Kabanata 43: Ang Rebelde
Sa gitna ng madilim na gabi sa Plaridel, pagkatapos ng matinding labanan na halos nagwasak sa pusod ng lungsod, nakatayo pa rin si Hustisya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigla at hindi makapaniwala sa natuklasan. Ang katahimikan ng gabi ay nabasag lamang ng mahinang ugong ng hangin.
Sa harap niya, nakatayo si Erik, ang batang lalaki na kilala niya bilang kaibigan, na ngayon ay umaamin na siya rin ang makapangyarihang sugo na si Ifugao.
Ang kanyang puting buhok ay unti-unting nawala, at ang asul na enerhiyang bumabalot sa kanyang katawan ay naglaho, nagpapakita ng isang simpleng lalaki na puno ng pag-aalala sa kanyang mukha.
"Hindi… hindi maaari," bulong ni Hustisya, habang dahan-dahang umatras, ang kanyang mga paa at halos natitisod sa mga durog na bato sa paligid.
"Hindi maaaring ikaw si Erik! Hindi ka siya!" Ang kanyang boses ay nanginginig, puno ng pagkalito at pagtanggi.
Ang mga alaala ng kanilang pinagsamahan, ang mga pag-uusap sa ilalim ng puno ng mangga, ang mga tawanan sa plaza ng Plaridel—ay biglang nagbalik sa kanyang isipan, ngunit hindi niya maunawaan kung paano naging iisa ang kaibigang nya at ang bayaning hinaharap at laging lumilitaw upang labanan.
"Tigilan mo ang kalokohang ito, Ifugao!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang mahigpit na hinawakan ang kanyang kalawit na sibat, na nagliliyab pa rin ng pulang apoy mula sa laban kay Salazar.
"Hindi mo ako maloloko! Sabihin mo na nagsisinungaling ka lang!"
Nanatiling kalmado si Erik na nakikinig lang sa dalaga, bagamat ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan. Dahan-dahan siyang lumapit kay Hustisya, ang kanyang mga hakbang ay maingat, na parang natatakot na mas lalo pang magalit ang dalaga.
"Georgia, ako si Erik na kaibigan mo" sabi niya, ang kanyang boses ay malambot ngunit puno ng katapatan.
" Kung ganun bakit mo itinago saakin na ikaw si ifugao! "
"Hindi ko intensyon na itago ito sa'yo, pero kailangan kong ilihim ang tungkol sa pagiging sugo ng diwata ko sa ibang tao. Nagmula ako sa Ifugao at lumuwas dito sa Bulacan para sa isang misyon—para pigilan ang trahedyang maaaring maidulot ng isang sugo… ikaw yun , Hustisya."
Nagulat si Hustisya, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa gulat. "Ako? Pumunta ka sa plaridel para pigilan lang ako?" Ang kanyang boses ay puno ng pagtataka ngunit may bahid rin ng .
"Kaya mo ba ako nilapitan? Kaya mo ba ako naging kaibigan—dahil lang sa misyon mo?"
" Ang lahat ba ng pinakita mo saaking kabutihan ay para lang sa misyon, kung ganun kinuha mo ang loob ko para lang linlangin ako. "
"Hindi!" mabilis na sagot ni Erik, ang kanyang boses ay tumaas sa intensidad.
"Naging kaibigan kita dahil gusto ko at walang kinalaman ang misyon sa pagkikita natin, Georgia."
"Ang totoo noong makita kita sa plaza kanina habang nagpapalit anyo bilang Hustisya, nagulat din ako. Kung alam ko lang na ikaw at si Hustisya ay iisa, sana mas nakausap pa kita ng maayos. Sana napigilan ko ang mga plano mong labanan ang mga Kastila sa ganitong paraan."
" Alam ko na mahirap paniwalaan pero wala talaga akong alam tungkol sa pagiging sugo mo ng plaridel."
Napahawak si Hustisya sa kanyang ulo, ang kanyang isipan ay patuloy na naguguluhan.
