LightReader

Chapter 3 - Chapter 1

Disclaimer: This novel has been carefully edited, but errors may still exist. Any typographical or grammatical mistakes are unintentional and do not reflect the quality of the story. Thank you for your understanding and support.

 

FLIGHT

"Elle, breakfast is ready! Get up now, don't forget you have a flight today!"

Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin mula sa malalim kong tulog. Napabalikwas ako ng bangon ramdam ko ang bigat ng talukap ng mata habang pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Hinilot ko ang sentido bago tinungo ang pinto at marahang binuksan ito.

"Good morning, Mommyla," bati ko, pilit na pinapawi ang antok sa boses ko.

Nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay banayad na itinulak ang pinto nang mas bumukas pa ito. Nakaangat ang isang kilay niya, bakas sa mukha ang pinaghalong lambing at pag-aalala.

"Elle, maghanda ka na. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Mag-iingat ka doon, apo ha," aniya, may bahagyang pag-alog sa boses.

Napangiti ako. Masyadong malalahanin si Mommyla tungkol sa akin Inabot ko ang kanyang kamay, at sa isang iglap, niyakap ko siya nang mahigpit. Ramdam ko ang banayad niyang paghinga sa balikat ko kasabay ng mahihinang hikbi na pilit niyang itinatago

Pinikit ko ang mga mata mas lalong hinihigpitan ang yakap sa kanya ninanamnam ang init ng kanyang yakap na ilang buwan kong hindi mararamdaman. Napabuntong-hininga ako bago ko siya masuyong tiningnan.

"Stop crying, Mommyla. Swear, I'll be back soon," seryosong sabi ko habang hinahaplos ang kanyang likod. Agad naman siyang tumigil sa paghikbi ngunit mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga bago siya muling tiningnan. "I just don't exactly know when I can come back here,"

Napatitig siya sa akin, at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Naiintindihan ko, apo. Magpakabait ka doon ha, huwag matigas ang ulo," bilin niya habang may bahagyang pag-aalala sa tono n boses nito.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "I'm not makulit kaya, and my ulo is also not hard," tugon kong nakasimangot, dahilan upang matawa siya.

"Why are you laughing, Mommyla?" kunot-noo kong tanong.

Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagtawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Palihim akong umirap ngunit agad akong napatigil nang maramdaman ko ang bigla niyang pagpingot sa aking tainga.

"Ouch, Mommyla! It hurts! Ouch! Stop!" naiiyak kong reklamo.

Napahinto siya pagkatapos ay tinitigan ako sandali bago muling niyakap nang mahigpit. "Mahal ka ni Lola, apo. Mag-iingat ka."

Tumango ako, ngunit hindi ko na nagawang tingnan siya habang papalayo ito sa kwarto ko.

Matapos ang mahigit isang oras ay sa wakas natapos ko na ang pag-aayos sa aking sarili at ng aking mga gamit. Bumaba muna ako upang mag-agahan dahil nagugutom na rin ako.

Pagdating ko sa hapag-kainan ay agad na sumalubong sa akin ang mabangong halimuyak ng mainit na pagkain. I greeted everyone good morning as i slowly sat down to have my meal.

"Keyla, are you sure you're okay with this?" nag-aalalang tanong ni Daddylo habang nakatingin sa akin.

Binalingan ko naman siya ng tingin at nginitian ng matamis upang ipaalam sa kanya na ayos lang ako. Tumango ako bilang sagot bago sinimulang kuhanin ang pagkain sa aking pinggan.

Naramdaman ko ang bahagyang pag-alon ng dibdib ko habang pinipilit kong lunukin ang kirot sa lalamunan. "Call us if something happens, okay?" ani Mommyla, bahagyang nanginginig ang tinig.

Napatingin ako sa kanya ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. Dahan-dahan naman akong tumango ayuko ng dagdagan pa ang pag-aalala nito sa akin.

Habang iniinom ko ang gatas ay hindi ko namalayang masyado pa itong mainit. Agad akong napapikit ng maramdaman ang hapdi sa dila ko.'Shit ang hapdi ng dila ko! Bakit ba kasi hindi ko muna hinipan? Dumb me' bulong ko sa sarili.

