Si Lucky kaagad ang unang nagreklamo nang piliin ni Just si Arke dahil para sa kanya mas malaki ang advantage kay Luna at liban pa 'don mas madaling paganahin. Ngunit wala siyang magagawa dahil ni-lock na iyon ni Just kay Arke. Ang lakas nga naman ng hatak ni Boss.
Nakuha ng FTT si Da Qiao dahil hindi iyon binan ng GOT-G at mukhang dadaanin nanaman ito ng FTT sa magic. Kumuha si Lessen ng isang tank jungler at kinuha si Menki, si Yuhuan naman ang kinuha ni Shadow para sa mid lane.
Ang inaasahan ng mga fans ay i-baban ng GOT-G si Da Qiao dahil malakas ang kutob nilang gagamitin ni Boss si Da Qiao, ngunit hindi iyon binan ng GOT-G at tama nga ang kanilang kutob, kinuha ng FTT si Da Qiao para kay Boss. Malakas ang mobility ni Just at katulad nung ginawa nila sa EPG halatang focus lang si Just sa pag-clear ng minions sa ibang lane para makakuha ng gold dahil nand'yan naman si Jacian at makakapag-teleport siya.
Hindi ata magandang ideya ang hindi pag-ban ng GOT-G kay Da Qiao dahil nang umabot sa mid game ang match, makikita ang napakaraming play mula kay Just at Boss. Kumpara sa dalawa line-up mas madaling paganahin ang line-up ng GOT-G dahil sobrang safe nila at walang kaba sa teamfight, ngunit ngayon, kabaliktaran ang nangyayari. Imbes na GOT-G ang humawak ng kontrol ng laro at gawing sunod-sunuran ang FTT sa rhythm nila, sila pa ngayon ang nagiging sunod-sunuran sa FTT at nakokontrol ng kanilang rhythm. Mataas ang gold ng GOT-G ngunit makikita sa mapa na FTT lang ang laging nag-rorotate at umaabante at halos buong mapa ay naka-red na.
May 2 deaths narin si Lessen nang mapatay siya ni Lucky gamit ang marksman hero na si Garo. Umabot sa late game ang match at habang tumatagal ay nakakakuha ng advantage ang GOT-G at nagawang pasukin ang high ground ng FTT. Samantala, kanina pa butas ang high ground tower ng GOT-G sa may mid lane nang puruhan iyon ni Lucky kanina. Umabante na ang GOT-G kasama ang mga minions para basagin ang high ground tower ng FTT sa clash lane, malaki ang kalamangan ng GOT-G sa gold at full na ang kanilang mga core items. Kung hindi man madedefend ng FTT ang kanilang high ground at matalo sa teamfight ito na ang katapusan nila, dahil kung titingnan para mai-cocomback ng FTT ang kanilang kontrol sa laro kailangan nilang mapatay ang kahit tatlong players ng GOT-G.
Makikita ang tensyon sa mata ng mga fans ng FTT at tinakpan na nila ang kanilang mukha ng hawak nilang mga banners dahil sa sobrang kaba, mata nalang ang makikita sa kanila na animo'y hindi nila kayang masaksihan ang buong pagkatalo ng kanilang team. Pigil hininga silang tumingin sa screen nang magsimula nang pumasok sa tower ng FTT ang mga minions at nagsimula narin itong basagin ng GOT-G, hindi nakipagpalitan ng skills ang FTT at mabilis na nilinis ang mga minions, halos binigay nila kay Lucky lahat ng minions at nagawa naman iyong ma-clear ni Lucky. Pinakita pa sa big screen ang kanilang mga heart rate at umabot na sa 185 ang heart rate ni Lucky.
Halatang hindi inaasahan ng GOT-G na mabilis nalinis ng FTT ang minions dahil hindi man lang nila nabasag ang tower, ngunit nakahanap si Lessen ng magandang posisyon at pinasok kaagad si Lucky para i-CC ngunit bago pa iyon tumama biglang nawala si Lucky.
Lessen: "???"
Mga players ng GOT-G: "???" WHAT?!
Sa kabilang banda, pinakita sa big screen na kanina pa pala nasa mid lane si Boss para i-clear ang minions. Hindi napansin ng GOT-G na apat lang ang players ng FTT dahil ginamit lang ni Jacian ang kanyang recall nung nasa high ground siya ng GOT-G at bumalik sa kanilang crystal para magpakita lang sa GOT-G, pagkatapos nun pumasok siya sa portal na nasa harap ng kanilang crystal at bumalik ulit sa mid lane ng GOT-G. Ginamit niya ang kanyang ult na teleport kaya nagawang makapag-teleport ni Lucky at biglang mawala nang gamitan siya ni Lessen ng CC. Ngunit ang nakakagulat para sa GOT-G ay hindi nila napansin na nakikipag-5v4 pala sila kanina sa FTT, wala doon si Boss at nasa mid lane ito para i-clear ang minions.