"Imposible… napaka-imposible nito," bulong niya, habang ang mga alaala ng kanilang pagkakaibigan at mga alaala ng mga labanang naranasan niya bilang Hustisya ay isa isang dumaraan sa kanyang alaala.
"Hindi pwedeng nagkataon lang ito, Nagkagusto ako sa lalaking si erik pero sya rin ang kalaban ko na si Ifugao, ang babaeng sugo na sumisira sa misyon ko " bulong nya sa isipan.
"Paano nangyari ito?" Ang kanyang mga pisngi ay namula sa hiya at pagkalito, lalo na nang maisip niya na naamin nya sa sarili na may lihim na pagtingin syang itinago para kay Erik.
"Teka kung ikaw si ifugao ibigsabhin babae ka talaga?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka at bahagyang galit.
" Nagtago ka sa anyo bilang lalaki para paibigin ang tulad ko at mapasunod sa gusto mo?"
" Huh? Ano bang sinasabi mo? Teka hindi, mali ang iniisip mo."
Ngumiti si Erik ng mahina, bagamat ang kanyang mga mata ay puno pa rin ng pag-aalala. "Tunay na lalaki ako, Georgia, kaso nga lang kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ng aking diwata, nakukuha ko rin ang kanyang anyo bilang isang babae. "
" Hindi ko naman talaga gusto ito kaso wala naman akong magagawa pero ako pa rin ito—si Erik, ang kaibigan mo at lalaki ako."
Nakiusap si Erik, ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo. "Georgia, itigil na natin ang laban na ito. Umuwi na tayo sa bahay. Nag-aalala na sina Lolo at Lola sa'yo at tiyak hinihintay ka na nilang makauwi.
Ngunit biglang nag-apoy ang galit ni Hustisya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pulang apoy. "Hindi ganoon kadali itigil ito, Erik!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng frustration.
"Inaakala mo bang magiging maayos pa ang lahat pagkatapos ng nangyari? Pinatay ko si Salazar! Alam ko na palalabasin ng mga Kastila na kasalanan ng mga Pilipino sa Plaridel ang lahat ng ito!"
Lumapit si Erik kay Hustisya, at agad na hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga. "Hindi ko hahayaan na mangyari iyon, Georgia," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.
"Hindi ko hahayaan na mapahamak ang Plaridel dahil sa mga ginawa natin."
Nagulat si Hustisya sa haplos ng mga kamay ni Erik, at biglang namula ang kanyang mga pisngi. Napatitig siya sa mga mata ng binata, at sa isang iglap, bumalik ang kanyang kaba—ang damdaming lihim niyang itinago para kay Erik.
"Paano ka nakakasigurong magiging maayos ang lahat?" tanong niya, ang kanyang boses ay bahagyang nanginginig.
"Ano ang plano mo sa pagkamatay ni Salazar? Alam mo bang kriminal na tayo sa mata ng mga Kastila?"
Inamin ni Erik sa dalaga ang kanyang saloobin, ang kanyang mukha ay puno ng katapatan, "Hindi ko alam ang eksaktong gagawin, Georgia. Pero sa ngayon, gusto ko munang mailayo ka rito. Gusto kong masigurong ligtas ka."
Ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala, at ang bawat salita niya ay nagpapakita ng tunay na pagmamalasakit.
"Baliw ka!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang boses ay puno ng galit at pagkalito.
"Bakit mas inuuna mo pa ako kaysa sa mga Pilipino sa Plaridel? Ano bang iniisip mo?"
"Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang mga Pilipino dito sa bayan nyo. ," sagot ni Erik, ang kanyang boses ay matatag ngunit puno ng emosyon.
"Mahalaga sila sa akin, pero mahalaga ka rin , Georgia. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa'yo. "
"Hindi ko kayang isipin na mapaparusahan ka nila." Lalong namula ang pisngi ni Hustisya sa mga narinig mula sa binata habang ang kanyang puso ay kumakabog nang malakas.
Sa kabila ng kanyang galit, ang mga salita ni Erik ay patuloy na tumatagos sa kanya at nag papalambot sa kanyang damdamin.