"Are you okay?" malalim at pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran napalingon naman ako kung saan nanggagaling ang boses na 'yun. Kuya Ryl, hindi pa man ako nakakasagot ay agad na siyang umupo sa tabi ko. Napaiwas naman ako ng tingin rito ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

His wearing his usual business suit nakasuklay din ng maayos ang buhok nito, papasok pa lang siya ay amoy na amoy ko na ang mabangong pabango nito na nanonout sa ilong ko.

"What's the problem Keyla? why are you ignoring me?" tanong nito napansin agad nito ang pag-iwas ko sa kaniya.

Alam kong napansin niya. Ilang araw ko na siyang hindi kinakausap matapos naming magtalo tungkol sa pag-alis ko. Ayaw niyang umalis ako. Ayaw ko rin naman. Pero hindi lang ito tungkol sa kanila, may iba pang dahilan kung bakit kailangan kong bumalik sa bansang matagal ko nang isinumpang hindi na babalikan pa.

"Good morning," bati niya ulit ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pagkain.

Nagsalita siya ulit ngunit mas malamig na ngayon ang boses nito. "Really, Keyla? What's with that attitude?"

Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Daddylo. "Anong nangyari sa inyong dalawa, Keyla? Ryl?"

Napatingin si Kuya kay Daddylo. "Ask Keyla, Lo," malamig niyang sagot.

"Keyla?"

Tumingin ako kay Daddylo, saka sinulyapan si Kuya. "What? Try to ask him, Daddylo. He doesn't want me to leave."

Binalingan ni Daddylo si Kuya Ryl. "Ryl?"

katahimikan lamang ang sinagot ni kuya kay daddylo na naghihintay sa sagot niya ngunit walang siyang sagot na natanggap mula rito nanatili lamang itong nakayuko at tahimik.

Hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan."Fuck. Fine, I don't want you to leave because I know you won't come back here. I-I'm just worried about you. I'm your brother. Keyla,"

Napaiwas naman ako ng tingin dito siguro nga lagi kaming nag babangayan ni Kuya Ryl but it doesn't change the fact that he's still my brother, i do love him very much.

Akmang tatayo siya nang pigilan ko ito. "Kuya, I'm sorry. Promise, I will come back!" hinatak ko siya sa isang mahigpit na yakap. Naramdaman ko naman ang pagyakap nito pabalik sa akin mahigpit at puno ng emosyon.

"Oh siya, Elle, humayo ka na at baka hindi mo maabutan ang flight mo!" paalala ni mommyla. Napangiti naman ako rito hindi ko akalaing darating ang araw na iiwan ko sila, kahit pansamantala lang. Kung hindi lang talaga kailangan ay hinding-hindi ko sila iiwan.

Pagkatapos kong kunin ang bagahe ay tinulungan ako ni Kuya Ryl sa pagdala nito.

"Aba, ang bait mo ata ngayon Kuya! anong meron?" natatawang wika ko rito agad naman itong napasimangot sa iwinika ko.

"Tsk, ayaw ko lang na mahirapan ang maganda kung kapatid." ngising sagot nito sa akin.

Tinirik naman ko naman ang mata ko sa inis."At binola pa ako,"

Tawang tawa ito na siyang ikinainis ko,"Hindi kita binobola talaga naman maganda ka syempre mana ka sa akin." proud na wika nito.

Humagalpak naman ako ng tawa sa sinabi nito,"Woahh ang yabang mo naman kuya." ngising sagot ko dito na siyang ikinasimangot nito ng husto.

"Sinasabi mo bang hindi ako gwapo?" inis nitong wika na siyang mas ikinatawa ko.

"Whatever, it's better if you come inside you brat" wika nito bago ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse nito.

Umikot ito upang sumakay sa may driver seat pinagmasdan ko lang ang bawat galaw nito hanggang sa tuluyan na itong maka pasok ay lumingon ito sa pwesto ko,"Fasten your seatbelt, mi lady."

