LightReader

Chapter 760 - Chapter 760

Naramdaman ni Wong Ming ang paparating na presensya mula sa isang direksyon at lumitaw ang sampong nakaitim na robang mga nilalang na mayroong mga hood sa ulo ng mga ito dahilan upang hindi niya malaman kung sino-sino ang mga ito.

Sa tingin niya ay hindi normal na mga nilalang ang mga ito habang may mga hawak silang maliliit na mga itim na tali.

Kitang-kita na napatingin ang mga ito sa gawi niya at sa tingin niya ay hindi maganda ang intensyon ng paglitaw ng mga ito sa lugar na ito.

"Ano ang ginagawa ng mga mahihinang nilalang na ito sa sagradong lugar na ito heneral?!" Mapanuyang saad ng isa sa sampong black hooded na mga nilalang.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong napahawak sa leeg ang nasabing nagsalitang nilalang at lumutang ito sa ere.

Nagpupumiglas ito dahil na rin sa hindi ito makahinga.

Nagulat na lamang ang lahat maging si Wong Ming nang tumilapon ito sa lupa.

BANG!!!

Mabilis namang tumayo ang nasabing nilalang at lumuhod ito sa nasabing hm"heneral" daw na nilalang.

Maging ang iba ay ganoon din ang ginawa. Bakas sa kanilang kilos na takot na takot ang mga ito sa nasabing nilalang at ayaw nilang magalit ito.

"Ayokong maulit ang bagay na ito at sisiguraduhin kong wala ng pangalawang pagkakataon para sa inyo, naiintindihan ninyo?!" Maawtoridad na sambit ng kakaibang nilalang na balot na balot din ang nasabing katawan nito mula ulo hanggang talampakan.

"OPO HENERAL!!!"

Sabay-sabay na saad ng mga black hooded na mga nilalang at inulit pa ng ilang beses ang mga katagang ito sa malakas na pamamaraan.

"Magaling, magaling, kaya pwede na kayong umalis." Sarkastikong turan ni Wong Ming habang pumapalakpak pa ito.

Ano'ng akala ng nilalang na ito, alipin ang sampong nilalang na ito. Bakas din na malalakas din ang mga ito. Sadyang sobrang lakas lang ng nilalang na sinasabi nilang heneral.

"At sino ka upang gumawa ka ng kabalbalan at guluhin ang natural na gawain namin rito?! Kamatayan lamang ang maaaring igawad sa katulad mong lapastangan!" Nanggigigil na sambit ng isang black hooded na nilalang.

Nagulat na lamang ang lahat nang marinig nilang malakas na tumatawa ang binatang nsg-iisa lamang habang makikitang walang malay ang dalawang mga kasamahan nito.

"Kamatayan? Iyon ay nararapat lamang sa katulad niyo. Wag niyo kong idamay sa kabulastugan niyo hahahaha!" Usal ni Wong Ming habang makikitang tumawa pa ito ng malakas.

Hindi na nakapagtimpi ang isa sa mga black hooded na nilalang at nag-materialized bigla ang mahabang espada sa kamay nito.

Agad nitong sinugod si Wong Ming na nakangisi pa rin ng nakakaloko.

BANGGGG!

Bago pa man ito makarating kay Wong Ming ay makikitang bigla na lamang itong napatigil sa ere habang mayroong mahabang silver flycutter na bumulusok sa uluhan ng sumusugod kay Wong Ming na black hooded na nilalang.

Hindi na ito nakapagreact o nakatakas pa nang mapansing nahati sa dalawa pahabang parte ang katawan nito.

SLLLLCCCKKK!!!!

Bago pa man sumirit ang nasabing mala-gripong dugo nito sa katawan ay dumistansya na si Wong Ming.

Nagulat naman ang lahat nang mapansin ang pagdating ng tatlong nilalang mula sa ere.

Agad na bumalik sa isa sa nasabing nilalang na bagong dating lamang ang silver flycutter na nakalutang lamang sa tabi nito.

"S-sino ka-kayo?!"

"A-anong gi-ginagawa niyo?! Hindi ba kayo natatakot na gantihan kayo namin maging ng aming magiting na heneral?!"

"Talagang nagtawag ka pa binata ng kasamahan mo. Kung uubra sila samin ay walang problema ito kay Heneral!"

Kahit na may pangamba at intimidasyon na nararamdaman ang natitirang sampong black hooded na mga nilalang ay hindi sila papatalo kahit kailanman.

