LightReader

Chapter 743 - Chapter 743

Kalahating oras mula ng naglakbay si Wong Ming sa malawak na disyerto nang mapansin nito ang kakaibang lugar na siyang napadpadan niya.

Isang malawak na oasis at tila sa paghakbang niya patungo roon ay nakita niya ang isang palasong pabulusok sa kaniyang direksyon.

Agad na sinalag ito ni Wong Ming sa pamamagitan ng kaniyang trident.

Mula sa hindi kalayuan ay nakita nito ang dalawang nilalang na nakatayo habang pinapagitnaan nito ang isang babaeng mayroong takip ang buong pagmumukha nito ng kakaibang tela na mayroong mga disenyo.

Isa ito sa nasabing nilalang na tila nasa ranking kstulad niya.

Napakalakas ng tatlong ito at bawat ang dalawang alalay na ito ay nasa Golden Bone Realm habang ang babaeng tila pinoprotektahan ng dalawang kalahok ay nasa Golden Warrior Realm.

Imbes na matakot si Wong Ming ay tila nagalak siya lalo pa't magiging patas ang laban lalo pa't na-supress ang cultivation level nila sa Xiantian Realm boundaries.

"Wag mo ng pahirapan ang sarili mo binata at isuko mo na lamang ang iyong Golden Rocks na nasa trident mo!" Seryosong saad ng isa sa kasamahan ng babae. Mukhang pautos pa ito at kitang-kita sa mukha nito na wala itong pakialam sa existence niya.

Napaismid naman si Wong Ming at tila umasim ang ekspresyon ng pagmumukha niya. Sa kalagitnaan ng disyertong ito ay maliwanag pa sa sikat ng mga araw ang ginagawang pangingikil ng tatlong nilalang na ito.

Sa tingin ni Wong Ming ay gusto lamang ng mga ito na magiging madali ang ginagawa nilang pang-aabuso sa bilang ng mga ito.

Sa tingin ba ng mga ito ay magpapauto siya? Mahalagang manalo siya kung ayaw niyang mabigo ng tuluyan.

"Akala niyo ba ay mauuto niyo ako? Sa tingin ko ay mas nararapat kung isuko niyo ang mga Golden Rock niyo sa akin upang hindi na tayo magkagulo pa rito!", seryosong saad ni Wong Ming habang inilahad pa nito ang kaniyang sariling kamay.

HAHAHAHA!

Malakas na pagtawa ang itinugon ng dalawang kalahok na tila walang balak na paraanin si Wong Ming.

"Pwe! Sa tingin ko ay lumalaki ang ulo mo binata. Sa tingin mo ba ay matatalo mo kaming tatlo na mayroong pinagsamang tatlumpong golden rock?!" Pag-alma ng isa pang alalay na kapwa rin kalahok kagaya ni Wong Ming.

Bago pa man makapagsalita si Wong Ming ay kitang-kita niya ang sabay na pagsugod ng dalawang kalahok sa kaniya.

Skill: Twin Tiger Claws!

Kitang-kita kung paanong lumitaw ang mga metal claws sa nasabing mga kamay nito at agad na inatake si Wong Ming.

SLASH! SLASH! SLASH!

Agad na lumitaw sa likuran ni Wong Ming ang dambuhalang anino ng Golden Crane Goddess.

TAH!! TAH! TAH!

Tila napawalang-bisa lamang ang mga ginawang atake ng mga kalaban ni Wong Ming sa kaniya.

Nagpapatunay lamang na marami ang Golden Rock na nasa pangangalaga nito.

"Mukhang tiba-tiba tayo nito boss! HAHAHAHA!" Masayang tawa ng isa sa dalawang kalahok na sumugod kay Wong Ming habang tumingin ito sa gawi ng babaeng tumatayong lider ng mga ito.

Mula sa ere ay kitang-kita ni Wong Ming na bigla na lamang lumutang ang babaeng kalaban nito.

Mayroon itong hawak na isang mahabang espada.

Nagulat si Wong Ming nang mapansin ang kakaibang aninong nasa likuran ng kalaban niya.

Skill: Dragon Roar!

GROOOOAAAWWWLLLLL!

Mabilis na bumulusok ang mahabang espada patungo kay Wong Ming.

Imbes na mangamba si Wong Ming sa kalaban niyang ito ay makikitang natuwa siya.

Agad na nagliwanag ang pares na mata ni Wong Ming tanda na magsasagawa itong muli ng isang skill.

Skill: Trident Wrath!

Mabilis na bumulusok patungo sa nasabing espada ang trident na pinakawalan ni Wong Ming.

Kitang-kita sa atakeng iyon ang isang anino ng isang kakaibang nilalang na tila nakahawak sa mismong trident.

"Malabong matalo mo ang boss namin binatang mahina! Mayroong dragon bloodline ang nasabing boss namin hahahah!" Pahayag ng isa sa mga kalaban ni Wong Ming.

