LightReader

Chapter 152 - Chapter 150: Grand finals

Halos lahat ng players ng FTT ay kasama sa top dahil nangunguna si Just na siyang Great Demon King ng global matapos siyang manalo ng tatlong beses sa world individual competition, si Blue at Gem ay parehong top-tier clash laner at top-tier support ng global, tatlong players ng FTT ang nakasama sa list ngunit nagtataka si Jacian kung bakit hirap nilang maipanalo ang match noon nung si Savage pa ang kanilang mid laner. Kung papanoorin ang mga match ng FTT noon, mapapansing malakas sila kapag individual ngunit napakahina kapag teamfight, iyon yung wala sa FTT noon, ang tacit understanding. Kaya kapag tinarget si Just sa early game, mag-cocollapse narin ang buong team, bakit? Dahil walang nagpapayaman at hindi sila makabili ng items.

Malakas ang FTT sad'yang hindi lang nila magawa yung tamang play na para sa kanilang gameplay at teammates na makakasabay sa kanilang rhythm, isa na si Savage na nagpabayad para ipatalo ang match at si Lucky na sobrang hina. Nabagsak lahat ng responsibilidad kay Just at maging siya ay binago rin ang gameplay at mga hero na gagamitin. Wala siyang choice, maging si Blue at Gem kaya pare-pareho silang nahila pababa ng kanilang teammates.

Sira ang FTT noon ngunit makikita naman na malaki ang naging improvement ng team nila simula nung pumasok si Jacian sa FTT at maging coach si Mrs. Sojurn nung regular season. Hindi si Just, Gem at Blue ang nag-adjust, kundi si Lucky at ang coaching. Malakas na ang FTT pero mahina ang kanilang game awareness, ngunit nand'yan si Boss na kanilang commander at may malakas na game awareness. Ang tanging kailangan nalang nila bigyan ng atensyon ay ang farm lane na laging nag-cocollapse.

Kasalukuyang 1-0 ang score, ngunit ayun sa kanilang inaasahan hindi papayag ang GOT-G na makuha pa nila ang game 2. Kakaibang play mula kay Shadow ang nakita nila gamit ang kanyang signature hero na si Heino, si Heino yung hero na nakakapag-rivive ng tower at doon nahirapan ang FTT dahil laging binubuhay ni Shadow ang mga towers na pinapabagsak nila at hirap pang sumama si Lucky sa teamfight dahil siya ang target locked sa early kaya wala siyang lakas para mag-rotate at pasekretong kunin ang mga towers. Laging buhay ang mga towers ng GOT-G hanggang sa sila na ang umabante at pinabagsak ang mga towers ng FTT.

Kasalukuyang 1-1 ang score matapos makuha ng GOT-G ang game 2.

Commentator Zia: "Hindi talaga tayo magtataka kung sasabihin ni Shadow na signature hero niya si Heino, gamay na gamay si Heino, ginampanan yung trabaho niya at kakayahan niyang i-revive yung tower, sobrang ganda ng play mula kay Shadow at hindi naging successful yung lane management ng FTT."

Commentator Waver: "Yes, at ang hirap din kasi mag-push gamit yung line-up ng FTT kasi wala silang hero na malayo yung range kasi Lady Sun din yung hero ni Lucky, tapos yung mage nila na hawak ni Boss ay Diaochan. Medyo nagulat tayo doon kanina sa Diaochan pick ni Boss kasi isa si Diaochan sa mga matatakaw sa gold, pero ang galing nung paggamit ni Boss kay Diaochan noh? Gusto siyang patayin ni Shadow tapos pag-poke ni Shadow nag-dash doon si Boss patungo kay Shadow at sakto namang walang ult si Shadow kaya nahirapan siyang i-counter si Boss. Tsaka 'pag Diaochan talaga lugi ka sa malapitan na laban, gusto ni Diaochan 'yan eh yung harapan, kaya medyo nag-alanganin si Shadow doon. Siya yung umatake pero nakapag-counterattack kasi si Boss kaya nag-retreat nalang si Shadow, delikado eh baka siya pa yung mamatay."

Lumipas ang sampung minuto at nagsimula na ang game 3 ng grand finals, kailangan ng isang team na manalo ng 4 games para maging domestic champion. Mararamdaman na kaagad ang tensyon sa dalawang teams dahil mapapansin na parehong mayroong kayang patunayan na maging domestic champion, mahirap hulaan kung sino ang mananalo at maging ang mga viewers ay mukhang nahihirapan din dahil kunti lang ang lamang ng GOT-G sa FTT sa ginawang prediction rate ng PKL dahil nakakuha ng 51% win rate ang GOT-G at 49% win rate naman ang FTT.

