LightReader

Chapter 139 - Chapter 137: FTT vs. GOT-G - Knockout stage

Dahil abala sa training at match ang FTT, wala na silang oras para tingnan ang mga updates ng PKL. Kahapon natapos ang play-ins ng playoffs at makikita sa huling updates nila ang mga teams na na-eliminate ngayong season, nakakalungkot ngunit kasama ang TK sa mga eliminated teams. Magkakaakbay silang nag-bow sa harap ng mga audience para sa pagtatapos ng kanilang laro ngayong season, bagong pro player si Linus at ito ang unang beses niyang maglaro bilang starter ng TK at ito rin ang pinaka-unang elimination na naranasan niya, kaya nababahiran ng lungkot ang kanyang mga mata at halos pangilidan siya ng luha nung kausapin sila ni Ms. Phara sa stage. Tinapik-tapik naman ni Sin ang kanyang balikat para pakalmahin siya.

Sa match 1 ng playoffs, magkalaban ang TK at EPG samantalang sa match 2 naman ay FTT at S.COMP, nanalo ang EPG sa TK at nanalo naman ang FTT sa S.COMP kaya EPG at FTT ang naglaban sa sumunod na match. Samantala, parehong nahulog sa lower bracket ang TK at S.COMP kaya silang dalawa ang nagkalaban sa baba, panalo ang TK sa S.COMP at na-eliminate ang S.COMP ngunit ang naging kalaban naman ng TK sa lower bracket ay ang RG na natalo ng GOT-G nakaraan. Natalo din ng FTT ang EPG nakaraan at nakalaban naman ng EPG ang HUV sa lower bracket at tuluyan nang na-eliminate ang EPG kasama ng TK.

Ang natitirang teams nalang ngayon sa playoffs na maglalaban sa knockout stage ay FTT at GOT-G sa upper bracket, RG at HUV naman sa lower bracket, apat na teams nalang ang natitira ngunit tatlo lamang ang mananatili, sa tatlong teams dalawa lang ang maiiwan dahil mai-eliminate ang isa, sa dalawang maiiwan isa lang ang magiging domestic champion.

Alam ni Coach Dang kung gaano kabigat ang pressure ngayon sa FTT dahil GOT-G kaagad ang magiging kalaban nila sa knockout stage, ngunit mas kinakabahan si Coach Dang sa ban/pick phase dahil nakasalalay sa kanya ang gagamiting hero ng mga players. Naka-apak na siya sa stage ng World championship at tumingin sa malaking banner na may nakalagay na Honor of Kings World Championship na nakasulat pa sa malalaking letters ngunit hindi siya kinabahan ng ganito. Ngunit ngayon, nagsimulang mabalisa ni Coach Dang. Naisip niya na dahil siguro nagagawa lang nilang maabot noon ang top 6 sa regular season sa group B ngunit nagawa nilang maabot ang pagiging top 2 ngayon, at kung noon play-ins lang ang naaabot nila pero ngayon nakarating sila sa knockout stage. Naisip ni Coach Dang na baka hindi na siya nasanay na makarating sa ganito kataas kaya siya kinakabahan. Ngunit hindi niya hinayaang makita iyon ng mga players.

Nasa break room na sila ngayon ng venue habang hinihintay nila ang staff na kumatok. Naka-upo sila sa sofa at abala sa kani-kanilang ginagawa, ngunit maya-maya lang naramdaman ni Coach Dang na hinawakan ni Just ang kanyang balikat. Kilala siya si Just kaya alam niyang napansin nitong may mali sa kanya, binigyan lang siya ni Just ng magaan na tapik sa balikat ngunit sapat na iyon para kumalma si Coach Dang.

Kumatok na ang staff kaya sinabihan na sila ni Coach Dang na pumunta sa stage para simulan ang match. Bago magsimula ang match tinawag ni Ms. Phara ang LS dou sa GOT-G at Honeybam dou naman sa FTT.

Hindi alam ng mga audience kung kakabahan ba sila o matutuwa dahil sa nangyayari sa stage, alam naman nilang knockout stage ito at dapat silang nakakaramdam ng kaba ngayon ngunit hindi nila maiwasan ang hindi matuwa dahil sa trash talk segment. Hindi pa naman ito elimination dahil kapag natalo ang isa sa kanila ay mahuhulog lang sa lower bracket, nagdesisyon ang mga audience na matuwa muna at isantabi ang kaba na para mamaya at sulitin ang trash talk segment.

Nasa magkabilang side ni Ms. Phara ang dalawang dou ng dalawang team habang nasa pagitan nila si Ms. Phara.

"Just, kaharap mo ngayon si Lessen. May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Ms. Phara.

