LightReader

Chapter 7 - Chapter 6: The Coffee Session

Atty. Christian POV

 

Matapos ang meeting, tahimik lang ako habang pinapanood sina Architect Jace at Sophia mag-present.

 

Organized, concise, at halatang pinag-isipan. Ang ganda ng flow ng layout, lalo na sa combination ng light wood accents at warm tones — sakto sa personality ng Crestwood: elegant pero approachable.

 

Pagkatapos ng presentation, nagsimula nang magligpit ang lahat. Pero bago pa sila makaalis, tinawag ko ang dalawang dahilan kung bakit maganda ang meeting na ‘to.

 

“Architect Jace Arvin, Ms. Sophia Yoo,” sabi ko, at agad silang lumapit, parehong maayos at propesyonal ang tindig.

 

“Yes, sir?” halos sabay nilang sagot. Napangiti ako. Hmm, in sync agad.

 

“Maganda ‘yung presentation ninyo. Crisp, modern, at may identity.”

Tumango ako. “Saan nga pala kayo nag-graduate?”

 

Ako muna ang sinagot ni Sophia — kalmado pero may halong kaba.

“Sir, Bachelor of Science in Customs Administration po. Crestwood University, 2018 graduate.”

 

“Ah,” tumango ako. “Crestwood alumna pala.” Ngumiti siya nang bahagya. “Yes po, sir. Homegrown Crestwoodian.”

 

Lumingon naman ako kay Jace. “Ikaw, Architect?”

 

“Bachelor of Science in Architecture po, Crestwood din. 2019 graduate.”

 

Napangiti ako. “So parehong Crestwoodians pala kayo. Kaya pala ang dali n’yong makuha ‘yung tamang design feel ng campus.” Pareho silang ngumiti, parang proud pero mahinhin.

 

“Well,” dugtong ko, “I’m impressed. Crestwood is lucky to have you both — young, skilled, and passionate.” Saglit akong tumigil, saka tumingin kay Carmelle.

 

“Actually, I’m looking for a small core team to assist with upcoming projects — both for Crestwood’s new branches and for some personal ventures. Small café concepts, offices, community spaces.”

 

Kita ko agad ‘yung gulat sa mga mukha nila. Pero hindi ‘yung gulat na natakot — more like excitement they tried to hide.

 

“Would you two be open to working on those?” tanong ko. “Of course, with proper coordination and approval from your department heads.”

 

Nagkatinginan silang dalawa. Si Jace ang unang sumagot, confident pero maayos. “Sir, it would be an honor. As long as Ma’am Carmelle, Sir Arvic and Engr. Anthony approves, we’d be glad to help.”

 

Sumunod si Sophia, may ngiti sa labi. “Yes po, sir. It’s a great opportunity to grow professionally — and personally din po.”

 

Tumango ako, pleased. “That’s what I like to hear. Crestwood breeds excellence, and I see that in both of you. Keep it up.”

 

At nang lumabas ako ng conference room, napangiti ako mag-isa. These two are going places. And maybe, just maybe, they’ll find something more than success along the way.

 

Sophia POV

 

Pagkalabas ni Atty. Christian, parang bumigat at gumaan sabay ang pakiramdam ko.

Grabe. ‘Yung idea lang na pinuri kami ng presidente mismo ng Crestwood — nakaka-pressure, pero ang sarap sa pakiramdam.

 

“Grabe ‘no,” sabi ko habang inaayos ang binder ko. “Hindi ko inexpect na aabot sa point na mapapansin tayo ni Atty. Christian mismo.”

 

Ngumiti si Jace, ‘yung kalmado pero proud. “We deserved it. Ang galing ng teamwork natin, ‘di ba?”

 

Napatawa ako. “Teamwork, huh? Confident ka ah.”

 

“Confidence is good,” sabi niya, sabay kindat. “Lalo na kung may partner kang reliable.”

 

Ayun na naman ‘yung ngiti niyang ‘yon. ‘Yung tipong kaswal pero may epekto.

Nagpigil ako ng tawa, pero napailing na lang. “Professional lang tayo, okay?”

 

Ngumiti siya. “Professional, sure. Pero coffee muna tayo. Brainstorming for the mood board?”

 

“Coffee lang ‘yan, ha?” sabi ko, tinuturo siya.

 

“Coffee and concepts,” sagot niya, tumatawa. “Scout’s honor.”

 

Later That Afternoon — Café near Crestwood

 

Tahimik lang sa café, malapit sa gate ng campus. Amoy espresso at cinnamon, may instrumental na tugtog sa background. Perfect setting para sa “work meeting” kuno.

 

Nasa tapat ko si Jace, naka-roll up na naman ang sleeves habang hawak ang tablet.

Hindi ko alam kung mainit lang ba o mainit siya tingnan.

 

“Okay,” sabi niya, habang pinapakita sa akin ang screen. “Layout option one: neutral walls with beige tiles. Option two: a bit of sage and whitewash.”

 

“Hmm…” sagot ko, habang nilalapit ang swatch samples. “I like option two. Calm pero may freshness. Very Crestwood vibe.”

 

Ngumiti siya. “Crestwood alumna talaga. Alam ang tamang mood ng lugar.”

 

Tumawa ako. “Eh Crestwoodian ka rin naman ah.”

 

“True,” sabi niya, sabay tikim ng kape. “Pero ikaw ‘yung una kong nakatrabaho na fellow alumna. Maybe that’s why madali tayong magkaintindihan.”

 

Napatitig ako sandali. “Yeah,” mahina kong sabi. “Parang same wavelength.”

 

Tahimik kami sandali. Parehong busy kuno sa layout, pero halata sa pagitan ng mga tingin na may kung anong connection na unti-unting nabubuo.

 

“Ang tahimik mo,” sabi niya bigla. “Pagod ka na ba?”

 

“Medyo,” sagot ko. “Pero worth it naman.”

 

 

Ngumiti siya, ‘yung totoo — hindi ‘yung polite smile sa meeting. “You did great today, Sophia.”

 

“Thanks,” sabi ko, pilit pinapakalma ang kabog ng dibdib ko. “Ikaw rin.”

 

“Next week, site visit ulit tayo,” sabi niya. “Final measurement for the lounge renovation.”

 

“Sabay tayo?” tanong ko.

 

Ngumiti siya. “Siyempre. Hindi pwedeng mawala ang partner ko.”

 

At ayun, nagtagpo na naman ang mga mata namin. Parehong walang nagsalita, pero parang may sinabi na ang lahat.

 

At sa gitna ng aroma ng kape at mga layout sketches, naisip ko — baka nga tama si Vincey.

Minsan, nagsisimula talaga ang architecture ng feelings sa simpleng coffee meeting lang.

More Chapters