Agad na sumilay ang isang kakaibang ngiti sa mga labi ni Wong Ming kasabay nito ang pag-atake sa kaniya ng dambuhalang halimaw na halaman.
SLASH! SLASH! SLASH!
Kitang-kita kung paanong nagkapira-piraso ang naturang buhay na halaman kasabay nito ang pagtalsik ng nasabing kalaban ni Wong Ming.
Ngunit agad na nagseryoso ang ekspresyon ni Wong Ming lalo pa't tila napansin niya na may mali sa kaganapang ito.
Hindi niya napansin ang presensya ng kalaban niyang si Vine Whip. Isa itong ilusyon lamang na bunga ng pambihirang skill ng kalaban niya.
Biglang dumilim ang buong lugar na ito kung saan ay napapasailalim siya sa domain (sariling teritoryo/lugar) ng kalaban niya.
"Ikaw pala ang Little Devil na sinasabi nilang nagtataglay ng secret core skill. Hindi man kita mapaslang ng literal sa kasalukuyan ngunit hindi ako mangingiming paslangin ka sa sarili kong domain skill!" Determinadong saad ni Vine Whip na animo'y hindi makita ni Wong Ming ang totoong lokasyon nito.
Napakahirap na kalaban ito at ngayon lamang napagtanto ni Wong Ming na napansin ng kalaban nito ang presensya sa maraming manlalahok.
Mula sa ere ay napansin ni Wong Ming ang mga mapupulang mga matang nakatingin sa kaniyang gawi. Masasabi nitong malayang gawin ni Vine Whip ang anumang nais nito sa kaniya.
Isa-isang sumugod ito sa gawi niya habang mayroon pa ring malaking anino ng Golden Crane Goddess sa likod nito.
BANG! BANG! BANG!
Malalakas na pagsabog ang narinig ni Wong Ming habang patuloy niyang pinoprotektahan ang sarili laban sa malalakas na mga atakeng pinapakawalan ng Dragon Vine skill ng kalaban.
Isang daang porsyento ang lakas ng skill ng kalaban ngunit hindi siya susuko. Masyado pang maaga upang magpatalo siya.
Ramdam ni Wong Ming ang lakas ng Golden Rocks upang gawin niyang posible ang mga imposibleng bagay sa kasalukuyan na hindi niya pa nagagawa.
"Kahit ano'ng gawin mo ay mas lamang pa rin ako ng isang golden rock sa'yo!" May diin na wika ni Wong Ming na animo'y hindi ito magpapatalo kay Vine Whip.
Ayaw niyang gawin ang mga bagay na maaari niyang ikapahamak. Gusto niyang siguraduhing mananalo siya sa isang ito.
"Tama na ang satsat mo binata. Sa ating dalawa ay isa lamang ang maaaring magwagi sa labang ito at ako iyon!" Puno ng kompiyansang sambit ni Vine Whip na nakatago pa rin ang totoong lokasyon nito.
Isang kakaibang pagngisi ang lumitaw sa pagmumukha ng binatang si Wong Ming kasunod nito ang tila pag-init ng kakaibang kwentas na suot nito.
Unti-unting nagbago ang kulay ng buhok ni Wong Ming at tila naging kulay asul ito.
Kasabay nito ang tila paggalaw muli ng mga dambuhalang halimaw na nasa ere at sa pagkakataong ito ay sabay-sabay na itong umatake sa mismong direksyon ni Wong Ming.
Agad na nagliwanag ang mga mata ni Wong Ming na ngayon ay tila nagliliwanag na rin ng kulay asul.
Skill: Water World!
Kitang-kita ang biglang pagkakaroon ng napakaraming tubig sa buong lugar na ito at sa isang iglap ay natabunan ng tubig ang kalupaan maging si Wong Ming.
Ang atake ng mga Dragon Vine ay tila hindi naging matagumpay at tila maging ito ay naabot na rin ng mabagik na daloy ng tubig.
Ilang segundo lamang ay umabot na sa mismong himpapawid ang nasabing lebel ng tubig hanggang sa pinakatuktok nito ay naabot na at tuluyang nakita ni Wong Ming ang mismong kalaban niyang si Vine Whip.
Sapo-sapo nito ang hininga nito at nagpupumiglas ma ito dahil tila nalulunod ito.
Hindi ordinaryong tubig ito dahil mula pa mismo ang skill na ito sa Demon World kung kaya't ang tubig ay mas mabigat at nakakamatay para sa mga nilalang na walang demon bloodline.
Nakita na lamang ni Wong Ming na nawalan ng buhay ang kalaban nitong si Vine Whip habang nakatingin sa gawi niya.
