Sa isang iglap ay bumalik sa dati ang kapaligiran tanda na nawalan na ng bisa ang domain skill ni Wong Ming.
Ang tila natatakot na lider na natalo kani-kanina ni Wong Ming ay bigla na lamang ngumising para demonyo.
Labas ang mga ngiping tila gustong pagpira-pirasuhin si Wong Ming.
Mula sa kaliwang kamay ng kalaban niya ay nakita niya ang pagmaterialized ng isang pulang pill.
Forbidden Pill!
Hindi makapaniwala si Wong Ming sa nasabing bagay na nakita niya.
"Ang lakas ng loob mong gumamit ng forbidden pill sa kompetisyong ito. Hindi ka ba natatakot na balikan ka ng Vermilion Sect dahil sa ginawa mong kabulastugan?!" Sambit ni Wong Ming habang napatanong na lamang ito sa huli.
Imbes na makaramdam ka ng takot ang nasabing lider ng natalo niyang grupo ay mas lalong lumawak ang pagkakangisi nito.
"Sa huli ko na iyon poproblemahin. Sisiguraduhin kong isasama kita palabas ng kompetisyong ito. Sama-sama tayong magiging bigo sa pagpasok sa Vermilion Sect hahahaha!!!" Nakangising demonyong wika ng kalaban niya habang malakas pa itong humalakhak sa huli.
Pipigilan pa sana ito ni Wong Ming ngunit naging maagap ang kalaban niya at mabilis na nilunok ang nasabing pill patungo sa loob ng katawan nito.
Ilang segundo lamang ay nakita ni Wong Ming ang pagbabago sa nasabing katawan ng kalaban niya maging sa inilalabas na enerhiya sa buong katawan nito.
Bloodlust Transformation Pill!
Agad na lumingon sa kaniya ang nasabing kalaban niya at bigla na lamang nagbago ang kapaligiran nila.
Dito ay napansin ni Wong Ming ang pagbabago sa pisikal na katawan ng kalaban nito. Lumaki ito ng tila doble sa orihinal na katawan nito at tila namumula ang buong katawan nito.
Kung mala-karagatan ang domain skill ni Wong Ming ay kakaiba ang domain skill ng kalaban niya dahil nasa gitna sila ng nagbabagang init.
Nagmaterialized bigla na lamang sa mga kamay nito ang dalawang nglalakihang mga double bladed Axe na walang hawakan ng mahaba.
Tanging nasa parte ito ng mismong kamay ng kalaban nito.
Kakaiba talaga ang nagagawa ng forbidden pill lalo na ang transformation pill dahil kaya nitong baguhin ang attributes maging ang bagay na pagmamay-ari ng isang martial arts expert.
"Papaslangin na kita binata at wag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong matatalo kita sa sarili kong domain skill nyahahahaha!" Wika ng kalaban nito sa nakakatakot nitong boses. Sobrang bilog at napakababa ang boses nito.
Mula sa kinaroroonan nito ay mabilis nitong sinugod si Wong Ming.
Hindi nagpatinag si Wong Ming at kitang-kita kung paanong bigla siyang pinalibutan ng mga tubig upang protektahan sa napakalakas na atake ng kalaban nito.
BANG! BANG! BANG!
Bawat atakeng pinakawalan ng kalaban niya ay hindi nais ni Wong Ming na matalo. Sisiguraduhin niyang ang madayang isang ito ang mapapaslang niya at hindi siya madamay.
Ngunit nabigla si Wong Ming nang mapansing nagbago ang sandatang hawak ng kalaban niya at naging dalawang nag-aapoy na latigo!
Agad na pumulupot ito sa pabilog na tubig na pumoprotekta kay Wong Ming.
Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming. Huli na upang makaisip pa si Wong Ming ng bagay na makaligtas siya sa pambihirang atake ng kalaban na ito.
BANG!
Malakas siyang nahagis ng kalaban niya patungo sa ilalim na naghihintay sa kaniya ang nagbabagang mga apoy.
Buti na lamang at malakas ang konsentrasyon niya at hindi kaagad nalusaw ang tubig na nasa paanan niya. Tila naging manipis ang protective barrier ng tubig na meron siya. Ipinawala na niya ito at mas itinuon niya ang pagpapakapal ng protective essences sa mismong katawan niya.
Nasa Domain skill sila ng kalaban niya at lahat ng bagay rito ay pabor ng higip pa sa kaniya.
Hindi pa natapos ang kalaban niya sa pag-atake sa kaniya nang mapansin ang biglang paglitaw ng malaking espada na lumalaglab.
Giant Fire Sword!