Nagulat ang mga players ng GOT-G nang makita si Boss at Lucky na nasa harap ng kanilang high ground sa may mid lane para ihatid ang mga minions. Nasa high ground pa ng clash lane ng FTT ang mga players ng GOT-G habang kaharap ang tatlong players ng FTT, si Boss at Lucky ay nasa high ground nila at kasalukuyan na itong pinapatumba.
Anong gagawin nila? I-pupush ba nila ang crystal ng FTT ng walang minions ngunit may tatlong players o babalik sa kanilang crystal para i-defend iyon? Patungo sa kanilang crystal si Boss at Lucky na ngayon ay malakas narin ang damage lalo na si Lucky, hawak niya si Garo na kayang mag-push ng tower kahit walang minions.
Ngunit kung i-pupush ng GOT-G ang crystal ng FTT, matatagalan silang pasabugin ito dahil may tatlong players ng FTT na nagdedefend at baka maunahan pang mabasag ang kanilang crystal kumpara sa FTT.
Recall!
Iyon nalang ang naging desisyon ng GOT-G dahil mabilis na nabasag ang kanilang high ground. Nag-retreat ang mga players ng GOT-G para mag-recall ngunit makikita sa big screen na nag-teleport lahat ng mga players ng FTT sa ult ni Jacian at napunta sila sa high ground ng GOT-G.
Bahagyang nanginig ang gaming phone na hawak ni Lessen habang nakatingin sa FTT na nasa crystal na nila ngayon. Napamura siya dahil sa tagal ng recall at nang makapag-recall na sila saktong narinig nila ang salitang 'Our Crystal is under attack!'
Nababahiran kaagad ng kaba ang mukha ng mga players ng GOT-G at hindi maiwasang hindi mapalunok. Samantalang, maingay ang noise-cancelling headphones ng FTT at napuno sila ng excitement.
"Push! Tower lock, tower lock!" Saad ni Jacian dahil nagkaroon ng mga minions.
"Tore! Tore! Waaaahhh!!" Malakas na sigaw ni Lucky nang sumabog na iyon.
Nakalabas lang sa spawn point ang mga players ng GOT-G ngunit paggamit nila ng kanilang mga skills biglang huminto ang screen at umilaw ang kanilang crystal. Napapikit sila dahil sa panghihinayang at tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones, hindi nila inaasahan na makukuha ng FTT ang game 4, nandun na sila sa harap ng crystal at ang kailangan nalang nila ay pabagsakin ang high ground at magagawa na nilang kunin iyon, ngunit ang hindi nila napansin ay ang pag-rorate ni Boss doon sa kanilang mid lane at pasekretong nilinis ang minions.
Commentator Waver: "What a great comeback para sa FTT! Kanina pa sigaw ng sigaw ang kanilang mga fans, kinikilig eh akala nila tapos na ang series pero si Boss, nandun sa mid lane ng GOT-G para linisin ang minions at tawagin si Lucky, at ang nakakagulat pa nag-teleport din lahat ng players ng FTT at iniwan ang GOT-G doon sa harap ng kanilang high ground para pumunta doon sa high ground ng GOT-G, so palitan yung nangyari. Nandun sila sa hindi nila high ground."
Tumawa si Commentator Zia: "Yeah, at hindi rin talaga natin nakita yung pag-rorate ni Boss doon. Tsaka hindi rin talaga mapapansin kasi nag-recall si Boss gamit ang kanyang skills para bumalik sa kanilang crystal at nagpakita sa GOT-G, kaya akala ng GOT-G nandun parin si Boss pero may portal kasi si Da Qiao eh, kung saan siya nag-recall babalik din siya doon sa pwesto niya."
