Nang maikalma na ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili ay mabilis niyang ipinagpatuloy at binigay ang lahat ng atensyon niya sa importaneng paggawa ng nasabing Olfactory Pill o Wolf Pill.
Nang mailagay niya na ang Beast Core ay saka niya nakita ang resulta ng kaniyang obserbasyon o ebalwasyon sa nasabing Beast Core.
Lumipas ang dalawang oras ay hindi pa rin natutunaw ang Beast Core na siyang ikinaalarma ng binatang si Van Grego.
"Totoo nga ang aking hinala. Mayroon ngang kakaiba sa beast core ng Ferrocious Earth Worm. Napakatigas pala ng Beast Cores na ito sapagkat ngayon lamang ito nag-uumpisang matunaw gamit ang aking Alchemy Sacred Fire." Sambit ni Van Grego habang makikitang tama nga hinala nito. Hindi kasi ito katulad ng ibang mga Beast Core na naging sangkap niya. Kung gayon ay nalaman niyang nakadepende pala sa kapal ng Heaven and Earth Qi at sa klase ng environment naroroon ang isang nilalang kagaya ng mga mababangis na nilalang katulad ng mga Martial Beasts.
Limang minuto lamang ang nakalilipas ng malapit ng matunaw ng tuluyan ang nasabing Beast Core.
"Hmmm... Napakabango ng Beast Core ng halimaw na Ferrocious Earth Worm. Tiyak ay dahil ito sa mayamang Heaven and Earth Qi at sa dark essences na nakuha niya sa sustansya ng lupa at mga nabubuhay sa teritoryo nito noon." Masayang sambit ni Van Grego habang namamangha. Tunay na parang paraiso ito sa mga mababangis na mga nilalang dahil napakayaman ng enerhiya sa paligid partikular na sa hangin. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming mga malalakas at lumalakas na mga Martial Beasts rito. Sanay na ang mga ito sa kapaligiran at mayroon silang likas na kakayahan upang protektahan ang teritoryong pagmamay-ari ng bawat isa.
Ipinagpatuloy lamang ni Van Grego ang kaniyang ginagawa hanggang sa tuluyan ng natunaw ang Kulay Red Orange na Beast Core ng Ferrocious Earth Worm sa loob ng Ice Fire Cauldron. Tiyak siyang naging matagumpay ang kaniyang isinagawang pagluto ng sangkap.
"Phew, mabuti na lamang at natapos ko rin ang pagtunaw sa Beast Core ng Ferrocious Earth Worm. Medyo maraming enerhiya rin ang inilabas ng aking katawan." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikitang nag-uumpisa ng tumagaktak ang kaniyang pawis sa kaniyang noo. Hindi siya nangangamba na malanghap ito ng mga martial Beast dahil mayroon naman siyang concealment at mga restraining arry formation kung saan ay napi-filter out ang alinmang enerhiya, ang alinmang amoy ay isa ring enerhiya kaya ganon na lamang ang kampante sa sarili ang binatang si Van Grego. Kung sakali mang hindi ma-filter out ay mabilis na mawawala bago pa ito malanghap ninuman. Napakalawak ng Teritoryo ng Ferrocious Earth Worm kung kaya't imposibleng malaman ng ibang mga mababangis at malalakas na Martial Beasts na katabi lamang ng ibang mga teritoryo na napaslang na ang halimaw.
Sunod naman niyang inilagay ang ikatlong sangkap sa kaniyang Ice Fire Cauldron na walang iba kundi ang Bloody Crown Flower. Gamit ang kaniyang divine sense ay mabilis na pinagpitas-pitas ang labindalawang petals nito at inilagay ito sa loob ng Ice Fire Cauldron. Ito lamang kasi ang kakailanganin at ito lamang ang mapapala niya sa nasabing bulaklak. Ang ibang parte kasi ng bulaklak ay naglalaman ng mga makamandag na lason.
Nakita ni Van Grego na unti-unting natutunaw ang mga petals kung kaya't kinontrol nito ang apoy at pinahina ito kumpara sa naunang sangkap na Beast Core ng Ferrocious Earth Worm.
Dito ay nakita ni Van Grego kung paano naging unti-unting naging kulay pulang likido na animo'y kulay rosas ang Bloody Crown Flower. Ngunit kaibahan sa Beast Core ng Ferrocious Earth Worm ay napakasangsang ng amoy ng Petals ng Bloody Crown Flower kung saan ay kahit sinong makakaamoy ng bulaklak na ito ay siguradong masusuka sa sangsang ng amoy nito na humahalo sa hangin.
Ngunit sa kalagayan ni Van Grego ay hindi na siya naapektuhan ng amoy nito sapagkat nagawa niya na at nasanay na siya sa mga sangkap na napakasangsang ang amoy o napakabaho. Isa siyang Alchemist at ang pagkakaroon ng diri sa sangkap ay hindi dapat masumpungan sa isang Alchemist sapagkat maaaring ito pa ang maging sanhi ng pagkakaroon ng anomalya ng isinasagawang paggawa ng Pill. Kung sinumang Alchemist na hindi nasanay sa iba't-ibang amoy ng mga sangkap ay masasabing isa lamang baguhan lamang sa larangan ng Pill Creation.
