LightReader

Chapter 255 - Chapter 84

Napaisip naman si Valc Grego sa sinabi ng binatang si Van Grego.

"Oo nga noh." Sambit ni Valc Grego habang marahas itong inalis ang pagkakatapak ng paa nito sa likod ng binatang si Van Grego. Mistulang napadiin pa ang pagkakadapa ni Van Grego at napasalampak siya ng tuluyan sa lupa.

"May lahi bang kabute itong nilalang na ito. Mukha ba kong tungtungan ng marumi niyang paa. Hayst, napaka-weirdo talaga nito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang dahil hindi niya talaga aakalaing susulpot ang nilalang na ito ng walang pasabi. Kung may sakit lamang soya sa puso ay malamang ay tigok na siya ngayon. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa napakalayong lugar na ito ay dito pa talaga siya sinundan ng mapagpanggap na nilalang na ito. Hindi kasi nito alam kung sino itong nilalang na ito.

"Aray ko naman... Tsaka ano ba talaga ang ginagawa mo rito? Ano ba ang pakay mo ha?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang kaniyang labis na pagtataka. Dumagundong ang tibok ng puso nito dahil sa kaba sapagkat alam niyang hindi lamang simpleng pagbisita ang pakay ng nagpapanggap na kambal niya. Parehong-pareho talaga ang itsura nila ngunit ang pag-uugali at elementong hawak ay magkaiba sila. Isang purong malakas na Elemento laban sa kaniya na napakaraming elementong hawak ngunit alam niyang hindi niya abot ang kakayahan ni Valc Grego na isang Dark Attribute Martial Artists. Napansin din ng binatang si Van Grego na isa na itong 5-Star Martial Ancestor Realm Expert pero siya ay isa lamang 1-Star Martial Ancestor Realm Expert?! Nakaramdam ng paninibugho ang binatang si Van Grego.

"Hahaha... Wala akong balak na masama sa'yo aking kambal. Narito lamang ako upang ika'y bisitahin at kamustahin ang kalagayan mo. Di ko aakalaing napakadugyot mo ngayon hehehe...!" Sambit ni Valc Grego habang makahulugang nakangisi ito na animo'y hindi nito maipagkakailang kumislap ang pares ng nag-iitiman nitong mata na maiihalintulad sa madilim na gabi.

"Kung ganon ay salamat dahil binisita mo ako. Pwede ka ng umalis kasi mayroon akong kinakaharap na malaking suliranin hehe..." Sambit ni Van Grego habang makikita ang tono ng pagiging problemadong tao sa kasalukuyan.

"Nakakatampo ka naman aking kakambal. Tinataboy mo na ba ko?!" Malungkot na saad ni Valc Grego habang pinapalamlam pa nito ang kaniyang mga pares ng mata. Yung tipong ipinapamukha pa nito sa binata na "dapat kang makonsensya, napakasama mo naman."

"Hindi, bakit naman kita itataboy?! Sadyang hindi lang tama yung timing mo sa oras na ito sapagkat kita mo naman na napinsala Ko ng malaki. Alangan namang i-entertian kita sa malubhang kalagayan ko." Sambit ni Van Grego habang mahihimigan ang boses nito ng pagkalungkot at pagkabalisa ngunit ang gusto niyang sabihin talaga ay "Umalis kang ulupong ka, kita mo namang napinsala ako dito. Kung gusto mong madamay sa problemang kinakaharap ko ngayon." ngunit hindi niya ito isinatinig lamang. Hindi miya alam ang tumatakbo sa isip ng isang Valc Grego.

"Ganon ba, O siya nga pala... Ano pala ang bagay na lumulutang na iyon. May kinalaman ba iyan sa kinakaharap mong suliranin?!" Sambit ng binatang si Valc Grego na parang nako-curious habang inituon ngayon ang pansin sa lumulutang na bagay sa ere hindi kalayuan mula sa kaniyang pwesto o maging ng binstsng si Van Grego.

"Ah yan ba, isa lamang iyang Martial Pill. Bakit mo pala natanong?!" Sambit ni Van Grego habang painosente rin itong sumagot at nagtanong out of nowhere. Nakita niya kasi ang pagkislap ng mata maging ang kakaibang ngisi nito ng palihim habang nakatuon ang paningin nito sa Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill.

"Alam ko na pala ang balak mong pesteng kakambal ko daw. May balak ka pa talagang kunin at agawin ito mula sa akin. Talagang ang kapal ng pagmumukha mo noh. Halos nanghihingalo na nga ako ngayon sa pagdepensa tapos kukunin mo lang iyon sa akin ng hindi naghihirap. Nirason mo pang binisita mo ko at kamustahin, how shameless!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Nagtitimpi lamang siya rito.

Sasagot pa sana ang binatang si Van Grego ngunit hindi niya na ito nagawa pa dahil bigla na lamang nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa kaniyang isinagawang paggawa ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill.

