LightReader

Chapter 262 - Chapter 91

Nasa Separate dimension lamang ang binatang si Van Grego ngunit nakakamangha ang abilidad ng nasabing nilalang na nasa isang tribo na tinatawag na Green Snake Tribe. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang napakatalas ng pang-amoy nito lalo pa't nasa isang Separate dimension ang binatang si Van Grego ngunit hindi naman siya nangangamba sapagkat. Nasa separate space siya at kahit na atakehin siyang biglaan ng nasabing babaeng Green Snake na ito ay hindi pa rin siya natatakot rito. Liban na lamang kung marunong ito ng misteryosong konsepto ng Space ay doon lamang siya maaalarma.

"Elaina, bakit ka nakatunganga diyan ha?! Umalis na tayo rito bago pa tayo kaladkarin ng amain natin!" Sambit ng isang bagong dating na katulad rin ng physical features ng babaeng berdeng ahas. Masasabing napakaganda rin nito ngunit para kay Van Grego ay hindi mapapantayan ng mga ito ang kagandahan ni Binibining Mystica. Sabi nga nila, kapag nakakita ka ng pinakamaganda, ang mga magagandang nilalang ay hindi ka na maaapektuhan. Alam niyang mataas ang estado ni Binibining Mystica sa mundong kinabibilangan nito noon kaya ang ganitong klaseng mga nilalang na mahahanay sa mga ahas ay napaka-inferior pa rin ngunit hindi pwedeng balewalain niya ang mga ito.

"Hmmp! Gusto kong humanap ng makakain eh. Kung bakit ba naman puro pangit ang pagkain sa atin huhu!" Pagdadrama ng babaeng berdeng ahas na si Elaina. Bakas ang pagkahindi nito sa sinasabing pagkain nito sa kanilang tribo. Hindi pa rin ito gumagalaw sa pwestong kinaroroonan ng binatang si Van Grego.

"Talaga ba? Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo Elaina. Ang sabihin mo ay wala kang kabusugan. Pesteng klaseng katawan mo Elaina. Pag ako dinamay mo sa kalokohan mo, malalagot ka talaga sakin!" Pagsusungit naman ng dalagang bagong dating.

"Eh sa gutom ako eh. Palagi na lamang tayong inaalila at inaabuso ng mga opisyales natin doon. Porket ba babae tayo sa ating tribo ay wala na tayong karapatan o kontrolin ang ating sarili? Nakakainis na 'to Gail!" Sambit naman ng dalagang si Elaina. Sino ba naman kasi ang gugustuhing kontrolin ang mga buhay nila o kaya ay maging parang manika o tau-tauhan lamang ng kanilang tribo. Lahat nalang ay bawal, lahat nalang ay may limitasyon.

Nakita ng binatang si Van Grego na nagsasabi ng totoo ang dalagang nagngangalang Elaina. Sino ba naman siya para husgahan ito. Naalala niya ang babaeng tinatawag na Saintess ni Monarch Rain na si Princess Nova Celestine. Sino ba naman kasi ang gugustuhing kontrolin ang buhay nila.

Base sa kasuotan ng mga dalaga ay napakaluma na ngunit masasabing nasa maganda pa rin na kondisyon ang telang kanilang sinusuot. Halos mapagkakamalan mo silang mga tao ngunit agad mo silang matutukoy sa kanilang buntot sa likod na isang ahas at ang kanilang kamay papunta sa balikat ay may magandang kaliskis ng ahas na kulay berde. Ang kanilang kabuuang ayos ay hindi mababakasan ng pagkamaharlika o nasa upper echelons. Hindi rin maipagkakaila ng binatang si Van Grego na ang kanilang mga balat ay animo'y mayroong mga bakas ng mga sugat. Ngunit madali lamang maghilom ang mga sugat ng mga ito sapagkat alam niyang may abilidad ang mga ito ng ahas na magpalit ng mga balat kung saan ay panibagong balat naman muli ang kanilang kasalukuyang balat. Tunay na nakakamanghaang abilidad ng mga ito sa larangan ng regeneration at peel-off process ng kanilang mga balat.

"Yan na naman ba Elaina?! Hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang ng buo ang kapalaran natin. Wala tayong lakas para labanan o tumakas sa tribo. Alam mo yan kaya wag kang gagawa ng ikapapahamak mo." Sambit naman ng dalagang si Gail. Kahit siya ay naaawa rin sa kaniyang sarili ngunit wala siyang magagawa. Literal na hawak ng mga ito ang kanilang buhay at hindi nila matatakasan ang tradisyunal na nakasanayan nila.

