LightReader

Chapter 1 - Chapter 1

Mabuti nalang nakahanap ako ng part time job pasok para pang bayad sa tuitions ko. Nag stop kasi ako for 4 years dahil sa kulang sa pinansyal, walang wala din kasi parents ko kaya minabuti ko mag stop muna at makapag ipon-ipon para sa panahon na makakapag aral ulit ako.

Isa akong crew sa mcdo at night shift ako, 7pm-12pm minsan mahirap umuwi ng ganyang oras lalo pa may na encounter akong lasing at sinundan ako nito pauwi sa aming bahay mabuti nalang at gising pa ang aking tatay non kaya nilabanan niya yung lalaki at ngayon kasalukuyang nakulong.

Dalawa lang kaming magkakapated, ako ang panganay, si jara ang aking bunsong kapated na 15 anyos. Bente kuwatro anyos na ako ngayon, at ngayon ko naisipan ipagpatuloy ang pag k-kolihiyo ko. Nakapag umpisa na ako mag first year college noon at natapos ko ang isang taon kaya lang hindi pa ako sure sa gusto ko non kaya isa din yon sa rason bakit tumigil ako sa pag aaral. May mga minor subject na ako nakuha kaya ngayong pasokan ko pwede ko na hindi kunin yun at mag proceed nalang sa iba pang minor subject.

Ang kursong kinuha ko ay Bachelor of Science in Social Work. Sounds sosyal but nope. According to my research this profession studies people lifes, and to understand their situation. It includes child abuse, solo parent, vicitm of rape, and more.

"Excited na ako sa college journey mo teh!" Ani ng kaibigan ko mula sa kabilang linya, siya si sarah isa na siyang ganap na dentista, magkaklase kami niyan dati kaya lang nong araw na narealize ko yung hirap, at parang hindi saakin ay tumigil kaagad ako.

Hindi pa naman huli ang lahat, marami pang araw at pagkakataon, at hindi naman tumtakbo ang paaralan kaya nagporsige ako mag trabaho muna.

"Kinakabahan ako at the same time Excited, panibagong school kasi papasokan ko eh"

"Sa bagay din pero hoy ha! Baka maka boylet kana don, tanda mo na hindi kapa nagkakaroon non! Ang lungkot ng buhay mo! Kinalawang kana teh!" Tawa pa niya kaya natawa na rin ako.

"Sira! Ano naman kung wala akong experience sa ganyan, okay lang ako. Mabubuhay parin ako"

"Ganyan parin mga sinasabe mo! Oh siya kanina pa pala tayo nag uusap nag iinit na phone ko ang daldal mo kasi!" Iniparan ko siya saka nagpaalam na rin.

1hour na pala kami nag usap, nasa kabilang baranggay lang naman bahay nila, wala lang talaga times makipag catch up kasi busy rin siya at ako sa gabi.

At basi sa sinasabe niya wala akong panahon makipagkilala although sa work ko meron mga nagpapansin pero ewan ko ba wala talaga ako maramdaman.

Sa halip na isipin ang bagay na yan, kinuha ko ang enrollment form at tinitingnan ang schedule ko, for this sem ang subject ko lang ay 4, 1 major subject, 3 advance minor subject sa for first year. Mabuti nalang din wala akong pang gabi na schedule para hindi magiging conflict sa work ko.

Irregular student na ako pero okay lang naman as long as matatapos ko ang pag aaral ko.

Tiningnan ko ang orasan at napagtantong 5pm na, wala akong duty ngayon, sabado at linggo wala akong work niyan. Napag isipan ko mag luto na ng haponan, sila nanay at tatay nandoon sa munti naming sari-sari store na gulayan. Nakakakuha naman kami ng pangkain sa tinda namin sapat na para mabuhay.

"Jara, mag hugas kana ng plato, kanina pa tong umaga!" Sigaw ko ng makitang hindi pa nagagalaw ang mga pinaggamitang pinggan.

"Oo ate saglit lang po" sigaw din niya mula sa kwarto.

"Hali kana rito, huwag kana maghingi kiss sa jowa mo!" Asar ko sakanya.

