LightReader

Chapter 757 - Chapter 757

Palihim namang naningkit ang mga mata ni Light Prime dahil sa sinabing ito ni Little Devil. Ganon na ba talaga ang tingin ng mga ito sa kaniya.

Hindi niya maatim ang pansariling patutsada ng binatang ito sa kaniya. Ni wala namang espesyal sa binatang ito pero ang nasabing dalagang nagngangalang Earth Dawn ay makikitang nirerespeto nito ang nasabing binatang tinatawag nitong Little Devil!

Kahit naiinis siya rito ay sinarili niya lamang ito.

Nakita naman niya kung paanong kinuha ni Little Devil ang mga nakakalat na Demonic Essence Stones.

Takang-taka naman sina Earth Dawn at Light Prime sa ginagawang ito ng binata.

Ngunit labis namang nagulat si Earth Dawn nang mapansing nawala bigla ang negatibong mga enerhiyang nakapaligid sa kanila.

Nagkatinginan naman sina Earth Dawn at Light Prime lalo na nang mapansing hindi man lang apektado ang nasabing binata sa tindi ng demonic energies na nasa mga batong iyon.

"Hindi ka naaapektuhan ng mga batong iyan?!" Tila nanlalaking saad ni Light Prime na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

"Paano mo nalaman?!" Naniningkit na saad ng binatang si Wong Ming kay Light Prime.

Kalalaki nitong tao ay mahilig talagang mangialam ang Light Prime na ito sa ibang tao.

Agad namang nagawi ang tingin ni Wong Ming kay Earth Dawn na ngayon ay tila hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

Mabilis na ipinakita ni Wong Ming ang palapulsuhan niyang tila nangingitim ang mga ugat niya sa bahaging iyon.

Hindi makapaniwala sina Earth Dawn at Light Prime sa kanilang nakikita. Parang napaatras pa ang binatang si Light Prime dahil sa labis na gulat.

Napakalakas ng demonic energies ng demon essence stone ngunit ganito lamang ang natamo ng binata.

Tiningnan pa ni Light Prime si Earth Dawn ngunit pinandilatan lamang siya ng mata ng dalaga.

"Ano ba ang naging sadya mo rito Little Devil?! Hindi mo ba kami mahanap?!" Tila pang-iiba naman ni Light Prime.

"Ano pa edi hanapin si Earth Dawn. Ano ba ang ginagawa ng katulad mo rito sa lugar na ito?!" Sarkastikong turan naman ni Wong Ming pabalik kay Light Prime.

Lihim namang napaismid ang binatang si Light Prime. Para sa kaniya ay ang kapal ng pagmumukha ng Little Devil na ito.

Nanahimik na lamang siya. Ayaw niyang makipagtalo. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil sa padalos-dalos ng bibig niya. Nakalimutan niyang siya ang humihingi ng pabor sa binatang ito.

Kita naman niyang lihim na napatawa ng mahina ang nasabing dalaga dahil sa bangayan nila.

Gusto niya na lang magpakain sa lupa. Napahiya siya sa sarili niyang kagagawan.

Tumalikod na si Light Prime at akmang aalis na ito ngunit pinigilan siya ni Wong Ming.

"At saan ka naman pupunta?!" Seryosong tanong naman ni Wong Ming sa binatang gustong lisanin ang lugar na ito.

Agad namang lumingon ang binata sa gawi ni Wong Ming at nagsalita.

"Aalis na ako sa lugar na 'to, wala akong mapapala sa mumunting isla na ito!" Inis na ani ni Light Prime dahil sa kamalasang nangyayari sa buhay niya sa kasalukuyan.

"Walang mapapala?! Sigurado ka ba diyan?! Kahit gustuhin mo man o hindi, hindi ka makakabalik sa lugar ng kinabibilangan mong pamilya!" Seryosong saad naman ni Wong Ming na walang kagatol-gatol. Gusto niyang ipakita sa Light Prime na to na hindi siya maaapakan ng isang maharlikang itinaboy sa sariling teritoryo nito.