Hindi nagkakamali si Wong Ming dahil bawat fire attribute martial artist ay mayroon nito.
Kung mawawasak niya ito ay siguradong matatalo niya ito at mapapawalang bisa ang domain skill nito.
Mula sa ilalim ay nagcast ng martial arts skill si Wong Ming.
Kitang-kita na mayroong Water Sword na nagmaterialized sa kinaroroonan ni Wong Ming upang umatake at protektahan si Wong Ming sa direktang impact ng nasabing atake ng kalaban niya.
TSCH! TSCH! TSCH!
Nagpakawala ng nakakabinging pagkaskas ang dalawang magkaibang elemental swords. Masasabi na kung normal na tao lamang ang makakarinig nito ay siguradong mababasag ang pandinig nito.
Dahil sa forbidden pill na nilunok ng kalaban niya ay tila napantayan nito ang kasalukuyang lakas ni Wong Ming kahit na mayroon pa siyang mga Golden Rocks.
Hindi nagpatinag si Wong Ming at mabilis na pinabulusok pa ang Giant Water Sword niya patungo sa Giant Fire Sword.
Isang kakaibang pagngisi ang lumitaw sa kalaban niya at sa pagkakataong ito ay nakaramdam ng pangamba si Wong Ming dahil tila mali ang nasabing ginawa niya.
Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing bigla na lamang naging lumaki ng lumaki ang Giant Fire Sword dahilan upang bumulusok pailalim ang Giant Fire Sword.
Bago pa man tumalsik si Wong Ming ay sinigurado niyang sa di kalakihang batuhan siya tatama at hindi sa naglalagablab na apoy.
Nagtagumpay naman siya ngunit bigla na lamang siya sumuka ng sariwang dugo mula sa kaniyang pagkatalo laban sa pwersahan niyang paglaban sa kalaban niya.
"Sumuko ka na lamang binata dahil hindi mo ko kaya. Hangga't nasa loob ka ng aking domain skill ay ako ang domain lord ng lugar na ito hahahaha!" Mapanuyang saad ng kalaban ni Wong Ming habang naglalagablab ang mga mata nitong gustong pisain si Wong Ming.
Imbes na matakot si Wong Ming ay gumuhit ang kakaibang pagngisi sa mga labi nito na siyang ikibabigla ng kalaban nito.
"Wag kang mag-alala dahil iyong-iyo ang domain mong ito. Isaksak mo sa baga mo!" Sambit ni Wong Ming habang mabilis nitong hinawakan ang suot nitong kwentas dahilan upang mabilis na nagbago ang kulay ng buhok nito sa pagiging asul.
Unti-unti siyang lumutang sa ere habang nagliliwanag ang nasabing mata nito.
Demon Skill: Great Water Flood!
Mula sa ilalim ng domain skill na ito ay unti-unting napalitan ng tubig ang nagbabagang apoy hanggang sa napansin ng kalaban niya ang tila rumaragasang katubigan sa hindi kalayuan.
Hindi pangkaraniwan ito dahil napataas ng lebel ng rumaragasang tubig.
Nataranta ang kalaban nito ngunit huli na ang lahat dahil hindi na nito magagagawa pang tumakas sa skill ni Wong Ming na isa sa pinakamalakas na demon skill na natutunan niya.
AHHHHH!
Sa domain skill nito ay nakampante ito ngunit hindi nito alam na anumang klaseng skill na sobrang lakas at mapangwasak ay kayang-kaya ng sinuman na kumawala sa domain lord mismo.
Hindi man makaya ng water skill na lumaban ng harap-harapan sa mismong water skill ay kaya naman nitong patayin ang ningas ng apoy at lunurin ang kalaban niya.
Gamit ang demon eyes ni Wong Ming ay nakita nitong nahihirapan ng huminga ang nasabing kalaban niya.
Kakaiba ang katubigan ng Demon Skill dahil napakabigat nito para sa mga nilalang na walang demon bloodline.
Sigurado si Wong Ming na ito rin ang kikitil sa sariling buhay ng kalaban niya.
Nakita na lamang ni Wong Ming na unti-unting nawala ang katawan ng kalaban nito nang tuluyan na itong hindi gumagalaw mula sa pagpupumiglas nito para sa hangin at tumungo sa kaniya ang mga light particles ng Giant Fire Sword.
Hindi makapaniwala si Wong Ming dahil mayroon na siyang 807 Golden Rocks na nasa kaniyang pangangalaga.
Nakita na lamang ni Wong Ming ang sariling nasa orihinal na kapaligiran kani-kanina lamang. Napangiti siya lalo pa't sa pagkakataong ito ay muli na naman siyang nagwagi mula sa mandaraya nitong kaaway.
