LightReader

Chapter 6 - Chapter 5: The Planning Stage

 

Sophia POV

 

Monday again.

 

The start of another busy week sa Crestwood.

 

Pagpasok ko pa lang ng office, bumungad agad sa akin si Vincey — naka-cross arms, with his usual dramatic flair.

 

“Girl!” sigaw niya, sabay lapit sa mesa ko. “May bago kang ka-meeting today. Si Architect Gwapo!”

 

Napahinto ako. “Ha? Sino?”

 

“Si Arch. Jace Arvin, hello?” sabay kindat niya. “I heard may coordination meeting daw kayo for the lounge renovation. Ako na mismo naglagay ng slot sa calendar mo. You’re welcome.”

 

Napailing ako, trying to hide my smile. “Vincey, baka marinig ka ni Ma’am Carmelle.”

 

“Ay, bakit? Totoo naman ah. Kung ako ‘yan, ipe-prepare ko na ang outfit ko — baka sakaling ma-fall… sa professionalism ni architect,” sabay tawa niya na parang pang teleserye villain.

 

“Professional lang ‘to, okay?” sagot ko, pero halatang may ngiti sa labi ko.

 

Si Aira biglang sumabat habang nag-aayos ng folder. “Aba, Sophia, huwag mong isnabin si Vincey! Seryoso, first coordination mo ‘yan with the architect-in-charge. Make a good impression.”

 

“Correct!” dagdag ni Luna, habang nagbubukas ng Excel file. “And don’t forget your coffee. Para di ka kabado.”

 

Napailing na lang ako sa tatlo. “You guys are unbelievable.”

 

Pero to be honest… medyo kinabahan din ako.

 

Later That Morning — Procurement Conference Room

 

 

Tahimik. Nakahanda na lahat — layout plan, list of suppliers, at cost estimates.

Saktong 10:00 AM, bumukas ang pinto.

 

And there he was.

 

“Good morning,” bati ni Jace, suot ang cream polo, sleeves rolled up again (seriously, may uniform ba siya sa pang-pabighani?).

 

“Good morning,” bati ko rin, trying to sound casual.

 

“Ready ka na?” tanong niya habang inilapag ang tablet niya sa mesa.

 

“As always,” sagot ko, sabay pakita ng binder. “Here’s the updated supplier list for paints and tiles.”

 

“Nice,” sabi niya, sabay upo. “Ang bilis mo ah. May background ka ba sa construction?”

 

“Wala, pero sanay na sa PRF at canvassing,” sagot ko, sabay ngiti. “Procurement life ‘yan.”

 

Napangiti rin siya. “Good. Mas madali tayong magkaintindihan kung ganun.”

 

Habang nagre-review kami ng materials, napansin ko ‘yung subtle na paraan ng pagsasalita niya — calm, pero firm.

 

Maayos magpaliwanag, parang lagi niyang alam ang gusto niyang mangyari.

 

At habang nakikinig ako, hindi ko maiwasang mapaisip… Ganito siguro ‘yung feeling kapag may taong nakakaintindi ng rhythm mo sa work.

 

Arch. Jace POV

 

Hindi ko alam kung bakit parang madali akong maging comfortable kay Sophia.

Usually, tahimik lang ako sa mga meetings — straight to the point, tapos alis. Pero ngayon, parang gusto kong tumagal ng konti sa kwarto.

 

“Okay, so we’ll go with neutral tones — beige, white, and light wood accents,” sabi ko habang pinapakita ko sa kanya ang 3D draft sa tablet.

 

“Ang ganda,” sabi niya, halos mapabulong. “Parang nakaka-relax. Very Crestwood vibe.”

 

Ngumiti ako. “Well, Crestwood alumna ka, so ikaw na may final say.”

 

Napatawa siya. “Hindi ah! Ikaw ang architect.”

 

“Hmm. Then it’s a tie,” sabi ko, sabay kindat.

 

Napatahimik siya saglit. Kita ko ‘yung bahagyang pamumula ng pisngi niya.