Nang magsimula ang blind pick, nasa blue side parin ang GOT-G kaya sila ang unang pipili, hindi na pinatagal ng GOT-G ang kanilang picking at agaran nilang kinuha si Augran para kay Lessen.

[Viewers: "!!!!!"]

[Shucks! Augran para kay Lessen?!]

[Makakakita ba tayo ngayon ng dalawang Augran mula sa ating jungler king?]

[Susubukan niya talaga gumamit ng Augran sa harapan ng Great Demon King? Wow, grabe yung audacity.]

[LMAO.jpg]

Maraming beses na nilang nakita si Augran sa kamay ni Lessen na pinanlaban niya sa ibang teams ngunit ito ang unang beses na gagamitin ni Lessen si Augran sa FTT. Madalas kasing ban si Augran tuwing FTT ang kalaban at mayroon silang dalawang dahilan kung bakit nila ito binaban, una ayaw nilang ipagamit kay Just, pangalaw ayaw nilang gamitin dahil nand'yan si Just. Ang sabi nga ng mga fans, kung hindi lang din kasing lakas ng Augran ni Just yung Augran niyo, h'wag niyo ng ilabas.

Maging ang dalawang commentators ay napa'wow!' nang makita si Augran.

Tahimik naman ang mga players ng FTT dahil hindi nila makita ang pick ng GOT-G, maging si Jacian ay nanatiling walang reaksyon habang nakasandal sa kanyang gaming chair. Nakatingin siya sa suot niyang heart-rate monitoring watch na nakalagay sa kaliwa niyang pulsuhan, ang isa niya namang kamay ay nakalapag sa mesa habang marahan itong itinutoktok. Nasa ganun siyang sitwasyon habang kalmadong nakasandal sa kanyang gaming chair suot ang kanyang noise-cancelling headphones.

Naghihintay siya ng command ni Coach Dang na ngayon ay kinakausap si White para sa mga susunod nilang line-up. Ilang sandali ang makalipas nang balingan sila ni Coach Dang.

"Gagamit tayo ng line-up na magaling mag-push, siguradong idadaan 'to ng GOT-G sa teamfight kaya kailangan natin ng malakas na lane management." Saad ni Coach Dang. "P'wede si Agudo, kaya mo bang i-handle si Agudo ngayong game?" Tanong ni Coach Dang kay Just.

Tiningnan ni Jacian si Just at nakita niyang tumango ito kasabay ng 'Mn'

Sinabi ni Coach Dang na kailangan nila ng line-up na mabilis mag-push kaya si Jacian na ang nag-suggest na kaya niyang gumamit ng Milady ngayong match para mag-push ng towers. Nag-alanganin si Coach Dang pero sinabi ni Jacian na safe si Milady ngayong game dahil nailabas na ng GOT-G si Heino na pang-counter kay Agudo at Milady kaya makakapag-push sila ng maayos. Tumango lang si Coach Dang bilang pagsang-ayon.

"Ano sa tingin niyo ang pinili ni Lessen ngayong game? Hindi ba tropa kayo, Just?" Tanong ni Coach Dang kay Just.

Hindi na nagsayang ng oras si Just para isipin ang hero ni Lessen at kaagad siyang umiling. Hindi niya alam kung anong hero ang p'wedeng gamitin ni Lessen dahil hindi niya naman malaman ang takbo ng isip nun, si Lessen yung tipo na walang isang desisyon kaya hindi ganun kalalim ang tacit understanding nilang dalawa. Ngunit sinabi naman ni Just na posibleng fighter hero ang gagamitin ni Lessen ngayong match dahil madali itong magsawa, siguradong sawa na si Lessen sa hero na maraming mobility dahil maraming dash ang hero na pinili niya nung game 1 at game 2 na sina Luna at Han Xin.

Lumabas ang line-up ng dalawang teams at mapapansin na nakatuon lang sa lane-pushing ang line-up ng FTT dahil kinuha nila si Agudo, Milady at Chano, kinuha din nila si Dolia para kay Gem na mayroong double ultimate at mukhang ibibigay niya iyon kay Lucky para mas makapag-summon ito ng maraming monster at makapag-push ng mabilis.

Commentator Zia: "Kung kanina halos kumpleto pa ang mga towers ng GOT-G ngayon naman ay mukhang lahat ay matutumba dahil sa lakas ng lane-pushing ng FTT."

Commentator Waver: "Hindi na makakayakap sa towers yung mga players ng GOT-G n'yan. Papunta ka palang ng tower may mechanical minions na ni Milady, may monsters ni Chano at Agudo. So, walang tower hug ang GOT-G ngayong game. Lugi siya kung mag-tatower hug sila."

