Sa pagkumpas ng kamay nito ay naramdaman na lamang ni Little Devil, Earth Dawn at Light Prime ang napakalas na gravity pressure na pilit silang nire-restrict ang galaw nila.
Agad na pinalitaw ni Wong Ming ang Water Barrier sa uluhan niya habang si Earth Dawn naman ay nsgbago ang kulay ng buhok nito sa pagiging kayumanggi habang si Light Prime ay nagliwanag ang buong katawan nito.
Ang tila papayuko na postura nilang tatlo ay bumalik sa pagkakatayo at tila napawalang-bisa ang ginawang restrictions ng hindi pa malamang nilalang na maituturing na isang kalaban na nila sa kasalukuyan.
"Mahusay! Hindi ko aakalaing nagawa niyong makatayo sa lakas na ipinamalas ko. Paano kaya kung dagdagan ko ang lakas upang sumunod kayo sa aking mga sinasabi hehe!" Nakangising wika ng kakaibang nilalang habang muli nitong pinakawalan ang malakas na gravity pressure.
Tiningnan naman si Light Prime at kitang-kita kung paano nitong itinaas ang hawak nitong scepter nito at nagpakawala ng Light Barrier.
Naging pagkakataon naman ito para kay Earth Dawn upang atakehin ang kalaban nito.
Bigla na lamang nagsitaasan ang mga tipak ng lupa at dito dumaan si Earth Dawn upang atakehin ng pisikalan ang nasabing kalaban nila.
Ang sinturong nasa beywang ng dalaga ay agad na nanigas at nag-materialized bilang isang mahabang espada. Hindi maipagkakailang nagulat ang nasabing kalaban nila sa ginawa ng dalaga.
TAH! TAH! TAH!
Walang pakundangang iwinasiwas ni Earth Dawn ang espadang hawak niya sa kalaban niya.
Halos hindi makapaniwala ang dalaga nang mapansing hindi man lang siya nakatama sa nasabing kalaban niya na animo'y alam na nito ang gagawin niyang pag-atake.
PAHHHHHH!!!
Isang malakas na sipa ang pinakawalan ng nasabing kalaban nila dahilan upang tumalsik pailalim ang nasabing dalaga.
Nagpakawala ng nakakasilaw na liwanag ang light barrier dahilan upang mapatakip ng mukha ang nasabing nilalang.
Bumulusok ang Sword Needle ni Wong Ming pataas patungo sa kinaroroonan mismo ng kalaban nila.
TSAKKKKK!
Nadaplisan niya ang kalaban nito ngunit tiyak si Wong Ming na hindi niya napuruhan ito.
Akala niya ay tatama na talaga ang atake niya sa vital points ng kalaban niya ngunit mali siya ng pag-aakala.
Biglang nahati sa sampong bahagi ang sword needle at umatake siyang muli ngunit hindi niya man lang mahuli ang kalaban dahil sa sobrang bilis ng galaw nito na naglilikha ng afterimages.
Ang tanging nagawa lamang ni Wong Ming ay patuloy na umatake habang bumabawi pa sa lakas si Earth Dawn.
Hindi niya namalayan na patungo na sa kaniyang pwesto ang kalaban nila at binigyan siya ng malakas na suntok ng kalaban dahilan upang tumilapon si Wong Ming sa kalupaan.
BANGGGG!
Nagbago ang kulay ng buhok ni Earth Dawn sa pagiging asul at umatakeng muli ito sa nasabing kalaban nila.
Ang atake at presensya niya ay talagang lumakas lalo ngunit kalmado lamang siyang tiningnan ng kalaban nito.
Sa isang iglap ay nakita na lamang nito ang sariling napasalampak sa lupa.
Little Devil! Earth Dawn!
Sigaw ni Light Prime nang mapansing hindi maganda ang lagay nila.
Napansin nilang lahat na unti-unting lumapag sa lupa ang nasabing kalaban nila.
Ang kalaban nila ay walang pakialam sa light practitioner na ito lalo pa't hindi ito maalam sa paggamit ng scepter nito.
