LightReader

Chapter 753 - Chapter 753

Nagagawang pasunurin ng Centauric Fruit ang sinuman kahit na anong klaseng lebel ng cultivation.

Delikado ang nasabing prutas na ito ngunit isa rin ito sa pinaka-rare fruit na matatagpuan sa Alchemy Island.

PLAAKKKKKK!!!!!

Agad na pinutol ni Wong Ming ang nasabing bunga na nagsisilbing bunganga ng kakaibang baging na ito.

EEEEEECCCCKKKKK!!!!

Nagpakawala ng napakatinis na sigaw ang nasabing halaman dahil kitang-kita na gumagalaw-galaw pa ang mga galamay ng baging maging ang kulay ubeng mga dahon nito.

Tila namangha naman si Wong Ming nang mapansing bumalik sa berde ang kulay ng mga dahon nito habang ang mga baging ay naging kayumanggi.

Tama nga si Wong Ming na hindi magiging padalos-dalos.

Isa pa ay isang kamalian na mga walang alam sa alchemy ang mga martial art experts ang ipinadala rito. Bagkus ay mga alchemist mismo ang ipinadala sa maliit na islang ito.

Pangkaraniwang kamalian ito ngunit dahil na rin sa scarcity ng Alchemist at ang ibang mga alchemist ay mahigpit na pinoprotektahan ng halos lahat ng mga organisasyon.

Kung wala ang mga ito ay siguradong o malagasan man lang ang organisasyon ng kanilang promising alchemy discipes ay magiging malaking problema iyon o malaking kawalan para sa organisasyong kinabibilangan nila.

Kaya nga kahit ipinadala pa nila ang bata-batalyong mga ekspertong gustong manguha ng Alchemy resources ay okay lang para sa mga ito.

Kagaya nila ni Wong Ming ay ganoon din ang mangyayari sa kanila kung hindi sila mag-iingat.

Ang pagiging ignorante ay kasalanan na nila at buhay nila ang nakatayo kung tatanga-tanga sila.

Habang hawak-hawak ni Wong Ming ang pambihirang Centauric Fruit ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kasiyahan.

Hindi niya ipagbibili ang pambihirang prutas na ito. Ang kailangan niya lang i-surrender ay mga tila ordinaryong mga alchemy resources.

Ayaw niya ring pagdudahan ang kaniyang sariling katauhan ng mga malalakas na organisasyon.

Agad na nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito at sa paglalakbay niya ng anim na oras ay marami siyang nakuhang mga bagay-bagay.

Ang ilan sa mga ito ay nadadaanan lamang ng mga kapwa niya eksperto ngunit hindi nila ma-distinguish kung ano ang pambihirang properties ng mga ito lalo na sa mga tabing-daan lamang.

Hindi kasi gugustuhin na bantayan ito ng pambihirang mga magical beasts dahil buhay rin nila ang magiging kabayaran kung ipipilit nila ang kanilang mga gusto.

Yun nga lang ay hindi nagkakaroon ng pambihirang properties ang mga halamang nakatanim sa mga open spaces dahil kinakailangan itong alagaan o i-cultivate ng mga magical beasts na mayroong pambihirang compatibility.

Napakadami ng mga pambihirang mga cultivation herbs ngunit ang masasabi ni Wong Ming na nakakuha ng sariling atensyon niya ay ang 18-Leaf Ice Clover, Ghostly Witches' hair, Poisonous Corpse Flower at ang Sky Spot Doll Eyes.

Ang mga pambihirang herbs na ito ay talagang nakakamangha at pambihira. Naniniwala siyang makakatulong ito sa kaniya sa iba't-ibang aspeto upang palakasin o umunlad pa siya lalo.

Hindi maipagkakailang nawili si Wong Ming sa pangunguha ng mga alchemy resources sa maliit na islang ito.

...

Hindi namalayan ni Wong Ming na magtatatlong araw na siyang nanggagalugad sa Alchemy Island maging ang iba pang kapwa niya mga adventurers.

Alam ni Wong Ming na marami ang posibleng malagas sa orihinal na bilang ng mga disipulong sumali sa napakadelikadong misyong ito.

Ano ang aasahan niya sa natural na batas ng kalikasan. Hindi niya mapipigilan ang natural na cycle ng mundong ito

Naalarma din si Wong Ming nang malaman sa ibang mga nakakatagpong mga martial art experts na mayroong nangyayaring kakatwang kaganapan lalo na sa timugang bahagi ng pambihirang islang ito.