"Kung hindi mo ko matutulungan binata ay sana nagsabi ka na agad noong wala pa tayo sa islang ito. Ikaw talaga ang malas sa buhay ko! Kayong dalawa ng babaeng to!" Panunumbat ni Light Prime dahil mukhang sasabog na siya sa labis na galit.

Kitang-kita naman kung paanong nanlisik ang mata ni Earth Dawn dahil sa sinabing ito ng binata.

"Ako ang masusunod dito Light Prime! Yan na nga ang sinasabi ko, wala kang tamang maidudulot na tama dahil sa pagiging mainitin ng ulo mo. Makakaya no kayang makaligtas sa lugar na to kung hindi tayo magtutulungang tatlo?!" Makahulugang saad naman ni Wong Ming.

Nanlaki ang mga mata ni Light Prime nang makita ang Sword Needle na nasa kamay ng binata at ipinabulusok ito ng mabilis sa kinaroroonan niya.

Ang nagawa na lamang ni Light Prime ay pumikit. Hindi niya aakalaing magagawa siyang paslangin ng binatang ito matapos niyang tulungan ang dalagang nagngangalang Earth Dawn mula pa kanina.

TSAKKKKK!!!!!!

Rinig na rinig ni Light Prime ang tila pagkahiwa ng laman ng kung anumang bagay mula sa katawan niya ngunit parang mali.

Pagkabukas na pagkabukas ng mga mata niya ay kitang-kita niya ang tila bagay na lalaglag patungo sa kinaroroonan niya mula sa itaas.

SHRRIIEEEECCCKKKK!!!!

Rinig na rinig nilang tatlo ang nasabing malakas na atungal ng isang halimaw sa kabilang bahagi kung saan naroroon si Light Prime.

Nang tiningnan ni Light Prime kung ano ito ay halos panawan siya ng ulirat sa kaniyang nakita.

Isang putol na kamay kasama ang malaking braso ng kakaibang nilalang ito na maihahalintulad sa isang demonyo.

Ramdam ni Light Prime ang kakaibang lakas ng putol na kamay na ito.

Halos mataas pa ito sa lebel ng cultivation niya kung hindi siya nagkakamali.

"Bakit mo pa tinulungan ang ungas na yan Little Devil?! Sana hinayaan mong mapaslang ang isang yan! Hmmp!" Inis na turan ng dalaga kay Wong Ming habang pinandilatan niya ng tingin si Light Prime.

"S-salamat!" Nakayukong sambit ni Light Prime na animo'y naging isang maamong tupa.

"Salamat? Namatay ka na lamang sana!" Naiinis pa ring saad ni Earth Dawn kay Light Prime.

"Ayaw mong makinig kay Little Devil. Hindi porket isa kang mahusay at henyo sa lugar ng maharlikang pamilya mo ay hindi mo na kami gagalangin. Tinulungan mo ko kanina ngunit hindi ko naman hiningi iyon sa'yo. Di tanga si Little Devil para hindi malaman ang gusto mong mangyari!" Seryosong wika naman ni Earth Dawn habang makikitang gusto niyang paluin sa ulo ang ungas na Light Prime na 'to.

Natahimik na lamang si Light Prime sa kaniyang sariling pwesto. Malas niya talaga at hindi madaling mauto ang alinman sa dalawang ito.

Isang malaking sampal sa kaniya ang sinabi ng dalawang nilalang na ito. Sa pagiging desperado at padalos-dalos na desisyon niya ay muntik na niyang ihatid ang sarili niya sa mapanganib na sitwasyon.

"Ano ang ipinunta mo rito Little Devil?! May nadiskubre ka ba sa kakaibang penomenang nangyayari sa loob ng Alchemy Island?!" Puno ng kuryusidad na sambit ng dalagang si Earth Dawn. Batid niya kasing may gustong ipahiwatig ang binata kung bakit siya nito hinahanap.

More Chapters