Malungkot namang humarap si Elaina sa pwesto ni Gail at nagsimulang pumaroon sa direksyon nito at nilampasan. Bakas pa rin ang ibayong lungkot nito dahil sa nangyayari sa kaniyang buhay. Mas masahol pa sa namatayan at halos parang patay na siya. Noong bata pa siya at musmos pa lamang ang pag-iisip ay napakataas na ng pangarap nito upang maging malakas na babaeng ahas na ipagmamalaki ng kanilang tribo ngunit nawasak ito ng magsimula siyang magtraining kung saan ay marami siyang nalamang mga pinagbabawal sa kanila, ang mga babae ay walang karapatang umalis sa kanilang lugar o tribo habang buhay, itinuturing silang mga mababang lubos kumpara sa mga kalalakihan. Dahil dito ay ang kaniyang iniirog ay siyang lamang ang nakaalis sa lugar nila at hindi pa kailanman bumalik. Wala siyang balita rito o kung ano ang ginagawa nito. Labis ang lungkot na kaniyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay wala ngang pag-asang makaalis siya rito.

"Tss, nahihibang na ata siya. Pareho lamang tayo ng magiging kapalaran. Sana lang ay mayroong nilalang na magpapalaya samin mula sa mapang-aliping rehimen ng amin lahi." Sambit ng magandang dalaga na si Gail habang mabilis itong tumalikod sa dako ni Van Grego at naglaho sa kawalan.

Napahinga naman si Van Grego nang maluwag. Akala niya ay mabibisto na siya ng mga ito. Siguradong wala siyang kawala sa mga ito kung sabay itong umatake sa kaniya ngunit alam niyang malakas pa rin siya sa mga ito sa pamamagitan ng atake. Isa pa ay iniingatan niyang wag siyang mapinsala ng sinumang nilalang at iwasan muna ang kaguluhan at labanan. Mabuti sana kung ang dalawa lamang dalagang ito ang makakalaban niya o kung kalaban ba talaga ito ngunit ipinamumugaran ang lugar na ito ng mga malalakas na nilalang at mga halimaw. Bakas rin sa dalawang magandang dalagang nagngangalang Elaina at Gail ang labis na pangamba. Malamang sa malamang ay nag-iingat rin ang mga ito sa gumagalang mga malalakas na nilalang sa malawak at masukal na lugar na ito. Makikitang strikto din ang kanilang tribong kinabibilangan. Hindi niya aakalaing normal na mamamayan lamang ang dalawang babaeng ito na sa tingin niya ay matalik na magkaibigan. Nakakamangha ang kanilang Cultivation Level ngunit alam niyang hindi maituturing na pinakatalentado ang mga ito lalo na sa estado ng kanilang pamumuhay. Hindi alam ni Van Grego kung anong klaseng martial artists ba na kaedaran niya ang maituturing na napakatalentado sa mga ito. Strikto at reserve ang Green Snake Tribe kung ibabase sa kwento ng dalawang dalagita kung saan ay mababa ang estado ng mga kababaihan kaysa kalalakihan na siyang medyo nainis si Van Grego. Ngunit nakaramdam ng pagkaawa ang binatang si Van Grego ngunit napakuyom lamang ang kaniyang kamay sa pagpipigil.

Kanina lamang ay halos nagulat si Van Grego dahil halos magkaedaran lamang siya ng mga ito na siyang nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Medyo isip-bata man kung sasabihin na naiinggit siya sa Cultivation Level ng mga ito ngunit alam niyang mayroong pagkakaiba ang mga Martial Artists sa isa't-isa lalo na siya na hindi niya alam kung saan siya nagmula.

"Labing-anim pa lamang ang mga ito ngunit ang Cultivation Level nila ay nasa Martial Dominator Realm na?! Napag-iwanan na ba ako ng aking kaedaran?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang bakas sa boses nito ang helplessness. Paulit-ulit niyang sinasabi na okay lang yun pero minsan naiinis siya sa sarili niya patungkol rito. Alam naman niyang normal lamang ang makaramdam ng inis at pagkainggit ngunit sa kasalukuyan niyang kalagayan at klase ng marahas na kapaligiran ay ito ang pangunahin niyang suliranin, ang sariling Cultivation Level.