Rinig na rinig ng lahat ang tila angil ng sinasabi nilang heneral. Masasabing masyado niyang minaliit ang kakayahan ng binatang ito at talagang pinaghandaan talaga nito ang worst-case scenarios na maaaring mangyari sa kanila.

"Tatlo lamang ang dumating?! Hindi ko aakalaing napakahina mo palang sumagap ng kasamahan. Isang karangalan ito para sa inyo na makaharap at mapaslang ang mga katulad niyong mga mahihinang nilalang hehehe!!!" Mapang-uyam na saad ng nilalang na tinatawag na heneral. Halatang malaki ang kumpiyansa nito sa sarili dahil di man lang ito natinag sa presensya ng tatlong bagong dating na mga nilalang.

"Talaga ba?! Makakaya mo ba kaming patumbahin o paslangin?! Hindi niyo gugustuhing makalaban ang guild namin hahaha!!!" Matapang na sagot naman ng isa sa tatlong bagong dating na nilalang.

Kilala ni Wong Ming ang tatlong magigiting na mga adventurers na ito. Kilala ang mga ito sa tawag na Silver Trio.

Sila ay sina Silver Captain, Silver Champ at Silver Ripper. Sila ang magigiting na mga mandirigma ng Feather's Guild.

Hindi aakalain ni Wong Ming na ang mga adventurers na ito ang ipinadala ng Feather's Guild.

Hindi niya pa ito nakikitang lumaban ang maski isa sa mga ito ngunit ramdam ni Wong Ming ang pambihirang presensyang nakapaloob sa tatlong ito.

Napakahirap pa naman pumasok sa Guild na ito at hindi lahat ay maaaring makapasok. Kahit siya ay hindi niya papangarapin na maging isa sa mga ito dahil kahit ang misteryosong babaeng nasa loob ng pambihirang artifact ay sinasabing matagal ng nag-eexist ang Feather's Guild.

Kaya ang lakas nito at pananatili bilang isang guild lamang ay talagang nakakapagtaka pa rin.

Bumalik sa reyalidad si Wong Ming at masasabi niyang ligtas na silang tatlo kapag nakaalis na sila ng buhay sa lugar na ito.

Agad na lumipad si Wong Ming paalis sa lugar na ito kasama ang dalawang walang malay at sugatan na sina Earth Dawn at Light Prime.

Mas mahalaga sa kaniya na maging ligtas ang mga ito dahil ito ang pangunahing plano nila. Mabuti na lamang at gumana ang mga pinaplano nilang tatlo.

Inilalagay na niya sa kamay ng Feather's Guild ang lahat. Sigurado siyang malaki ang makukuha niyang gantimpala sa guild na iyon.

...

Sa sentrong bahagi ng pambihirang lugar ng Timugang bahagi ng Alchemy Island...

Kitang-kita kung paano'ng sa isang iglap ay nagkaroon ng labanan.

Ang paglipad ng Silver Flycutter ni Silver Captain ay kitang-kita kung paanong nahati ang iba't-ibang parte ng katawan ng mga black hooded na mga nilalang. Mga braso, paa, maging ang mga daliri ng mga ito ay tila nahiwa-hiwa.

Walang-awang ipinakita si Silver Captain sa mga ito. Kasama si Silver Ripper ay pinagpapaslang nila ang mga nilalang na ito dahil na rin sa masasama ang mga ito.

AHHHHHHHHHH!!!!!

Iba't-ibang mga boses ang maririnig at kitang-kita kung paano'ng nabawain ng buhay ang bawat isa sa mga ito sa kamay ng dalawang Silver Trio.

Sa loob ng limang minuto ay napaslang na nila ang siyam na black hooded na mga nilalang.

...

Ginamot ni Wong Ming ang mga natamong sugat nina Earth Dawn at Light Prime. Halatang hindi nila nakayanan ang lakas ng pambihirang nilalang na nakakubli sa kasuotan nito.

Hindi ordinaryo ang mga ito at kitang-kita niya na malakas talaga ito.

Hind siya yung klase ng tao na iaasa lamang ang lahat sa nasabing organisasyon. Masama ang kutob niya sa pag-exist ng nilalang na ito sa loob ng maliit na isla ng Alchemy Island.

Sino kaya ang nasasakop ang nasabing islang ito, hindi maaaring wala silang alam sa nangyayari na ito.

It stated clearly na ang misyon nila ay manguha ng mga alchemy resources ngunit mukhang gagawin silang mga alay ng mga hangal na mga nilalang na ito.

More Chapters