LightReader

Chapter 2 - Chapter a haon

-Page 1 - Aking karibal-

Raymond's POV:

Gabi na nung umalis ako kaagad sa trabaho at nag suot ng jacket o coat dahil may snow o malamig sa labas.

Noong napagtanto ko may tumawag sa akin na ang kaibigan Kong si Nicholas na isang OFW.

Nasa panganib ang aking minamahal, Kaya at hindi na ko nag dalawang isip pa na tumakbo at pinaandar ang motor ko, nasa parke siya. Kung saan kunti ang tao nang makarating ako, at Malabo na mahanap ko siya sa umuulang snow na ito.

Na parada ko muna ang motor ko at biglang may narinig akong sigaw na babae na alarma ako na pumunta doon at nasa bandang kalsada ang tumatakbong babae.

Kilala ko na siya.

Pero malayo siya kaya bumalik ako sa motor ko para sundan siya, pag balik ko kaagad ko siyang na salubong at tinawag sa kanyang pangalan agad siyang tumingin.

-Bakit na nandito naka suot ka pa ng formal attire? Puta tinawagan ako ni Nicholas at naputol daw ang tawagan niyo sa cellphone, nag alala siya.- Tanong ko at naawa dahil sira na ang uniporme niya at may mga patak ng dugo pa.

At naka paa na siya na nilalamig.

Nagulat ako noong hindi niya ako kilala -Sino ka? Wag Kang lalapit.- binabala niya ko at lumakad papalayo.

Kaya't pinarada ko ang motor ko, habang ang paligid ay madilim at buti may light post dito. Inabutan ko siya -Wag! You murderer! Wag kang magpanggap, kitang kita Kita may makeup sa mukha. Umalis ka na, please...- Sabi niya habang nagmamakaawa at paiyak na.

Hindi na ako nag dalawang isip pa at hinawakan siya at niyakap,

-Princess...umalis ako ka agad trabaho, sino ba yang tinuturo mo?- tanong ko at noong malaman niya kung sino ako saka niya ko niyakap ng mahigpit.

-Raymond! Kala ko wala ka na!- sigaw niya habang umiiyak.

Kung tutuusin tinanggal ko ang outer layer ng aking suot at pinasuot ko sa nilalamig kong minamahal; kasi yung suot ko ay may jacket na kada layer upang hindi ma yelo sa lamig.

-Hoy! Hayop!- sabi na parang boses ng lalaki na paparating sa amin, at tumigil kami sa yakap ng napansin ko nung nakita ng aking minamahal ay mahigpit niyang niyakap ang braso ko,

-Bakit Cess? Sino- natigil ang salita ko noong namukhaan ko siya, kaparehas kaming may kolorete sa mukha na pang clown kasabay ng pagsuot niya ng costume nito kaso ngalang ang taong iyon ay dapat hindi naka clown at wanted pa siya, ang karibal kong si—

-Marshall, 'di ba hindi ganyan suot ng mga detective pulis na kagaya mo? Tarantado!- Sabi ko nung mag ka distansya lang ang layo namin, at bigla akong umatras dahil may mga patak ng dugo sa damit niya at may hawak na matalas na bagay.

-Raymond baka gusto mo ikaw ang sunod?- galit na babala niya sa akin, at nainis siya na parang baliw at binato ang matulis na bagay sa malayo at inilabas ang revolver na baril.

-HAHAHA, I love you, and it's f*cking killing me! Princess, 'di mo nakikita? Tinulungan kita dito sa misyon na 'to. Bakit? Bakit?! I'm the guy you're looking for!- Sinabi niya habang natatawa sa kabaliwan.

Pula na yung mata ng aking kaibigan, 'di ko mawari kung siya pa ba yon. At tinutok niya sa amin yung baril, tapos gumawa ako ng paraan para ma protektahan ang aking minamahal, at tinago ko siya sa likod ko.

Matapang akong humarap sa baliw na yon. *Tunog ng sirena na isang tanda ng pulis ay dumating na kasabay ng pag putok ng baril.

