LightReader

Chapter 723 - Chapter 723

Hindi lamang doon natatapos ang nasabing transpormasyon ng nasabing babaeng ginang dahil kitang-kita na tila nangayayat ito at tila tinubuan ito ng kaliskis sa buong katawan nito maging ang mga kamay nito ay naging kamay ng isang demonyo.

Kalmadong nakatingin si Wong Ming sa kakaibang nilalang na kumokontrol sa nasabing ginang.

Kitang-kita nito na ang mga mata nito ay lumuluha pa ngunit ilang segundo lamang ay tila napalitan ito ng matang tila nasa demonyo rin.

Demon Eyes, Demon Hands at Demonic Body.

Matagumpay na naisagawa nito ang demonic transformation nito ng sapilitan.

Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang napakalakas na killing intent ng kaharap niyang isang ganap na demonyo.

Imbes na magpanic si Wong Ming ay tila napangisi pa ito.

Halos katulad na katulad ang demonyong ito na may kakayahang kontrolin ang isipan maging ang katawan ng sinumang mabibiktima nito.

Matagal na sigurong pinakinabangan ng pambihirang demon race na ito ang babaeng ginang.

Nagiging sangkap nito ang nasabing ginang upang maging host nito.

Biglang suminghot-singhot pa ito sa hangin na animo'y may inaamoy na kung ano. Hindi makapaniwala si Wong Ming na talagang may kung ano talaga sa nilalang na ito.

"Binata, ngayon ay amoy na amoy ko na ang bloodline mo. Isa kang tao ngunit may dugo ka rin ng isang god level demon race!" Tila natutuwang sambit ng nilalang sa pamamagitan ng demon language.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil sa sinabing ito ng demon race na ito.

Napakalakas pa rin ng nilalang na ito na kahit ang demon bloodline niya ay naamoy nito kaagad.

"Ano'ng klase kang demonyo?! Mula ka ba sa lahi ng Dark Demon?!" Nagtatakang tanong ni Wong Ming sa pambihirang demonyong ilang metro lamang ang layo nito mula sa kaniya.

"Elemental Demon?! Mukhang tama ka ngunit mali ka. Masyadong malalim ang pinagmulan kong lahi na halos kapantay ng mga God Level Demon Race!" Nakangising sambit ng nasabing Demon Race.

Napangiti na lamang si Wong Ming lalo pa't mukhang alam na niya ito.

"Shadow Demon, tama ba ko?!" Nakangiting saad ni Wong Ming habang tiningnan nitong maigi ang nasabing halimaw.

Nanlaki naman ang mata ng nasabing demonyo lalo na at agad itong nahulaan ng binata.

"Tama ka binata. Ngunit masasabi kong napakaswerte ko at dinala mo ang sarili mo rito. Sa mababa mong cultivation level ay sigurado akong madali lamang kitang matalo at magiging susunod kong host HAHAHAHA!" Masayang turan ng nasabing demonyo.

Walang ano-ano pa ay kitang-kita ni Wong Ming na tila humaba ang baba ng Shadow Demon at lumaki ang bumanganga ito maging ang mga ngipin nito.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa nakikita niya.

"Ano kayang magagawa ng demon bloodline mo sa panganib na dala ko sayo binata?! Paano kaya kung tanggalan kita ngayon din ng paningin... Hehehe?!" Tila natutuwang sambit ng Shadow Demon.

Sa loob lamang ng limang segundo ay agad na nabalutan ng itim na hamog ang nasabing lugar na ito.

Maski ang bukas na mga bintana ay ni hindi kayang tumagos ng mismong liwanag mula rito.

Hindi nagpatinag si Wong Ming at agad na nagbago ang buong kaanyuan nito.

Ang tila napakadilim na lugar na ito ay bigla ring lumamig kasabay nito ang pamumuo ng mga tipak ng yelo sa buong lugar na ito.