Hindi ito pinansin ni at mas itinuon lamang ang kaniyang atensyon sa pinakawalan niyang skill.

Dragon Bloodline? Imposibleng magkaroon ng ganitong bloodline sa mga ito.

Mahihirapan ang sinuman na magkaroon ng ganitong bloodline lalo pa't mailap ang mga mayroong bloodline na ganito at tila tinutugis ang kung sinuman na nagtataglay nito.

Hindi tanga ang mga nilalang na mayroong dragon bloodline. Karaniwan sa mga ito ay naglalakbay st nagpapalakas ng pasikreto.

TING! TING! TING!

Kitang-kita kung paanong nagsagupaan ang dalawang sandata sa ere.

Ngunit napangisi na lamang si Wong Ming nang mawala ang ngiti sa labi ng mga kalaban niya lalo na sa babaeng tumatayong lider ng mga kalaban niya.

BANG!

Kitang-kita kung paanong bigla na lamang sumabog ang mahabang espada na pagmamay-ari ng babae.

Tumalsik ito ng ilang dipa na mabilis na dinaluhan mg dalawang kalahok na siyang kasamahan nito.

Mabilis na napatingin ng masama ang mga ito kay Wong Ming.

Kalmado lamang na tiningnan ang mga ito at sa isang iglap ay nasa kamay na nito ang nasabing Trident.

Kitang-kita na tila naghawak kamay pa ang mga ito at nagliwanag ang mga mata ng mga ito indikasyon na magsasagawa ang mga ito ng fusion skill.

Nagngingitngit sila sa galit. Hindi nila alam ngunit wala na silang maisip kundi tapusin at paslangin ang binatang kadarating lamang sa kinaroroonan nilang lokasyon.

Fusion Skill: Heavenly Tiger Slash!

Isang dambuhalang tigre ang lumitaw sa ere kung saan ay tila naging dalawang malaking claw ang apat na claw na nasa pangangalaga ng dalawang kalahok na ito.

Sa loob ng lugar na isinasagawa ang kompetisyong ito ay talagang magagawa mo ang lahat ng mga imposible pa sana.

Skill: Trident Strike!

Agad na bumulusok ang trident patungo sa direksyon ng mismong fusion skill ng kalaban nito.

Kitang-kita ang paglitaw ng dambuhalang anino na nakahawak sa trident.

SSHH! SSHHHH! SHHHHHKKK!

Tila walang gustong magpatalo at kahit na nahihirapan ang dalawang kalahok ay pwersahan nilang ibinigay ang buong lakas nila sa labang ito.

AHHHHHH!!!!!

Napasigaw ng malakas ang dalawang kalahok nang ginawa nila iyon dahil kitang-kita kung paanong gumalaw ang nasabing anino at tinulak ng malakas ang mga metal claws gamit ang mismong trident ni Wong Ming.

Kitang-kita kung paanong tila nabasag ang mga metal claws.

Mahigit apat na taong ini-ensayo ni Wong Ming ang secret core skills ng Golden Crane Goddess Manual kung kaya't hindi siya mangingiming paslangin ang sinuman na makakalaban niyang tila puro yabang lamang at pansariling interes lamang ang iniisip.

Ngunit nabigla na lamang si Wong Ming nang bigla na lamang nawala sa kinaroroonan ng mga ito ang dalawang kalahok maging ang tumatayong lider ng mga ito.

Agad na nagbago ang mga mata ni Wong Ming dahil ginsmit na nito ang Demon Eyes niya.

Mula sa hindi kalayuan sa himpapawid ay nakita nito ang nakakubling pigura ng tatlong nilalang na papalayo.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil hindi niya maaaring hayaang makatakas pa ang mga ito at maaaring maging sakit sa ulo pa niya ang mga ito kung sakali sa hinaharap lalo pa't iisang Sect lamang sila nabibilang.

Skill: Golden Crane Trident!

Mabilis na pinabulusok ni Wong Ming ang trident na hawak ng kanang kamay niya patungo sa direksyon ng tumatakas niyang kalaban.

Ang malaking aninong nilalang na nakahawak sa trident ay bigla na lamang sumanib sa mismong sandata at nagpormang ibon na sobrang laki.

SHHHRRRRIIIIIEEEECCCCCKKKKKK!!!!

Isang malakas na atungal ng malaking ibon ang narinig ng tatlong papatakas na kalaban. Huli na ng mapagtanto nilang makakaligtas pa sila sa kamatayan nang mapansing patungo na ito sa mismong kinaroroonan nila.

BANG! BANG! BANG!

Kitang-kita kung paanong sumabog at nagkapira-piraso ang katawan ng mga ito hanggang sa natira na lamang ang mga light particles ng mga sandatang pagmamay-ari ng mga ito.

Sa muling pagkakataon ay nadagdagan muli ang nasabing golden rock na nakolekta ni Wong Ming.

More Chapters