LightReader

Chapter 246 - Chapter 75

Lumipas ang tatlong araw at naging matiwasay ang takbo ng buhay ni Van Grego. Ginugol niya ang tatlong araw na ito sa pagcucultivate at i-adjust ang kaniyang sarili sa panibagong kapaligaran na kaniyang kinaroroonan sa ngayon. Tunay ngang ang buhay natin ay hindi natin alam kung saan tayo dadalhin nito o ang daang tatahakin natin. Noong nakaraang araw ay inaasahan niyang makakapunta agad siya sa Sentrong pamilihan ng Martial Beast Cultivators Territory ngunit heto siya ngayon sa lugar na tinatawag na Tombstone Battlefield, nag-iisa at hindi alam ang gagawin upang makalabas sa lugar na ito.

Marami rin siyang natutunan at natuklasan sa lugar na kaniyang kinaroroonan ngayon. Tunay na napakadelikado ng lugar na ito. Anumang oras ay baka magulat na lamang siya na inaatake na siya ng mga mababangis at malalakas na halimaw kaya ang pagcucultivate at pagpapalakas ng sarili ang wastong gagawin niya. Ilang buwan o taon pa ang maaaring gugulin niya upang mag-adapt o mag-adjust ang kaniyang sarili sa napakadelikadong lugar na ito. Tiyak siyang sina Martial Monarch Rain at ang Saintess na magandang dalaga na si Nova Celestine ay nahirapang tuntunin ang isa't-isa. Galit rin ang Saintess sa kaniya at napakaimposibleng magtagpo ang landas nila. Nalaman niya ring ang Portal na pinagdaanan nila o bumuklod sa kanila sa lugar na pinagmulan nila ay hindi stable ang Space dito at doon kung kaya't malaki ang posibilidad na nag-iiba ang direksyon at lugar ng sinumang papasok sa portal na iyon katulad ng nangyari sa kanila. Nagpapasalamat rin ang binatang si Van Grego dahil nakaligtas siya sa mapaminsalang atake ng Martial God Realm Expert na iyon at hindi siya nahuli ng mga grupo ng Sampong makapangyarihang alagad o kasamahan ng lalaking iyon na nakakatandang kapatid pala ng dalagang Saintess na nagngangalang Nova Celestine. Tunay ngang napaglaruan siya ng tadhana at napakamalas niya. Tiyak na galit na galit ang dalagang Saintess sa kaniya kung kaya't hangga't maaari ay magpalamig muna siya sa lugar na ito at gawin ang dapat niyang gawin.

Patuloy pa rin sa pagcucultivate ang binata. Hindi nito namalayan na ikatatlong araw na ito ng puspusang at walang tigil nitong pagcucultivate. Hindi niya maitatangging halos masaid ang kaniyang enerhiya sa loob ng kaniyang katawan partikular na sa loob ng kaniyang dantian. Hindi rin kasi unlimited ang supply ng kaniyang enerhiya sa katawan. Ang mga atake niya lalo na ang mga Skills at Techniques upang tapatan o labanan ang halimaw na Ferrocious Earth Worm ay masasabi niyang doble o triple ang enerhiyang inilabas ng kaniyang katawan upang mapalabas lamang ang explosive attacks nito. Yun nga lang ay sobrang nasaid ang enerhiya ni Van Grego lalo na sa huling atake nito. Hindi kasi nakapag-adjust ang katawan nito sa ganitong kapaligiran. Ngayon lamang si Van Grego naka-encounter ng ganitong klaseng lugar at napakatibay na space domain. Sampong beses kasi ang tibay ng Concept of Space dito at ang Space Cut at Space Distortion na skill nito ay kung sa Arnigon Continent o sa Hyno Continent ay baka nabasag na nito ang buong space sa himpapawid pero dito ay parang mistulang nanginig lanang ang Space at konting galaw lamang. Ito ang pinakakinaiinisan ng binatang si Van Grego dahil muntik na siyang mapaslang sa pagiging kampante niya noon. Buti na lamang at binigay niya ang limitasyon ang kaniyang konsepto ng Space upang magbackflip palayo na siyang muntikan na siyang mahagip ng halimaw na Ferrocious Earth Worm. Ang nakakapangilabot pa na obserbasyon niya ay mistulang likas na tuso at matatalino ang mga halimaw rito at wala man siyang nakitang gumagalang halimaw ngunit alam niyang kumukubli lamang ang mga ito sa kapaligiran upang mambiktima ng mga mabibiktima nito.