"teka bakit nya ba iyon sinasabi? May gusto rin ba siya sa akin?" bulong nya sa isip niya, ngunit agad niyang itinakwil ang ideyang iyon sa isip nya.
"Hindi, hindi ako pwedeng mag isip ng ganito, huminahon ka Georgia," saway niya sa sarili. "Huwag kang umasa sa maling akala. At baka sa huli ay mapahiya ka lang"
Tinitignan nya ang mga mata ni erik at mas lalong nahuhulog ang kanyang loob at hindi maiwasang maisip na handang magsakripisyo ni erik para lamang masiguro ang kaligtasan nya,. Pumasok din sa isip nya na ginagawa ito ni erik dahil gusto syang makasama ng binata.
Habang nag-uusap sila, biglang napatingala si Erik sa kalangitan. Ang kanyang mga mata ay nanlaki nang makita ang dalawang buwan na nagliliwanag sa itaas ng kalangitan. Ang isa ay buong buwan, habang ang isa ay parang quarter moon, na kumikinang ng kakaiba.
"Georgia, tingnan mo," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka. "bakit dalawa ang buwan? Posible ba iyon na mangyari?"
Napatawa si Hustisya, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya. "Huwag mo akong lokohin, Erik. Isang buwan lang ang mayroon sa mundo!"
Ngunit nang humarap siya at tumingala, nagulat siya nang makita rin ang dalawang buwan sa kalangitan ng plaridel.
"Imposible…" bulong niya habang ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigla.
"Hindi maaaring maging dalawa ang buwan!"
Napansin nila na ang quarter moon ay unti-unting lumalaki, at sa paligid nito, may mga kumukutitap na liwanag na parang mga bituin. Ang mga liwanag na iyon ay unti unting dumadami, at ilang sandali pa, naramdaman nila ang isang napakalakas na presensya mula sa kalangitan.
Ang mga nakita nilang bituin ay hindi totoong bituin kundi mga bolang enerhiya, na biglang bumagsak sa kanilang paligid tulad ng mga bulalakaw.
"Georgia, umilag ka!" sigaw ni Erik, ngunit bago pa siya makagalaw, umulan ng napakaraming bolang enerhiya, bawat isang energy ball ay may halos tatlong talampakan na laki. Ang mga ito ay tumama sa higanteng kalansay ni Hustisya, na nakatayo pa rin sa likuran niya.
Tinatarget nito ang kalansay at unti-unting nagkabasag-basag ang mga buto nito sa bawat pagsabog ng enerhiya.
Nagbagsakan ang mga parte ng katawan nito sa lupa at tuluyang bumagsak. Nagpanik si Hustisya, ang kanyang mga mata ay puno ng takot.
"Anong nangyayari?!" sambit niya.
Ngunit bago pa siya makakilos, hinila siya ni Erik palayo, ang kanyang katawan ay nagbabago pabalik sa anyo bilang Ifugao, ang puting buhok at asul na enerhiya ay muling bumalot sa kanya.
"Kailangan nating makaalis agad!" sigaw ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
"Ang presensyang ito… maaaring mula sa isang heneral!"
Sinubukan nilang tumakas, ngunit bago pa sila makatalon, humarang ang mga lumulutang na bolang enerhiya, na ngayon ay nakapalibot sa kanila.
Alam ni Ifugao na hindi sila dapat tamaan ng mga ito, gustuhin nya man lumaban pero nangangamba sya dahil nanghihina pa rin mula sa laban kay Salazar ang kanyang katawan.
Ang kanyang mga tuhod ay nanginginig, at ang bawat galaw ay nararamdaman nya ang labis na kirot at sakit ng katawan.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Hustisya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon.
"Ipapangako ko, Georgia, poprotektahan kita kahit ano pa ang mangyari," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng katapatan.
Agad na inilabas ni ifugao ang kanyang espada at nakahandang pangalagaan ang dalaga. Nakita ng dalaga kung gaano ito ka determinado pangalagaan sya pero nag aalala sya sa kalagayan ng katawan ng kaibigan.
Alam ni Hustisya na ang katawan ni Ifugao ay halos hindi na makakilos dahil sa pinsalang natamo, at mas delikado ito kaysa sa kanya.
