Ramdam ni Van Grego na mistulang nahuhulog ang nasabing Pill papunta sa kaniyang tiyan ngunit mabilis niya naman itong iginiya papunta sa loob ng kaniyang dantian. Noon una ay parang walang nararamdamang kakaiba ang binatang si Van Grego patungkol sa Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill sa loob ng kaniyang dantian ngunit maya-maya pa ay nakita niyang unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa nasabing Ancient Martial Pill kung saan ay natunaw ang balat nito at doon ay biglang umagos at rumaragasa ang napakalakas na enerhiya sa loob ng dantian ni Van Grego.
Pumikit ang binatang si Van Grego habang maayos itong nakasitting position. Kalmado at napakapayapa pa rin ng pag-iisip ng binata kung saan ay makikitang payapang aura ang lumalabas sa buong katawan nito.
Kinontrol ni Van Grego ang rumaragasang enerhiya sa loob ng kaniyang dantian kunf saan ay mabilis niya itong pinadaloy papunta sa loob ng kaniyang ilong. Nakaramdam ng pananakit si Van Grego at ang paghigpit ng kaniyang hininga. Mistulang bumakas ang sakit sa nakapikit na binata ngunit patuloy pa rin siya sa pagkontrol ng rumaragasang enerhiya na animo'y gustong sirain ang mga nadadaanan nitong mga bagay sa loob ng katawan ng binata.
Maya-maya pa ay narating na ni Van Grego ang lokasyon sa bandang ilong niya kung saan ay naririto na rin ang enerhiyang gusto umalpas sa pagkakakontrol ng binatang si Van Grego. Lubos na nakakatakot ang senaryong ito lalo na sa hindi pa nakakakita ng bagay na kung saan ay bubuksan nito ang nakasaradong acupoints nito sa katawan lalo na sa parteng ilong kung saan ay kapag mabubuksan ito ay magkakaroon ng pagdaloy rito ng kaniyang sariling Qi. Malaki ang benepisyong makukuha niya sa pagbubukas nito.
Agad na nagsagawa si Van Grego ng isang malakas na pag-atake sa loob ng kaniyang ilong gamit ang rumaragasang enerhiya ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill kung saan babanggain nito sapilitang bubuksan ang Olfactory point nito kung saan ay mayroong nakaharang rito.
BANGGG!
Isang malakas na pagbangga ng mararahas na enerhiya ang biglang umalingawngaw sa parteng ilong ng binatang si Van Grego. Ramdam ni Van Grego na malakas ng impact ng pagkabangga kung saan ay mistulang nakaramdam siya ng sakit sa bandang ilong niya. Hindi maipagkakailang gumuhit ang sakit sa mukha ng binatang si Van Grego kung saan ay mistulang tumulo pa ang dugo nito sa kaniyang ilong.
"Ang sakit pala nito. Ngunit hindi ito maikukumpara noon sa sakit na nararamdaman ko sa mata. Sana lang ay makayanan ko ang mga sakit na mararamdaman ko rito." Sambit ni Van Grego habang makikitang nag-aalinlangan siya kung kakayanin niya ang sakit na mararamdaman niya sa kasalukuyan.
Maya-maya pa ay agad na kinontrol muli ni Van Grego at tinipon ito ng may pag-ingat. Walang ano-ano pa'y biglang pinalasap nito ang hagupit ng rumaragasang enerhiya papasok sa nakabarang acupoints sa ilong nito.
BAANNNGGGGGGG!!!
Isang malakas muli na pagbangga ang yumanig sa parteng ilong ng binatang si Van Grego. Dahil dito ay kapansin-pansin na nasaktan na talaga ang binatang si Van Grego dulot ng nasabing pagbangga. Halos doble ang sakit na naramdaman niya rito kumpa sa naunang pagbangga niya sa nakabarang bagay sa acupoints niya mismo sa parteng ilong niya.
"Grabe naman itong harang sa nakabara kong acupoints. Hindi man kasing sakit sa mata ang noong buksan ko iyon ay ganon naman katibay ang harang na nakaharang mismo sa aking acupoints sa ilong." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Hindi kasi nito aakalaing mayroon din itong kaibahan sa acupoints na matatagpuan sa loob ng kaniyang mata. Hindi siya makapaniwala na iba-iba pala ang katangian ng mga nakasaradong acupoints sa kaniyang katawan. Wala man siyang kaagapay sa pagbukas ng nakasarang acupoints niya sa loob mismo ng kaniyang katawan ay alam naman niya ang mahahalagang impormasyon patungkol sa dapat niyang gawin dahil sa impormasyong nasa utak niya mismo. Nakakabahala nga lang para sa bahagi ng binatang si Van Grego sapagkat ngayon niya lamang itong isinasagawa. Bawal siysng magkamali o pumalpak dahil wala na siyang second chances dahil wala na siyang Cultivation resources upang gumawa ng panibagong Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill na katulad nito at wala siyang balak umulit dahil made-delay ang oras na kaniyang dapat na gugugulin lamang. Isa pa ay baka mahuli na talaga siya sa kaniyang mga kaedaran na halos papasok na sa last stages na ng Martial Ancestor Realm pataas na ang mga ito.