Mula sa isang sulok ay kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nabigla ang nasabing nilalang.

Kahit napakadilim ay malinaw nitong nakikita ang mismong presensya ng kalaban niya lalo pa't nasa Full-Demon Transformation siya.

Sa kasalukuyan niyang lakas ay hindi iyon magiging hadlang upang panghinaan siya ng loob.

"Nakikita mo 'ko? Ngunit hindi sapat na makita mo lamang ako dahil papaslangin na kita!" Nanlilisik na wika ng Shadow Demon habang nakatayo ang naghahabaang buhok nito sa ere.

Mula sa kadiliman ay kitang-kita niyang may binunot ang nasabing nilalang na isang bagay mula rito.

Isang kulay itim na Halberd. Agad na napahinto si Wong Ming sa pwesto niya.

Napakalakas ng Shadow Demon na kalaban niya kahit na wala na ang orihinal na katawan nito.

Hindi ito mabubuhay ng matagal kung wala itong kinakapitang nilalang. Gaya ng Red Demon na nakalaban nito ay talagang kakaiba rin ang abilidad na tinataglay ng isang ito.

Isang artifact ang halberd na hawak-hawak ng kalaban niya. Kung hindi siya nagkakamali ay mukhang pagmamay-ari ng Shadow Demon na iyon ang nasabing weapon artifact.

Agad na pinalabas ni Wong Ming ang Ice Sword niya mula sa orihinal na sampong pinagsamang mga sword needle niya.

SLASH! SLASH! SLASH!

Tatlong malalakas na pagwasiwas ng itim na halberd patungo kay Wong Ming ngunit mabuti na lamang at mabilis itong naiwasan at naisangga nito ang panghuling atake ng Shadow Demon.

Agad na sumugod si Wong Ming habang makikitang gusto niyang bumawi sa kalaban niya at paslangin ito.

Magiging hadlang lamang ang Shadow Demon na ito sa minimithi nitong pag-unlad ng kakayahan niya.

Gamit ang kakayahan niyang kontrolin ang yelo o kahit ang tubig ay lumikha siya ng naglalakihan at nagtatalimang mga Ice Spikes sa mismong tinatapakan niya.

SZZZT! SZZZT! SZZZT!

Sa huling atake na ginawa niya ay kitang-kita niya kung paano'ng humiyaw ng napakalakas ang Shadow Demon lalo na ng matamaan ito sa tagiliran nito.

Nadpalisan man ang nasabing Shadow Demon ay maayos pa rin ang kalagayan nito.

Hindi pa nakontento si Wong Ming at nagsagawa ito ng pambihirang Ice Demon Skill.

Ice Cage!

Gamit ang sampong piraso ng maliliit na mga sword needles ay bigla itong lumutang sa kinaroroonan ng Shadow Demon.

Bumaon pa ito sa lupa kasabay nito ang paglitaw ng sampong naglalakihang mga metal na haligi.

Ilang segundo lamang ay tila naging hugis hawla ito.

Napangiti na lamang si Wong Ming sa kaniyang naging tagumpay.

Matutuwa na sana si Wong Ming ngunit hindi nito inaasahang bigla na lamang nakalabas ang Shadow Demon mula sa malaking Ice Cage na ginawa niya.

Ang ngiti sa mga labi niya ay biglang nabura.

Hindi niya namalayang halos magkaharap na siya mismo ng Shadow Demon.

Bigla niyang sinuntok ang nasabing kalaban niyang demonyo at plano niyang tumakas

Tatakas pa sana si Wong Ming ngunit kitang-kita kung paanong tumagos mula sa likod nito ang nasabing itim na halberd patungo sa tiyan.

Sumuka ng masaganang dugo si Wong Ming na ikinangisi naman ng Shadow Demon.

Mukhang sa oras na ito ay nakamit na ng Shadow Demon ang layunin nitong gawing host ang binatang ito para makalaya sa malawak na lugar na ito.

More Chapters