coach Dang ng link dumeritso siya sa livestream room ni Jacian, ipa-follow niya lang sana iyon ngunit bigla itong nag-live. Hindi alam ni Just kung anong gagawin niya noon habang nanonood ng livestream, kalmado siyang tao pero nung nakita niyang balak tumalon ni Jacian sa napakataas na tulay kinabahan siya sa puntong hindi niya rin alam kung paano niya pa ito naabot. Doon napagtanto ni Just na kulang pa ang pagiging kalmado niya, mabuti nalang at nagawa niya ng maayos.

"Anong ginagawa mo dun?" Tanong ni Jacian.

"Pauwi ako, huminto ako dun para manigarilyo. Sakto namang sinend sa akin ni Coach Dang ang link ng account mo kaya nakita kita." Sagot ni Just.

"What a coincidence." Hindi mapigilang sambit ni Jacian habang nakayuko. Nandun na siya sa sitwasyon na kailangan niya lang bumitaw sa hinahawakan niyang bakal ngunit naabot pa siya ni Just, sa lakas ng pagkakahila sa kanya ni Just bahagya pang sumabit ang kanyang paa sa pagitan ng bakal dahilan para mahirapan siyang maglakad, ngunit hindi iyon pinansin ni Jacian, mukhang alam din ni Just na nasabit ang paa niya kaya inaba siya nito at binuhat.

Ipinatong ni Just ang kanyang kamay sa balikat ni Jacian at bahagya itong tinapik. Maya-maya lang tinawag na sila ni Coach Dang matapos ayusin ng mga staff ang equipment at simulan ang kanilang training.

Binuksan ni Coach Dang ang malaking TV para panoorin ang kanilang practice match. Nagpa-schedule si Coach Dang ng practice match nang malamang S.COMP ang makakalaban nila sa unang match nila sa playoffs, dahil hindi nila nakalaban ang isa't isa sa regular season mabilis na pumayag ang S.COMP.

Sa play-ins ng playoffs, BO3 ang laban ngunit BO5 ang knockout stage, sa grand finals naman ay BO7 kaya parehong nagdesisyon ang dalawang team na BO5 ang kanilang practice match.

More Chapters