Bago pa tumama ang mga bolang enerhiya, niyakap niya si Ifugao, at isang malaking anino ang lumitaw sa ilalim nila.
" Erik! "
Mula rito, lumabas ang isang bungo ng kalansay, na lumamon sa kanila upang protektahan mula sa pagsabog. Ang pagsabog ay gumawa ng napakalakas na pagyanig, at ang makapal na usok ay kumalat sa paligid.
Sa gitna ng kaguluhan, hindi nag-aksaya ng oras si Hustisya. Kinarga niya si Ifugao sa kanyang balikat at tumalon palayo, ang kanyang mga paa ay mabilis na tumatakbo sa mga durog na kalye.
"Bilang sugo, hindi ko kayang pawalain sa hangin ang katawan mo tulad ng sa akin," paliwanag niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Kailangan kitang ilayo rito!"
Habang tumatakas ay biglang naalala ni erik na kaya maglaho ni hustisya na parang multo at magagaea nyang makatakas sa lugar na iyon gamit ito pero dahil sa hindi gumagana ang kapangyarihan nya sa oras na hawak sya ng isang sugo ay hindi nya ito magawa.
"Georgia, huwag mo akong alalahanin!" sigaw ni Ifugao, ang kanyang boses ay mahina ngunit puno ng pagmamakaawa. "Maglaho ka na upang makatakas sa lugar na ito! Iwan mo na ako!"
Nagalit naman si Hustisya sa kanyang mga naririnig kay erik, ang kanyang mga mata ay nagliliyab. "Hindi ko kayang iwan ka, Erik!" sigaw niya
. "Hindi ko kayang iligtas ang sarili ko habang iniiwan kita!" Ang kanyang puso ay kumabog nang malakas, at ang mga alaala ng kanilang pagkakaibigan ay muling nagbalik, nagdadagdag sa kanyang determinasyon.
Ngunit pinilit ni Ifugao sa kanya ang kagustuhan nito na unahin ng dalaga ang sarili nya, "Mas mabuti pang may makatakas sa atin kaysa mahuli tayong pareho! Kung mahuli ka ng mga Kastila, Georgia, mapaparusahan ka ng kamatayan!"
"Huwag mo akong utusan kung ano ang gagawin ko!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang boses ay puno ng galit at takot.
"Natatakot din ako sa mangyayari sa akin, pero hindi ko kayang mawala ka rin, Erik!" Ang kanyang mga mata ay puno ng luha, ngunit mabilis niyang pinunasan ang mga ito, ayaw ipakita ang kanyang kahinaan sa harap ni erik.
Habang tumatakbo, karga si Ifugao, hindi napansin ni Hustisya ang isang bolang enerhiya na mabilis na lumapit mula sa kanyang tagiliran.
Tumama ito sa kanya, at ang lakas ng impact ng pagtama ay nagpatalsik sa kanilang dalawa.
" Ahh! "
Sumadsad sila sa kalye, tumama sa mga nakakalat na sasakyan, habang ang katawan ni Hustisya ay namilipit sa sakit.
Alam niya na ang mga bolang enerhiya ay hindi pangkaraniwan at gumagalaw ang mga ito na parang may sariling isip, napagtamto nya na kaya ng mga itong basagin ang proteksyon nya sa katawan bilang sugo.
Nakita niya ulit sa paligid ang mga bolang enerhiya na muling nakapalibot sa kanila, lumulutang sa hangin na parang mga mandaragit. Napasuntok si Ifugao sa lupa sa sobrang frustration dahil ang kanyang katawan ay halos hindi na makatayo dahil sa panghihina.
"Hindi ko man lang magawang protektahan ka," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi.
Lumapit si Hustisya kay Ifugao, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala. "Erik, may lakas ka pa bang tumakbo?" tanong niya, ang kanyang boses ay mahina ngunit puno ng determinasyon.
Nagulat si Ifugao, ang kanyang mga mata ay nanlaki. "Ano ang binabalak mo, Georgia?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
"Hindi ko kayang labanan ang mga ito habang pinoprotektahan kita," paliwanag ni Hustisya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pulang apoy.
