LightReader

Chapter 247 - Chapter 76

Pagkalipas ng isang linggo...

Kasalukuyang inihahanda ng binatang si Van Grego ang kaniyang mga kakailanganing mga bagay at ingredients sa isasagawa niyang Alchemy Process. Marami na siyang nakolektang materyales at ang pagsagawa na lamang ang kulang. Nagkaroon siya ng problema sa mga Beast Cores na babagay sa mga Alchemy Resources na kaniyang nakolekta. Noon lamang mga araw ay nabuksan niya na ang kaniyang Eye of God Level 1 gamit ang pambihirang Ancient Pill na tinatawag na Tiger Pill. Mabuti lamang at mayroon siyang residual memories ng kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian. Sa ngayon ay susubukan niysng buksan ang pangalawang acupoints na may kinalaman sa pang-amoy. Kailangan niyang gumawa ng pambihirang Ancient Pill na tinatawag na Olfactory Pill o kilala sa taaag na Wolf Pill. Maikukumpara kasi sa isang mabangis na lobo ang kaniyang pang-amoy. Isa ito sa Kailangan niyang buksan lalo na kung gusto niyang umangat sa kaniyang Cultivation Level sa Body Transformation System. Ang senses niya ay dapat maging matalas at mabuksan ang mga nakasaradong acupoints sa kaniyang katawan alinsunod sa nakasaad sa memoryang naiwan sa binata. Sa kaniyang Soul Transformation Stage ay alam niyang hindi niya pa kakailanganing problemahin ito sa ngayon sapagkat alam niyang wala sa mundong ito ang mga sangkap o mga bagay na kakailanganin niya ngunit mayroon namang mga bagay o kayamanan na makakatulong upang palakasin ang kaniyang Soul Energy.

Nagcultivate nag binatang si Van Grego upang ihanda ang kaniysng sarili. Ilang minuto. Nakahanda na rin ang lahat ng sangkap sa kaniyang harapan kung kaya't masasabi niyang ang kaniyang sarili na lamang ang kulang.

Maya-maya pa ay nagmulat ng mata ang binatang si Van Grego at mabilis na pinalitaw ang kaniyang sariling Cauldron na walang iba kundi ang Ice Fire Cauldron na isang Peak Human Step Treasure. Isa ito sa pinakainiingatan niyang bagay lalo pa't ito ang naging kasa-kasama niya noong mahigit tatlong taong pagsasanay at pagkawala niya.

Agad na inilabas at ginamit ni Van Grego ang kaniyang sariling purong Alchemy Sacred Fire upang lumakas pang lalo ang kaniyang sariling Succession Rate sa paggawa ng pambihirang Ancient Pill na ito.

Agad na tiningnan ni Van Grego at sinuri ang lahat ng mga sangkap na kakailanganin niya upang gumawa ng Olfactory Pill o Wolf Pill sa pamamagitan ng mga ito.

Nakita niya ang unang sangkap na nakalatag sa harapan niya na walang iba kundi ang Golden Oil Grass na siyang isang uri ng damong kapag inilagay sa mainit na bagay kagaya ng apoy ay natutunaw at nagiging pambihirang golden oil na walang fats o anumang negatibong sangkap na nakapaloob rito. Puro at napakasustansya ng mantika na ito at masasabing ito ang pinakaunang sangkap upang mas magkaroon ng pagdikit o paghalo ng ibang mga sangkap kung naluto ito ng maayos ng binata. Sinasabing mahiwaga at napakahirap hanapin ang damong ito sapagkat hindi kasi ito madaling tumubo sa mga ordinaryong lupain at makikita lamang ito sa kagubatan. Isa hanggang tatlo lamang ang karaniwang grupo ng nasabing Golden Oil Grass at hindi dikit-dikit ang mga ito kung tumubo kung kaya't ang presyo nito sa Auction o sa alinmang malalaking pamilihan ay siguradong nasa astronomical value ito lalo pa't isa rin ito sa pinag-aagawan at pinagkakaguluhang sangkap ng mga Alchemist sa paggawa ng mga pambihirang pill. Sa kasamaang palad ay limitado lamang o malimit lamang itong makita sa pamilihan. Hindi naman siya ganoon ka-rare pero sino ba namang hindi gugustuhing makuha ang ganitong sangkap kung malaki ang benepisyo nito na tataas ang Succession Rate mo. Kaya para kay Van Grego ay hindi mahalaga ang kayamanan na salaping ginagamit kundi ang sangkap na papakinabangan niya.