Inikutan ko lang ito ng mata bago ikinabit na lamang ang seatbelt mahirap na baka ano pa mangyari sa amin sa daan atleast ligtas kami.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko na siyang ikinalingon ni Kuya Ryl."You okay?" tinanguan ko na lamang ito nang hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan at nanatiling nakatingin sa akin ay binalingan ko na ito ng tingin at mainam siyang nginitian."I'm fine. Kuya, I promise!"

Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap sa bintana, hindi ko mapigilan na hindi maging malungkot mabigat sa dibdib na iiwanan ko pansamantala ang pamilya ko rito, ni wala akong magawang pagtutul, kung hindi lang talaga kailangan at hinding hindi ko sila iiwan.

"Baby, I know this is hard for you! I know how it feels hmm go on cry all you want Kuya is here," wika ni Kuya Ryl na tila pinapagaan ang loob ko ngunit mas lalo lamang itong nagpabigat sa nararamdaman ko.

Mahina akong napahikbi ayaw kong marinig ako ni Kuya dahil alam kong mag-aalala lamang ito."K-kuya, why does it hurt s-so bad? Do I really have to do this...all by myself?" garalgal ang boses kong tanong dito kita ko naman ang bahagyang pagpikit nito na tila pinapakalma ang sarili.

"Hey baby, I know this is tough, but you've got to do this on your own. You're kuya's brave girl, right?" wika nito tumango naman ako rito."I know you can do it. Kuya can't be there with you right now, but remember, I love you. Stay strong for us, okay? You got this, princess." nakangiting wika nito.

Tinanguan ko naman ito, seeing my kuya's smile grow even wider made my heart skip a beat. 'I won't let that beautiful smile fade. Kuya, I promise to hold up my end.' murmored silently.

After several hours of driving, we arrived safely at the airport. I'm not going to take a public plane, I'm going to use our private jet.

As I roamed around my eyes went to the man who's now walking towards us, It's Captain Martinez."Good morning mi lady, the plane is ready." wika nito tumango naman ako dito.

Akmang kukunin nito ang mga bagahe ko nang inilayo ko ito."I got this," turan ko dito, umiling naman dito si Captain Martinez na tila hindi sang-ayon sa nais ko.

"I'll be responsible for transporting your belongings," wika ni Captain Martinez mainam ko itong tiningnan "No, thanks for your concern," wika ko.

"Mi lady please hand it over me, your grandpa will kill me if he finds out about this and beside it's my duty to serve the-"

"Oh shut up Captain," inis kong sagot rito na siyang ikinatahimik nito.

Nilingon ko naman si Kuya at agad na niyakap ito ng mahigpit."Kuya I will miss you, don't worry I will do my part," wika ko na siyang ikinangisi nito."That's my girl, Kuya will miss you too," he said as he kissed my forehead.

As i hug him again and bid my

goodbye, tears skip through my eyes. I can't deny the fact that I am probably going to miss my brother.

"Mi lady, please this way." Butler James said with his head bowed.

"You're here, I thought you can't make it." i said as i sat down agad namang nag angat ito ng tingin sa akin, i look at him seriously."l I can't be late, mi lady, l'll escort you home to your mansion, ensuring your safety and privacy," seryusong wika nito.

"Okay."maikling sagot ko rito.

"Mi lady." tawag nito sa akin dahan-dahan ko namang ibinaba ang sunglasses ko at mariin itong tiningnan."Excuse me, Butler James. I'd like to take a nap. Wake me up when we're about to land." i said as i slowly closed my eyes, naramdaman ko naman ang pag-alis nito.

As i drift off to sleep, tears trickle down to my cheeks. Damn, it hurts, but I mustn't show it, I can't let them see my weakness they'll surely use it against me.

' O' God please watch over my loved ones while I'm away. I couldn't bear to let them down. God, please be with my family and keep them safe until i return.I love them so much.' i silently prayed.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap sa bintana,

"I guess goodbye for now, I'll see you soon." i whispered.

More Chapters