"Hindi ko lang nadiskubre, nakita ko pa ang kahindik-hindik na aktibidad sa loob ng Alchemy Island na ito!" Direktang ani naman ni Wong Ming habang seryoso itong nakatingin kay Earth Dawn.
"Ano ang sinasabi mo Little Devil?! Ano ang hiwagang nangyayari sa lugar na ito?!" Halos hindi na makapaghintay na turan ng dalagang si Earth Dawn dahil sa mukha at pananalita pa lamang ni Little Devil ay mukhang isang delikadong sitwasyon ang kinasasangkutan nila sa mga oras na ito.
"Mukhang hindi isang simpleng misyon ang ipinunta natin dito, mukhang ginawa tayong pain para sa forbidden rituals na ginagawa ng kung sinumang nilalang na sangkot sa lugar na ito!" Seryosong saad ni Wong Ming na ikinanlaki ng mga mata nina Earth Dawn at Light Prime.
"ANOOOOOO?!" Gulat na gulat na sambit nina Earth Dawn at Light Prime sa rebelasyong ipinahayag ni Little Devil.
...
Kasalukuyang nasa isang gilid lamang sina Earth Dawn, Light Prime at ng binatang si Little Devil.
Naririto sila sa sentrong bahagi ng Timugang parte ng Alchemy Island.
Karaniwang nasa sentro makikita ang pangunahing lihim ng forbidden ritual dahil dito nangyayari ang mga aktibidad ng isinasagawang kahindik-hindik na sacrificial methods para sa mga alay.
Nalaman din nina Light Prime at Earth Dawn na hindi isang demonyo ang mga alay kundi mga evil demon practitioner maging ang mga demon practitioner na katulad nila.
Walang pinipili ang sacrificial methods kung mabuti o masama man ang mayroong pambihirang demon power. Nangangahulugan na maging silang tatlo ay nagawa na sanang maging pain para sa ginagawang forbidden ritual dito sa maliit na islang ito.
Nalaman din ni Wong Ming na hindi basta-bastang tatablan sina Earth Dawn at Light Prime dahil na rin sa mga proteksyon na naibibigay ng mga bagay na suot nila.
Proteksyon ang hatid ng suot na kwintas ni Earth Dawn at ang pambihirang staff na hawak-hawak ni Light Prime ang nagpoprotekta sa nasabing binata.
Buti na lamang at suot-suot pa rin ni Wong Ming ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Earth Dawn.
Nagtataka man ang dalaga dahil iba ang kwintas na suot-suot niya dahil may basbas ito na galing mismo sa mga ninuno niya.
Nagpalusot na lamang si Wong Ming na naaapektuhan pa rin siya ng demonic energies na nasa kapaligiran niya sa pamamagitan ng nangingitim na mga ugat sa palapulsuhan niya.
Buti naman at kinagat ang palusot niya. Alam niyang naaapektuhan pa rin sina Earth Dawn at Light Prime dahil sa mga sugat na natamo ng mga ito.
Malabo ring isipin pa ng mga ito ang maliit na bagay na ito kumpara sa malaking problemang kinakaharap nilang tatlo maging ng iba pang mga na-trap na mga martial art experts.
Hindi malabong dito na ang magiging libingan nila kung hindi nila mapipigilan ang forbidden ritual na ito.
Nanlalaki ang mga mata ni Earth Dawn nang madiskubre kung ang kalagayan ng forbidden ritual na ito.
Tumingin ito kay Wong Ming at kitang-kita kung paanong nanginginig ang bibig nito habang nagsasalita.
"M-mukhang huli na tayo Little Devil, nasa huling bahagi na ng forbidden ritual ang isinasagawa nila. Sa tingin ko ay mukhang may gusto silang buhayin na kung sinuman. Pansin kong mayroong nakalubog na nilalang sa gitnang bahagi ng blood pool. Ang laman at bawat enerhiyang naa-absorb nito ay senyales na lumalakas din ang nilalang na iyon. Kailangan nating paslangin iyon bago pa ito tuluyang magising mula sa mahimbing nitong pagkakatulog!" Kitang-kita ang labis na pangamba sa pagmumukha ng dalagang si Earth Dawn.
