LightReader

Chapter 756 - Chapter 756

Naramdaman na lamang ni Wong Ming ang tila rumaragasang enerhiya sa loob ng katawan niya. Isa rin ito sa dahilan kung bakit kahit hindi man siya magcultivate ay nadaragdagan ang enerhiya sa loob ng dantian niya dahil na rin sa mga pambihirang nilalang na napapaslang niya na mayroong espesyal na enerhiya essences na na-aabsorb ng Sword Needle niya.

Agad na napatingala sa ere si Wong Ming dahil tila napansin niya ang kakaibang enerhiyang nagmula roon.

Hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang sariling instinct.

Ngunit nang napadako ang tingin niya sa direksyong iyon ay wala siyang nakitang kung anumang nilalang.

Tila bigla na lamang naglaho iyon.

Ramdam ni Wong Ming ang killing essences na nagmumula sa nilalang na iyon na hindi niya mawari kung ano o sino iyon. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya at iyon ay sigurado siyang hindi niya kakayanin ang isang iyon.

Agad na napahawak si Wong Ming sa palapulsuhan niya. Dito ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang naghahabaan at nangingitim na mga ugat niya.

Alam niyang epekto ito ng pambihirang lugar na ito. Nakita pa ni Wong Ming ang isang pambihirang bagay na nakatarak sa balikat ng napaslang na kalaban niya kanina.

Walang pagdadalawang-isip na dinurog niya ito ng pinong-pino gamit ang pambihirang apoy na nasa katawan niya.

Agad niyang isinilid ito sa pambihirang lalagyan. Alam niyang mahalagang bagay din ito. Makakatulong ito ng malaki kung sakaling mapag-aralan at magamit sa kabutihan.

Imbes na umalis si Wong Ming at lisanin ang nasabing lugar ay nanatili siya rito upang mag-cultivate. Kung hindi siya nagkakamali ay maaari na siyang magbreakthrough sa lalong madaling panahon.

Matapos ang ilang oras ay agad na umalis na rin si Wong Ming at ipinagpatuloy ang ginagawa niyang pagsuong sa iba't-ibang space channels patungo sa iba't-ibang space loops.

Sa ikalimang space loops ay napansin ni Wong Ming ang isang pambihirang bagay.

Paano ba naman ay nakita niya ang mga naglalakihang mga pahabang bagay na nakatayo sa lugar na ito.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay nasa gitnang bahagi siya mismo ng lugar na ito. Kitang-kita niya ang nagpupulahang mga likido na dumadaloy sa sa tila daluyan patungo sa tila isang blood pool o sacrificial pool.

May malawak na espasyo ang lugar na ito at pakiramdam ni Wong Ming ay man-made ang nasabing lugar na ito, nangangahulugan na mayroong nilalang sa likod ng pagkabuo ng lugar na ito.

Hindi makapaniwala si Wong Ming na ang Alchemy Island na sinasabing mala-paraisong lugar ay tila may madilim na lihim mula sa mata ng publiko.

Pakiramdam ni Wong Ming ay tila may mali talaga sa nangyayari.

Kung gayon ang pagpapadala sa kanila rito ay hindi dahil lamang sa pagkuha ng pambihirang mga alchemy resources kundi may mas mabigat pa na dahilan.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay sila mismo ang ginawang pain ng kung sinumang nilalang.

Tatlong araw na palugit? Siguradong totoo man ito ngunit sapat na ang mga araw na ito upang maglakbay sila sa maliit na islang ito patungo sa timugang bahagi ng Alchemy Island.

Tahimik na nagkubli si Wong Ming sa isang gilid na hindi siya makikita kaagad. Agad na niyang itinago ang kaniyang sarili mula sa detection ng sinuman sa pamamagitan ng psgselyo ng sariling cultivation at enerhiya niya.

Maya-maya pa ay napansin niya ang pagdating ng mga mababagsik na mga malahalimaw na kaanyuan ng mga nilalang.

