LightReader

Chapter 722 - Chapter 722

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na mga atake ang pinakawalan ng Water Esk kasabay nito ang tila paglayo ng Yang Wolf.

Si Wong Ming ay bigla namang napaatras nang atakehin siya ng Yin Wolf.

Kakaibang enerhiya ang naramdaman ni Wong Ming sa nasabing lobong ito. Nakakamangha ngunit nakakapangingilabot rin kung tutuusin.

Dalawang demonic beast ang kasalukuyang makakalaban nila.

Ang isa pa sa ikinapagtataka ni Wong Ming ay ang lugar na ito.

Sigurado si Wong Ming na magiging mahirap ang labanang ito ngunit natitiyak niyang ang Yin Yang Wolf na ito ang magbibigay sa kaniya ng Totem Mark.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na mga pagsabog ang namayani sa buong lugar na ito. Hindi lubos maisip ni Wong Ming na masyadong malakas at agresibo ang Yin Wolf na kaharap niya sa kasalukuyan.

Biglang nagbago ang mga kamay ni Wong Ming at napalitan ang dalawang kamay niya ng kamay ng isang kakaibang halimaw.

Ang mga mata ni Wong Ming ay nagbago rin. Ito ang demon eyes na siyang magiging lamang niya upang malupig ang dambuhalang lobong halimaw na kasalukuyan niyang kaharap.

Isang mataas na paglundag muli ang ginawa ng Yin Wolf ngunit hindi nagpasindak si Wong Ming at mabilis niyang inatake ang agresibong halimaw.

Swish! Swish! Swish!

Kitang-kita kung paanong mabilis na napinsala ni Wong Ming ang mismong balat ng halimaw na lobo kasabay nito ang pagragasa ng masaganang dugo ng halimaw sa mismong tiyan at leeg ng halimaw.

BAM!

Malakas na bumagsak ang nasabing halimaw. Kasabay nito ay kitang-kita ni Wong Ming na biglang umukit sa mismong palad niya ang marka ng isang pambihirang lobo.

Ang Yang Wolf naman ay napaslang din ng mismong Water Esk niya.

Titingnan niya pa sana ang mismong markang nakuha nito ngunit bago pa man niya magawa iyon ay bigla na lamang itong naglaho.

Napakamot na lamang ng kaniyang ulo si Wong Ming. Hindi niya kasi alam kung ano ang ginagawa ng nilalang na iyon. Masyado kasing nagiging mailap iyon at minsan na lamang lumalabas sa lungga nito.

Agad na umalis si Wong Ming. Gusto niyang suyurin at galugarin ang kakaibang mundong meron ang lugar na ito.

....

Marami pang mga napaslang si Wong Ming na mga magical beasts habang kaagapay nito ang nasabing Water Esk na siyang personal na alaga niya.

Ang marka na nakukuha niya mula sa mga halimaw ay tila dumadagdag sa nakukuha niyang marka ng nasabing lobo.

Hindi makapaniwala si Wong Ming na nagign matagumpay ang paglalakbay niyang ito.

SLASH! SLASH! SLASH!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng nahati sa iba't-ibang parte ang nasabing katawan ng Colossal Black Snail na mayroong walong mata.

Talagang nakakadiri at nakakatakot ang nasabing halimaw na ito.

Nahirapan din siyang paslangin ito dahil sa matigas nitong shell maging ng napakadulas nitong balat.

Agad na ginamot ni Wong Ming ang mga natamo niyang sugat lalo pa't hindi ito ordinaryong sugat lamang. May laman kasing nakakamatay na itim na lason ang nasabing Colossal Black Snail.

Kitang-kita niya na umiitim ito habang tumatagal at ramdam niya rin na tila pumapasok ng sapilitan ang mga lason sa loob ng mga ugat niya sa katawan.

Agad na napasalampak si Wong Ming sa lupa ng tuluyan niyang nalapatan ng paunang lunas ang nasabing mga sugat niyang may mga lason.

Halos kalahating minuto din ang pamamalagi ni Wong Ming bago ito tuluyang naglakbay muli sa malawak na lugar na ito.

...

Habang naglalakbay si Wong Ming ay napansin nito ang malaking sementadong estraktura na animo'y sa unang tingin pa lamang ni Wong Ming ay isa itong malaking kastilyo.

Hindi na nag-isip pa ng kung ano si Wong Ming at agad nitong binuksan ang malaking pintuan nang nasabing kastilyo.

Agad na bumungad kay Wong Ming ang gabundok na mga ginto at iba't-ibang uri ng mga kayamanan.

Sa dulo nito ay makikita ang tila mga koleksyon ng iba't-ibang mga weapon artifacts maging ang mga tila nakapatong na mga sealed boxes ay nakita niyang naroron.

Kapansin-pansin din ang mga nagkakapalang mga libro na maayos na nakahilera sa tila book shelves maging ang mga scrolls ay katabi lamang ng mga libro.

Halos malula si Wong Ming sa dami ng mga kayamanang nakikita niya lalong-lalo na ang mga kagamitang ilang metro lamang ang layo mula sa kinaroroonan niya.

GRRR... GRRR... GRRR...

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng nakaramdam ng panganib ang Water Esk niya.

Agad din itong bumalik sa loob ng interspatial ring niya.

