LightReader

Chapter 752 - Chapter 752

Halatang nayayamot si Earth Dawn sa presensya ng binatang nagngangalang Light Prime.

Kung pwede niya lang paslangin ito kanina pa ay ginawa na niya.

Ngunit hindi niya rin magagawa iyon dahil na rin sa negosasyon nito kay Little Devil. Kung siya ang pagpipiliin ay kinitilan niya na ito ng buhay.

Paano ba naman ay kanina pa ito nagsasalita ng nagsasalita na akala mo naman ay close na close nito si Little Devil.

Kung siya ang nasa parte ni Little Devil ay hindi niya gustong isama ito dahil masasabi niyang isa itong banta at di malayong traydurin sila ng Light Prime na ito.

Alam na niya ang outer motives ng pesting Light Prime na ito na alam niyang napansin din ni Little Devil.

Kung mautak siya ay mas mautak din ang binatang kapwa niya miyembro ng Vermilion Sect.

Sigurado din siya na may mapapala sila ng malaki rito lalo pa't mataas ang cultivation level nito at pambihira ang Light Skill nito.

Hindi niya maintindihan kung paanong merong Shadow Skills si Little Devil ngunit agad niyang naunawaan na ito ay dahil sa shadow totem mark nito.

Nadaig pa siya ng binatang ito pagdating sa kaalaman. Sa kaniya ay limitado lamang sa tubig at lupa ang kakayahan niya.

Isa pa ay nagtataka siya kung bakit nakakayang pantayan ng binata na ito ang bilis ng pag-unlad ng lebel ng cultivation niya.

Hindi siya nagdududa sa kakayahan nito pwera na lamang sa ungas na kasa-kasama nila.

Kahit na gwapo ang Light Prime na ito ay hindi siya papaloko sa katarantaduhan nito.

Ipahamak ba naman si Little Devil kanina ay talaga namang nakuha nito ang inis na nararamdaman niya.

Kapag may gagawin itong kamalian ay siguradong papaslangin niya talaga ito kung sakaling traydurin talaga sila ng isang ito.

Nagpapadyak siyang lumakad ng mabilis palayo sa dalawang binata. Ang isang kinaiinisan niya habang ang isa ay hinahangaan niya ng lubusan.

Para makasiguro siya ay kailangan niyang umuwi sa kanilang lugar o pamayanan. Aalamin niya ang totoong kulay ng mapagpanggap na Light Prime na ito.

Siya mismo ang magbubuking sa huwad nitong katauhan at paslangin na rin kung kinakailangan.

...

Napagkasunduan nilang tatlo na magwatak-watak muna upang mas marami silang lugar na magalugad. Isa pa ay ang lahat ng makukuha nila ay hindi naman nila paghahati-hatian.

Nagtaka naman si Light Prime sa kasunduang ito ng dalawa, halatang nagkanya-kanya pa rin ang labas nito. Tsk!

Pero mas mabuti na rin iyon. Naisip niyang mas mapapanatag naman siya kung gayon. Nasanay lang siya sa mga bagay na nakukuha ng iba ay sa kaniya pa rin napupunta kapag gugustuhin niya.

Aangal pa sana ito nang pinaningkitan siya ng dalagang nagngangalang Earth Dawn kaya tumahimik na lamang siya.

Mula ng makatagpo niya ang nasabing dalagang ito ay mainit na ang dugo nito sa kaniya kahit na hindi naman niya alam ang dahilan upang mainis ito sa kaniya ng malala.

Sa huli ay sinarili niya lamang ang kaniyang sariling opinyon. Kailangan pa rin niyang siguraduhing buhay siyang lalabas sa islang ito at maglakbay sa lugar kasama ang mga ito.

Kahit gustuhin niya mang bumalik sa teritoryo ng pamilya ay mahihirapan siya. Wala ring nakakaalam ng totoong katauhan niya kundi ang mismong limang misteryosong evil Shadow Practitioners na iyon.

Nagkanya-kanya na sila ng direksyon kung saan pupunta. Gustuhin niya mang sumama kay Little Devil ay hindi maaari at siguradong hindi din papayag ang little devil na yun. Bagay nga na magsama ang dalawang nilalang na to, pareho ang pag-iisip kung paano maging madamot. Hmmp!

Talagang hindi rin nila sinabi kung saan sila magkikita-kita. Tao pa ba ang mga ito?! Talagang para lang silang pinag-usapan kanina.

...

Hindi namalayan ni Wong Ming na nasa lugar siya kung saan nakikita ang malalaking mga baging habang mayroong nagtataasang mga puno na tila ilang libong taon na ang existence ng mga ito.