Sunod namang tiningnan ng binata ang pangalawang sangkap na gagamitin niya na walang iba kundi ang Beast Core ng Ferrocious Earth Worm na kulay Red Orange. Napakaespesyal ng Beast Core na ito sapagkat napakahirap nitong patayin at napakahirap matagpuan ang nasabing uod na ito ngunit ang pinakanakakapanghinayang rito ay masasabing pinaka-rare species ito ng mga uod sapagkat napakatuso nito at napakatalino kung saan ay nabuhay ito sa loob ng Teritoryo ng mga halimaw na may lakas na Martial Ancestor Realm Expert. Kahit si Van Grego ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman ukol dito. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya napadpad sa lugar o teritoryo ng mga malalakas at mababangis na halimaw na may lakas na Martial Sacred Realm Expert pataas. Makakaya niya pang labanan sa ngayon ang mga halimaw o madepensahanan niya ang kaniyang sarili laban sa mga ito. Nalaman niya sa Book Artifact nitong nakaraang araw lamang na ang mga Ferrocious Earth Worm ay ipinapanganak lamang sa iba't ibang lugar at iniiwan ito ng kaniyang magulang sa oras na tumuntong ito sa wastong gulang at lebel. Napakasakit naman ng nalaman niyang ito ngunit kung ganon ay napakalawak talaga ng Tombstone Battlefield na ito. Masasabi ni Van Grego na isa ito sa pinakadelikadong lugar sa Central Region. Ang napuntahan niyang mga Forbidden Areas noon ay walang binatbat sa lugar na ito kung tutuusin, kung sa parte pa ng katawan ng tao ay nasa dulo lamang ng kuko ang lugar na pinaglakbayan niya na pwede siyang umalis kung kailan niya man gustong umalis pero sa lugar na ito ay baka abutin siya ng taon o dekada o baka habambuhay na siyang mananatili rito dahil sa banta ng mga naglalakasang mga halimaw na naghihintay lamang na mambiktima upang lumakas ang mga ito. Nalaman din ng binatang si Van Grego na ang beast Core ng halimaw ay higit na matingkad kumpara sa mga nakita niyang beast core noon na animo'y kumikinang ito ng malakas kapag natatamaan ng liwanag ng sikat ng araw. Upang mapakinabangan niya ito ay sigurado siyang makakatulong ito ng malaki sa kaniya lalo na sa kaniyang pagpapataas ng kaniyang lebel ng Cultivation sa Body Transformation System.

Ang pangatlong sangkap naman ay tiningnan namang maigi ni Van Grego. Isa itong sangkap na tinatawag na Bloody Crown Flower. Sa pangalan pa lang masasabi mong naglalarawan ito sa anyo ng nasabing bulaklak. Isa itong klase ng bulaklak na kakulay ng dugo at parang nagpopormang korona. Ang nakakabahala lamang rito ay ang napakasangsang ng amoy nito na masakit sa ilong kung iyong maaamoy. Napakaganda ng bulaklak ngunit ang amoy nito ay napakapangit sa ilong kapag nasinghot mo ito. Sinasabi sa alamat na ang bulaklak na ito ay minsang isang magandang dalagang nagmahal ng wagas sa kaniyang iniirog ngunit nakakasindak ang sinapit nito dahil ang kaniyang minamahal mismo ang walang awang pumaslang sa magandang dalaga. Ang amoy daw na inilalabas ng babae ay ang walang kamatayang amoy ng masangsang na dugo ng dalaga. Pero ito ay isa lamang kuwentong bayan o alamat na mahilig ikwento ng mga matatanda at walang patunay na ito'y may katotohanan o nangyari sa totoong buhay.

