LightReader

Chapter 5 - Chapter 4: The First Site Visit

Engr. Anthony POV

 

Hindi ko alam kung bakit lagi nila akong tinatawag na “Sir Strict.”

Siguro kasi madalas akong tahimik at laging seryoso sa site. Pero kung tutuusin, hindi naman ako ganun. Gusto ko lang maayos ang trabaho at hindi yung puro kwento habang may deadline na.

 

Ngayon, kasama ko sina Ma’am Carmelle, Sophia, at Arch. Jace dito sa 10th floor ng kabilang building. Medyo maalikabok, amoy pintura, at rinig pa ang lagitik ng mga worker sa baba.

 

“Engr., ito ‘yung lounge na i-re-renovate,” sabi ni Ma’am Carmelle habang pinapakita sa amin ang area.

 

Tumango ako at naglabas ng ballpen. “Structural-wise, okay naman. Ceiling lang may minor issue, baka kailangan i-reseal. Flooring, kaya ng polish and replacement tiles.”

 

Habang naglalakad kami, napansin kong si Sophia tahimik pero alert. Hawak niya clipboard niya, nagsusulat ng kung anu-anong notes. Si Jace naman, busy mag-picture gamit ang phone, mukhang may iniisip nang layout.

 

“Relax ka lang, Sophia,” sabi ko habang dumadaan sa narrow part ng hallway. “Hindi mo kailangang i-notes lahat. Marami pa tayong ganito.”

 

Ngumiti siya, medyo nahihiya. “Hehe, gusto ko lang po complete, Sir. Para safe.”

 

Napangiti ako. Masipag ‘tong batang ‘to. Kaya pala mabilis maayos mga request sa kanila.

 

“Jace,” tawag ko, “ikaw na bahala sa design ha. Iwan na namin ni Ma’am Carmelle ‘tong project sa inyo.”

 

Napatingin si Sophia agad. “Po? I-iwan po sa amin ni Arch. Jace?”

 

Tumango si Ma’am Carmelle na ngumiti lang, halatang may alam. “Yes. Starting today, ikaw ang magiging point person sa procurement side, Sophia. Si Arch. Jace naman sa design and layout. You’ll both coordinate for updates.”

 

Ma’am Carmelle POV

 

 

Nakakatuwa si Sophia — eager, organized, at laging ready. Baguhan pa lang pero marunong makisabay. Kaya nung nag-usap kami ni Engr. Anthony, napagkasunduan naming subukan siyang bigyan ng mas malaking role.

 

Habang nasa 10th floor kami, ipinaliwanag ko sa kanya lahat ng kailangan niyang gawin.

 

“Sophia, mostly coordination to — contractors, suppliers, materials. Since si Arch. Jace ang architect-in-charge, you’ll assist him for all the purchase requirements, okay?”

 

Medyo nanlaki ang mata niya. “Ako po talaga, Ma’am?”

 

Ngumiti ako. “Oo. Don’t worry, kaya mo ‘yan. You’ve been doing great these past weeks.”

 

Si Jace naman, tahimik lang pero nakikinig. Kita ko sa gilid ng mata niya ‘yung maliit na ngiti habang pinapanood si Sophia.

 

“Engr., I think we can leave them for today. We’ll just check on their progress next week,” sabi ko.

 

Tumango si Engr. Anthony. “Noted, Ma’am.”

 

At ayun nga — ilang sandali pa, iniwan na namin sila sa Student and Faculty Lounge. Habang bumababa kami ng hagdan, napatingin ako pabalik at napangiti.

 

Bagay pala sila tingnan, no?

 

Sophia POV

 

Okay, deep breaths. Kami na lang dalawa ni Arch. Jace dito. Sa 10th floor. Sa lounge na amoy bagong pintura.

 

Bakit parang biglang umiinit ‘tong kwarto?

 

“Uh, Sir Jace—este, Arch. Jace,” napahawak ako sa clipboard ko, “ano po muna gagawin natin?”

 

Napatingin siya sa akin, ngumiti. “Pwede namang Jace na lang. Hindi ako sanay sa ‘sir.’”

 

Ngumiti rin ako, kahit medyo awkward. “Ah—okay, Jace. So… layout plan po muna?”

 

“Yeah,” sabi niya habang nililibot ‘yung tingin sa paligid. “I’m thinking we keep it open and light. Lounge kasi, so dapat may natural light from these windows. Maybe neutral tones.”

 

Habang nagsasalita siya, napansin kong lumalapit siya para i-point ‘yung area ng wall.

Medyo napaatras ako nang kaunti — hindi dahil sa takot, kundi dahil ang lapit niya.

 

Amoy ko ‘yung mild scent ng cologne niya — ‘yung tipong mahal pero hindi overpowering. Napakagat ako sa labi. Focus, Sophia. Work. Work lang ‘to.