"May natitira pa akong enerhiya para makipaglaban, pero kailangan mong umalis rito. Kukunin ko ang atensyon ng kalaban natin."
"Hindi!" sigaw ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng protesta.
"Hindi kita iiwan dito Georgia! Sasamahan kita, kaya ko pang lumaban!"
"Siraulo ka ba?!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit.
"Hindi tayo pwedeng mahuli pareho! Kung mahuhuli tayo, wala nang pag-asa ang Plaridel!"
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, biglang niyakap ni Ifugao si Hustisya, ang kanyang mga braso ay mahigpit na yumakap sa dalaga.
"Hindi ko kaya Georgia," sabi niya, ang kanyang boses ay matapang ngunit puno ng emosyon.
"Mananatili ako sa tabi mo hanggang sa huli."
Ang puso ni Hustisya ay kumabog nang napakalakas at ang kanyang mga pisngi ay namula at umiinit. Sa isang iglap, napuno ang kanyang isipan ng mga pantasya tungkol sa pag-ibig, ngunit mabilis niyang itinakwil ang mga ito.
"Kailangan nating makaligtas muna," bulong niya sa sarili, sinusubukang ituon ang kanyang isipan sa laban.
Habang magkayakap, naramdaman ni Hustisya ang isang bagay na mabilis na lumalapit sa kanila. Sa paglingon, nakita niya ang isang mahabang kadena na gawa sa enerhiya, lumulusob patungo sa kanila.
Dahil sa bilis ng pangyayari, wala na siyang nagawa kundi itulak si Ifugao palayo at palitawin ang kanyang kalawit na sibat.
Winasiwas niya ito at hinati ang kadena sa gitna, ngunit hindi niya inaasahan na ang mga piraso nito ay magpapatuloy patungo kay Ifugao.
Dahil sa panghihina, hindi na nakailag si Ifugao, at ang kanyang mga braso at paa ay nagapos ng kadena.
"Erik!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang mga mata ay puno ng gulat at takot.
Sinubukan niyang lumapit, ngunit napigilan siya nang muling napalibutan sila ng mga bolang enerhiya.
Alam niya na wala na silang paraan upang makatakas. Ang tanging natitirang opsyon ay ang lumaban, kahit na alam niyang halos wala nang lakas si Ifugao.
Sa gitna ng kanyang pagpapanik, isang boses ang biglang umalingawngaw sa paligid.
"Walang saysay ang pagtakas ninyo dahil kaya ko kayong masundan saan man kayo magtago," sabi ng isang lalaki, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.
"Wag na natin pahirapan ang isat isa, mas mabuti pang sumuko na kayo."
Nang lingunin ni Hustisya ang itaas, nakita niya ang isang lalaking may violet na buhok, nakasuot ng puting uniporme ng heneral.
Nakatayo ito sa isang kakaibang sasakyan na hugis quarter moon, napapalibutan ng mga kumikinang na kristal. Ang kanyang presensya ay napakalakas, kasabay ng paglitaw muli ng mga bola ng enerhiya sa paligid na parang nag aabang lamang ng kanyang utos upang durugin sila hustisya.
"Hindi ako susuko sa mga tuta ng Kastila!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang boses ay puno ng galit.
Nagalit ang lalaki ng tawagin siyang tuta ng mga kastila. "Punyetang bata ito!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab.
"Hindi ko gusto ang kawalang-galang ng mga kabataan sa mga nakakatanda!"
Ipinakilala niya ang sarili bilang si Heneral Luna Tanio, ang Gobernador-Heneral ng Bataan, isa sa dalawampu't apat na heneral na namumuno sa pilipinas.
"Hindi mahaba ang pasensya ko, kaya sumuko na kayo!" Ngunit nagmatigas si Hustisya. "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mahuli!" sigaw niya, ang kanyang kalawit na sibat ay nagliliyab ng pulang apoy.
"Punyeta talaga !" muling sigaw ni Luna, ang kanyang boses ay puno ng frustration.