"Zzzzztttsss... Zzzzztttttsss... Zzzzttttttsss... !"

Nagkaroon ng pag-vibrate ng nasabing Ancient Martial Pill na Olfactory Pill o Wolf Pill. Nakita ni Van Grego kung paano mas lumaki ang ngisi ng mapagpanggap na binatang si Valc Grego habang nakatuon ang atensyon nito sa Ancient Martial Pill. Maya-maya pa pasimple itong tumingin kay Van Grego ngunit agad na nilihis ni Van Grego ang kaniyang paningin patungo sa Ancient Martial Pill kung kaya't sigurado siyang hindi siya nahuli ng mapagpanggap na kakambal niya daw na si Valc Grego.

Samantala...

Ang binatang si Valc Grego naman ay mistulang nag-iisip ng mga bagay patungkol sa binatang si Van Grego. Hindi pa rin maipagkakailang lubos siyang nasisiyahan sa nakikita niyang paghihirap at puno ng pasakit na sinapit ng binatang si Van Grego. Gusto niya talagang nakikita itong nasa downside kaysa sa matagumpay nitong mga misyon. Naiirita siya sa personalidad ng binata dahil napakatigas ng ulo nito, kalmado, okay lang kahit apihin, hindi mapagtanim ng galit at higit sa lahat ay madaling mauto hahahaha... As if na gusto niya itong kamustahin, gusto niyang bisitahin ito kung saan ay madadatnan niya itong nahihirapan. Parang fulfillment ito para sa kaniya. Ayaw niyang magsaya ito o magtagumpay.

"Hahaha sisiguraduhin ko sa'yo Van Grego na wala kang kawala sa bagsik ng lugar na ito hehehe... Ang lakas mo ngayon ay maikukumpara lamang sa isang maliit na insektong kayang-kaya kong tirisin anumang oras. Pero ngayon ay magtiis sa lugar na ito at mapaslang ka sana ng mga nakapalibot na halimaw rito. Hindi ka nararapat na mabuhay dahil kapestehan mo. Ano ang tingin mo? Maaawa ako sa'yo. Mas mabuting mamatay tayong pareho bago ka pang lumakas pa lalo. Sisiguraduhin kong dito ka maililibing ng buhay kasama ang mga mababaho at mga dugyot na mga Martial Beasts total parehas naman kayong mga mahihina rito hahahahahahahahahaha!!!!!!" Sambit ni Valc Grego sa kaniyang isipan lamang. Gustong-gusto niyang mangyari ito at mapaslang ang pesteng binatang ito na nagdulot sa kaniya noon ng matinding pasakit. Sa bawat pinsala ng binatang ito ay siya ring pinsalang natatamo niya. Nakakainis ang pangyayari at bagay na ito para sa kaniya. Yung tipong napakalayo niyo sa isa pero hindi ka pa rin makakatakas sa hagupit ng pinagmulan mo.

Binabalak ng binatang si Valc Grego na agawin ang kaisa-isang bagay na mayroon ang binatang kakambal niyang si Van Grego. Ayaw na ayaw niya itong magtagumpay at makakabuti ay manatili na lamang ito sa lugar na ito habang buhay o di kaya ay makain at mapaslang ng mga malalakas at mababangis na mga Martial Beasts rito. Mas masisiyahan siya rito. Hindi alam ng mundong ito ang banta ng pag-exist ng binatang ito at ayaw na ayaw niyang lumakas ito. Masama na siya kung masama pero walang umiiral na anuman sa mundong ito kundi ang malalakas lamang at mahihina, walang mabuti at masama. Batas ng kagubatan ang umiiral, lakas laban sa lakas. Ang alinmang pagbabagong gusto ng binata ay siyang hindi niya hahayaang mangyari. Ang pagkamatay ng binata ang siyang kaniyang gustong mangyari. Gusto niyang maghari ang kasamaan sa mundo, sakupin ang mundong ito. Kasama ang mga alagad niyang labindalawang Dark Lords ay siya ang magtatagumpay at hindi ang binatang isang mahina, lampa at walang kwentang kakambal niyang si Van Grego. Hindi niya maitatangging sagad sa buto ang galit niya rito at hindi na magbabago yun. Isa lamang siyang nilalang na gustong makamit ang tuktok ng mundong ito at ang kakambal niyang ang binatang si Van Grego ang nakikita niyang isa sa malaking banta sa kaniyang adhikain at layuning ito. Sisiguraduhin niyang siya pa rin ang mananalo at ayaw niyang ang mga lalampa-lampang mga nilalang ang makakasira sa layunin niyang ito.