 

Cute.

 

“Anyway,” sabi ko, sinubukang ibalik sa work. “By the way, Sophia, ilang months ka na nga ulit dito?”

 

“Magta-two months na,” sagot niya. “Ikaw, one month pa lang, diba?”

 

Tumango ako. “Yup. Pero parang ang dami na agad nating project.”

 

“Ganun talaga sa Crestwood,” sabi niya, tumatawa. “Pag mabilis kang kumilos, mabilis ka rin mapapansin.”

 

Napatingin ako sa kanya. “And you’ve definitely been noticed.”

 

She blinked. “Ha?”

 

“By the department,” mabilis kong sabi, sabay tawa. “You’re efficient daw, sabi ni Ma’am Carmelle.”

 

“Ah,” sabi niya, tumatawa rin. “Akala ko kung ano na ‘yung ibig mong sabihin.”

 

Kung alam mo lang, Sophia. Kung alam mo lang.

 

Sophia POV

 

The meeting ended with laughter — and a weird, unexplainable lightness sa dibdib ko. Habang nililigpit ko ang mga gamit ko, bigla siyang nagsalita:

 

“Sophia,” sabi niya, nakatayo sa tabi ng mesa. “Coffee after lunch?”

 

Napatingin ako. “Coffee?”

 

“Yeah,” sagot niya, ngumingiti. “For the mood board. Brainstorming session, promise.”

 

“Ah…” tumango ako. “Sure.”

 

Pero sa loob-loob ko, ramdam kong hindi lang project ‘yung mabubuo namin — kundi ‘yung unti-unting connection na ayaw ko sanang bigyan ng meaning... pero hindi ko rin mapigilang maramdaman.

 

The Presentation

 

Sophia POV

 

1:30 PM.

Board Room

 

Ang daming tao — si Ma’am Carmelle, Engr. Anthony, Atty. Christian Sy, at Sir Arvic Opeña.

 

This is it — the official presentation for the Student and Faculty Lounge renovation proposal.

 

Tinignan ko si Arch. Jace, kalmado lang habang inaayos ang laptop niya sa projector.

Ako naman, halos hindi mapakali sa upuan.

 

“Ready?” tanong niya, sabay tingin sa akin.

 

“Ready as I’ll ever be,” sagot ko, sabay ngiti.

 

Pag-akyat ng presentation, nagsimula na siya. Clear, confident, precise — parang may command sa bawat salitang binibitawan. Nang siya naman ang nag-present ng design layout, halos lahat nakikinig lang, tahimik.

 

Pag-turn ko sa part ko — cost breakdown and supplier coordination — doon ako huminga ng malalim. Professional hat on. Procurement mode activated.

 

I explained, detailed everything — from item specs down to contingency estimates.

And when I finished, may tahimik na sandali bago nagsalita si Atty. Christian.

 

Atty. Christian POV

 

“Impressive,” sabi ko, habang tumatango-tango. “Clean, organized, and practical. The layout looks premium, pero hindi over budget.”

 

Tumango si Engr. Anthony. “Agree ako. Maganda ang balance ng aesthetics at function.”

 

“Maganda rin ang presentation flow,” dagdag ni Sir Arvic. “Kita na may teamwork.”

 

Ngumiti ako, sabay tingin sa dalawang presenters. Si Architect Jace — confident pero kalmado.

At si Ms. Sophia Yoo — poised, pero may fire sa mata kapag nagsasalita.

 

Something about their synergy stood out. Hindi lang project coordination ‘to — may rhythm silang dalawa na bihira kong makita sa mga tandem presentations.

 

“Well done,” sabi ko sa huli. “Crestwood needs people like you — meticulous, but creative.”

 

Nagpasalamat silang dalawa, sabay silang tumango. At doon ko napansin — ‘yung subtle glance nila sa isa’t isa. Hindi man halata sa lahat, pero sa akin… obvious.

 

There’s something there. And maybe, just maybe… that connection will be what makes this project unforgettable.

 

More Chapters