LightReader

Chapter 245 - Chapter 74

Zzzzz....zzzzzzZZZZZ...

Naalarma ang binatang si Van Grego nang mawala ang makapal na usok at nakita niya kung paano gumalaw ng gumalaw ang lupa na animo'y unti-unting nagkaroon ng butas-butas ang mga ito.

"Hmmm... Talagang tuso at matalino ang halimaw na uod na uto. Binabawasan niya ang layers ng lupa ng sa ganon ay humina at huminto ang kontaminasyon ng lupa dulot ng Soil Contaminating Liquid Pill. Pwes, hindi ko hahayaang magtagumpay ka!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang pinalutang ang lalagyan ng Soil Contaminating Liquid Pill sa ere at mabilis siyang nagsagawa ng Fusion Creation Technique.

"

Lumitaw sa kamay ng binata ang isang kakaibang malaking pana kung saan ay nag-aagay ang kulay asul at kulay pula na animo'y buhay na gumagalaw sa bawat bahagi ng nasabing pana. Napaka-bizzare kong tutuusin ang ganitong klaseng bagay.

Agad na lumitaw ang tatlong piraso ng palaso nang hawakan ni Van Grego ng mahigpit ang bow strings gamit ang kaliwang kamay nito.

Agad na nilagyan niya ng isang patak ang bawat palasong hawak-hawak niya sa dulo.

"Mamatay ka na halimaw!!!!!!!" Pasigaw na sambit ni Van Grego ng malakas at mabilis nitong binitiwan ang talong palaso ng sabay.

Whooosh! Whooosh! Whoosh!

Tunog ng tatlong palaso na mabilis na bumulusok pailalim sa lupang kinaroroonan mismo ng nasabing halimaw na Ferrocious Earth Worm.

BANG! BANG! BANG!

Malakas na tunog ng Sunod-sunod na pagsabog ang maririnig sa lugar na ito. Hindi aakalain ni Van Grego na napakalakas ng kaniyang atake.

"Hmmm... Kung hindi ako nagkakamali ay flammable at highly corrosive ang lupa kaya madali lamang itong sumabog at masunog. Kung gayon ay napakalakas ng aking atake sa lugar na ito na teritoryo ng halimaw na ito hehehe..." Sambit ni Van Grego habang natutuwa sa kaniyang nakita. Hindi man ganoon kalakas ang kaniyang Concept of Space sa lugar na ito ay malakas naman ang kaniyang Concept of Fire at Water dito dahil sa mahina o masyadong mababa ang soil quality ng lupa.

GRRROOOOAARRRR!!!!!!!

Malakas na atungal ng halimaw na Ferocious Earth Worm ang biglang narinig sa paligid na ito. Tunog ng pagdaing at magkahalong galit ang mahihimigan sa tunog na inilabas nito.

"Poooooohhhhhhhh!!!!!!!"

Nang mawala ang usok ay saka lamang si Van Grego nangamba sa kaniyang nakita.

Bigla na lamang kasing may nangyaring kakaiba sa mismong uod. Lumabas na ito sa lupa at halos wala ng matirang matigas na bagay sa lupa kundi ay parang napulbos ito ng nasabing atake. Walang dudang ang atake ni Van Grego ay napakalakas idagdag pang mas naging flammable pa ang lupa dulot ng Soil Contaminating Liquid Pill na nagkontamina ng lupa ng mas mabilis sa decaying process nito.

Ang nakakatakot pa rito sa Ferrocious Earth Worm ay mistulang bumukas ang pores nito sa balat kung saan ay naglalabas ito ng kakaibang usok mula rito.

Agad na pinalabas ni Van Grego ang Book Artifact at lumitaw naman agad ang nasabing libro.

"Ano ang ginagawa ng Ferocious Earth Worm na ito?!" Tanong ni Van Grego habang nagtataka ito sa kaniyang nakitang kakaibang penomena.

"Iyan ang usok na defense mechanism ng Ferrocious Earth Worm at isa rin itong paraan sa pagrerecupate nito. Ang lahat ng enerhiya sa lupa at sa hangin, may buhay man o wala ay tiyak na mamamatay sa lason at suffocation dulot ng kakaibang usok nito." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.

Mistulang nagulat naman si Van Grego sa kaniyang nalaman patungkol sa Ferrocious Earth Worm.

"Kung ganon ay may koneksyon ba ang Ferrocious Earth Worm sa isang Saint Beast na Air Breathing Serpent?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang paglaki ng kaniyang mata habang nakatingin sa Book Artifact na may antisipasyon sa mukha nito.

"Oo, nasa family Branch ito ng Air Breathing Serpent ngunit hindi ganon kalakas kumpara sa nasabing Saint Beast ngunit kapag hindi ka mag-iingat ay baka ikaw pa ang mapaslang o maging pataba ng halimaw na Ferrocious Earth Worm." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice pa rin nito.