Sa pangalawang atake ng binata upang buksan ang Olfactory Point niya sa loob ng kaniyang ilong ay hindi namamalayan ng binata na tumalsik ang napakasaganang dugo palabas ng kaniyang ilong. Ngunit kaibahan lamang ito sa ordinaryong dugo sapagkat parang dry ito o kaya ay halos reddish black ito na kung iinspeksyunin ay mga impurities sa dugo ang mga ito.
Hindi maipagkakailang napakasakit ng nararamdaman ng binatang si Van Grego habang isinasagawa ang bagay na ito kahit na hindi maikukumpara sa sakit sa pares ng mata niya ay napakasakit pa rin maramdaman ito. Isa pa ay binubuo ng soft tissue lamang ang ilong ng tao kung saan ay sensitbo rin ang mga ito sa anumang sakit na tatama o mararamdaman mo kung sakaling tamaan ka ng anumang uri ng sakit rito.
"Hindi ko aakalaing napakasakit pa rin ang aking nararamdaman. Kung magpapatuloy ito ay malamang ay baka himatayin rin ako o mawalan ng lakas at kontrol sa mga mararahas na enerhiyang ito kung saan ay mawawala ang lahat ng aking pinaghirapan."Nagtagisan ang ngipin ng binatang si Van Grego habang iniisip ito at ang dulot ng sakit na kaniyang naramdaman lalo na sa bumabagabag sa kaniyang kalooban. Ayaw niyang dumating sa puntong mawala ang lahat ng pinaghirapan niya sa araw na ito. Masasabing isa itong major loses para sa binatang si Van Grego na hindi agad-agad matatakpan o mababawi sa madaling panahon lamang. Inalalà ng binatang si Van Grego ang kaniyang mga naging hirat, sakit at pagsubok na dinanas upang makolekta lamang ang mga sangkap na mga ito sa pagbuo ng pambihirang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill sa mahabang panahon. Yung tipong ang lahat ng oras at panahon niya ay ginugol niya noon sa paghahanap ng mga sangkap na ito sa iba't ibang parte ng mga napakadelikadong lugar kung saan ang competition rate at succession rate niya sa pag-obtain ng mga sangkap ay napakaliit lamang. Sa pagkuha pa lamang ng Golden Oil Grass na una at pangunahing sangkap para sa paggawa ng Ancient Martial Pill ay masasabing rare ingredients din ito ng mga Alchemist. Isa ito sa pinagkakaguluhan ng maraming Alchemist ngunit ang Bloody Crown Flower at Evergreen Herb ay baka magpatayan pa ang mga Alchemist at mag-aaway away ang mga ito para makuha lamang ito o mapasakamay ay isang tagumpay na para sa mga ito pero paano pa ang ibang mga malalakas at big time na mga Cultivators o mga Martial Artists?! Siguradong kahit isa ka mang Alchemist o sikat na personalidad ay baka itumba ka ng mga ito. Ganon ang masalimuot na part ng takbo ng mundong ito. Kung alam lang nilang isang maituturing na ordinaryong martial artists na may lakas lamang na Martial Ancestor Realm Expert ang nakakuha ng tatlong pambihirang mga sangkap na ito ay siguradong tutugisin nila ang binatang si Van Grego sa kahit naumang sulok ng mundo lalo na ang mga ganid sa kapangyarihan at gustong lumakas pa lalo ay tiyak na personal na sasali sa paghuli sa kaniya at kamkamin ang mga bagay na pagmamay-ari niya.
Habang naiisip ito ng binatang si Van Grego sa kasalukuyan ay mas naging determinado siyang patunayan ang kaniyang sarili at magpalakas pa lalo. Hindi siya kailanman maaaring magtago lamang o umatras sa matinding labanan sapagkat darating ang araw na lilitaw siya sa harap ng napakaraming mga nilalang lalo na sa mga napakalakas na nilalang na tumatayo sa rurok ng mundong ito. Darating din ang araw na malalaman ng lahat ang sikretong siya ang bagong succesor at papalit sa pwesto ng dating Stardust Envoy Silent Walker. Kapag naiisip ito ni Van Grego ay gusto niyang manliit sa kaniyang sarili sapagkat minsan ay nadadaig siya ng negatibong emosyon at sariling pag-iisip ngunit ang maisip na darating ang panahon na nakasalalay ang lahat sa kaniya ang napakaraming inosenteng buhay ay lumalakas ang loob niya.