Tiningnan naman ni Just si Lessen. "Any last words?" Saad ni Just na ikinaingay ng mga audience sa side ng FTT.

Minsan lang matawag si Just sa trash talk segment at tuwing tinatawag siya para sa trash talk puro 'mn' lang ang sagot niya. Ngayon lang nila ito narinig magbato ng trash talk.

Taas noo namang nakangiti si Lessen na animo'y hindi makapaghintay na balingan siya ni Ms. Phara.

"Lessen, sabi ni Just, any last words. Paano mo mapapatunayan na hindi ito ang last words mo?"

"Ito ang huling araw na maririnig mo ang trash talk ko."

Mas lumakas ang sigawan sa audience area dahil sa sinabi ni Lessen. Alam nilang magkaibigan ang dalawang jungler ng team pero pagdating sa tournament pareho silang magkalaban at hindi tinuturing na kaibigan ang isa't isa.

Inangat ni Ms. Phara ang microphone para tanungin naman si Shadow. "Shadow, anong palag mo kay Boss?"

"Isa lang ang masasabi ko, malakas ang Heino ko." Ani Shadow. Pinapahiwatig niya na kailangan nilang i-ban si Heino kung gusto nilang lumaban.

"Boss, ano namang palag mo kay Shadow?"

"Malakas ang Heino mo, pero Heino lang."

"Wow." Hindi mapigilang saad ni Just kaya bahagyang natawa si Jacian.

Mas malakas ang naging sigawan ng mga audience dahil sa sinabi ni Boss, ano pa nga bang aasahan nila, trash talk king ito ng e-sports circle.

Pagkatapos ng trash talk segment pumunta na sila sa kani-kanilang match area at bumaba narin ng stage si Ms. Phara. Naging tahimik ang buong venue at tanging boses lang ng dalawang commentators at nakakakabang tunog ng 5 seconds countdown na nanggagaling sa big screen ang maririnig sa venue. Knockout stage ito ng playoffs at BO5 series kaya kailangan nilang makakuha ng 3 points para manalo, double elimination ang format kaya bawas ang pressure.

"I-baban ba natin si Heino?" Tanong ni Coach Dang.

"I-ban niyo, takot ako sa Heino niya." Segunda kaagad ni Lucky. Naranasan niya ng madurog ng Heino ni Shadow at tinatower dive talaga siya nito sabay gamit ng ult.

Binan din ng FTT si Arli at kinuha kaagad ang combo ng Liang at Princess Frost para kay Gem at kay Jacian. Malakas ang tacit understanding nilang dalawa at sobrang safe ni Lucky kapag ito ang gamit nilang mga hero, kilala ito na combo ng FTT kaya kapag nakikita nila ang Liang at Princess Frost sa ibang teams, Gem at Boss kaagad ang pumapasok sa isip nila. Malakas naman ang combo nito sa ibang teams pero kakaiba kapag mid at support ng FTT ang humawak.

Gumamit si Lessen ng assassins jungler at kinuha niya si Pei. Nagulat ang dalawang commentators dahil sa hero ni Lessen, alam niyang may Liang at Princess Frost sa kabila ngunit pinili parin ni Lessen si Pei, hindi nila alam kung paano makakapag-travel si Lessen nang hindi kinakabahan. Huling pumili si Shadow at ni-lock niya iyon kay Nuwa, isang mage na may napakalayong ultimate. Kilala si Nuwa ng mga players ng HoK sa linyang, 'You can run, but you can't hide' dahil napakalayo ng kanyang ultimate at kahit nasa magkabilang dulo pa ng mapa kaya niya paring abutin.

Samantalang nang magsimula ang match, pumunta si Just sa kanyang blue buff gamit ang kanyang hero na si Agudo, isang jungler na magaling mag-push ng tower. Tahimik ang mapa dahil parehong disiplinado ang core ng magkabilang teams, hindi rin sinubukan ni Lessen na magnakaw ng mga resources dahil alam niyang may Liang at Princess Frost ang FTT.

Tamang linis lang ng minions ang nangyayari sa mid lane hanggang sa mag-spawned ang overlord/tyrant. Pumunta kaagad sa tyrant pit ang GOT-G para kunin iyon samantalang nasa clash lane pa si Just para mag-clear ng minions. Si Jacian at Gem lang ang nakahawak sa tyrant dahil si Lucky ay nasa farm lane para i-clear ang minions at si Blue ay nasa mid lane para linisin din ang minions. Ngunit si Sun Ce ang gamit ni Blue at p'wede siyang makapagtravel gamit ang kanyang set sail at sunduin si Just patungo sa tyrant pit.