Nicholas Ocampo note: Mga Disyembre 2017 ito nangyari. Paano humantong sa ganito ang mga pangyayari? Bakit ang gulo? Kung kaya't dapat niyo malaman kung paano ito nag simula. Love, Niko

-Taong 2016 = buwan ng Marso 16-

-Page 2 -

Habang gumagawa ang kapatid ni Raymond ng kanyang takdang aralin ng tourism sa kolehiyo, ay sinarado na ng tatay niya ang pinto ng kanilang bahay.

Mapapansing wala itong pakielam na uuwi si Raymond sa trabaho, -Wag mo papasukin si Kuya mo ha, Rhea?- Sabi ng tatay,

-Sige po.- si Rhea na pa naalinlangan ang sabi.

"Pangit na yung relasyon ng mag ama. Sila itay at Kuya...simula nong huminto si Kuya ng pag aaral. Tapos mga katarandaduhan na ginawa niya non. Pero wala e, mukhang mabuti naman siya kapag naawa ka." Naisip ni Rhea

At nagaalala (Mga bandang: 20:00pm) Natapos na si Rhea sa kanyang takdang aralin at ililigpit na sana ito ngunit nakita niya na may taong sumilip sa bintana na katabi ang pinto.

Biglang nagulat siya pero agad naman nawala yung takot nong tinawag yung pangalan niya na pa hina ang boses.

-Huy, Rhea! Paki bukas please...bawal na makitulog sa kaibigan ko, nahihiya na ko.- sabi ni Raymond at nagmamakaawa nang hawak na ni Rhea ang lock ng pinto, at binuksan naman ito.

Pero dapat tahimik lang baka kasi marinig sila ni tatay, kaso yung dala ni Raymond na suitcase na pang magician at naka clown costume pa, tapos may pa baon na cake galing sa handaan.

-Ayan na yung hinihintay ko, akin na.- sabi ni Rhea ng kinuha niya ang isang pirasong cake at agad namang pumunta sa kusina at doon na kinain.

Kitang kita ang takaw sa cake, "Buti ganto kalapit na lang dyabetes (Diabetes) ang abot mo." Iniisip ng Kuya.

Agad namang pumunta si Raymond sa kwarto niya dahil nasa unang palapag lang ang bahay at kahit papano semento siya.

Maingat niya sinara ang pinto sa kwarto at nagsimulang mag palit ng damit, pagkatapos ay nilabas niya yung salamin sa bag na galing sa kapatid niya nang hindi niya nalalaman

-Babalik ko rin naman to.- Sabi ni Raymond, at sabay labas dila; na ibig sabihin ay nag bibiro o joke lang.

-Pero hindi ha, totoo na.- tumingin siya sa salamin, -Par kinakausap mo nanaman sarili mo, okay tama na.- Sabi niya sa sarili.

Kumuha siya ng dimpo at dali daling pumunta sa banyo, para maghilamos para ding tanggalin ang kolorete sa mukha.

At nakapatay yung mga ilaw sa bahay pero nung kakalabas lang niya sa banyo siya din namang paglabas ng tatay niya sa kwarto, na mabuti naman at madilim para hindi siya makita.

Kaso sa kasamaang palad kailangan niya harapin ang tatay niya dahil na andoon yung kwarto niya, nagulat na papatawa na si Raymond kasi dadaan na siya lagpas sa tatay niya

"Salamat talaga at naantok na si itay. Bugbog ako niyan, ay bilisan natin mag lakad par. Mamamatay tayo dito puta."

At mabilis siyang maglakad at bigla siyang natapilok dahil sa takot nagawa niya yon.

-Sino yon? Rhea puyat ka nanaman?- Sabi ni tatay na paglingon niya,

-Matutulog pa lang po tay, goodnight.- Sabi ni Raymond na pang babae na boses at buti tumalab ito sa tatay niya at naniwala.

Tapos nagpatuloy na sa banyo ang kanyang tatay at dali daling tumayo at tumakbo si Raymond pabalik sa kwarto. (Oras ng: 11:34pm)

More Chapters