"Hindi ako dapat magpatalo ngayon sa sarili kong emosyon at makasariling pag-iisip. Maraming mahahalagang taong naghihintay at umaasa sa akin!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang biglang pagkontrol nito sa marahas na enerhiyang animo'y rumaragasang tubig at mabilis niya itong pinatama sa matibay na harang sa loob ng ilong mg binatang si Van Grego.
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
Isang malakas na pagbangga ng animo'y solid wall na humaharang sa pagpasok ng anumang enerhiya sa parteng ito ng ilong ng binatang si Van Grego.
Nakaramdam ng ibayong sakit si Van Grego ngunit mistulang hindi ito ininda masyado ng nasabing binata. Ang kaniyang buong katawan ay mistulang nag-undergo o napasailalin sa misteryosong estado kung saan ay mahinahong nakapikit lamang ang binatang si Van Grego habang mistulang na-immerse ang sarili nito sa napakalalim na pangyayari.
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
Sunod-sunod na malalakas na pagbangga ng mararahas na enerhiyang mula sa nasabing Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill ang biglang pinatama ng binatang si Van Grego sa parte ng Olfactory Point kung saan ay nagkaroon na ng mistulang pagbabago.
Zsccchhh... Zsccchhh... Zsccchhh... Zsccchhh... Zsccchhh... Zsccchhh...
Hindi maipagkakailang nagkaroon ng mistulang pagyanig ng animo'y solidong harang ng nasabing papasok sa Olfactory Point. Isa itong parte kung saan ay mas mapapalakas niya at mapapatigas niya ang parteng ito upang hindi mapinsala at dumugo basta-basta ang kaniyang sariling parte sa ilong.
Labing-anim na pagtalsik ng reddish black na dugo na lumabas sa ilong mismo ng binata. Ang kaniyang asul na roba na napakalinis ay napakarumi at napakadugyot niyang tingnan. Mapagkakamalan ngang sugatan o naghihingalo ang binata ngunit kung titingnang maigi ang mga dugo ay purong mga impurities lamang ang mga ito na naipon sa parteng ilong ng binata. Mung saan ito nagmula ay malamang sa parteng ilong o nakatago lamang ito sa ibang parte na malapit rito kung saan ay naimbak at naging solidified. Ngunit sa pagbangga o pagbunggo ng mga purong enerhiya na rumaragasa mula sa Olfactory Pill o Wolf Pill ay mistulang naki-cleanse out nito ang mga bagay na naimbak na impurities sa parteng ilong. Isa itong magandang senyales na malapit ng magtagumpay ang binatang si Van Grego.
Hindi pa nakontento si Van Grego at maya-maya pa ay nagsimula na naman itong kumontrol at banggain ang parte ng harang papunta sa Olfactory Point.
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
BAAAAAAANNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
Halos dumoble ang bilang ng pagkabangga ng binatang si Van Grego na siyang animo'y walang kapaguran o walang iniindang sakit ngunit sa puntong ito tumigil ang binatang si Van Grego habang mababakasan na ngayon ng paghingal at pagguhit ng sakit sa mukha nito habang nakapikit pa ito. Hindi maipagkakailang umiinda din ito ng ibayong sakit mula sa kaniyang pag-atake sa solidong harang na kumukonekta sa Olfactory Point na siyang saradong acupoints sa kaniyang ilong.
Ngunit maya-maya pa ay biglang umatakeng muli ang binatang si Van Grego sa Olfactory Point kung saan ay tila nag-iipon ito ng pwersa at enerhiya sa gagawin niyang pag-atake sa Olfactory Point.
BAAAAANNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!
Isang malakas na pagbangga ang ginawa ni Van Grego sa solidong harang. Masasabing halos kalahati ng katumbas na lakas ng napakaraming pagbangga ang ginawa niya kung saan ay masasabing halos magkaroon ng sudden jolt at kakaibang tunog ang solidong harang na humaharang sa daanan ng enerhiya papunta sa Olfactory Point mismo.
"Creackkk!"
Isang simpleng tunog ngunit para kay Van Grego ay isa itong magandang senyales.
"Hindi ko aakalaing bibigay ka rin pala hehe..!" Masayang sambit ng binatang si Van Grego kung saan ay mabilis niyang nahimigan ang tunog na malapit na itong mabuksan. Hindi niya aakalaing halos masaid ang lakas niya rito. Tunay ngang hindi niya inaasahan na mahihirapan siyang buksan ito katulad ng noong buksan niya ang mata niya gamit ang Tiger Eye Pill ngunit ang kaibahan lamang ay Olfactory Pill o Wolf Pill ang gagamitin niyang pambukas ng Olfactory Point sapagkat mas malakas ang pill na ito kumpara sa nauna at angkop ito sa pagwasak ng solidong harang sa nasabing acupoints sa kaniyang ilong.