Unti-unting naglaho ang pisikal na katawan nito sa lugar na ito kasabay ng pagsabog ng mismong domain ng kalaban niya.
BANG!
Kasabay nito ay nakita na lamang ni Wong Ming ang kaninang kapaligiran na kinaroroonan niya. Malaki ang pasasalamat niya nang nagawa niyang paslangin ang kalaban niya.
Masasabi niyang malaki din ang nawala sa kaniyang enerhiya ngunit hindi siya susuko na patuloy na magpursigi upang manalo sa bawat laban na maaari niyang masagupa sa kompetisyong ito.
Nagpahinga muna saglit si Wong Ming kasabay nito ay naglakbay muli siya.
Kakaiba ang nadaraan niya lalo pa't papasok siya sa mala-disyertong lugar habang may nakakasilaw na liwanag sa mismong tatlong araw na nasa himpapawid.
Tatlong manlalahok ang nakita ni Wong Ming na patungo sa direksyon niya.
Sa tingin niya ay hindi gagawa ng mabuti ang mga ito.
Ramdam ni Wong Ming na malalakas ang mga ito att parang may kakaiba sa mga ito.
Hindi lamang ito basta hula lamang dahil kitang-kita niya kung paano'ng nagbabago ang mga mata ng mga ito.
Earth Manipulators!
Ito agad ang pumasok sa isipan ni Wong Ming lalo pa't habang papalapit ang mga ito ay mukhang hindi gumagalaw ang mga paa ng mga ito kundi ang mismong lupang ginagalawan nila.
Bigla na lamang naging malaking alon ang lupang nasa disyerto.
Dito napatunayan ni Wong Ming na may maibubuga ang mga ito upang samantalahin ang kinaroroonan nila sa kasalukuyan.
Skill: Golden Crane Goddess!
Lumitaw ang napakalaking anino sa likuran ni Wong Ming kasabay nito ang tila pagtigil ng mala-alon na lupang patungo sa kaniya.
BANG!
Sumabog ang nasabing parte ng lumulubong kalupaan patungo sa direksyon ng tatlong kalahok na siyang kalaban ni Wong Ming.
Isa itong babala ni Wong Ming na ayaw niyang makipag-away ngayon sa kanila ngunit tila mga mangmang ang mga ito.
Agad na dumapa ang tatlong nilalang na ito kasabay nito ang tila paglubog ng mga binti ni Wong Ming.
"Hindi kami duwag binata at mas lalo mo kaming nainis sa pagiging palaban mo. Hindi kami natatakot sa banta mong walang katuturan!" Maangas na turan ng isa sa tatlong kalaban ni Wong Ming sa kasalukuyan.
Hindi pa man nakakapagsalita si Wong Ming ay naramdaman nitong tila gumagalaw ang sariling binti't-katawan niya papalapit sa direksyon ng kalaban niya.
Hindi nagpakampante si Wong Ming at agad na ibinaon ang kalilitaw pa lamang na trident sa kamay niya.
Naniniwala siyang mahihirapan siyang talunin at paslangin ang mga ito sa ganitong klaseng kapaligiran.
Agad na nabuo sa kaniyang isipan ang ideyang naiisip niyang gawin.
Skill: Water Domain!
Kitang-kita kung paanong bigla na lamang nagbago ang buong kapaligiran kasabay nito ay nakita niya ilang metro ang presensya ng tatlong manlalahok habang nasa gitna sila ng malawak na karagatan.
Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata ng bawat isa sa mga ito.
Paano ba naman ay nakita na lamang nila ang kabuuang kaanyuan ng Golden Crane Goddess na kitang-kita ng mga mata nila ang totoong kaanyuan nito habang hawak nito ang isang dambuhalang trident.
Sa isang kumpas ng dambuhalang trident ay nagpakawala ng isang Water Wave ang nasabing dambuhalang nilalang na siyang nasa kontrol ni Wong Ming.
AHHHHHHHHHHH!!!!
BANG! BANG! BANG!
Nakakabinging ingay ang pinakawalan ng tatlong manlalahok kasabay nito ang pagsabog ng katawan ng mga ito.
Agad na naging light particles na lamang ito at pumasok sa mismong trident na siyang sandata ni Wong Ming sa kompetisyong ito.
Nasa labing-anim ang kasalukuyang Golden Rocks na pagmamay-ari ni Wong Ming na siyang ikinangiti naman nito. Sino ba namang hindi, malaki ang maitutulong nito upang manalo siya sa kompetisyong ito at maging ganap na disipulo ng Vermilion Sect.
