LightReader

Chapter 1 - Chapter 1

ALERT! ALERT! Synthesis Zero-two broke out from IT'S cell. All spectres must proceed and guard every exits IMMEDIATELY!

Naalarma ang mga taong nasa ikalawang palapag ng estraktura nang malakas na tumunog ang alarm. Ibig sabihin lang nito ay mayroong masamang nangyayari.

Mabilis na nangagsipag-kilos ang mga nakasuot ng asul na kagamitan sa bawat tarangkahan ng Funtom Exorcist. Sila ay mga spectres katumbas ng isang pulis.

Wala pang limang segundo ay nakapuwesto na ang mga ito, mahigpit na nagbabantay habang ang iilang tulad nila na may matataas na ranggo ay masusing hinahanap ang nakawalang synthesis– ito ang tawag sa mga taong naging test subject ng Funtom Exorcist.

Samantala, isang binatilyo ang maingat na nagtatago sa isang maalikabok at maraming supot ng gagamba na storage room. Halatang hindi maayos ang kalagayan nito dahil pwersahan nitong ginamit ang abilidad na mayroon siya makaalis lamang sa seldang 'yon upang tumakas. Siya ay si Synthesis 02, sa mahigit dalawampung synthesis na mayroon ang Funtom Exorcist; kahit na isa siya sa limang may pinaka-delikadong mystic o ang tamang termino ay Ocular power, ang kaniyang ranggo ay nahuhuli. Isa lamang siyang One-rayed Star Bronze Rank Hunter.

Lalo nitong itinago ang sarili sa likod ng may kalakihang karton nang bumukas ang pinto ng lumang storage room. Napaupo ito dahil hindi na nito kayang panindigan ang pagkakatayo, ang panginginig ng kaniyang nga tuhod ay dulot ng paggamit niya ng kaniyang abilidad at dahil na rin sa takot na mahuli.

Napatingala ang bata nang makita ang dalawang bulto ng sapatos. Halos maihi sa takot ang bata sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ng lalaking spectre, Isang Nine-rayed Star Profound Rank Hunter at ika-tatlo ang pwesto sa sampung tinitingalang spectres. Napaihi na ng tuluyan ang bata nang makita ang pag-angat ng lalaki sa kamay nito at ipinasok sa suot nitong coat. Ngunit noong makita ng bata kung ano ang kinuha ng lalaki ay mababakasan ng pagtataka ang ekspresyon sa inosente nitong mukha. Akala niya ay kukuha ng panturok para sa kaniya ang lalaki subalit ng ilabas ng lalaki ang kamay nito mula sa kaniyang coat ay isang kulay itim na kahon ang nakita niyang hawak ng lalaki hindi ang panturok na ang laman ay kulay dilaw, mayroon itong kakaibang mga simbolo na nakaukit sa kahon na hindi niya maintindihan. Dahan-dahan niyang itinaas ang nanginginig nitong kamay upang kunin ang iniaabot ng lalaki.

Nagdadalawang isip ito kung kukunin nito ang kahon dahil baka isa itong patibong ngunit sa huli ay madali nitong binawi ang kamay hawak ang maliit na kahon. Sinundan nito ng tingin ang lalaking papalabas ng silid.

"He's not here," narinig nitong wika ng lalaki kasabay ng pagsara ng pinto. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa nangyari. Nagkasalubong naman ang mga kilay nito nang makita ang batong kulay berde na hindi niya napansing inilapag ng lalaki. Marahil ay dahil nakatuon ang atensyon nito sa mahiwagang simbolong nakaukit sa hugis rectangle na kahon.

"Baka nalaglag ng lalaki kanina," tanging naisip niya na lamang. Nang dumampi ang maliliit nitong mga daliri sa bato ay bigla itong lumiwanag ng matindi dahilan para napapikit ito ng mga mata.

More Chapters