"Sadyang matigas ang ulo ng mga kabataan na tulad mo! Kailangan ninyong malaman kung kailan dapat sumuko!"
Nabalot ng enerhiya ang paligid niya at naglitawan ang mga bolang enerhiya, na ngayon ay mas marami at mas mabilis.
"Hindi sa lahat ng oras ay maituturing na kadakilaan ang katapangan!"
Lumulusob ang mga bola ng enerhiya patungo kay Hustisya, ngunit matapang lang sinabayan ng dalaga ang mga ito.
Gamit ang kanyang kalawit na sibat, hinati at sinalag niya ang mga ito, ang bawat pagsabog ay nagpapayanig sa lupa.
Ngunit ang mga bolang enerhiya ay masyadong marami, at ang mga pagsabog ay nagdudulot ng pagkawasak ng kalupaan at pagkasira sa paligid.
Natakot si Hustisya na baka masaktan si Ifugao, na nakagapos pa rin sa lupa kung sa kaling matamaan ito ng mga pagsabog kaya naisipan niyang salakayin si Luna nang direkta.
Isang malaking anino ang lumitaw sa lupa, at mula rito, lumabas ang isang dambuhalang braso ng kalansay at binalak na sumuntok kay Luna.
Ang suntok ay gumawa ng malakas na pagsabog, ngunit nagulat si Hustisya nang itaboy ng isang puwersa ang usok sa paligid.
Nakita niya si Luna na ligtas sa loob ng isang barrier na nagpoprotekta sa kanyang sasakyan, ang Mooncrest.
"Ito ang Mooncrest, ang aking sandata bilang sugo," paliwanag ni Luna, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki.
"Hangga't may buwan sa kalangitan, higit sa doble ang aking kapangyarihan. Hindi mo ito mawawasak, kahit gaano ka kalakas."
Nagalit si Hustisya dahil sa bigong pagtatangka nya, at kasabay ng sigaw ay iwinasiwas niya ang kanyang kalawit na sibat, nagpapakawala ng isang malaking pulang apoy para atakehin si luna.
Tumama ito sa barrier ni Luna at agad na nilamon ng apoy ang buong paligid. Ngunit ilang sandali pa, itaboy ulit ng isang puwersang di nakikita ang apoy, at naglaho ito nang walang kagalos-galos ang barrier ng Mooncrest.
"Sabi ko na sa'yo, hindi mo ito mawawasak," sabi ni Luna, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng pangungutya.
"Kailangan mong matutong makinig sa mga mas matalino sa'yo."
" Ang mga bola ng enerhiya na yan ay tinatawag kong little star , hindi sila ganun kalakas pero kaya kong gumawa at magpasabog nito sa paligid mo boung gabi at hindi ko alam kung kaya ng katawan mong tanggapin ang pinsala ng mga ito. " Paliwanag nya.
Muling naglitawan ang napakaraming bolang enerhiya sa paligid ni Luna, at isa-isang lumulusob ang mga ito kay Hustisya.
Sinubukan niyang hiwain at salagin ang mga ito, ngunit masyado silang mabilis. Isang bola ang tumama sa kanya, at tumalsik siya sa lupa, gumulong sa gitna ng mga durog na bato.
Naramdaman nya ang nakakapasong bola na tumama sa kanya at kagaya ng inaasahan ay hindi na sya kayang pangalagaan ng kanyang proteksyon sa katawan laban sa mga ito.
Alam niya na wala siyang oras para magpahinga, kaya agad siyang tumayo, ngunit bago pa siya makakilos, isang kadena ng enerhiya ang gumapos sa kanyang katawan. Pilit niyang winasak ang kadena gamit ang kanyang lakas, ngunit hindi ito natinag.
"Ang aking kapangyarihan ay lalong lumalakas sa ilalim ng buwan," sabi ni Luna. "Imposibleng maputol mo ang mga kadenang iyan. Sumuko ka na, para makapagpahinga na tayo ngayong gabi." mahinahong sambit ni luna.
Ngunit sumigaw si Hustisya, "Hindi pa tapos ang laban! Hindi ako magpapahuli ng buhay!"