Commentator Waver: "Tingnan natin nung huli ah, 'yan yung replay. Kung mapapansin, nandun na sa high ground ng FTT ang mga players ng GOT-G at ginamit na ni Lessen yung kanyang CC para kay Lucky pero biglang nawala si Lucky para mag-teleport. Tapos sinimulan ng basagin ni Boss at Lucky yung high ground ng GOT-G sa mid lane at yung GOT-G na nasa high ground pa ng FTT parang huminto sila eh, hindi nila alam kung uuwi ba sila o itutuloy yung pagbasag sa high ground ng FTT pero may tatlo pa kasing players ng FTT yung p'wedeng mag-defend at sa crystal nila walang tao. Kaya ang naging desisyon dito ng GOT-G ay umuwi nalang, kasi kung makikipag-unahan sila mas mahuhuli sila kasi may tatlong players pa ng FTT na nakaharang eh pero sa crystal nila nandun na si Boss at Lucky kasama yung mga minions. Kaya wala rin talagang ibang choice dito yung GOT-G kundi ang umuwi, pero ang hindi rin nila inaasahan ay nag-teleport lahat ng players ng FTT doon sa kanilang high ground para basagin ang kanilang crystal at hindi na talaga sila nakaabot."
Hindi maiwasan ng dalawang commentators ang hindi mamangha dahil sa naging galaw ng FTT ngayong game.
Commentator Zia: "Grabe noh? Ganun pala yung panggugulat na mayroon si Boss gamit si Da Qiao."
Commentator Waver: "Ang sabi ng FTT, kung hindi madadaan sa normal na laban idaan sa magic. Lagyan natin ng twist sabi ni Boss."
Tumawa si Commentator Zia.
Pagkatapos ng 10 minutes break, bumalik narin kaagad ang mga players sa kani-kanilang match area para simulan ang ban/pick phase. Inihanda narin ng mga commentators ang kanilang sarili dahil baka mapasigaw sila sa makikita nanamang magic ng FTT.
Sinuot na ni Coach Dang ang kanyang noise-cancelling headphones para simulan ang ban/pick phase. Umabot na sila sa game 5 at nagkakaubusan na ng mga hero, at pagkatapos i-ban ng GOT-G si Augran sinundan nila iyon ng Shi.
Coach Dang: "???!!!!"
Jacian: "..."
"What the...? Ban si Shi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucky.
Nag-uusap lang sila kanina na kunin si Shi kapag hindi parin pinakawalan ng GOT-G si Mai Shiranui at Luna para kay Just. Mataas ang win rate nila kapag Shi at Luna ang ginamit nilang combo ngayong game 5 dahil sigurado si Coach Dang na hindi makakalapit ang marksman ng GOT-G at mahihirapan itong mag-push. Ngunit binan kaagad ng GOT-G si Shi, mukhang nabasa ng GOT-G ang kanilang line-up.
Commentator Waver: "Wow, bagong mukha sa ban spot. Ngayon ko lang nakita na binan si Shi."
Commentator Zia: "Nagagamit din kasi ni Boss ng tama si Shi tsaka kung babalikan yung match nila sa EPG, yung Shi ni Boss ang dahilan kung bakit laging namamatay si Kirsty. Hindi sila makahanap ng tamang posisyon, nasisira yung formation nila. Kaya para sa GOT-G, malakas ang kutob nila na pagkatapos silang pakitaan ng FTT ng magic, yung posisyon nanaman nila ang sisirain ng FTT. Kaya good answer para sa GOT-G."
Binan ng FTT si Heino at Liang, gumagamit ni Shadow ng Liang kaya para kay Shadow ang dalawang ban spot ng FTT. Tiningnan ni Coach Dang ang ban spot at dahil binan narin nila si Liang p'wedeng p'wede nilang kunin si Luna, ngunit ban si Shi na taga bigay CC kaya hindi alam ni Coach Dang kung anong mage o support ang kukunin niya na kayang sumabay kay Luna.
"Just, kukunin pa ba natin si Luna?" Paninigurado ni Coach Dang.
Tumango si Just. "Mn."
Binalingan naman ni Coach Dang si Gem para itanong dito kung sino ang mas prefer niyang gamitin sa pagitan ni Dolia at Dyadia ngunit tiningnan ni Gem si Just para itanong kung anong gusto niyang support, malakas na fighter si Luna ngunit kailangan niya ng support para mas makababad siya sa teamfight.
Binalingan naman ni Just si Coach Dang. "What about Yaria?" Tanong ni Just.
"No way!" Tutol kaagad ni kaagad ni Lucky.
"Bakit?" Tanong ni Coach Dang.
"Sa akin lang ginagamit ni babe yan eh." Dagdag pa ni Lucky. Si Yaria ay isang soft support na katulad ni Angela sa ML sumasapi lang din ito sa kanyang mga teammates. Karamihan ng gumagamit ng Yaria sa rank game ay mga babae na may ka-dou.
