LightReader

Chapter 755 - Chapter 755

Naramdaman ni Wong Ming na ang pisikal na lakas ng halimaw ay patuloy na lumalakas.

Habang nasa ere ito ay talaga namang mailalarawan niya na tila isa itong napakalakas na nilalang na tila insekto lamang siya sa paningin nito.

Dahil na rin sa pambihirang demonic transformation ng kalaban niya ay tiyak siyang ikakamatay niya kung direkta siyang tatamaan ng skill nito.

Nasa rage mode ang nasabing kalaban niya at tila wala na ito sa sariling katinuan at kamalayan nito.

Ang tanging magagawa na lamang ni Wong Ming ay gamitin ang domain skill niya.

Sa isang iglap ay nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang malawak na karagatan habang nasa ere ang mismong halimaw.

SHRRIIEEEECCCKKKK!!!

Nagpakawala ng napakalakaa na atungal ang halimaw at nagpawala ito ng pambihirang demonic skill.

Skill: Demonic Shards!

Mula sa kamay nito ay namuo ang isang napakaitim na bagay. Alam ni Wong Ming na ito ay galing sa laks ng demonic essences ng demonic stone na nasa dibdib ng mismong halimaw.

Alam ni Wong Ming na hindi na niya kontrolado pa ang sitwasyon.

Umulan ng napatalim na mga black shards ang nasabing halimaw patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang sanggain ang mga atakeng tatama sa kaniya mismo.

Skill: Water Shield!

Halos manlabo na ang mga mata ni Wong Ming sa lakas ng halimaw na siyang kasalukuyang kalaban niya.

AHHHHHH!

Napasigaw sa labis na sakit si Wong Ming nang tumusok sa magkabilaang balikat niya ang dalawang demon shards maging ang isang demon shards na dumaplis sa braso niya.

Ramdam ni Wong Ming ang labis na epekto nito sa katawan niya. Lahat ng mangyayari sa loob ng domain skill ay pisikal na mangyayari din sa reyalidad.

Mabuti na lamang at agad natigil ang atakeng iyon nang kalaban niya ngunit kitang-kita niya kung paano'ng mas nagbago ang kaanyuan ng nasabing katakot-takot na nilalang nang bumaluktot ang nasabing katawan nito na animo'y nagiging isang ibon ito.

Kakaiba nga ang lakas at epekto ng nakatarak na demonic essence stone sa katawan nito.

Nagpormang aatake ang nasabing nilalang gamit ang humahaba nitong mga kuko sa kamay.

Gamit ang Sword Needle ni Wong Ming ay mabilis niyang pinabulusok ito sa nasabing nilalang na gusto siyang dagitin sa mapaminsalang atake nito.

Hinang-hina man si Wong Ming ay kailangan niyang lumaban para sa buhay at kaligtasan niya.

WHOOSH! WHOOSH!

Sa himpapawid ay nagbanggaan ang nasabing mahabang Sword Needle ni Wong Ming na tila nagpapatibayan sa mismong matitigas na mga mahahabang kuko ng demonyong nilalang.

BANGGGG!

Kitang-kita kung paanong nangabitak;bitak ang kuko ng halimaw hanggang sa sumabog ito kasabay ang Sword Needle ni Wong Ming.

Napasuka ng dugo si Wong Ming dahil sa balik nitong atake sa katawan niya at pwersahang napasalampak sa lupa.

ARRGGGHHHHH!

Kahit na nanlalabo ang paningin ni Wong Ming ay napangiti pa rin siya ng mapait nang mapansing napuruhan niya ang nasabing halimaw.

Isang katunayan na mayroon pa rin siyang kakayahan na pinsalain ang higit na nakalalakas sa kaniyang lebel.

Doble o triple ang lakas ng tila Golden Realm Expert na ito na tuluyan ng nilukob ng negatibong enerhiyang inilalabas ng Demonic Essence Stone na nakatarak sa balikat ng kalaban niya.

Nanlalabo ang tingin ni Wong Ming, tuluyan nang bumigay ang nasabing katawan niya.

Sinasabi niyang hindi pa ito ang hangganan ng lakas niya. Mayroon pa siyang lakas ng isang Ice Demon Practitioner ngunit kaya niya bang labanan ang kakaibang lakas na lumulukob sa lugar na ito? Maraming tanong ang bumabagabag sa loob ng utak niya.