Ang sunod namang tiningnan ni Van Grego ay ang Evergreen Herb na isa sa pinaka-rare na uri ng herb o halaman sapagkat ang herb na ito ay hindi natutuyot ang dahon nito at ang ibang parte nito na siyang nakakamanghang bagay para sa isang herb. Yun nga lang ay tumutubo ang halaman na ito sa napakataas na lugar o tuktok ng anyong lupa. Ang pangalan nito ay naging tanyag dahil na rin sa mismong katangian ng halaman sapagkat hindi nalalagas ang mga dahon o ang maliit na sanga nito kahit ilang buwan lamang ang itatagal nito kung hindi mo maitatanim o maaalagaan ng maayos sapagkat hindi naman ito isang immortal na herb o halaman. Kayang-kaya nitong mabuhay sa iba't-ibang klase ng klima na SIYANG pinakanakakamanghang katangian ng herb na ito. Merong kwento patungkol rito kung saan ay noong unang panahon daw ay isa lamang itong ordinaryong halaman kung saan ay aksidenteng natuluan ng dugo ng isang Immortal na nilalang kung saan ay nagkaroon ng abilidad ang herb na ito na manatiling buhay sa iba't-ibang klase ng klima o sa anumang klaseng unosang pagdadaanan nito dulot ng kalikasan. Wala ring nagpapatunay na totoo ito sapagkat wala ring sapat na ebidensya ang mga nagkwento. Ang totoo lamang para sa binatang si Van Grego ay ang mataas na survivability rate ng Evergreen Herb at kaya nitong magsustain ang stability ng buhay nito gamit lamang ang paghigop ng Heaven and Earth Qi sa kapaligiran nito.

Ang huling sangkap na gagamitin niya sa paggawa ng Olfactory Pill o Wolf Pill ay ang buntot ng Silver Foam Stingray na nakalagay sa isang Sealed Container. Ito ay sapagkat ng buntot ng Silver Foam Stingray ay madaling mabulok kung kaya't kailangang i-preserve ito ni Van Grego ng matagal para dumating ang araw na ito kung saan ay bubuksan niya ang kaniyang nakasaradong acupoints na matatagpuan sa kaniyang ilong mismo. Ang Silver Foam Stingray ay napakarami ang produksyon nito at kaunti lamang ang nagkakainteres dito. Pwede kasi itong kainin ng sinuman at lutuin sa kahit anong paraan nila gusto. Walang kamandag ang nasabing Martial Beasts na ito na hanggang Martial Warrior lamang ang pinakamalakas na antas ng halimaw na ito. Masarap ang karne o laman ng Silver Foam Stingray at natural na napakalambot pa ng karne nito kaya paborito ito ng mga taong naninirahan sa tabing-dagat.

Golden Oil Grass> Ferrocious Earth Worm Beast Core> Bloody Crown Flower> Evergreen Herb> Silver Foam Stingray's Tail

"Sapat na siguro ang init nito, kailangan ko ng umpisahan ito sa lalong madaling panahon." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Makikita ang saya at tuwa sa mata nito dahil gagawa naman siys ng pambihirang Ancient Martial Pill na kung tawagin ay Olfactory Pill o Wolf Pill. Sigurado siyang maging challenging ito sa kanya lalo pa't ang mga sangkap ay hindi gaano katigas ngunit hindi ibig sabihin niyon ay kailangan niyang maging kampante dahil kailangan niyang magdoble ingat na wag niyang masunog at maluto ng maaayos ang mga sangkap upang maging matagumpay ang kaniyang gagawing Alchemy Processes ngayon.

