LightReader

Chapter 4 - Chapter 3: The Introduction of Everything

Sophia POV

 

Ano ba ‘yan! Ang bilis ng araw — July na agad?!

Parang kaka-start ko pa lang dito sa Crestwood ah! Hahaha.

 

Well, sanayan na rin siguro. May rhythm na ang araw ko — gawa ng PRFs, follow-ups, tawag, at siyempre… coffee is life. Kaya heto ako ngayon, pabalik ng office galing canteen, hawak ang cup of iced coffee na parang lifeline ko tuwing tanghali.

 

Tahimik ang hallway, may kaunting echo ng mga yapak ko sa tiles. Saktong papasok na ako sa corner nang BOGSH!

 

“Ay!” sabay talsik ng konting kape sa blouse ko.

 

“Oh my God, I’m so sorry—” sabay tingin ko sa lalaking nabangga ko.

 

Teka.

 

Wait lang.

WHAT. IS. THAT. FACE.

 

Tall, broad shoulders, may suot na light blue polo na medyo rolled up ang sleeves (bakit ganun, ang linis tignan?), may ID ng Crestwood University - Building and Grounds Department, at… that jawline?!

 

Yung tipong pag ngumiti, may kasamang slow motion sa utak mo.

 

“Oh no, did I spill coffee on you?” tanong niya, boses pa lang pang-commercial na.

 

“H-ha? Hindi po, ako po ang nabangga—” napatigil ako, kasi bigla siyang ngumiti. Ay, Diyos ko.

 

Yung ngiti niya, ‘yung tipong pwede mong i-frame, i-print, at i-display sa altar ng mga gwapo.

 

“Sigurado ka? You look like you’ve seen a ghost,” sabi niya, may halong tawa.

 

Naku, hindi ghost, Sir. Greek god po.

 

“Ah—no! I mean, yes! I mean…” sabay bitbit ko ng coffee kong kalahati na lang. “Sorry po, medyo nagmamadali kasi ako, Sir…”

 

“Sir?” tumaas kilay niya, amused. “Arch. Jace Arvin Manalo,” sabay abot ng kamay niya.

 

Architect… oh no. Gwapo na nga, may title pa.

 

“Ah—Sophia. Sophia Yoo po. Procurement.”

 

“Procurement?” ulit niya, habang nag-shake hands kami. Mainit ang palad niya. Firm. Yung tipong siguradong may hawak sa buhay.

 

“Yeah. I think we’ll be working together soon,” sabi niya, sabay ngiti uli. “I’m the new Assistant Head of Building and Grounds.”

 

Ayun na nga. Confirmed. Office crush alert.

 

At doon, habang lumalayo siya papunta sa kabilang corridor, ramdam ko pa rin yung tibok ng puso ko.

 

Hindi ko alam kung dahil sa kaba… o dahil sa kanya.

 

Jace Arvin POV

 

First week ko pa lang sa Crestwood University, pero grabe — parang marathon na ng meetings at walkthroughs. New environment, same architecture chaos.

 

I was checking the layout plan for one of the upcoming renovations when BAM! may sumalpok sa braso ko.

 

Napatingin ako agad — at ayun.

 

She was standing there — may hawak na iced coffee, may maliit na talsik ng kape sa blouse niya, pero kahit ganun… parang hindi mo mapansin ‘yung stain, kasi mas nakaka-distract yung mismong siya.

 

Soft features. Neat ponytail. Eyes na may halong gulat at innocence.

 

She looked like the type who double-checks every form, pero may moments na makakalimutan niyang huminga pag na-stress.

 

“Did I spill coffee on you?” tanong ko agad.

 

“No po, ako po ang nabangga,” sagot niya, nahihiya pero nakangiti.

 

Cute. As in, legit cute.

 

Pag-angat ng tingin ko, nahuli kong pinagmamasdan niya ako, tas biglang umiwas. Okay, noted.

 

“Arch. Jace Arvin Manalo,” sabi ko, sabay abot ng kamay ko.

 

“Ah—Sophia. Sophia Yoo po. Procurement.”

 

Procurement. Oh. So she’s one of Carmelle’s staff. Figures.

 

“I think we’ll be working together soon,” sabi ko, sabay ngiti. Di ko alam kung bakit pero… parang gusto kong marinig ulit yung boses niya.

 

Habang naglalakad ako palayo, napangiti ako mag-isa.

 

Sophia Yoo.

 

Maganda ang pangalan. Malambing. Gusto kong ulit-ulitin sa isip ko.

 

At ewan ko ba — pero parang gusto ko nang magpa-requisition ng kape… sa Procurement. ☕😉

 

Monday morning.

 

New week, new reports, same caffeine addiction.

 

Habang nag-aayos ako ng files sa desk ko, napasigaw si Ate Joan mula sa kabilang side ng table. “Psst, Sophia! Meeting ka daw with Ma’am Carmelle and Building and Grounds mamaya, ha?”

 

“Ha? Ako po?”