Nasabi rin sa kaniya ng kaniyang alagad na si Dark 1 na isa sa labindalawang Dark Lords na binigyan niya ng panibagong host nito ang pangyayari noong natalo silang lahat sa malawakang digmaan noon. Ang pag-exist ng labindalawang Region Emperors ang siyang tumalo sa kanilang lahat dahil napakarami ng kanilang pwersa ngunit ang magandang balita ay pito na lamang ang natitira sa mga ito sapagkat nakulong ang limang Region Emperors sa isang sikretong lugar. Sa oras na ito ay maaari palihim na magpalakas ang mga labindalawang Dark Lords sa oras na magkaroon sila ng panibagong katawan at magpalakas muli hanggang sa bumalik ang kanilang dating lakas at kapangyarihan.

Ngayon ay kinakailangan ng binatang si Valc Grego na siguraduhing walang magagawa si Van Grego sa kasalukuyan at hindi magiging hadlang sa kaniyang plano.

Mabilis na bumunot ng isang patalim ang binatang si Valc Grego at mabilis na sumugod sa kinaroonan ng binatang si Van Grego na nakatingin pa rin sa kaniyang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill.

"Humanda ka na Van Grego dahil ako na ang papalit sa katauhan mo. Iki-cripple kita ngayon din!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang mabilis ito naglaho sa kaniyang pwesto.

Agad naman itong lumitaw sa harap ni Van Grego ang binatang kamukha niya na si Valc Grego at mabilis na sinaksak ang katawan ng binata sa bandang tiyan nito.

Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ni Valc Grego sa kaniyang natuklasan.

"Hindi maaari ito, afterimage?! Bwiset!" Malakas na sambit ng binatang si Valc Grego habang makikita ang galit at frustration sa mukha nito.

Lumitaw si Van Grego sa hindi kalayuan.

"Talagang ang lakas ng loob mong atakehin ako ng patalikod. Iyan ba ang ipinagmamalaki mong lakas?! Mas nakakasuka ang taktika mo!" Sambit ni Van Grego habang pinipigilang magalit ang sarili nito. Malala ang kondisyon ng katawan niya. Ang sobrang pagdaramdam ng emosyon niya ay baka maging dahilan lamang ng malalang sitwasyon.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing mayroon ka rin palang tinatagong abilidad at kakayahan. Para matunugan ang aking balak sa pagpunta rito ay tunay na nakakamangha." Sambit ni Valc Grego habang biglang inikot-ikot pa nito ang kaniyang maliit na kutsilyong hawak.

"Siyempre naman. Saan ka ba kumuha ng lakas kundi sa akin rin. Alalahanin mong hindi ka tao Valc Grego. Isa ka lamang buhay na selyo. Kung wala ako ay wala ka rin. Gusto mo bang ipaintindi ko sayo na mas wala kang kwentang nilalang dahil hindi ka naman talaga nag-eexist noong una pa lamang! Tigil-tigilan mo ko sa kasinungalingan mo!" Marahas na sambit ni Van Grego habang makikita ang inis nito. Ngayon lamang siya nanghamak ng ganito ngunit sa tingin niya ay sobrang panghahamak ang inabot niya rito at bumabawi lamang siya.

Mistulang nagulat naman ang binatang si Valc Grego dahil sa sinabi ng binatang si Van Grego. Hindi niya aakalaing alam na nito ang katotohanan. Mistulang nagalit siya rito at nainis sa sinabi ng orihinal na pinagmulan niya ngunit maya-maya pa ay humalakhak ito ng malakas.

"Hahahahahahahahahaha... Alalahanin mong hindi lahat ng orihinal ay nagtatagumpay. Isa man akong itinuturing na buhay na selyo ngunit mayroon ako ng totoong katawan katulad ng sa'yo at ng ibang mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Sa oras na makahanap ako ng solusyon para makalaya mula sa koneksyon natin sa isa't-isa ay ako mismo ang papaslang sa'yo!" Galit na sambit ng binatang si Valc Grego. Agad nitong isinuot ang isang kulay itim na maskara habang itinatangay ng hangin ang kaniyang mahabang nag-iitimang mga hibla ng buhok nito. Bakas ang galit sa mukha nito at nagtatagisan ang mga ngipin nito tandang hindi niya matanggap ang pang-iinsulto ng binatang si Van Grego.

"Inaasahan ko na yan ngunit wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong sa oras na maisagawa mo ang mga maiitim mga balak at mithiin ay mabubuksan ko ang pangalawang buhay na selyo ng aking katawan. Ano kaya ang magiging laban mo, tiyak na ito ang mas kinakatakutan mo kumpara sa akin. Tingnan natin kung ano ang laban mo sa kaniya!" Sambit ni Van Grego habang makahulugang nakangisi ito.

Mistulang nabigla ang binatang si Valc Grego sa sinasabi ng binatang si Van Grego na orihinal nitong pinagmulan. Nabigla siya sa rebelasyong alam ng binata ngayon. Sigurado siyang mayroong kung sino mang napakalakas na nilalang ang nagsabi sa binatang si Van Grego. Nahintatakutan siya sa pagbabantang ito ng binatang si Van Grego.

More Chapters