Maya-maya pa ay naisipan ng binatang si Van Grego na bumalik sa pinakaloob na parte ng teritoryo ng Ferrocious Earth Worm noon na pagmamay-ari niya ngayon. Hindi natutuwa si Van Grego sa kaniyang nalaman patungkol sa bangkay at bakas na iniwan ng Ferrocious Earth Worm. Mistulang paubos na amoy ng bakas nito maging ang katawan nito ay sobra ng nabubulok dulot ng dalawang buwan nitong pagkamatay. Hindi nakakatuwang isipin para sa binatang si Van Grego na masyadong mabilis ang pagkabulok ng katawan ng Ferrocious Earth Worm sapagkat kapag naubos na ang bakas o awrang iniwan at palatandaan nito ay malamang sa malamang ay susugod ang mga daan-daang halimaw rito kung sakaling malaman nila ang pagkapaslang ng nasabing halimaw na Ferrocious Earth Worm. Pag-aagawan ng mga ito ang buong lugar o Teritoryo ng nasabing halimaw na dambuhalang uri ng uod. Isa pa ay magiging madugo ang labanang ito sa napakaraming mga nakapakibot na halimaw o kaya ay pagala-galang mga Martial Beasts kung saan ay naghihintay lamang ng magandang tiyempo upang lumusob at umatake. Wala namang patas na nangyayari dito dahil lahat ay may dalawang options na pagpipilian sa mga ito at ito ay Gain or Lost, Fight or Die.

Maya-maya pa ay pinawala ng binatang si Van Grego ang kaniyang mga iniisip patungkol na rito kung paano siya magpapalakas sa puntong ito ng kaniyang buhay. Agad namang napangiti si Van Grego nang makaisip siya ng isang pamamaraan. Tila kumislap pa ang pares ng mata nito nang maisip ang bagay na ito.

Maya-maya pa ay umupo si Van Grego sa flat surface ng kulay abong lupa ngunit masasabi niyang bumabalik na ang sigla ng nasabing lupaing ito na teritoryo ng halimaw na Ferrocious Earth Worm. Wala na ang mapamuksang uod na iyon na nangunguha ng lakas mula sa kapaligiran lalo na sa sustansya mismo ng lupa kaya ganito na lamang ang laki ng magandang pagbabago ng lupaing ito na dating teritoryo ng mapamuksang halimaw na uod.

"Ito na ang tamang araw na hinihintay ko. Siguradong lalakas din ako kahit konti kumpara sa aking kasalukuyang lebel ng abilidad at kapangyarihan." Nakangiting sambit ng binatang si Van Grego at mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang maliit na bagay ngunit nakakamangha tingnan ito.

Ang bagay na ito ay walang iba kundi ang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill na personal na ginawa niya mismo gamit ang kaniyang abilidad sa Alchemy at sa tulong narin ng Miracle Pill na tinatawag na Miracle Enhancement Liquid Pill na siyang nagbigay ng malaking tsansang magtagumpay ang proseso ng Ancient Martial Pill at maging ganap itong Martial Pill para sa usage ng binatang si Van Grego.

"Sana ay magtagumpay ako sa pagbubukas ng aking pangalawang senses na pang-amoy sa Senses Unlocking Rank na sa hanay ng Body Transformation System kung saan ay inihahanda niya ang kaniyang sarili para sa mas mataas na ranggo ng Body Transformation System." Ang tanging nasambit ng binatang si Van Grego patungkol sa bagay na nais niyang mangyari. Isa kasi ito sa hinahangad ng binatang si Van Grego na makamit balang araw ngunit alam niyang kailangan niyang mag-one step at step by step ang dapat niyang gawin para maging matagumpay ang kaniyang sariling misyon sa mundong ito.

Agad na hinanda ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagcucultivate ng mabilis upang pakalmahin at burahin pansamanta ang kaniyang mga iniisip upang maging panatag at kalmado ang kaniyang buong sarili para walang maaaring internal force ang maaaring makasagabal sa kanya. Sa kasalukuyan niyang niyang estado ay maaaring makatulong ito upang maging mas matagumpay ang kaniyang layuning kaka-breakthrough sa pangalawang senses na dapat niyang i-unlock o buksan. Kilala rin kasi ang Senses Unlocking Rank sa Senses Opening Realm kung pagbabasehan ang Ancient Writings ng mga ninuno o kanuno-nunuan.

Maya-maya pa ay iminulat ni Van Grego ang kaniyang sarili at walang sabi-sabing nilunok nito ng direkta ang nasabing Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill. Plano ng buksan ng nasabing binatang si Van Grego ang kaniyang pangalawang senses nito na walang iba kundi ang kaniyang pang-amoy. Nakasarado ang Olfactory na siyang isa sa mga nakasaradong acupoints ng katawan niya maging ng ibang mga Cultivators o martial artists na hindi nila alam ito. Konting-konti lamang ang nakakaalam nito at isa na siya roon sa nakakaalam.

More Chapters