"Ano ang maaari kong gawin kung nasa ganito itong estado?! May magagawa ba ako?!" Sambit ni Van Grego habang makikitang umaasa pa itong mayroong maisasagot ang nasabing Book Artifact sa kaniyang katanungan.

"Ang bagay na iyan ay nakadepende sa kakayahan ng isang Cultivator na lumalaban sa nasabing halimaw na Ferrocious Earth Worm at hindi na sakop ng aking kakayahan. Ngunit ang nangyayaring ito ay senyales na mapapasailalim sa hybernation ang nasabing halimaw. Nasa brink of exhaustion ito at halos wala na itong lakas upang lumaban. Kung nais mo itong patayin ay baka mahirapan ka. Ang usok na inilalabas kasi nito ay hindi ordinaryo at kung susugod ka dito ay baka ikamatay mo lamang." Sambit naman Book Artifact habang sa mechanical voice nito.

Bigla na lamang kumislap ang mata ni Van Grego. Hindi niya aakalaing napakarami ng kaalamang nakapaloob sa nagsasalitang Book Artifact na ito. Hindi niya aakalaing parang bitbit sa loob ng nasabing libro ang buong silid aklatan dahil sa marami nitong kaalaman.

"Kung hindi ko siya malapitan ay maaari ko naman itong atakehin sa malayo. Sigurado akong mapapaslang ko ang halimaw na ito. Isa pa ay magagamit ko ito upang gumawa ng pambihirang Olfactory Pill na siyang tinatawag na Wolf Pill hehehe..." Nakangiting sambit ni Van Grego. Napakahalaga ng Olfactory Pill o Wolf Pill para sa kaniya. Ito ang pambihirang Pill na magbubukas ng kusa ng kaniyang nakasaradong acupoints sa kaniyang ilong kung saan ay mas tataas ang kaniyang pang-amoy sa mga enerhiya kahit di niya gamitin ang kaniyang paningin. Nalaman niyang wala mang mata ang halimaw na Ferrocious Earth Worm ay matalas naman ang pang-amoy nito. Nagkamali siya noong una na malakas ang pandama nito kundi ang napakaraming ilong nito ang nagbibigay ng abildad rito upang tukuyin ang eksaktong lokasyon niya kagaya ng mga gutom na gutom na lobo na matalas rin ang pang-amoy nila kahit napakalayo man ng kanilang mabibiktima.

Gamit ang kaniyang Giant Fire-Water Bow ay mabilis siyang naglikha ng panibagong Skill.

Nagliwanag ang buong panang hawak ng binatang si Van Grego at mabilis na nag-insert siya ng kaniyang mga enerhiya sa loob ng kaniyang katawan papunta mismo sa Giant Fire-Water Bow. Humalo rito ang Moon Qi, Spiritual Qi, Essence Energy at Astral Energy sa limang palaso.

Zzzzzzzz..... zzzzZZZZZZ.....

Mistulang nag-vibrate at lumiwanang ng matingkad ang limang piraso ng palaso kung saan ay nagkaroon ng kakaibang aura rito, payapa ngunit nakakapangilabot ang enerhiyang naramdaman ni Van Grego mula rito. Nabalutan rin ito ng kaniyang sariling protective essence.

Mistulang nakaramdam ng panganib ang halimaw na Ferrocious Earth Worm kung saan ay mas kumapal inilalabas nitong lason na gawa sa usok sa kaniyang naglalakihang mga pores sa kaniyang katawan.

"Tikman mo to halimaw!!!!!" Sambit ni Van Grego habang napakagat-labi pa ito. Tunay na nahirapan siyang kalabanin ang nasabing halimaw na pambihirang uod na ito.

Binitiwan niya ang limang palaso at bumulusok ito ng napakabilis papunta sa mismong katawan ng halimaw.

Tsssss.... tsss.... ttsssss...

Nakita ng binatang si Van Grego kung paano magkaroon ng sagupaan ang makamandag na lason na gawa sa usok habang pinipigilan nitong umalpas ang atake ng binatang si Van Grego

Ngunit nagkamali ang halimaw na Ferrocious Earth Worm sa analisasyon nito sapagkat mabilis na nahati sa dalawa ang makapal na usok at tanging ang Protective Essence lamang ang naaapektuhan nito at hindi ang buong palaso.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Limang magkakasunod na pagsabog ang biglang umalingawngaw sa paligid ng mabilis na lumusot ang pana sa iba't-ibang parte ng katawan ng halimaw kung saan ay tumalsik ang kulay dark green nitong dugo sa iba't-ibang parte ng lugar na ito.

Halos namangha naman si Van Grego sa kaniyang nasaksihang resulta ng kaniyang pakikipaglaban. Walang dudang napaslang niya ang nasabing dambuhalang halimaw.

Nakita ni Van Grego na mabilis na humina at naupos ang fires of life ng Ferrocious Earth Worm nang ma-penetrate ng kaniyang limang palaso ang buong katawan nito.