Kasabay ng kanyang sigaw, lumitaw ang isang dambuhalang kalansay, na ngayon ay mas malaki kaysa dati, nag-uumapaw sa madilim na enerhiya.
Nakatayo si Hustisya sa ulo nito, ang kanyang mga mata ay nagliliyab. "Handa akong lumaban hanggang kamatayan para sa mga Pilipino sa Plaridel!"
Walang bahid ng takot sa mukha ni Luna, bagkus napabuntong-hininga lamang siya habang nadidismaya. "Sayang ang potensyal mo, Hustisya," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng hinayang.
"Hindi ako kalaban ng mga Pilipino. Sa ating dalawa, sino ba ang higit na makakatulong sa Plaridel? Ang iyong bulag na paniniwala ang dahilan kung bakit ka lumalaban pero ang totoo ay wala kang maililigtas na kahit na sino kung ipagpapatuloy mo ito."
Nagalit si Hustisya sa tila pang iinsulto ni luna sa kanyang mga pinaglalaban. "Tigilan mo ako! Wala kang alam sa paghihirap ng mga Pilipino sa Plaridel at kung bakit namin ito ginagawa!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng poot.
"Wala akong alam sa mga pinagdaanan ninyo, at hindi ko na kailangang alamin pa kung bakit kayo pumapatay ng tao. " sagot ni Luna, ang kanyang boses ay kalmado ngunit matigas.
"Walang pakialam ang mundo sa mga problema ninyo. Ginawa ang batas para protektahan ang mga tao, at malinaw na lumabag kayo dito. Anong awa ang ibibigay ng mundo sa mga rebeldeng kagaya mo na pumatay at nag aalis sa kapayapaan sa ibang tao?" Tanong ni luna.
"Ang mga tinutukoy mong rebelde ay mga Pilipinong nakatikim ng kalupitan ng mga Kastila!" sigaw ni Hustisya.
"Ang ginagawa lang namin ay isang pag hahanap ng hustisya para sa mga biktima ng kanilang pang-aapi!" dagdag ng dalaga.
"Punyeta!" muling sigaw ni Luna at halatang iritable, ang kanyang boses ay puno ng galit. "Dahil sa letseng paghihiganti na iyan kaya hindi natatapos ang rebelyon sa pilipinas! Hangga't may gustong maghiganti, walang kapayapaan ang magaganap sa bansang ito!"
Galit niyang sinabi na makitid ang isip ng mga Pilipino kung iniisip nilang ang rebelyon ang susi sa kapayapaan.
"Tanggapin mo na, Hustisya, hindi kayang manalo ng mga Pilipino sa labanang ito!"
Tumawa si Hustisya ,ang kanyang tawa ay puno ng panghahamak. "Dahil sa paniniwala na walang laban ang mga Pilipino ay pumapayag kayong maging tuta ng mga Kastila, Heneral!" sigaw niya.
Napabuntong-hininga si Luna. "Walang patutunguhan ang usapan natin," sabi niya. "Hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan, Hustisya. Nabubulag ka sa sarili mong galit."
Habang nagsasalita, naglitawan ang higit limang daang bolang enerhiya, na nagpaliliwanag sa buong paligid nila, nakapalibot sa dambuhalang kalansay.
Natakot si Hustisya sa nakita, at agad niyang tinignan si Ifugao, na nakagapos pa rin sa lupa. Alam niya na hindi niya kayang salagin ang lahat ng bolang enerhiya dahil kakaunti na lang ang natitirang enerhiya sa katawan nya, ngunit kailangan niyang masigurong nailigtas si Ifugao.
Gamit ang kanyang natitirang enerhiya, pinaangat niya ang mga durog na kahoy mula sa paligid at kinuha si Ifugao. Lumutang ang mga kahoy at dinala si Ifugao palayo mula sa labanan.
" Anong ginagawa mo Georgia? " sigaw ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pagkagulat habang sinusubukang kumawala mula sa mga kadena.