“Yup! Ikaw na ang mag-aassist kay Ma’am sa discussion. May bago kasing project — renovations sa Faculty Lounge.”

 

Renovation. Building and Grounds.

Wait lang... Building and Grounds.

As in… kay Arch. Jace Arvin Manalo?

 

Bigla kong naramdaman ‘yung kakaibang kabog sa dibdib ko. No, Sophia. Don’t. Professional ka. Procurement ka, hindi hopeless romantic.

 

Pero syempre, sino bang kalmado kapag naalala mo ‘yung lalaking binangga mo last week, na may ngiting parang may sariling gravitational pull?

 

Supply Chain and Procurement Conference Room

 

Pagpasok ko, andun na si Ma’am Carmelle, nakangiti habang nagseset up ng laptop. Katabi niya si Engr. Anthony, ang Head ng Building and Grounds Department — tahimik pero mukhang strikto.

 

And there he was. Arch. Jace Arvin Manalo.

 

Naka-white long sleeves this time, sleeves rolled up ulit (why always rolled up? sino ba nagpauso nun?), at nakasandal sa upuan, reviewing some printed plans.

 

Huminga ako nang malalim. Kaya mo ‘to, Sophia. Meeting lang ‘to. Hindi date.

 

“Good morning po,” bati ko.

 

“Morning, Sophia,” sagot ni Ma’am Carmelle. “Please take down notes ah, importante ‘to. We’ll discuss the proposed renovation and budget timeline.”

 

“Noted po.”

 

Nag-umpisa na ang discussion. Si Engr. Anthony ang nag-present ng scope — demolition, repainting, new fixtures. Then si Arch. Jace naman ang nag-explain ng design concept.

 

“Ang gusto kong i-achieve, Ma’am, is a more functional but warm space,” sabi niya, sabay tingin sa presentation. “Something that feels more like a second home to the faculty.”

 

Habang nagsasalita siya, hindi ko mapigilang mapatingin. May confidence sa boses niya, may passion sa bawat paliwanag. At ‘yung mga mata niya — focused, expressive.

 

Hanggang sa napansin kong nakatingin na pala siya pabalik sa akin.

 

Oh shoot.

 

Nagkatinginan kami ng sandali. Napatigil ako sa pagsusulat. Tapos bigla siyang ngumiti — that smile again.

 

Agad akong umiwas. Kunwari busy sa notes. Pero sa totoo lang, hindi ko na ma-gets kung anong sinusulat ko. “Repaint... faculty... coffee... gwapo—”

 

Wait. WHAT?!

Sinulat ko talaga ‘yun?!

Agad kong binura! Diyos ko, Sophia! Magpakatino ka!

 

“Ms. Sophia, may copy na ba tayo ng updated PRF?” tanong bigla ni Engr. Anthony.

 

“Ah! Yes po, sir!” sabay abot ko ng folder, medyo mabilis, sabay iwas ng tingin kay Arch. Jace na mukhang pinipigilan ang tawa.

 

Ma’am Carmelle chuckled. “Relax ka lang, Sophia. Parang ikaw pa ‘yung bagong hire ah!”

 

Ngumiti na lang ako, trying to hide my flushed cheeks.

 

Jace Arvin POV

 

Nakaupo ako sa harap ni Engr. Anthony habang naghihintay magsimula ang meeting. Typical Monday. Pero nang pumasok si Sophia, biglang parang naging less boring ‘yung araw ko.

 

She looked neat as usual — crisp blouse, ponytail, may bitbit na notepad and tablet. But it’s her composure that caught my attention. Yung tipong reserved, pero alam mong may fire sa loob.

 

Habang nagdi-discuss ako ng layout, napansin kong sumisilip siya paminsan-minsan.

Akala siguro niya hindi ko nakikita. Pero sa bawat sulyap niya, parang mas gusto kong tumagal ang meeting.

 

 

Then our eyes met. For a split second, parang tumahimik ang buong kwarto.

 

Her eyes — warm, thoughtful, at medyo kinakabahan. Cute. So I smiled.

 

And she froze.

 

Hindi ko alam kung natakot siya o kinilig. Pero ang ending, binura niya agad ‘yung sinusulat niya. May kung anong amusement na dumaloy sa akin.

 

“She’s interesting,” naisip ko. Hindi lang dahil maganda siya — but because she looked like someone who tries so hard to stay composed, kahit halatang kinikilig na.

 

Nang matapos ang meeting, nilapitan ko siya. “Thanks for the notes, Ms. Sophia,” sabi ko. “Efficient ka ah.”

 

Ngumiti siya, mahina. “Ah, thank you po. Part of the job.”

 

I leaned a little closer, just enough for her to hear. “Next time, careful sa hallway, ha?” sabay kindat bago ako tumalikod.

 

Paglakad ko palabas ng room, napangiti ako mag-isa. Hindi ko pa alam kung anong mangyayari — pero sigurado ako sa isang bagay:

 

She’s not just another staff in the university. She’s someone I definitely want to see again.

 

More Chapters