Kung gayon ay tama ang aking hinala at pag-atakeng ginawa. Akala ko ay hindi uubra ang aking plano." Sambit ni Van Grego habang mistualgn kumislap ang kaniyang pares ng mata at makikita ang kasiyahan dito.

Maya-maya pa ay nawala na nang tuluyan ang mga makakapal na usok na parang bula at lumitaw ang dambuhalang katawan ng halimaw na Ferrocious Earth Worm. Tunay ngang napakapangit at nakakatakot ang itsura o anyo nito. Umuusok pa ang katawan nito at nakabukas pa ang mga acupoints nito sa katawan kung saan ito ang pinagmumulan ng makamandag na lason na gawa sa usok.

Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sariling binubutas ang katawan ng halimaw at hinahanap ang Beast Core nito. Wala siyang nahanap sa katawan ng halikaw kaya sinimulan niyang hanapin ito sa parteng uluhan nito.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nahanap niya ito sa parteng ilong nito.

"Mabuti na lamang at di ko ito pininsala ang parteng mga ilong nito kung hindi ay siguradong wala akong mapapala sa labanang ito." Sambit ni Van Grego. Nakakalungkot man isipin ngunit sa mundong ito ay kailangan niyang makipagsapalaran at pumaslang ng mga nilalang. Dalawa lamang ang pagpipilian dito, ang mapaslang o ikaw ang mapaslang.

Hawak ngayon ni Van Grego sa kamay ang Beast Core ng nasabing halimaw na Ferrocious Earth Worm. Kulay Red Orange ito at masasabi niyang naglalabas din ito ng kakaibang enerhiya. Sa kasamaang palad ay tanging pang-alchemy lamang ang gamit nito para sa mga pill at tanging ang mga Martial Beasts lamang ang pwedeng direktang kumain nito. Ito rin ang dahilan kung bakit umiiral ang law of Jungle, ang mahihina ay mananatiling mahihina at ang mga malalakas ay patuloy na lumalakas.

...

"Nasaan na kaya ang Saintess, kung minamalas ka nga naman oh. Hinahabol ako ng Golden Mantis huhu..." Sambit ni Rain nang makitang malapit na siyang maabutan ng halimaw na mayroong Cultivation Level na Martial Precognitor Realm. Napakabilis ng halimaw na ito at ang mga atake nito ay talagang nakapipinsala.

Mabilis na pinagana na ni Rain ang kaniyang sariling Movement Technique kung saan ay nakita niya lamang na lumalayo siya ng ilang daang metro sa halimaw ngunit pa rin itong sumuod sa kaniyang likuran.

"Ang malas, malas, malas ko talaga, ang halimaw na ito ay hindi man lang napapagod na sundan ako at magsasagawa pa ata ng Skill." Sambit ni Rain sa kaniyang isipan lamang habang napakagat pa ito ng lahi at nagtiim-bagang pa ang panga nito.

Naramdaman na lamang ni Rain ang nakakamatay na killing Intent sa likod niya mismo. Mabilis niyang inilihis ang direksyon.

BANG! BANG!

Dalawang malalakas na wind slash ang biglang humawi sa direksyong kinaroroonan kanina ni Rain ang biglang pumutol sa mga nagtitibayang sanga ng mga puno rito.

"Phew, muntikan na ko roon. Kakaiba talaga ang lugar na ito. Bakit ang napakalakas na atake ng halimaw na iyon ay hindi man lang napinsala ang mga puno rito buwiset! Kung ako ang natamaan niyon ay siguradong malaki ang pinsalang matatamo ko. Anong klaseng lugar ba ito at walang katapusang kagubatan ang nilalakbay kong ito huhu...!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Rain habang mabilis niyang nilakbay ang direksyong hindi niya alam kung saan ito patutungo. Ang nasa isip niya lamang ay makaligtas sa bagsik ng halimaw na ito. Kung pagbabasehan ang sitwasyon niya ay nasa kritikal na lagay. Ang kakaiba lamang at hindi niya maintindihan ay paanong hindi niya man lang mapinsala ang mga halimaw rito at napakamisteryoso ng lugar. Hindi niya man aminin ngunit nakaramdam siya ng ibayong takot sa lugar na ito dahil ang kaniyang abilidad at kakayahan lalo na ang kaniyang mga atake ay bumaba ng tuluyan dahil siguro sa kaibahan ng gravitational force ng lugar at napakasolidong space at napakabigat na pwersa ng hangin. Halos mawalan siya ng pag-asa ngunit ang kaniyang kakayahan sa konsepto ng tubig ay napakalakas.

Mabilis na nilakbay ni Rain ang lugar kasabay ng kaniyang panalanging matagpuan niya ang Saintess o may tumulong man lang sa kaniya. Lubos niyang pinagsisihan na napunta siya sa lugar na ito na hindi niya naman kagustuhan. Tunay na napakamalas niya ngayon. Ang maaari niyang gawin ay makaligtas sa lugar na ito at wag mapinsala ng malala sa napakadelikadong lugar na ito na punong-puno ng misteryo para sa kaniya.

More Chapters