Agad na nilagay ng binatang si Van Grego ang kaniyang unang sangkap na walang iba kundi ang Golden Oil Grass na siyang pinakaunang sangkap niya. Medyo oily ang nasabing pambihirang grass na ito sapagkat likas na ganito talaga ang nasabing damo.

Ilang minuto rin ang ginawa ni Van Grego sa pagluto ng sangkap na ito lalo pa't kailangan niyang kontrolin ang apoy para hindi masunog ang damong ito na gawa lamang sa purong mantika. Medyo hininaan kasi nito ang Alchemy Sacred Fire niya upang masigurado ng binata na makakaya niyang lutuin ng maayos ang nasabing Golden Oil Grass.

Hindi nga siya nabigo dahil unti-unting natunaw ang nasabing grass.kailangan niya kasing maging maingat na wag magkamali sapagkat ilang beses na siyang nagpractice at gabundok na Cultivation Resources na ang kaniyang nagastos at naubos dahil sa pagkakamali niya kaya walang lugar ang pagkakamali niya sa ngayon. Ang bawat sangkap na ito ay wala na siyang mahahanap sa lugar na ito kung kaya't ang simpleng pagkakamali niya mula sa pagproseso ng mga sangkap upang isagawa ang pill ay mauuwi lamang sa wala.

Napangiti ang binatang si Van Grego nang makitang naging matagumpay siya sa pagkakatunaw ng Golden Oil Grass ngunit biglang naging seryoso muli ang binatang si Van Grego dahil mag-uumpisa naman ito sa pangalawang sangkap na kakailanganin niyang lutuin at tunawin na walang iba kundi ang kulay Red Orange na Beast Core ng napaslang niyang Ferrocious Earth Worm. Isa ito sa pinakamahirap na sangkap na maaari niyang ikakapalpak sapagkat kakaiba ang beast core nito. Halatang higit na mas matibay at marami ang enerhiyang nasa loob ng Beast Core ng Ferrocious Earth Worm kumpara sa alinmang Martial Beasts na nasa normal na mga lugar lamang.

"Kailangan kong mag-ingat sa pagtunaw ng Beast Core ng Ferrocious Earth Worm na ito sapagkat kapag nagkamali lamang ako ng tantiya ng temperatura ng aking Alchemy Sacred Fire ay siguradong mauuwi sa wala ang lahat ng aking pinaghirapang bagay na ito ngayon." Sambit ni Van Grego habang ikinakalma ang kaniyang sarili. Walang lugar ang pagkakamali ngayon dahil ito lang ang paraan niya upang mapalakas pang lalo at tumaas ang kanyang Cultivation Level sa Body Transformation System. Limitado lahat ng kanyang cultivation resources dahil sa lugar na ito siya napadpad. Kahit magsisi man siya ay wala ring saysay dahil nangyari na ang nangyari kung saan ay narito siya sa lugar na ito na malayo o mas mabuting sabihing napakalayo niya sa kabihasnan. Kung susuko siya ngayon ay wala siyang mapapala kahit lumuha pa siya ng dugo o magmakaawa.

Nagtiim ang mga bagang ni Van Grego habang makikita ang pagkiskis ng kaniyang ngipin sa itaas at ibaba nitong bahagi tandang pinipigilang mainis sa kasalukuyan niyang sitwasyon. Wala siyang pagpipilian kundi sundin ang kaniyang naunang plano, ang magpalakas.

"Kasalanan ito ng mga nilalang na iyon. Kung may lakas lamang ako ay nilabanan ko na ang mga pesteng mga ekspertong iyon. Maghintay lang kayo dahil lalabanan ko kayong lahat!" Sambit ni Van Grego habang pilit ikinakalma ang kaniyang sarili. Hindi niya alam ngunit nainis siyang hindi niya naipagtanggol ang kaniyang sarili at wala siyang laban sa mga iyon. Natural lamang na makaramdam siya ng matinding inis rito ngunit alam niyang makakasama ang gsnitong emosyon dahil nasa proseso siya ng pagtunaw ng mga sangkap.

More Chapters