Hindi niya maintindihan ngunit agad na itinaas ni Wong Ming ang paunang depensa niya sa pamamagitan ng kaniyang sariling protective essence.

Naglakad pa si Wong Ming sa gabubdok na mga ginintuang mga salapi at iba't-ibang mga alahas hanggang sa matanaw niya ang tila isang ginintuang trono habang mayroong isang malaking espadang nakabaon sa sementadong sahig nito.

Napakaliwanag ng kapaligiran dahil tumatagos ang nasabing liwanag mula sa malalaking bintana ng nasabing kastilyong lugar na ito.

Maya-maya pa ay nakaramdam ng kakaiba si Wong Ming. Tila hindi lamang siya ang nilalang rito kundi mayroon pang iba.

Biglang umihip ng malakas at kasabay nito ang tila pagpapakita ng nasabing nilalang sa pormang anino.

Kitang-kita ni Wong Ming ang tila mahahabang mga buhok nang nasabing nilalang na tila naglalakbay ito sa nasabing haligi ng kastilyong lugar na ito.

Unti-unting nagtipon ang nasabing mala-aninong nilalang at umahon ito mismo sa mismong ginintuang trono.

Agad na bumungad kay Wong Ming ang nasabing katauhan ng nasabing nilalang.

Isang babaeng napakapangit ang pagmumukha habang kitang-kita ang kulu-kulubot nitong balat sa mukha maging sa buong parte ng katawan nitong tila tinatabunan lamang ng mahaba at maluwag nitong itim na kasuotan na nakalaylay pa sa lupa.

Ramdam na ramdam ni Wong Ming na hindi normal ang kaharap niya. Ang presensya pa lamang nito ay tila nagsusumigaw sa panganib na dapat niyang layuan.

Agad na napansin ni Wong Ming ang kanang kamay ng nasabing nilalang. Tila nangingitim ito at animo'y naglalabas ito ng itim na enerhiya.

"Isang binata? Hmmm... Hindi ko aakalaing nagawa mong matuklasan ang mismong kastilyo ko lalo pa't nasa Golden Vein Realm ka pa lamang." May pangmamaliit na wika ng nasabing nilalang habang nakatingin ito kay Wong Ming.

Agad na kumunot ang noo ni Wong Ming at nanlaki ang mga mata nito nang unti-unting magsink-in sa isipan niya ang sinabing ito ng kakaibang nilalang sa harap niya.

"Paano'ng nalaman mo ang aking cultivation level?!" Tila nangangambang tanong ni Wong Ming habang masama itong nakatingin sa nasabing nilalang.

"Sa loob ng kastilyo ko ay wala kang maililihim hahahaha!!!" Turan ng nasabing nilalang habang humahalakhak pa ito ng malakas.

"Ngunit hindi iyon ang ipinunta ko rito. Ginising mo lang naman ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Kakaiba ka binata. May naramdaman akong kakaiba mula nang tumuntong ka sa kastilyong pagmamay-ari ko." Seryosong saad ng nasabing babaeng nilalang habang nakangiti pa ito.

Agad na napansin ni Wong Ming ang nangingitim nitong mga ngipin at nakakatakot nitong pagngiti.

"Ano'ng meron sa akin? Bawal bang pumasok ang isang katulad ko sa kastilyong ito?!" Wika ni Wong Ming ng walang emosyon. Kailangan niyang maging kalmado at ayaw niyang malaman ng nilalang na ito kung ano ang mga sikretong tinatago niya.

"Naramdaman ko ang pambihirang bloodline mo. Tao ka nga ba o isang katulad ko na isang demon race?!" Nagtatakang tanong ng nasabing nilalang at unti-unti itong lumutang sa ere.

Nag-isip si Wong Ming ng maigi. Hindi niya maramdaman ang mismong life essence ng nilalang na ito.

Talagang hinuhuli lamang siya nito. Pero masasabi niyang malakas pa rin ang nasabing presensya ng Remnant Soul na ito.

"Hindi ko alam. Aksidente lamang akong nakapunta sa lugar na ito, Ginang. Ang tanging natandaan ko lamang ay ipinapahanap sa akin ng aking guro ang Devil's Clock. Alam mo ba kung nasan ito?!" Mahinahong wika ni Evor habang tinitingnang maigi ang nasabing ginang.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng napahawak sa kaniyang ulo ang nasabing ginang at napatingin ito kay Wong Ming habang nanlilisik ang mga mata nito.

Tama nga ang hinala ni Wong Ming, ang ginang na ito ang isa sa nakatakas na anak ng dating pinuno ng Mint City.

Natandaan niya pa ang mismong leeg ng nasabing dalaga bago ito tumakas sa Mint City dahil sa pambihirang ilusyon na iyon.

"Kailangan mong mamatay binata! Hindi mo alam kung ano ang delubyong maidadala ng pambihirang artifact na iyon!" Galit na galit na saad ng matandang ginang habang unti-unting nagbago ang kaanyuan nito at naging isang demonyo.

Humaba ng humaba ang buhok nito at lumutang ito bigla sa ere. Sa isang iglap ay biglang tumayo ang naghahabaang buhok nito sa ere.

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming lalo pa't alam niyang hindi na ito ang nasabing ginang. Talagang tuluyan na itong kinontrol ng kung ano mang klaseng demonyo ito na naninirahan sa lugar na ito.

More Chapters