Ipinukos ni Van Grego ang buong atensyon niya sa paghalo ng sangkap na sa loob ng Ice Fire Cauldron. Nakita niyang unti-unting humalo ang likido ng Beast Core at ang likido ng Bloody Crown Flower Petals.
Ilang oras ang nakalipas ay tuluyan ng humalo na Red Orange Beast Core at ang Bloody Crown Flower Petals ay naging kulay matapang na kulay Pula (Dark Red) ang panibagong likido nang pag-isahin ang dalawang pinaghalong likido.
Walang sinayang na oras si Van Grego at agad niyang inilagay ang Evergreen Herb sa loob ng Ice Fire Cauldron. Namamangha pa rin ang binatang si Van Grego kung saan ay nagkaroon ng malaking impact sa kaniya ang Evergreen Herb na ito. Nakakamangha kasi ang ganitong klaseng halaman kung saan ay kumikislap ang herb na ito.
"Nakakamangha talaga ang herb na ito. Napakahirap pa namang hanapin ang sangkap na ito." Nanghihinayang na sambit ni Van Grego habang maingat nitong iniluto sa loob ng Ice Fire Cauldron ang nasabing herb.
Ilang minuto lamang ay agad na natunaw ang nasabing Evergreen Herb kung saan ay naging malapot na kulay berdeng likido na lamang ito.
"Napakahirap namin ng herb na ito tapos ganon lamang ito kadaling matunaw?! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maipaliwanag ang mga bagay-bagay na ito." Sambit ni Van Grego habang hindi nito mapigilang mapakamot lamang ng kaniyang ulo. Sino ba naman kasi mag-aakala na ang napakahirap hanapin na mga sangkap ay madali lamang matunaw at magamit ng isang beses lamang. Siguradong kahit si Van Grego na hindi materyalistikong tao ay nanghihinayang sa sangkap na ito. Nag-iisa lamang kasi ito at hindi basta-bastang mahahanap ng sinuman. Ang presyo nito sa alinmang malalaking Auction House ay siguradong nasa astronomical price at dadagsain ng mga malalakas at prestirhiyosong mga Scholar ng mga Alchemist Sect.
Hindi alam ng binatang si Van Grego kung maiiyak siya o matatawa sa kaniyang iniisip. Kahit sino namang nilalang lalo na ng mga Alchemist na katulad niya ay siguradong ganito rin ang panghihinayang at paninibugho ang mararamdaman nila sapagkat espesyal ang herb na ito. Tila parang pinunit naman ang loob ni Van Grego ngunit pinilit niyang ikalma niya lamang ang kaniyang sarili kung hindi ay baka maapektuhan ang kaniyang isinasagawang paggawa ng Olfactory Pill o Wolf Pill.
Ipinukos muli ng binata ang kaniyang sariling atensyon sa kasalukuyan niyang ginagawa. Iwinala niya ang mga negatibong emosyon na namumuo sa kaniyang isipan habang makikitang ipinikit pa nito ang kaniyang mata.
Maya-maya pa nagmulat muli ng mata ang binatang si Van Grego. Hindi niya hahayaang mabigo ang kaniyang sariling Pill Creation sapagkat ito na ang last resort niya upang magpalakas at i-enhance ang kanyang sarili. Kung magagawa niyang patalasin ang kaniyang pang-amoy ay siguradong kahit anong klaseng bagay na mayroong itnatagong enerhiya ay maaari niyang maamoy na siyang pinakapangunahing layunin niya. Hindi niya hahayaan ang kaniyang sariling mamatay sa lugar na ito.
"Hindi ko hahayaang pati ang layunin ko ay mabigo. Hindi ko rin hahayaang mamamatay ako sa lugar na ito. Maraming umaasa sa akin at lalong-lalo na ang magkapatid na iyon." Sambit ni Van Grego habang makikita ang buong determinasyon sa mukha nito. Itinatak niya sa kaniyang sarili na magiging malakas siya hindi lamang sa tungkulin at responsibilidad na nakapasan sa kaniyang balikat kundi maging ang kaniyang mga kaibigan, kakilala at mga nilalang na umaasa sa kaniya lalo na sa pagbabagong gusto niyang makamit.
Nakita niyang humalo na ang pulang pinaghalong likido sa kulay berdeng likido kung saan ay nagkaroon ng panibagong kulay. Naging dark violet ang kulay nito na animo'y kumikinang ng kusa sa loob ng Ice Fire Cauldron.