Tuluyan nang kinuha ng GOT-G ang tyrant ngunit hindi nila namalayan basag ang dalawa nilang tore, mag-isang binasag ni Just ang tower sa taas at mag-isang binasag ni Lucky ang tower sa baba dahil sa kanyang mga summons, gamit niya si Chano na magaling din mag-push. Nakuha nga ng GOT-G ang tyrant ngunit nawalan naman sila ng dalawang tower at kung titingnan sa gold mas mataas parin ang gold ng FTT dahil marami silang na farm na minions. Si Just ang gold leader at lamang siya ng isang libo kay Lessen.

Sa ginagawa ng FTT, halatang umiiwas sila sa teamfight dahil hindi nila hinahayaang magkasalubong ang landas nila ng GOT-G. Ngunit alam naman ng mga fans na sa late game nag-iinitiate ng teamfight ang FTT kapag pang-late game ang kanilang line-up, sa ngayon binabasag muna nila ang mga turrets ng GOT-G para pagdating ng late game mahahati ang atensyon ng GOT-G at kung hindi man sila makakakuha ng advantage sa teamfight hindi iyon malaking kawalan dahil malakas ang kanilang lane management.

Nababakas ang pressure sa mukha ng mga players ng GOT-G dahil napabayaan nila ang kanilang lanes. Hindi rin kayang i-gank ni Lessen si Jacian dahil kasama nito si Gem na may malakas na CC, kung susugurin niya ang dalawang 'to siguradong ang labas ay sumugod siya para mamatay.

Sa mid game ng match, mas lalong naipit ang GOT-G dahil sinimulan nang pasukin ng FTT ang kanilang jungle ng sama-sama, napilitang gamitin ni Shadow ang kanyang ult para lang bawasan ang minions sa mid lane at nagawa niya namang ma-clear nang hindi lumalabas sa high ground.

Nasa mid lane ang apat na players ng FTT samantalang nasa clash lane naman si Lucky at nag-summon siya ng mga monster para linisin ang minions, pagkatapos pumunta siya sa farm lane at nilinis din ang wave ng minions. Mabilis lang na-clear ni Lucky ang mga minions dahil marami siyang summons at hinayaang ang mga ito na ang bahalang magtrabaho.

Nag-push na ang FTT sa mid lane at napagamit narin si Lessen ng skills para pasukin ang mga squishy hero ng FTT, ngunit hindi sapat ang kanyang damage para i-execute si Jacian, at ang masaklap pa siya pa ang na-target nang ult ni Gem nang gamitan niya ng skills combo si Jacian. Ginamit nila ang skills combo ng Liang at Princess Frost kaya free kill ay nakuha ni Jacian. Ito na nga yung iniisip ni Lessen na susugod siya para magpakamatay.

Makikita ang mabigat na ekspresyon sa mukha ni Lessen nang ilapag niya ang kanyang gaming phone sa mesa.

"Kasalanan ko 'to. Babawi ako next." Saad niya sa kanilang noise-cancelling headphones, bumuntong hininga siya at tinanggal iyon nang makitang sumabog na ang kanilang crystal.

Naging mabilis ang kanyang desisyon kanina kaya nagmamadali siyang pinasok kaagad si Boss sa likod ng mga teammates nito at nakalimutan niyang may ultimate pa si Gem. Hindi rin nakapag-assist ang kanyang mga teammates dahil kulang sa oras, mabilis na napatay ng FTT si Lessen kaya hindi na nila nailigtas.

Game 1 ay nakuha ng FTT kaya 1-0 ang kasalukuyang score. Hindi rin nagtagal at nagsimula ang game 2. Sa game 2, binan ng GOT-G si Liang at syempre nanatiling ban si Augran. Ngunit first pick ng GOT-G si Mai Shiranui para kay Shadow.

Commentator Zia: "Oh, nakuha nila si Mai Shiranui. Alam naman natin na kakaiba si Mai sa kamay ni Shadow."

Commentator Waver: "Yeah, at sa mga matches ng FTT madalas kapag Mai Shiranui ang kalaban si Princess Frost ang pang counter ni Boss, pero dahil global ban/pick ang format natin hindi na p'wedeng gamitin ni Boss si Princess Frost. Kaya tingnan natin kung ano ang magiging sagot dito ni Coach Dang."

Tumango si Commentator Zia. "Actually, p'wede nilang h'wag muna pansinin 'tong Mai Shiranui ng GOT-G at kuha nalang muna sila ng hero sa ibang lanes. Parang... p'wede sila mag Dharma dito kasi isa si Dharma sa pang-counter dito kay Mai."

More Chapters