Nagkatinginan naman sina Little Devil at Light Prime. Alam nilang pareho na hindi nagbibiro ang dalaga sa mga sinasabi nito.
Blood Nourishing Corpse Ritual!
Ito ang ginagawang forbidden ritual ng kung sinumang nilalang ang may gawa nito. Gagawin ng nilalang na ito ang lahat upang buhayin ang isang nilalang na yumao na.
Sa tingin nilang tatlo ay gustong i-reconstruct ng evil martial arts expert ang katawan ng yumao at ibalik pati ang nawalang lakas at cultivation nito sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng mga buhay ng mga malalakas ring nilalang.
Isang nasawing demon practitioner ang posibleng buhayin ng Blood Nourishing Corpse Ritual na ito na nasa Peak Golden Warrior Realm.
Ang nasa likod nito ay alam ni Wong Ming na hindi ito basta-basta lamang. Alam niyang mayroon itong mataas na kaalaman patungkol sa mga forbidden rituals.
Hindi maitatanggi na wala ni isa sa kanilang tatlo ang makakapantay sa lakas ng bubuhaying demon practitioner. Iyon ang hindi nila maaaring payagan.
Dahil tahimik ang sentrong bahaging ito ng lugar na ito ay nagkatinginan silang tatlo, nag-usap kung ano ang kanilang maaaring gawin.
Ang una nilang gagawin ay hanapin ang bubuhaying bangkay ng nasabing nilalang.
Pumwesto sa magkaibang direksyon sina Earth Dawn, Little Devil at Light Prime. Isa itong mahusay na taktika kung sakaling i-ambush silang tatlo. Malaki ang tsansang makaligtas silang tatlo pag nagkataon. Iisiping hindi sila magkagrupo.
Agad na nagliwanag ang pares ng mga mata ni Earth Dawn at kasabay nito ang pagbago ng buhok nito na kulay asul.
Kitang-kita kung paanong umalon ng malakas ang Blood Pool kasabay nito ang pagkakaalis ng ilang mga butong palutang-lutang lamang.
Maya-maya pa ay makikitang naiahon na ni Earth Dawn ang isang bronze coffin na tila kumapit ang pulang mga likidong galing sa tubig.
Hindi makapaniwala sina Light Prime at Little Devil sa nakikita.
Isang ancient bronze coffin ang nai-ahon ni Earth Dawn na ikinabigla rin ng dalaga.
Hindi basta-basta ang bronze coffin na ito. Kahit ang dalagang si Earth Dawn ay kitang-kita kung paanong bigla na lamang nanghina dulot na rin ng protective barriers na pumoprotekta sa bronze coffin na ito.
Agad na nagcultivate ang dalaga upang pawalain ang mga cold energies na bigla na lamang kumapit sa katawan niya.
Lason ang mga cold energies sa katawan ng alinmang martial art experts. Mula sa malalim at matagal na pagkakalubog sa tubig ay natural lamang ito.
Sinubukan pa ni Wong Ming at Light Prime na lapitan ang bronze coffin na malapit sa kinaroroonan ni Earth Dawn ngunit agad na napatingala sila sa ere nang mapansin ang napalakas na presensya ng isang hindi kilalang nilalang.
"Sino kayo?! Hindi ko aakalaing may kakayahan kayong makaalis sa mismong space loops na inihanda kong kulungan para sa bawat isa sa inyo!" Sambit ng kakaibang nilalang na balot na balot ang katawan nito ng mga cloth bandages.
May sumbrero pa itong suot na tila kinakalawang na rin dahil siguro sa labis na kalumaan.