Makakaya niya kayang mawala ang lahat ng bagay sa kaniya? Ngunit balewala din ito kung mamamatay siya.

Unti-unting bumabangon si Wong Ming kahit na nawawalan na siya ng balanse.

Mas nagpagising sa diwa niya ang muling pag-atungal ng nasabing nilalang sa ere na tila nakamit na naman nito ang panibagong demon transformation.

Sa isang iglap ay nanindigan na si Wong Ming na lumaban at maging matapang pa lalo.

Hindi na niya alintana kung may makakita man sa kaniya. Walang maaaring magligtas sa sarili niya kundi siya mismo.

Ice Demon Transformation!

Kitang-kita kung paanong nakaramdam ng labis na enerhiya si Wong Ming mula sa loob ng dantian niya.

Sa isang iglap ay nagbago ang buong kaanyuan niya at tila pakiramdam ni Wong Ming ay lumakas pa siya lalo.

Halos naging triple ang laki ng katawan niya maging ang taas niya.

Ito siguro ay produkto na rin ng kapaligiran sa reyalidad na nakapalibot sa timugang bahagi ng Alchemy Island.

Nakaramdam ng pag-unlad ang lakas ng demon power niya.

Tumubo ang naglalakihang mga Ice Shards sa kapaligiran at unti-unting tumitigas ang katubigan na tila umaalon-alon kanina lamang.

Bigla na lamang nagmaterialized ang Sword Needle sa kamay ni Wong Ming at tila nagiging yelo at nagkakaroon din ng transpormasyon.

Hindi nag-aalinlangan si Wong Ming na gamitin ang tunay na lakas niya sa labang ito sa hindi pangkaraniwang kalaban niya.

Bumulusok ang nasabing halimaw patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming. Sa muling pagkakataon ay gagawin na naman nito ang atakeng mapangwasak.

Napangisi na lamang si Wong Ming nang gawin naman ito ng pambihirang halimaw na napakalakas.

SLASH! SLASH! SLASH!

Nagpakawala si Wong Ming nang malalakas na atake sa pamamagitan ng pagwasiwas ng Sword Needle niya dahilan upang humsti sa malalaking piraso ang katawan ng nasabing hslimaw.

Ngunit tila hindi umaayon sa kagustuhan ni Wong Ming ang lahat ng pangyayari sa kasalukuyan.

Tila nabuo ang katawan ng halimaw sa pamamagitan sa ilang segundo lamang.

Ang mismong bunganga ng halimaw ay akmang kakagatin siya nang bigla niyang isangga ang talim ng mismong Sword Needle.

SHHHHRRRRRR!

Kitang-kita kung paanong bigla na lamang nabalutan ang bibig ng halimaw kasabay nito ang buong katawan nito.

Hindi na naghintay pa si Wong Ming na makagawa pa ng paraan ang nasabing demonyong halimaw na makaligtas sa pagkakataong ito dahil bigla na lamang niyang itinarak ang Sword Needle niya sa mismong kinaroroonan ng demonic essence stone.

BANGGGG!!!!

Sumabog ang nasabing katawan ng demonyong nilalang. Mabuti na lamang at umatras ng ilang metro si Wong Ming at isinangga ang Sword Needle niya na naglilikha ng protective barrier sa katawan niya.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang bumalik sa reyalidad habang nawala na ang epekto ng domain skill niya.

Ang pambihirang energy essence ng demon essence stone ay pumasok sa sword needle niya.

...

Mula sa himpapawid ay nakatunghay ang isang nakarobang itim na nilalang habang mayroong nakabalot na puting mga benda sa katawan nito. Kapansin-pansin ang isang malaking matang tila mata ng isang kakaibang nilalang.

Kulay pula ang matang ito at tila gumagalaw pa ito sa agresibong pamamaraan.

Imbes na nagsasalita ito ay tanging naglabas lamang ng napakatinis na tunog ang mismong mata nito.

Mula sa kamay nito ay kitang-kita ang isang kulay itim na pabilog na bagay habang tila humihinga ito at nagpapago ang porma na animo'y minsan ay naghuhugis black shards ito.

Maya-maya lamang ay kitang-kita kung paano'ng natuon ang nasabing nanlilisik nitong pulang mga mata sa noo sa direksyon na kinaroroonan ng binatang si Wong Ming.

Kumuyom ang kamao nito habang nakatingin sa walang buhay na nilalang na ngayon ay unti-unti nang nabubulok.

More Chapters