Maging ang scrolling comments sa official live broadcast ng PKL ay puro 'HAHAHA'

Magkakaroon lang ng advantage ang GOT-G dito kung sasakupin nila ang jungle ng FTT at hindi makakakuha ng resources si Agudo na hawak ni Just, ngunit kaninong jungle ba ang sasakupin nila, hindi lang iyon basta jungle ng mga jungler kundi jungle ng Great Demon King. Ang Great Demon King hindi makakakuha ng resources sa sarili niyang jungle? Imposible! Kayang-kaya i-defend ng Great Demon King ang sarili niyang jungle nang hindi kinakailangan ng tulong ni monster mage.

Katulad ng inaasahan nila nagsimulang mag-invade ang GOT-G sa jungle ng FTT at tatlong players ng GOT-G ang pumunta doon para nakawan ng blue buff si Just. Mabilis namang nag-react ang FTT at hindi nila hinayaang makakuha ni Lessen ang blue ni Just kaya nagkaroon ng palitan ng skills doon sa may pit. Mainit na kaagad ang laban doon dahil nang umangat ang azure golem gamit ang enhance skill 1 ni Augran para i-execute iyon ginamit ni Just ang kanyang smite at naagaw niya pa ang blue!

Hindi maiwasan ng mga audience ang mag-ingay at ng viewers ang hindi napamura. Ngunit mas lumakas ang sigawan nang mag-retreat ang mga players ng GOT-G ngunit sinalubong sila ng mechanical minions ni Boss. Kalahati nalang ang HP ni Lessen at unti-unti itong naubos dahil sa mechanical minions ni Jacian na may slow effects.

First blood!

Tuluyan nang namatay si Lessen at si Just ang nakakuha ng first blood. Hindi na nagdalawang isip si Shadow at kaagad ginamit ang kanyang flash para mag-retreat kasama ang kanilang support na si Little.

Commentator Waver: "Hindi naging successful ang pagsakop na ginawa ng GOT-G at ang masaklap pa si Lessen pa yung na-target."

Commentator Zia: "Yeah, at maganda yung ginawa ng FTT kasi nakapag-react sila dun sa ginawa ng GOT-G at napatay pa nila yung core. Ito yung ayaw ni Augran eh, yung namamatay siya sa early kasi hindi siya makakapag-farm ng marami at hindi kaagad siya makakabili ng tank build. Sobrang squishy din kasi ni Augran lalo na 'pag nadikitan siya ng CC."

Bahagyang natawa si Commentator Waver: "Ang nakakagulat pa ay yung pagnakaw ni Lessen sa blue ni Just. Inangat na eh, inangat na ng spear ni Augran yung buff tapos nakuha parin ni Just gamit yung smite."

Commentator Zia: "Akala nga ni Lessen makukuha niya na eh. Pero nakahanda pala yung smite ni Great Demon King."

Maagang nagsama-sama ang mga players ng FTT matapos makuha ni Lucky ang kanyang ultimate, ilang beses nag-attemp ang GOT-G na sakupin ang jungle ng FTT ngunit nakakapag-react ang FTT sa ginagawa nilang pag-invade kaya laging nag-reretreat ang GOT-G. Nakuha ng GOT-G yung tyrant ngunit kapalit naman nun ay dalawang tower sa clash lane.

Maganda yung hawak ng FTT sa mapa dahil inuna nilang pabagsakin yung tower sa clash lane, mag-enhance man ang overlord/tyrant mahahati ang atensyon ng GOT-G sa clash lane at tyrant, at mahihirapan ang GOT-G kung kukunin nila ang tyrant dahil pushing ang minions ng FTT sa clash lane, kung lilinisin din nila ang kanilang clash lane mahuhuli ito sa pag-assist sakaling mag-initiate ang FTT ng teamfight sa tyrant pit dahil wala na yung teleportation doon sa clash lane. Nakuha nga ng GOT-G yung tyrant hindi naman teamfight ang gusto ng FTT kundi i-push nang i-push ang kanilang mga towers.

Sinubukang kunin ng FTT yung second turret ng GOT-G sa mid lane ngunit nauwi iyon sa teamfight nang i-defend ng GOT-G, tumagal ang teamfight doon hanggang sa maubos ang minions ng FTT at nag-retreat sila nang hindi iyon napapatumba. Masaya ang mga fans sa side ng GOT-G ngunit ang hindi nila napapansin ang farm lane ay tinatrabaho lang ni Jacian gamit ang kanyang mga mechanical minions. Kayang pabagsakin ng mga mechanical minions ni Milady ang tower kahit na hindi siya lumabas sa brush, nanatili lang nakatago si Jacian doon sa may damuhan at nilapag ang kanyang mechanical minions sa baba ng tower. Hindi rin siya makita ng GOT-G sa mini map dahil nakatago siya sa damuhan.

More Chapters