 

“Okay ka lang?” tanong niya bigla, bahagyang nakangiti.

 

“Ha? Ah—oo, okay lang! Nag-iisip lang kung saan ilalagay ang tables,” sagot ko agad, sabay turo kahit wala naman akong plan.

 

Tumawa siya nang mahina. “You’re funny.”

 

Hindi ko alam kung bakit, pero ang simple niyang tawa, parang nag-echo sa loob ng isip ko.

 

Arch. Jace POV

 

She’s nervous — and it’s kinda cute. Tahimik pero halatang determined.

 

Habang tinitingnan ko siya kanina, may kung anong lightness sa presence niya. Hindi siya trying hard. She’s just… naturally composed, kahit halata namang nagpa-panic sa loob.

 

“Okay, Sophia,” sabi ko habang nagdo-drawing sa tablet, “we’ll start simple. You can help me check supplier options for furniture and paint colors. We’ll finalize the mood board after.”

 

“Copy, Jace,” sagot niya, sabay ngiti.

 

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong vibe sa site — hindi lang excitement sa project, kundi parang may ibang spark na kasama. At habang nag-uusap kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.

 

She’s really something.

 

Sophia POV

 

 

After an hour of checking measurements, taking photos, and listing down supplies, finally… pahinga muna kami.

 

Naupo ako sa sahig, sa tabi ng window na may hangin kahit papano. Hawak ko pa rin ‘yung ballpen ko, pero tinigil ko na ang pagsusulat. Ang tahimik ng paligid — rinig mo lang ‘yung mahinang tunog ng makina sa baba.

 

Si Jace naman, nakaupo rin sa kabilang side, hawak ang tablet niya pero mukhang hindi na rin nagwo-work.

 

Napaisip ng tanong.

 

“Uh, Jace…” sabi ko, medyo hesitant. “Saan ka pala nag-aral?”

 

Nag-angat siya ng tingin, parang nagulat sa tanong ko, pero ngumiti. “Crestwood University. Why?”

 

Napakunot ang noo ko saglit, sabay tawa. “Hala, same pala tayo! Crestwood din ako! Wait lang—anong batch mo?”

 

“2019,” sagot niya agad. “Ikaw?”

 

“2018!” sagot ko, medyo napaangat ang boses ko sa tuwa. “So, technically, mas ahead ako sa’yo ng one year.”

 

“Ahhh, kaya pala parang familiar ka,” sabi niya, sabay tawa. “Naalala ko, may mga times na nakikita kita noon sa design exhibit ng College of Engineering.”

 

Napahawak ako sa dibdib ko. “Grabe, small world! Hindi ko in-expect na may Crestwood alum pa pala dito sa Crestwood.”

 

“Technically,” sabi niya, tumatawa, “nasa Building and Grounds ako. Pero same campus pa rin, so close enough.”

 

Nagkatinginan kami, sabay tawa ulit. Hindi ko alam kung bakit, pero ang gaan ng usapan. Walang halong pressure, walang awkwardness — parang ang dali niyang kausap.

 

Small world nga talaga.

 

Arch. Jace POV

 

Funny how casual things can turn unexpectedly interesting. Akala ko tahimik lang ‘tong si Sophia, pero once she talks, may charm pala sa boses niya.

 

Nang malaman naming pareho kaming galing Crestwood, parang may instant connection.

Ang gaan bigla ng atmosphere.

 

“Grabe, Crestwood pala. So... ilang years ka na rito sa university?” tanong ko habang nilalagay ang tablet ko sa tabi.

 

“Baguhan lang,” sagot niya, ngumiti. “June 6, 2023 ako na-hire. As in fresh from another job.”

 

“Wow,” sabi ko, medyo napahanga. “Ako naman, July 6, 2023. So technically, one month ka lang ahead sa’kin.”

 

“Ahh, kaya pala di pa tayo nagkikita dati,” sabi niya, sabay tawa. “Kasi parehong bago.”

 

“Yeah,” sagot ko. “Pareho rin tayong naligaw sa project na ‘to.”

 

Sabay kaming tumawa.

 

Pero pagkatapos ng tawanan, saglit kaming natahimik ulit. Tumingin ako sa paligid — sa unfinished lounge, sa mga bare walls, at sa mga tarp na nakatupi sa gilid.

 

“Imagine,” sabi ko habang nakatingin sa window, “few weeks from now, magiging functional lounge na ‘to. Ang saya no? Parang bagong simula.”

 

Tumingin ako sa kanya — at sakto, tumingin din siya sa akin. Sandali kaming nagtagpo ng tingin.

 

“Yeah,” mahina niyang sabi. “Bagong simula nga.”

 

At sa loob-loob ko, hindi ko alam kung project ba ang tinutukoy niya… o ‘yung kung anong unti-unting nagsisimula sa pagitan naming dalawa.

More Chapters