Ang nakakapangilabot na napansin ni Van Grego sa labanan nila ay pakiramdam niya ay may nanonood sa kanilang labanan lalo na sa medyo normal na kagubatan kung saan ay mayroong naglalakihang mga puno. Nakita niya ang iba't ibang mga halimaw na kanyang mag-comouflage partikular na anv hugis butiki na halimaw na iyon. Ramdam ni Van Grego na ang halimaw na iyon ay mayeoong Cultivation Level na Martial Ancestor Realm Expert. Kung lalabanan niya iyon sa ngayon ay hindi maipagkakailang matatalo lamang siya.

Ilang oras pa ang nakalilipas at mabilis na nagmulat ng mata ang binatang si Van Grego. Napakakinis at napakagwapo ng kaniyang mukha na parang hinulma ng isang iskulptor. Masasabing napaka-unearthly ang maamong mukha nito at naglalabas ang katawan niya ng napakatiwasay na awra.

Ngunit biglang napakagat-labi ang binata nang maalala niya nag mga bagay na kaniyang iniisip kani-kanina lamang.

"Kailangan kong masanay sa lugar na ito. Alam kong kahit napakadelikado ng lugar na ito para sa mababang Cultivation level ko sa kasalukuyan ay pipilitin kong mabuhay alang-alang sa aking hinaharap na mga plano. Hinding-hindi ako mamamatay sa lugar na ito. Pagbabayarin ko ang mga mapang-aping mga Martial Monarch Realm Expert at Martial God Realm Expert na iyon. Pagsisisihan nilang dinamay nila ako sa lugar na ito. Ipinapangako kong magpapalakas ako at papaslangin ko ang sinumang mang-aapi sa mga mahihina!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili habang hindi nito mapigilang mapaluha. Pakiramdam niya ay napakawalang kuwenta niyang nilalang. Sa pagpasok niya palang sa lugar na ito ay alam niyang isa na itong patibong at ibayong panganib ang kaniyang kakaharapin. Medyo nag-adjust na ang kaniyang sarili sa lugar na ito at alam niyang nakulong siya sa lugar na ito. Ang pinakamasaklap pa ay napapalibutan siya ng mga malalakas na Martial Beast na may Cultivation Level na hindi bababa sa Martial Ancestor Realm Expert. Naging posible ang kaniyang pagsagap ng impormasyon gamit ang kaniyang divine sense at ng kaniyang Spiritual Qi.

Ipinangako niya sa kaniyang sariling magpapakatatag siya anuman ang mangyari ngunit alam niyang hindi siya maaaring sumuko.

"Pasensya na po Stardust Envoy Silent Walker, binigo ko kayo. Kung bakit ako pa ang itinadhanang maging Successor niyo kung napakahina ko. Napakarami namang maaaring maging kahalili niyo bakit ako pa." Himutok ni Van Grego habang makikita ang lungkot sa kaniyang mukha. Sigurado siyang kung buhay pa si Stardust Envoy Silent Walker ay punong-puno na ito ng disappointment.

Agad na ikinalma na lamang ni Van Grego ang kanjyang sarili. Napakalungkot niya at sobrang panliliit ang nararamdaman niya. Hindi lamang kasi simpleng gampanin ang gagampanan niya. Siya na ang bagong Stardust Envoy ngunit ang lakas niya ay parang hindi karapat-dapat matawag na isang Stardust Envoy. Isa sa pinakatuktok na existence ang nasabing personalidad na isang Martial Beast Cultivator na walang iba kundi ang kinakatakutang nilalang ng mundong ito, ang Flood Dragons.

Ngunit maya-maya lamang ay biglang nakaramdam si Van Grego nang biglang pag-init ng kaniyang palapulsuhan. Nakita niyang biglang nagliwanag ang nasabing marka na walang iba kundi ang Book Artifact. Kusa itong humiwalay sa wrist ng binata at lumutang ito sa ere. Ang nakakabahala pa rito ay kulay pula ang kasalukuyang kulay ng libro. Nahintatakutan si Van Grego ngunit maya-maya pa ay nakita na lamang ni Van Grego na hinigop siya ng aklat papasok sa loob ng malaking bilog sa gitna nito.

Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sariling lumulutang sa walang hanggang kawalan kung saan ay purong kulay pula na kapaligiran lamang ang kaniyang nakikita. Walang lupa, walang langit o wala man lang katubigang normal na nakikita ng binatang si Van Grego.

Maya-maya pa ay narinig lamang ni Van Grego ang isang pamilyar na tinig at pamilyar na awra ng nilalang na alam niyang kilalang-kilala niya.

"Sa wakas ay natagpuan mo rin ang aking pinakainiingatang bagay na walang iba kundi ang aking pinakamamahal na librong ito. Marahil nagtataka kung bakit ka narito. Ang librong ito ay hindi basta-bastang libro lamang. Ang Blood Essences ng libro na ito ay hindi masusukat lamang ng isang salita. Bilang Stardust Envoy noon ay pinangarap kong makaabot sa tuktok ngunit dahil sa katusuhan ng mga nilalang na iyon ay itinadhana akong maging isang halimaw na Flood Dragon. Hindi ito ang aking anyo ngunit dahil sa sumpang ito ay itinadhana ka ring maging isang halimaw na kakatakutan ng lahat. Ewan ko ba ngunit nakaramdam ako ng panibugho sa aking sarili. Ginawa ko naman ang lahat ngunit dahil sa kagagawan niya ay hindi kami maaaring magtagpo ng aking kapatid. Ang mundong ito ay nasa dulo na ng kawakasan. Ang bagay na ninakaw niya ay dapat na ibalik para sa kaayusan kundi ay pagkaparam sa mundong ito ang dadating. Ipapakita ko na sa'yo ang sikretong aking tinatago, aking Successor!"

Dito ay biglang nanigas ang buong katawan ni Van Grego. Nakatingala at nakabukas lamang ang pares na mata nito sa kawalan.

...

Sa isang Space Channel ay mayroong nakalitaw na isang bagay. Bigla na lamang itong naglabas ng kakaibang tunog.

Tssss.... zzzzZzzzZZZ... TZZZZZzzzZZZZZ...

Mistulang nag-vibrate pa ito ng marahas. Ang mga Space Cracks at Space Turbulents ay biglang naging marahas at animo'y nagkaroon ng kakaibang penomena sa loob ng lugar na ito. Hindi matukoy kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng ganitong kaganapan sa loob. Mistulang naging palaisipan ito sapagkat noon pa man ay walang anumang kaganapan ang nangyari rito at ngayon lamang nagkaroon ng paggalaw sa bagay na ito.

Posible kayang may anomalyang nangyayari sa loob ng Space Channel o sa mismong lugar na pinagkokonektahan nito?!

...

Nagising na lamang si Van Grego habang nahihilo pa ang kaniyang sarili dulot ng kakaibang kaganapan sa kaniya.

Mistulang makikitang biglang bumigat ang buong paligid nang biglang lumabas ng kusa ang enerhiya sa buong katawan ng binatang si Van Grego.

Naalala niya naman ang mga kaganapang nangyari sa kaniya.

Agad niyang kinapa ang kaniyang palapulsuhan at nakita niya na roon ang Book Artifact na nasa anyong marka. Maya-maya pa ay napatingin lamang siya sa kawalan at ikinalma ang kaniyang sarili. Mabilis na ipinawala niya ang mabigat na aura niya sa paligid dahil baka mahagip o maramdaman ito ng malalakas at mababangis na Martial Beasts sa paligid.

"Talagang napakasama ng mga nilalang na iyon. Hindi ko aakalaing magagawa nila ito sa dalawang magkapatid na Martial Stardust Realm Expert. Hindi ko aakalaing ang magkapatid na Emperor Level Genius ay gustong gustong kontrolin ng mga ito. Napakasama nila!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang galit sa boses nito.

Halos manginig si Van Grego sa kaniyang natuklasan. Kahit naman hindi masyadong clear sa isipan niya ang kaniyang napanood kani-kanina lamang ay alam niyang hindi ito makatarungan.

Nagpipigil lamang siya sa kaniyang sarili na magalit dahil wala naman siyang makukuha lamang kung pangungunahan siya ng kaniyang sariling damdamin.

"Kung gayon ay isa rin akong Emperor Level Genius?! Hindi maaari ito!" Sambit ni Van Grego habang hindi niya mapigilang mangilabot sa kaniyang natuklasan. Nalungkot siya sa pangyayaring ito, kaya pala siya naging Successor ni Stardust Envoy dahil sa kaniyang talentong taglay.

More Chapters