Dilaw berde at kulay ube ang mga kulay ng mga punong ito.

Dahil sa talas ng paningin ni Wong Ming ay nakita nito ang isang kakaibang bagay na tila nakasabit sa kulay ubeng baging.

Kakaiba ang hugis nito at tila isang bunga ito.

Hindi siya nagkakamali nang maisip niya kung ano ito.

Isang Centauric Fruit!

Namangha si Wong Ming nang malaman kung ano talaga ang bagay na ito.

Isang rare fruit na kayang magbigay ng ibayong enerhiya kapag kinain kahit konting bahagi lamang ng bunga.

Kahit nga ang matinding lason ay kaya nitong pigilan na kumalat sa katawan ng tatlong buwan.

Una pa lamang ay mukhang sinisuwerte si Wong Ming sa kaniyang sariling nakita.

Ngunit dumating ang tatlong martial arts expert na patungo sa direksyon niya.

Sa robang suot at sa paraan ng kanilang kilos ay halatang galing ang mga ito sa aristokratong pamilya at umanib sa isang malakas na Sect.

Sa aura pa lamang ng mga ito ay nalaman kaagad ni Wong Ming na ito ang nararamdaman niyang presensyang sumusunod sa kaniya kanina.

Ang bilis naman ng mga ito na magpakita nang bumungad sa mga ito ang nasabing rare fruit.

Nagpanggap naman si Wong Ming na tila wala siynag nakita na kung sinuman.

Sa pagpadyak ng paa ni Wong Ming ay bigla na lamang nawala ang presensya niya.

Salamat sa mas pinaunlad na shadow power na neron siya dahil makakaya niyang tumago sa mga pambihirang mga kalaban niya.

Ikinubli lamang ni Wong Ming ang sarili niya sa isang tagong parte ng lugar na ito habang patuloy na pinapanood ang tatlong martial art experts na ngayon ay nasa pwesto niya kanina na nakatayo.

Dito niya nakita na tila nagtatawanan ang mga ito.

Agad na tinalasan niya ang kaniyang paningin lalo na ang pandinig niya mismo.

Palihim niyang pinariringgan ang pag-uusap ng mga ekspertong ito.

"Pansin niyo bang nakita tayo ng binatang iyon? Ngunit hindi ko aakalaing tama ang desisyon na sinundan natin ito!"

"Tama ka lider, hindi ko aakalaing natakot ito ng mapansin ang ating presensya. Duwag!!!"

"Sinabi mo pa! Ngunit hindi sayang ang pagsunod natin sa kakaibang kilos ng binatang iyon dahil binigyang-daan naman nito ang pagtagpo ng Centauric Fruit!"

Agad na nilapitan ng mga ito ang nasabing prutas dahil wala naman silang mapansing kakaiba sa prutas na ito.

Wala rin kasi silang masagap na presensya ng isang unwanted magical beasts sa kapaligiran nito.

Sa paglapit nila ng agaran ay kitang-kita kung paano'ng tial hayok ang mga itong nag-agawan.

Dito napansin ni Wong Ming ang lumilipad na mga red particles sa ere.

Napansin kaagad ni Wong Ming ang tila namumulang mga mata ng mga ekspertong ito at tila nag-uunahan pang hawakan ang malaking bunga na tinatawag na Centauric Fruit.

Dito ay nangilabot si Wong Ming nang mapansing imbes na pitasin ang nasabing kakaibang prutas ay kitang-kita na kumilos ang mismong prutas at tila bumiyak ito sa walong bahagi na tila ngumanganga

Isa-isang pumasok ang mga ito at tila wala sa sarili na ginagawa ang mga bagay na ikakapahamak nila.

Namangha si Wong Ming nang masaksihan na tila sa dalawang minuto na nakalilipas ay nawalan ng kulay ang nasabing Centauric Fruit at naging kulay itim.

Mabuti na lamang at hindi siya naging ignorante sa nasabing Centauric Fruit na ito. Kaunti lamang ang nakakaalam sa panganib na dulot ng buhay na prutas na ito.

Nakalimutan ng lahat na ang Centauric Fruit ay bunganga mismo flesh-eating vine.

Nagawa nitong pasunurin ang tatlong Golden Realm Experts. Ang pagtayo niya kanina ay isa lamang huwad na bahagi upang maging living sacrifice ang tatlong masamang eksperto na ito upang samantalahin ang kakayahan niya na maghanap ng pambihirang mga bagay.

Alam niyang sa lapit ng Centauric Fruit sa kaniya kanina ay unti-unti na itong nagbuga ng mga red particles nito na mayroong hypnosis effects.

More Chapters