Inismiran niya pa si Light Prime dahil sa pagiging incompetent nito. Hindi nito alam ang tamang paggamit ng pambihirang scepter na sa tingin ng kalaban ay isa itong priceless treasure.
Sa isang iglap ay natawid nito ang distansya patungo kay Light Prime at sinuntok ng malakas dahilan upang tumilapon ito sa malayo.
Sumuka pa ng sariwang dugo si Light Prime habang si Earth Dawn ay hindi din makapalag sa kakaibang lakas ng nilalang na nakalaban nila.
Agad na sinalo nito ang nasabing scepter ngunit ganon na lamang ang pagkagulat nito nang mahawakan nito ay napakainit at sa isang iglap ay nagpakawala ito ng light beam pataas.
Sa kasamaang palad ay hindi man lang napuruhan ang kalaban at wala man lang itong natamong pinsala.
"Mga hangal! Hindi niyo ako mapapaslang sa katangahan niyo! Mga Golden Realm Experts lamang kayo, ano'ng laban niyo sa isang katulad ko bwahahaha!!!" Natatawang wika ng kakaibang kalaban nila.
Alam nilang hindi ito mabuti. Pinaglalaruan lamang sila nito at subukin ang lakas maging ang potensyal nila. Talagang pinagmukha lamang silang tanga ng nilalang na ito.
Nagpalinga-linga ang nasabing nilalang nang mapansing parang may mali. Doon niya napansin na hindi niya makita ang isang binatang umatake sa kaniya.
"Paano ba 'yan, mukhang nabigo ka sa layunin mong bantayan ang lugar na ito hahahaha!" Sambit ni Light Prime habang nagpapatunog pa ito ng mga buto niya sa kamay maging ng kaniyang leeg.
Agad na nagawi ang tingin nito sa ere nang mapansin ang nasabing binata.
"Wala kang magagawa binata kaya sumuko ka na lang. Kahit atakehin mo ko ng ilang daang beses ay magiging talunan ka pa rin maging ng kasamahan mo sa presensya ko bwahahaha!" Mapanuyang ani ng kalaban nito.
Imbes na mabalot ng takot si Wong Ming ay makikita ang kakaibang ngisi sa mga labi nito dahilan upang mabigla ang nasabing kalaban nila.
"Masyado kaming mahina para sa'yo kaya hahanapan kita ng magiging katapat mo ahahaha!!!" Nakangising sambit ni Wong Ming sa kalaban nito.
Agad na nasunog ang papel na hawak-hawak ni Wong Ming at bumulusok ang kakaibang liwanag sa ere.
"Bwahahaha! Magkagayon man ay sisiguraduhin kong mapapaslang ko kayo bago pa man dumating ang mga nilalang na sinasabi mo! Sisiguraduhin kong magiging sariling hukay din nila ang lugar na ito bwahahaha!!!" Sambit ng kakaibang nilalang habang makikitang gusto na nitong paslangin ang tatlong pakialamerong mga nilalang na gusto siyang kalabanin.
....
Halos sampong minuto na ang nakakalipas at walang tigil ang naging labanan nila. Makikitang hindi na maganda ang lagay ni Wong Ming habang nasa gilid na lamang si Light Prime maging si Earth Dawn na nawalan na ng malay-tao dahil na rin sa labis na pisikal na pinsala at pagkasaid ng lakas.
Nagtulong-tulong man ang tatlong magkakaibigan sa pakikipaglaban ngunit sa huli ay tila nagapi sila sa maliit na oras lamang.
Duguan na rin si Wong Ming lalo na ang mga braso niya at kamay. Nakikipagbuno siya sa kalaban niya at kung gaano man kalakas ang atake niya ay mas lalong malakas ang binabalik sa kaniya ng kalaban niya.
Ayaw niyang sumuko at mas lalong hindi niya gugustuhing mawalan ng malay dahil baka hindi na siya magising pa. Siguradong iluloblob sila ng buhay sa Blood Pool at buto na lamang ang matira sa kanila habang said lahat ng enerhiya niya sa katawan.