Sinimulan na ni Van Grego na buksan ang lalagyanan ng Silver Foam Stingray's Tail. Ang pahabang mala-ahas ang hugis nitong pahaba at kulay pilak ay siyang buntot ng Silver Foam Stingray. Kung ang Evergreen Herb ay masasabi ng binatang si Van Grego na napakahirap hanapin ay kabaliktaran naman ito ng Martial Beast na tinatawag na Silver Foam Stingray. Isa lamang kasi ito sa mga itinuturing na mahihinang martial beasts at makikita lamang ito halos sa lahat ng baybayin o sa taning dagat. Hindi naman kasi ito ganoon kalakas kaya't sinuman ay hindi manghihinayang kung maubos man nilang pag-aksayahan o pagpraktisan ang mga ito lalo na ang buntot nito na itinatapon lamang kung saan-saan.
Ngunit alam ni Van Grego na ang dahilan kung bakit ito itinatapon ay dahil kaunti lamang ang marunong magluto nito. Isa kasi ito sa pinakamatigas na parte ng nasabing Silver Foam Stingray na kabaliktaran sa ibang parte ng katawan ng halimaw na kung saan ay napakalambot. Kadalasan kasi ay pinuputol at itinatapon na lamang sa kung saan-saan ang buntot nito.
Isa ito sa pinagpraktisan ng binatang si Van Grego noon. Naalala niya tuloy kung paano siya pumalpak ng paulit-ulit sa pagluto at pagtunaw ng matigas na sangkap na ito. Noong unang palpak niya sa paggawa ay halos mandiri siya sa kakaibang lasa nito na lasang lason para sa kaniya. Mas lumamang ang pait at napakaparat na lasa nito na parang kumain siya ng semento. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ay itong parte na ito ay isang ginagamit rin noong unang panahon sa Alchemy Processes lalo na sa paggawa ng mga Ancient Pill. Ang nakakakilabot at nakakamanghang impormasyon na nalaman ni Van Grego ay isa ito sa pinakamasarap na parte ng Silver Foam Stingray na gamit rin ng Martial Chef ngunit hindi lahat ay marunong magluto nito. Ito rin ang ginagamit pamprotekta sa sarili ng nasabing Silver Foam Stingray laban sa amsasabi nilang kalaban o banta ss buhay nila. Naglalaman ito ng properties kung saan ay nagpapalakas ng iyong pang-amoy.
"Napakaswerte ko sapagkat isa ako sa nakakaalam ng pagluto ng buntot ng Silver Foam Stingray hehe..." Sambit ni Van Grego habang makikita ang kislap sa kaniyang pares na mata.
Hindi ito inilunod o iderektang inilagay ni Van Grego ang buntot ng Silver Foam Stingray.
Gamit ang kaniyang matalas na divine sense ay mabilis na lumitaw ang isang maliit na kutsilyo.
Inihagis ni Van Grego ang buntot sa ere gamit rin ang kaniyang divine sense at mabilis na winasiwas ang kaniyang kutsilyo.
Shing! Shing! Shing!
Dito ay bigla na lamang nagkapira-piraso ang buntot ng Silver Foam Stingray na nagpalitan ng maliliit na piraso. Purong laman na lamang ito at hindi kasama ang mga tinik, buto at balat ng Silver Foam Stingray.
Napangiti na lamang si Van Grego nang makita ang kaniyang inaasahang resulta. Talagang nagamit niya rin ang kaniyang00 propesyon bilang Martial Chef upang madali niyang nagawa ang crosscutting technique sa paghiwa.
Nakita ni Van Grego kung paano naging matalas amg kaniyang abilidad sa paghiwa.
Hindi na naghintay pa si Van Grego ng oras at mabilis niya itong inilagay sa loob ng Ice Fire Cauldron.
Nakita ni Van Grego kung paano lumabas ang kulay berdeng enerhiya na walang iba kundi ang mga impurities sa katawan ng Silver Foam Stingray.
Agad ring itong nagkapira-piraso at kaibahan lamang sa mga naunang mga sangkap dahil naging parang buhangin ito (tiny bits) ngunit kumikislap ito. Kung titingnang maigi ay napakaliit na hugis pabilog ang mga ito. Ito ang tunay na anyo ng mayamang laman ng buntot na bahagi ng Silver Foam Stingray.
"Hindi pa rin talaga maiging kainin ang buntot ng Silver Foam Stingray dahil sa mga impurities nito sa parteng ito ng katawan nito. Mas mabuting itapon na lamang kaysa maglikha pa ng malaki o maraming komplikasyon sa mga martial artists o Cultivators." Sambit ni Van Grego habang makikita ang habag sa mga nialang na nagluto at kumain nito. Walang saysay ang kanilang pagluto nito sapagkat tanging ang mayroong Alchemy Fire lamang ang maaaring magluto at mapawalang-bisa ang impurities sa loob ng buntot nito. Malaki rin ang benefits ng sinumang makakain ng buntot ng Silver Foam Stingray na walang impurities at naluto ito ng maigi.
