LightReader

Chapter 744 - Chapter 744

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang hinahabol ng mga kapwa niya kalahok na tila iisang grupo ang mga ito.

Napakabilis ng dalawang kalahok na humahabol sa kaniya.

Ilang minuto lamang mula sa kaniyang natapos na pakikipaglaban ay tila kadarating lamang ng mga kalaban mula sa kinaroroonan nila.

Ang tahimik na pagcucultivate niya ay tila naging pagkakataon ng mga ito upang mawalan siya ng kontrol sa sitwasyon.

Mabilis man ang foot technique niya ay mahuhusay din sa paghabol ang mga kapwa niya kalahok na gusto siyang paslangin.

Matataas din ang mga lebel ng mga ito dahil sa golden rock na nakolekta nila.

Pito laban sa isa ay siguradong dehado siya sa labanang ito.

Ramdam niya ang lakas ng mga pinagsamang kalahok na ito.

Dahil na-supress ang mga cultivation level nila ay siguradong mahihirapan talaga siya. Tatlo sa mga makakalaban niya ay mga Earth Type martial arts expert habang ang dalawa ay mga long range cultivators dahil sa mga panang sandata na hawak ng mga ito. Ang dalawa sa mga ito ay hindi niya pa alam ang paunang kakayahan ng mga ito na tila ba nagsisilbi ang mga ito na lider ng grupong ito.

Nakita na lamang ni Wong Ming na nasa unahan niya na pala ang isa kalaban niya na humahabol sa kaniya kanina habang ang dalawang kalahok na nakasunod sa kaniya ay tila nasa magkabilaang direksyon.

Agad na natigilan si Wong Ming at pinili na lamang huminto sa kinaroroonan niya. Sa isang iglap ay napapaligiran na siya ng pitong kalaban niya.

"Wala ka ng takas mula sa amin binata. Sumuko ka na lamang sa kompetisyong ito nang hindi na kami mahihirapan!"

"Sa ayaw niya at gusto ay hindi ka na makakatakas sa mapait mong kamatayan binata!"

Agad na tiningnan naman ng masama ni Wong Ming ang bawat isa sa mga ito dahilan upang matigilan ang bawat isa sa grupong ito.

Ngunit sabay-sabay na nagtawanan ang mga ito na tila isang malaking biro lamang ang binatang si Wong Ming sa kanilang paningin.

"Ganiyan na ganyan din ang tinging ibinigay ng mga nakasagupa namin kanina at kinitlan ng buhay hahahaha!!!"

Makikita ang bawat salita ng mga kalaban niya na hindi ito nagpapadala sa awa o kung anumang simpatya.

"Hindi ako susuko dahil lamang sa inyo! Magkakamatayan tayo bago ko isuko ang sarili kong buhay sa inyo!" Seryosong saad ni Wong Ming habang makikitang hindi ito magpapatinag sa mga ito.

"Ang isang hamak na katulad mo ay gustong baguhin ang kapalaran para lamang pumasok sa Vermilion Sect? Nangangarap ka ata binata!" Sambit ng isa sa dalawang kalahok na kanina pa tahimik.

Nagkatinginan ang mga ito at ang dalawang kalahok na ito ay kitang-kita kung paano'ng nagsanib ng lakas at tila dumilim ang kalangitan sa mismong kinaroroonan nila ngayon.

Kitang-kita ni Wong Ming ang tila pamumuo ng maitim na kaulapan sa ere at mula roon ay lumabas ang isang malaking palakol.

Napakatalim at dambuhala ang laki ng nasabing sandatang iyon.

Sa tingin nga ni Wong Ming ay kapag bumagsak at tumama iyon sa katawan ay siguradong mahahati talaga siya sa dalawa.

Napakalakas ng enerhiya na bumabalot sa sandatang palakol na nakatutok mismo sa direksyon niya.

Agad na nagsagawa ng skill si Wong Ming upang protektahan ang sarili laban sa mga ito.

Skill: Golden Crane Goddess!

Agad na lumitaw sa likurang bahagi ni Wong Ming ang tila anino lamang ng isang dambuhalang nilalang.

Kitang-kita na biglang pagkakaroon ng dambuhalang sandata ang nasabing anino sa likuran ni Wong Ming na siyang trident na hawak-hawak ni Wong Ming.

SHING!

Gumalaw ng pailalim ang nasabing talim ng malaking palakol at tumungo ito kay Wong Ming.

Mabuti na lamang at mabilis itong nasangga ng malaking anino gamit ang mismong trident na hawak nito.

