LightReader

Chapter 3 - Chapter 3: Tapat, Pero Tahimik

Kinabukasan, bumalik si Tessa sa dating school para mag-submit ng clearance.

At andoon si Zed, nakaupo sa paborito nilang bench.

"Di ko alam kung masaya ako o hindi," sabi niya. "Kasi tuwing nandito ka, alam kong aalis ka rin."

Umupo si Tessa sa tabi niya.

"Zed… alam mong kailangan ko 'to, 'di ba?"

"Oo," sagot ni Zed. "Kaya nga kahit hindi ako ang pinipili mo araw-araw, dito pa rin ako."

Natahimik si Tessa.

"Pero Tess…" dagdag ni Zed.

"Ilang araw pa ba akong dapat hintayin bago ka piliin kahit isang beses?"

Sa jeep pauwi, nag-text si Elian:

 "Hinintay kitang dumaan sa corridor kanina. Ayos ka lang?"

Hawak ni Tessa ang cellphone, nakatitig sa dalawang pangalan sa inbox.

Zed. Elian.

Dalawang mundo. Dalawang direksyon.

At iisang pusong hindi sigurad

o kung saan ito tatahakin.

More Chapters