May mga lumilipad, mayroong naglalakad at meron ding gumagapang na sumusulpot lamang bigla-bigla sa iba't-ibang direksyon.

Tila wala sa sarili ang mga ito at lumulusong sila sa mala-karagatang gawa sa dugo.

Wala na sa sariling kamalayan ang mga nilalang na ito at napakaimposible para kay Wong Ming na hindi maisip na sadyang mga pansakripisyo lamang ang mga ito.

Lumusong bigla ang mga nilalang na ito sa kulay pulang tubig at tila sa paglusong ng mga ito ay hindi na sila umaahon pa.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong natira na lamang ang mga butong lumulutang matapos ang nasabing paglusong.

Nakakapanindig-balahibo ang nasaksihan ni Wong Ming lalo pa't hindi niya aakalaing nagsasagawa ng forbidden ritual ang kung sinumang nilalang na naririto.

Naramdaman ni Wong Ming ang kakaibang presensyang paparating sa isang direksyon kung saan ay alam ni Wong Ming na madidiskubre ang presensya niya 'pag nagkataon.

Marami ang mga ito at hindi niya kakayanin kung siya lamang mag-isa.

Bawat halimaw na lumulusong sa blood pool ay napakalakas.

Tanging ang nakikitang solusyon niya lamang ay si Earth Dawn. Marami itong nalalaman patungkol sa mga Demon Practitioner. Hindi malabong isang demon practitioner din ang nasa likod ng pangyayaring ito.

Mabilis na nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito na siyang sentrong bahagi ng lugar na ito.

Ang unang gagawin niya ay hanapin si Earth Dawn upang pigilin ang kung anumang masamang gagawin o gawain ng nilalang na may gawa ng mga bagay na ito.

...

Hindi naman nabigo si Wong Ming dahil sa ikawalong space loops na nadaanan niya ay agad nitong nakita sina Earth Dawn kasama si Light Prime.

Gusto lang naman niyang tingnan kung sino ang nasabing nilalang na nagpakawala ng pambihirang liwanag.

Nakakapanibago man ito ay masasabi niyang may mabuti pa ring nagagawa ang isang Light Prime na ito.

Nakita niya ang nakabulagtang demonyong nilalang na tila sumabog ang katawan nito habang nasusunog ang balat nito.

Napakalakas ng elemento ng liwanag na pinakawalan ng isang Light Prime.

Nakita niya si Earth Dawn na may pasa sa braso nito ngunit ginagamot nito ang sarili sa pamamagitan ng pambihirang likido na nasa loob ng vial.

Napahinga naman ng maluwag si Wong Ming nang mapansing nasa mabuti ang kalagayan nito.

"Little Devil?!" Tila gulat na saad ni Earth Dawn nang mapansin ang presensya ni Wong Ming.

Agad namang lumapit si Wong Ming rito at tiningnan ang lagay ng nasabing dalaga.

"Saan mo nakuha ang sugat na iyan?!" Seryosong wika naman ni Wong Ming habang tinitingnan ang natamong sugat nito.

"Malakas ang demonic energies sa kapaligirang ito. Hindi ito makakabuti sa katulad natin. Kung hindi mo naitatanong ay sanay na ako sa ganitong klaseng kapaligiran." Nakangiting sagot ni Earth Dawn habang makikitang parang normal lamang ito sa kaniya.

"Tinulungan ka ba ni Light Prime?! Sabihin mo lang at papaslangin ko talaga ang ungas na to!" Seryosong pahayag naman ni Wong Ming ng kaniyang suhestiyon.

Tanging tango na lamang ang naging sagot ni Earth Dawn, alam naman nitong nagbibiro lamang si Little Devil sa sinasabi nito.

Kitang-kita naman kung paanong hapong-hapo si Light Prime at tila habol-habol pa nito ang sariling hininga niya.

More Chapters