Ano naman kaya ang ikukulong nila rito upang hulihin? Sa laki at lawak ng pambihirang Space Loops ay siguradong dambuhalang nilalang ang huhulihin nila.
Pero isa din itong disadvantages para sa mga nilalang na may direct demonic bloodlines.
Agad na naalala ni Wong Ming ang existence ni Earth Dawn.
Siguradong manghihina ito at unti-unting masi-sealed off ang nasabing demon power nito.
Umaasa ito sa direct demon bloodline ng mga ninuno nito. Kung hindi ito maagapan ni Wong Ming ay siguradong ikakamatay nito.
Alam naman ni Wong Ming ang ginagawa niya at agad niyang nalalampasan ang mga Space Loops na ito.
Bawat malampasan na Space Loops ni Wong Ming ay hindi siya nakikita ng sinuman sa disipulo maging ng mga magical beasts.
Ito ay dahil na rin sa invisible space channels na nalilikha ng space rift na dumudugtong sa bawat space loops.
Nang malampasan ni Wong Ming ang ikapitong Space Loops ay agad na bumungad sa kaniya ang isang lalaking disipulo na mayroong itim na kadenang tila nakabaon mismo sa kaliwa at kanang palapulsuhan nito.
Dito napansin ni Wong Ming na indikasyon ito na mga masasamang demon practitioners ang mga ito.
Ang ganitong klaseng kulungan ay mas pinalalakas ang kanilang demon power ng doble o triple.
Ngunit tila mali ang kalkulasyon ni Wong Ming dahil halos sampong beses na tumalas ang nasabing demon power ng lalaking evil practitioners dahil nakatingin ito sa kaniya habang maingat siyang dumadaan.
Napakanipis ng Space Channels at kapag natamaan ito ng demon power ng sinuman ay siguradong wala siyang daraanan pabalik.
Napakatibay ng Space Loops ngunit ang Space Channels ay tila nagkakaroon ng energy fluctuations.
Ang tanging nagawa ni Wong Ming ay lumabas sa space channels patungo sa evil practitioners na nilalang.
Nakita ni Wong Ming kung paanong bigla na lamang nag-iba ang pangangatawan ng evil practitioners at tila nagkaroon ito ng demonic transformation.
Nakakatakot ang kabuuang kaanyuan nito lalo pa't tila pumayat ito at puro buto na lamang ang pangangatawan nito.
Humaba ang kamay maging ang mga kuko nito at tinubuan din ng pangil ang sa magkabilang bibig nito.
Nawawala ito sa sariling katinuan at kamalayan dahil sa Space Loops na ito. Tama si Wong Ming na delikado at kakaiba ang nangyayari sa Timog na bahagi ng Alchemy Island.
Sinugod ng kakaibang nilalang na ito ang kinaroroonan ni Wong Ming na tila hayok na hayok na kainin siya ng buhay.
Halatang ilang oras na itong natrap sa lugar na ito ang evil practitioner na ito kung kaya't nakaramdam na ito ng pangalawang sintomas, ang pagkagutom.
Walang pagpipilian si Wong Ming kung hindi ang pinsalain ang ugat kung saan pangunahing dumadaloy ang demonic essence nito.
Masahol pa sa forbidden pill ang epekto ng Demonic Essence Space Loops na ito.
Para bumalik sa dati ang kaanyuan nito ay kailangan putulin ang apektadong parte ng katawan nito.
Sa tingin ni Wong Ming ay ang kaliwa at kanang kamay nito ang pangunahing daluyan ng demonic essences sa katawan nito.
Walang pagpipilian si Wong Ming kung hindi ang gawin ang nararapat.
SLASH! SLASH!
Sa pagmaterialized ng Sword Needle sa kamay niya ay agad niyang pinutol ang magkabilaang mga kamay ng evil practitioner na ito.
Sa pagwasiwas nito ay agad na tumilamsik ang malalapot na kulay itim na dugo sa mga kamay nito.
SHRRIIEEEECCCKKKK!!!
Umatungal ng malakas ang nasabing evil practitioner kasabay nito ang pagkalaglag ng mga kamay nito sa lupa.
Nangilabot man si Wong Ming sa ganitong klaseng behavior ng evil practitioner ay wala siyang pagpipilian.
Kitang-kita na tila nanghina bigla ang nasabing evil practitioner at unti-unting bumalik ang nasabing kulay ng balat nito maging ang orihinal na kaanyuan nito bilang isang tao.
Bigla na lamang bumagsak ang katawan nito sa lupa.
Bago man lisanin ni Wong Ming ang lugar na ito ay iniwan niya ang pambihirang body regeneration pill upang tumubo muli ang mga naputol nitong kamay ngunit bagong-bago ito.