Isa... Dalawa... Tatlo hanggang sa hindi mabilang na sunod-sunod na mga atake ang pinakawalan ng malaking palakol patungo kay Wong.

Nasasangga naman ito ni Wong Ming ngunit habang tumatagal ang atake ay lumalakas at bumibigat ang tila impact ng mga atakeng natatamo ng isinasanggang trident niya.

SHING!

Naramdaman ni Wong Ming ang mga ito at kitang-kita kung paanong sa muling pag-atake ng kalaban niya sa kaniya ay tila napaluhod siya gamit ang kanang paa nito.

BLAGGGGG!!!!

Naramdaman ni Wong Ming ang sakit ng tuhod niya maging ang kamay niyang kumokontrol sa aninong patuloy na sumasangga.

SHINGGGGG!!!

Sa muling pag-atake ng kalaban ay isang malakas na atake ang ginawa nila gamit ang pambihirang palakol na nasa ere.

BANGGGGGGG!!!

Dahil sa lakas ng pag-atakeng iyon ay kitang-kita kung paano'ng sumabog ang nasa paligid ni Wong Ming na mga lupa.

Muntik ng mangudngod sa lupa ang katawan niya at dumikit rito kung hindi lamang nakahanap ng balanse si Wong Ming.

Kitang-kita na tila nagkaroon ng maliliit na hiwa ang parte ng noo at ulo ni Wong Ming.

Patunay lamang kung gaano kataas ang agwat ng lebel ng mga ito pagdating sa kani-kanilang cultivation levels.

Nakangisi lamang ang pitong nilalang at sa uri ng pagtingin ng mga ito sa kaniya ay para lamang siyang maliit na langaw na sariling katuwaan nila.

"Kahit ano'ng gawin mo binata ay kitang-kita naman kung gaano kataas ang agwat ng lebel ng mga lider namin sayo. Isa ka lamang alikabok!" Mapanuyang saad ng isang kalahok na kinakalaban ni Wong Ming.

...

Mula sa labas ng kompetisyong ito ay masusing nanonood ang mga pamunuan ng Vermilion Sect. Hindi maipagkakailang nakuha ng mga kasalukuyang natitirang manlalahok ang kanilang mga atensyon.

Marami silang bagong nakita at nasaksihan mula sa ipinamalas na lakas ng mga kalahok laban sa kapwa nila manlalahok.

Hindi nila inaasahan na marami ang nasawi sa kompetisyon dahil sa malalakas na grupong tumutugis sa mga kalahok na nag-iisa o di kaya ay maliliit ang bilang sa isang grupo na bago lamang binuo.

It's sounds unfair para sa iba ngunit sa aktuwal na mga labanan and nag-eexist ang ganitong klaseng taktika. Sa huli au resulta lamang ng pagkapanalo ang pinakamahalaga sa lahat.

Balewala ang galing ng isang kalahok kung mapapaslang lamang siya ng isang grupo ng kalahok.

Agaw-pansin sa lahat ang mga nag-iisa o dalawa lamang sa isang grupo na nananalo sa laban kahit marami ang mga kalaban.

Isa sa napansin nila ay si Wong Ming na kasalukuyang naglalaban para sa sarili niyang buhay laban sa pitong kalaban na bumubuo sa isang grupo.

Isa sa mga pamunuan ng Vermilion Sect ay nagustuhan ang ipinamalas na galing ni Little Devil.

Hindi biro ang nasabing mga atake ng kalaban nito sa kaniya ngunit kaunting pinsala lamang ang nakuha nito.

Marami pa ring pagdududa na namumuo sa isip nito maging ng iba pang mga kasama nilang nanonood.

Hanggang kailan kaya ito tatagal laban sa pitong grupo?

Naiisip nila na mukhang malas lamang ang binata kahit na malaki ang potensyal nito.

...

Ngumisi lamang ng nakakaloko si Wong Ming habang makikita na sumama ang tingin ng mga kalaban niya sa kaniya.

Sa isang iglap ay nakita lamang ng pitong kalaban niya na nagbago ang kapaligiran nila at nakita na lamang nilang nasa gitna sila ng isang malawak na karagatan.

Dito ay agad na napagtanto nila na nasa loob sila ng skill domain ni Little Devil.

Ngunit nabigla si Wong Ming nang mapansing kalmado ang mga kalaban niya at tila sa ekspresyon nial ay hindi sila nangangamba habang nakalutang ang mga ito sa ere.

More Chapters