Halos ilan na lamang daw ang piniling gumalugad roon dahil na rin sa dami ng nababalitang mga grupo ng mga disipulo sa iba't-ibang organisasyon na mayroong kakaibang magical beasts na namamataan na sumasalakay sa mga adventurers.

Ang ibang nakaligtas ay sugatan habang ang iba ay binabawian ng buhay sa labis na pinsalang natamo nila.

Kahit si Wong Ming ay nababahala lalo na kay Earth Dawn. Wala rin naman talaga siyang pakialam sa existence ng Light Prime na iyon. Kahit tulungan niya man ito ay mahihirapan pa rin sila. Masyadong mahirap ang request ng Light Prime na iyon.

Makabalik sa Light Family? Di siya tanga patungkol sa komplikadong kompetisyong nangyayari sa loob ng isang aristokratong pamilya. Kung makakabalik man ito sa pamilya nito ay buhay naman nila ang nakasalalay para mangyari ito.

Kakaiba ang lugar na ito at maswerte si Wong Ming lalo pa't mayroon din siyang kinuhang mga mababagsik na mga magical beasts at lahat ng mga ito ay inilagay nito sa loob ng artifact na nasa katawan niya.

Hindi niya hinuhuli ang mga maaamo na mga magical beasts. Ang halos kinuha niya ay mga rare magical beasts na maaaring paamuhin at pakinabangan ng hindi pinapaslang.

Naniniwala siyang ang mga nakolektang beasts ay siguradong makakatulong ito ng malaki sa hinaharap kahit na sobrang bagsik ng mga ito sa kasalukuyan.

...

Patungo na sa kasalukuyang lugar si Wong Ming sa may timugang bahagi. Napansin niyang nagalugad niya na ang hilagang lugar. Imposibleng may mapapala pa siya sa ibang bahagi ng isla lalo pa't may paunang kaalaman na siya patungkol rito.

Sa timugang bahagi ng Alchemy Island ang pinakamalawak na lugar. Imposibleng magalugad iyon kaagad ng mga martial art experts dahil na rin sa mga kakaibang penomenang nangyayari doon.

Nag-aalala din siya kay Earth Dawn lalo na at kaibigan niya iyon. Hindi naman niya gugustuhing mapaslang ito noh kahit na malabong mangyari iyon.

Wala din siyang tiwala kay Light Prime kung maipit man si Earth Dawn sa isang malalang sitwasyon.

Naramdaman din ni Wong Ming ang iniwang marka niyang nasa timugang direksyon. Kahit na mahina ang deteksyon niya sa marka niya ay siguradong malapit na lamang sila sa lugar na ito.

Mas binilisan ni Wong Ming ang nasabing paglalakbay niya sa pamamagitan ng paglipad.

Nakakapagtaka lamang na wala siyang mapapansing buhay na mga nilalang o kahit na anumang magical beasts na nasa kapaligiran niya kani-kanina pa.

Nagpatuloy pa si Wong Ming sa paglalakbay niya ngunit ganon na lamang ang sariling pagkalito niya nang mapansing bumabalik lamang siya sa malawak na kapaligirang dinaraanan niya kani-kanina pa.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing nasa isa siyang loophole.

Agad na nagbago ang mga mata ni Wong Ming lalo pa't ginagamit niya na ngayon ang Demon Eyes niya.

Dito ay agad na nanghilakbot sa takot si Wong Ming ang kakaibang mga linyang pahaba na nadaraanan niya habang tumatagos siya rito ngunit tila bumabalik-balik siya ngunit ang totoo ay pabalik-balik siya sa pare-parehong klase ng lugar.

Demonic Essence Space Loops!

Hindi maipagkakailang natakot si Wong Ming sa nangyayari sa kaniya lalong-lalo na sa iba pa.

Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang nangyayari sa Alchemy Island at may kinalaman ito sa bagay na ito.

Ginagawa lamang ito para manghuli ng mga malalakas na mga magical beasts ngunit alam ni Wong Ming na hindi iyon ang layunin ng malawakang Space Loops na ito.

Ito ang ginagamit upang ikulong ang mga mababagsik na mga Magical Beasts na nagiging banta sa kaayusan ng isang lugar.

More Chapters