LightReader

Chapter 1 - CHAPTER 1 : FIRST DAY OF SCHOOL

Julianna POV:

Ako nga pala si Julianna Ysabel Ramirez pero tawag nila sakin yana, Grade 11 na ako ngayon, at nagaaral ako sa public school kasama ang tatlo kong kaibigan at lahat kami pinili ay GAS dahil mga undecided pa kami, pili lang mga kaibigan ko kasi may pagkamahiyain ako at nagiging madaldal lang ako kapag yung mga kaibigan ko kasama ko. Hindi rin ako maitsura kaya siguro walang nagkakagusto sakin.

Nag lalakad ako ngayon papunta na sanang classroom pero may biglang tumawag sakin.

" Yanna! " Pasigaw na tawag ni mae habang tumatakbong papalapit sakin."Bakit?, ang lakas ng boses mo abot kabilang barangay" pabiro kong tanong sa kanya."Teh alam mo ba" pasimula ni mae na may malawak na ngiti.

"Hindi malang haha, at bakit naman parang kilig na kilig ka dyan" sagot ko habang nakatingin sa kanya na kilig na kilig sa nalaman nya, nagiging ganto lang naman siya kapag nakita or napanood niya yung idol niya.

"Ito na nga, kilala mo si Rhyven?" Tanong nya saakin ngunit umiling ako, hindi ko naman talaga kilala yung Rhyven na sinasabi nila pero nakikinig ko yung pangalan na yun sa ibang students at sometimes kahit nag lalakad ako sa kalsada may mga taong naguusap about dun. "ha?! Hindi mo sya kilala, eh samantalang buong campus na yata nakakakilala sa kanya, si Rhy-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nag bell na. "Hay nako teh, maya nalang sabihin ko sayo tara na" pinabayaan ko nalang siya hindi din naman ako interested sa kung sino yung Rhyven na yun. At nag punta narin kami sa covered court para sa flag ceremony.

Pagkatapos ng flag ceremony nag lakad na kami ni Mae papuntang classroom.

"Mae saang section ka?" Tanong ko kay Mae habang nag lalakad kami papunta sa classroom namin.

"ah sa section B ikaw?" Mahinang sagot ni mae habang nakatingin sa cellphone niya, "ayy sayang naman section A ako, di tayo mag classmate" malungkot na sabi ko kay Mae, "teka asan nga pala si Eliza at Camille?" Nagtataka kong tanong muli sa kanya. Sabay biglang tingin niya sakin na isa ring nagtataka "oo nga no, hindi ko pa nakikita yung dalwang yun ah."

"Ah baka nag-antayan nanaman yun at alam mo naman kapag nag antayan yun laging nalalate" dagdag pa nya kaya nag patuloy na kami sa paglalakad

"Huy! Ang babagal nyo mag lakad masimula na ang klase oh" biglang pang gugulat ni Eliza."Oh bakit ngayon lang kayo?" - tanong naman ni mae sa dalawa. "Ito kasi si Camille kabagal bagal kumilos"- pagturo ni Eliza kay Camille. "Oh bakit ako, ako nga yung pinagantay mo ng katagal tagal" - pagtatanggol ni Camille sa sarili niya.

"Sabi na at nagantayan kayo"- singit ni Mae sa dalawa, habang yung dalwa nagsisisihan kung bakit sila matagal.

"Buti pinapasok pa kayo ni kuya guard at hindi kayo nag ka punishment"- pangaasar ko sakanila dahil last year lagi din silang late kaya laging napapaglinis.

"Uy tara na ayun na sila ma'am niyo oh" pag-aaya samin ni Mae dahil paakyat na ang mga teacher namin sa second floor kaya dali dali na kaming umakyat sa kabilang hagdan para mauna kami kila ma'am.

Recess...

"Grabe pinag hiwalay tayong apat"- malungkot na wika ni Camille. "Kaya nga pero okay nadin na magkasama kayo ni Mae, tapos kami ni yana edi walang iwan satin"- masayang sagot naman ni Eliza. Nag karoon ng katahimikan pagkatapos noon.

Tama rin naman si Eliza pero nasanay na kami na laging mag kakaklase, ngayon lang kami pinag hiwalay ng section. GAS na strand lahat kinuha namin para sana magkakasama parin kami pero ayun pinaghiwalay.

"Pero alam nyo ba?!" - bigalang putol ni Mae sa katahimikan."Bakit? Ano bang meron?" mahinang tanong ni Eliza kay mae."El alam kong kilala mo si Rhyven" excited na sabi ni Mae kay Eliza habang kami ni Camille nagtataka sa kanilang dalwa.

"Oh bakit pupunta ba siya dito, makikita ba natin siya or baka nagpunta kang fan meet nya ha dika lang nang sama" -masiglang sagot ni Eliza. Oa talaga itong dalawa na ito kapag about sa mga crush nila na sikat, kaya di na kami magtataka sa reaction nila.