It will takes time para bumalik sa dati ang mga kamay nito upang makaadjust sa katawan nito lalo na sa kaniyang sariling cultivation.
Agad na nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito upang maglakbay sa iba pang space loops gamit ang space channels dulot ng small space rifts.
Kung sino man ang may gawa nito ay masasabi ni Wong Ming na napakalakas na martial art experts maging ng kakayahan nitong gumawa ng pambihirang bagay katulad ng space loops.
...
Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay nadaanan ni Wong Ming ang mga space loops na ayos naman ang kalagayan ng mga na-trap na mga martial art experts. Napanatag naman si Wong Ming ngunit hindi niya pa rin mahanap kung saan si Earth Dawn o si Light Prime.
Dito rin niya napansin na humihina ang pagsagap niya sa kaniyang markang iniwan sa dalawang iyon. Isang indikasyon na posibleng na-trap na rin sina Earth Dawn at Light Prime sa lugar na ito ng ilang minuto o oras.
Posibleng mabitag si Light Prime ngunit hindi posibleng maapektuhan ito ngunit si Earth Dawn ay malabong makaligtas iyon. Ano kaya ang sikretong itinatago ng Alchemy Island na ito? Bakit sumabak sila sa misyong ito na walang magandang idudulot sa kanila lalo na sa kakaibang penomenang nangyayari sa islang ito.
Sa pagpasok ni Wong Ming sa iba't-ibang space loops upang dumaan ay nangilabot siya nang mapansin ang ilang mga kalansay ng mga kakaibang nilalang.
Parang naging mga labi na lamang ito ng sumakabilang buhay na evil practitioner.
Nilampasan ito ni Wong Ming ngunit agad na nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang mula sa Space Channels na dinaraanan niya ay bigla na lamang may humbalot sa kaniya.
Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang sakit ng pagbaon ng malalaki at nagtatalimang mga kuko sa likurang bahagi niya.
BANNNNGGGGGGG!!!!
Kitang-kita ni Wong Ming ang isang kakaibang nilalang na mayroong malalapad na mga pakpak.
Ang mga pakpak nito ay may nakabaong malalaking itim na mga pako sa mga pakpak nito.
Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang lakas at enerhiyang nagmumula sa nilalang na ito.
Nagawa nitong mapansin ang existence niya mula sa space channels.
SHRRIIEEEECCCKKKK!!!!
Nagpakawala ng napakalakas na atungal ang nasabing demonyong halimaw at kitang-kita ang pagbuka ng tila hinating apat na bahagi ng napakapangit nitong bibig.
Napansin ni Wong Ming ang kakaibang batong nakadikit sa bandang balikat ng halimaw.
Demonic Essence Stone!
Dito ay naalarma si Wong Ming. Bakit ngayon niya lamang nalaman ito.
May kaugnayan ang existence ng Demonic Essence Stone na ito sa ibayong lakas ng pambihirang Demon Practitioner na ito.
Napangiti na lamang si Wong Ming at kitang-kita kung paanong nagbago ang kulay ng itim na buhok nito sa pagiging asul.
Nagliwanag ang mga mata ni Wong Ming habang makikitang nakahawak ito sa mahigpit sa kaniyang Sword Needle indikasyon na magsasagawa ito ng pambihirang water demon skill.
Demon Skill: Water Shattering Sword!
BANG! BANG! BANG!
Tatlong malalakas na atake gamit ang Sword Needle ang pinakawalan ni Wong Ming.
Halos maglikha ng mapangwasak na epekto ito lalo na sa lupang tila bumubitak na dahil sa lakas ng atakeng ito.
Halos mahintatakutan si Wong Ming nang mapansing tila ang balat lamang ng demonic transformation ng evil practitioner ang napinsala nito.
Agad na nakaramdam ng pagkahilakbot si Wong Ming. Ano'ng klaseng halimaw ang nakasagupa niya? Ni hindi man lang ito tinablan ng napakalakas niyang demon skill.
Halos mapaluhod si Wong Ming dahil sa panghihina niya ng biglaan na labis niyang ikinapagtataka.
Ramdam niya ang kakaibang nangyayari sa katawan niya. Parang may kung ano'ng pwersang tila hindi niya makontrol mula sa kaloob-looban niya.
Nakaramdam ng pagkatakot si Wong at mas nadagdagan pa ito nang bigla niyang narinig ang nakakatakot na atungal ng isang malaking halimaw na ngayon ay mas lumipad pa ng napakataas.
SHRRIIEEEECCCKKKK!!!!!!