"Tsee wala akong jowa ate! Nagbabasa lang ako news" paglalaban niya.

"Baket nabasa ko yung I love you kagabi sa phone mo?" Asar ko ulit, haha nakakatuwa kasi naiinis na boses niya. "Susumbong kita kay papa"

"Ate naman! Wala nga pooo!" Lumabas na ito ng kwarto habang busangot mga mukha. Natawa ako sakanya kaya tinigilan ko na asarin.

"Hugasan mo mga plato, mag luluto na din ako ng kakainin natin" tumango lang ito at sumunod saakin sa kusina. 

Maya maya pa ay nagsalita si jara. "Ate ikaw? Wala kapa boyfriend?" Tanong niya habang naghuhugas ng baso.

"Nanjan lang yan sa tabi tabi, for now mag focus ka sa paghugas ng plato hindi nakikichismis ka" pinaglakihan ko siya ng mata. Masyado namang curious na bata ito.

"Yung mga ka idaran mo kasi halos may anak na, ikaw para kang prinsesa." Tinawanan ko lang siya habang tinatadtad mga rekado.

"Buhay nila yon, saka mahal ang bigas kung mag asawa ako" natawa na rin siya, bumalit saamin ang katahimikan.

"Oa! Hindi naman asawa tinatanong ko, boyfriend naman ah" sabi pa niya. Nako andaming alam ng batang to.

"Wala akong interes sa ganyang jara" mahinang saad ko habang nag gigisa ng mga sibuyas.

"Nako ate ha baka tomboy ka!" Napatingin naman ako kaagad ng masama sakanya matapos niya bitawan ang mga salitang yon.

"Pinagsasabe mo jan, hindi lang nagka-jowa tomboy agad?" Natawa naman siya sa reaction ko.

"Paano kasing hindi ko masabi yan eh kahit magkagusto ka sa tao sa ganyang idad mo wala eh. Saka wala naman masama kung tibo ka ate" natatawa niyang papayag, kaya binato ko siya ng sibuyas. "Aray ha, nagbibiro lang ako ehh hindi naman ma joke!"

Pinagtuonan ko nalang pansin ang niluto ko kaysa pansinin ang sinasabe ni jara. Wala naman ako problema sa tomboy na word pero hindi ko talaga alam bakit wala akong nagugustohan.

Ay nako hayaan na nga natin. Darating yan sa tamang panahon.

Maya maya pa ay dumating na sila mama at papa, may dala silang tinapay at pares ang ice cream, laking tuwa naman ni jara sa dala ng mga magulang ko.

"Woww, ang yaman natin andami nating pagkain" ani ni jara. Natawa naman kami sa kanya, nakakakain naman kami ng masarap, pero hindi nga lang madalas kaya kung makapag react ay talagang nagiging ignorante.

Sa mcdo minsan pinapadalhan ako ng pagkain ng manager, may gusto kasi sakin yun siya mismo nagsabi sakin pero ano magagawa ko wala talaga akong pakiramdam sakanya alangan naman pilitin ko.

"Mano po pa, ma" abot ko sa kamay nila. Pareho silang napangiti sa akin.

"Uyy pasokan niyo na bukas, hindi kaba mahihirapan non anak? Didiretso ka sa trabaho matapos ang klase mo?" Napakamot ako ng ulo, "pwede naman tumigil ka muna sa pagtatrabaho at pagtuonan pansin ang pagaaral mo, lumalago naman yung negosyo natin sa gulay kaya na yun isuuporta sainyo"

"Tay, tulong na din po yung sa aakin, hayaan niyo na po ako, gusto ko po may pagaabalahan, wag po kayo mag aalala kaya ko po, ako pa" nakita ko naman yung lungkot ng papa ko.

"Oh basta kung nahihirapan ka, pwede ka magsabi saamin ha" tumango ako sa kanya at tinapik tapik naman ako ni mama.

"Oh siya tara, maghaponan na tayo mukhang masarap yung niluto mo anak" tumango ako kasi oo masarap talaga lalo na nag luto ako ng adobo.

To be continued.

More Chapters