"Mga friend ko, ang pogi nya! Grabe nakita ko siya kahapon pero maraming tao, pero at least nasilayan ko sya" - pagkwekwento ni Mae habang subrang saya at nakahawak ang dalwang kamay sa lamesa at feel na feel yung pagkwekwento.

"Asan may pic ka? Patingin, patingin dali" tanong ni Eliza sabay kuha ng cellphone ni Mae. "ay sorry, nakalimutan ko ang dami rin kasing nakaharang kaya, and El mas maganda kung makita mo siya sa personal grabe kaya ang daming fans niya syempre isa na ko dun"- pagpapaliwanag ni Mae kay Eliza.

"Pero may chika pa ako" -dugtong pa ni Mae. "Ano yun? Wag kang pabitin Mae"- tanong ni Eliza na gustong gusto malaman yung bawat sasabihin ni Mae about dun sa guy na yun.

"Ito na nga nalaman ko na sa isa sa pinakang sikat na private school sa pilipinas siya maaral as in teh, dun sa private school na gustong gusto natin makita"- Mae

"Talaga? hala ang lapit lang nun sa bahay ng lola ko, edi pwede ko syang makita pag nagbisita ako kila lola sa city"- Eliza

"pero teh private yun, hindi pweding mag papasok ng outsider"- Mae

"Okay lang makikita ko rin naman sya paglabas"- eliza

"Teka di ninyo kami sinasali sa usapan nyo" biglang pag-agwat ni Camille sa usapan ng dalwa. "Sino nga ba yang Rhyven na yan at kilig na kilig kayong dalwa?" Nagtatakang tanong ni Camille sa dalwa.

"Basta kwento namin sa inyo pero tara na muna sa room, ayan na si sir oh" sagot naman ni Mae, habang nakaturo kay sir na naglalakad papuntang room nila. At si Camille naiwang curious parin kung sino yung pinaguusapan nila, pero hinila narin siya ni Mae at nagtakbo nadin sila paakyat.

Pagkasabi ni Mae, saktong namang paakyat na rin ang next subject teacher namin ni Eliza kaya dali dali na kaming umakyat sa second floor.

Rhyven POV:

I am Mikael Rhyven Tolentino, they call me kael I am a singer, may band kami na sikat sa pilipinas I am also a social media influencer that's why I have a lot of admirers and fans. Pero Grade 11 palang ako and mapasok sa isa sa pinakang sikat na school sa pilipinas and it was also a private school and today was my first day.

"Mr. Mikael Rhyven Tolentino right?"- tanong ng isang teacher sakin."Yes ma'am" mabilis na sagot ko naman

"I am ma'am Sarah the owner of this school and I saw your videos in social media, and I saw also na you are an influencer and an artist and you have a lot of followers or I can say admirers" - ma'am Sarah

"And we are very happy to know na dito ka mapasok, because we know na you have a lot of talents and you're also good in academic" - dagdag pa ni ma'am Sarah.

"Yes, ma'am, I am truly honored to be part of this school, aayusin ko po and dream ko din po na makapasok dito"- masayang sagot ko kay ma'am Sarah, and yes simula bata ako gustong gusto ko na talaga na once na mag senior high ako dito ako papasok and ngayon natupad na.

"Sige na you can go to your room in the second floor"- pagkasabi ni ma'am ay umalis na rin ako at nag lakad na papuntang second floor, habang nag lalakad ako may mga students na nag pipicture sakin pero patuloy lang ako sa paglalakad dahil nasanay na rin ako na may mga camera sa paligid ko.

Pagkarating ko sa room, nagderetso nako sa vacant seat at nakinig sa mga lessons.

Fast-forward...

Uwian na ngayon kaya umuwi narin ako pagkatapos ay dumeretso sa studio namin kung saan dun kami nag prapractice ng band namin.

"Uy kael kamusta first day?" Bungad na tanong ni max

"Oo nga sikat na sikat ka panaman na, baka pinapakita mo nanaman pag ka cold mo ha"- dagdag ni Jake, kasi alam nilang may time na hindi talaga ako namamansin ng tao hindi dahil sa ayaw ko kundi yun lang talaga yung time para makapag pahinga ako.

Pero nginitian ko lang sila at pumunta na ako sa upuan at kinuha ang gitara.

"Kael ang dami mong admirers pero wala ka man lang nagugustuhan?"- tanong naman ni Lucas habang papalapit sakin.

"Alm mo Lucas, we should focus on our career muna, and darating din naman yan but I'm sure not now. There's a lot of things that we should focus on"- sabay sabi ko sakanya habang nakahawak sa balikat niya.

"Sabagay tama ka naman"- pag sangayon ni lucas sa sinabi ko, syaka nag practice narin ulit kami.

More Chapters