Ngunit habang lumilipad ng mga kahoy, nakita niya si Hustisya, na tinanggal ang kanyang maskara at ngumiti sa kanya—isang ngiti ng pamamaalam.
"Georgia, hindi!" sigaw ni Ifugao, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa takot.
Ilang sandali pa, nagliwanag ang buong paligid kasabay ng pagsabog ng napakaraming bola ng enerhiya sa paligid ng kalansay.
"Georgia!! "
Ang pagsabog ay nagpalipad sa mga bagay sa paligid, gumuho ang mga gusali, at ang shockwave ay naramdaman ng lahat sa Plaridel. Pagkalipas ng limang minuto, unti-unting naglaho ang usok. Isang malaking hukay, labinglimang metro ang lalim, ang natira sa gitna ng labanan, at kalahati ng city hall ay halos nawasak.
Lumutang si Luna sa himpapawid sakay ng Mooncrest, pinagmamasdan ang paligid.
Walang natira sa kalansay ni Hustisya, ngunit wala rin siyang makitang katawan ng dalaga.
Alam niyang bilang sugo, poprotektahan ng diwata nito ang katawan ni Hustisya. Hindi rin niya makita si Ifugao, na iniwan na nakagapos sa lupa.
"Punyeta! Mukhang natakasan ako ng mga batang iyon." sigaw ni Luna, galit dahil nalaman nyang natakasan siya ng dalawa.
"Mahaba-habang report ang kailangan kong isulat dahil dito," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng frustration.
Habang nakalutamg sa kalangitan ay biglang may naramdaman syang kkaibang presensiya sa paligid. Agad na napatingin si Luna sa bubong ng isa sa mga gusali sa city hall, kung saan nakita niya ang isang batang babae.
Nagtaka siya kung ano ang ginagawa nito doon at alam nya na hindi ito isang tao. Lumutang ang Mooncrest patungo sa kinaroroonan ng babae, at kahit ngayon lamang niya nakita si Hiyas, nagbigay siya ng paggalang.
" Hindi ko sigurado kong sino ka pero nararamdaman ko sayo ang presensya ng isang diwata. " Sambit nya.
Nanatiling nakatingin lang sa kanya si hiyas at tahimik na pinagmamasdan si luna.
"Unang beses kong makakita ng diwata nang personal," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka.
" Maaari bang malaman kung ano ang ginagawa ng isang katulad mo rito sa plaridel?" Hindi parin sumagot si Hiyas, ngunit ang kanyang malamig na titig ay tumagos kay Luna.
Lumutang si hiyas sa hangin, at sa isang iglap, tumagos siya sa barrier ng Mooncrest at tumuntong sa sasakyan ni Luna.
Nagulat ang heneral ng hindi man lang ito hinarangan ng barrier. "Unang beses kong makita na may nakapasok sa aking barrier ko maliban saakin," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha.
"Isa ka bang diwata tulad ni Ada Baal-Aki, ang diwata ng Cabanatuan na aking pinaglilingkuran?"
"Isa akong isipirito ng kalikasan pero pwede mo akong tawagin ng kahit anong gusto mong itawag saakin. " sagot ni Hiyas, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng misteryo.
"isa akong ispirito na kasalukuyang gising, naghahanap ng pagkakalibangan at magagawa sa mundong ito." Ngumiti siya kay luna ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling seryoso.
Napangiti rin si Luna habang hindi parin makapaniwala sa pagtatagpo nila. "Kung gayon, isang nababagot na diwata," sabi niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagbibiro.
Ngunit bigla siyang hinawakan ni Hiyas sa braso, at sinabi, "Kung nakikita at nahawakan mo ako, ibig sabihin, kinalulugdan ka pa rin ng diwata ng Cabanatuan."
Nagtaka si Luna sa sinabi ni hiyas sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka.
"Ilang daang milyong taon akong natulog," paliwanag ni Hiyas, ang kanyang boses ay seryoso. "Kamakailan lamang ako nagising, at naabutan ko ang kaguluhan sa lupaing ito, matagal pa bago ako muli matulog kaya naisip kong maging abala muna para lang may magawa sa lugar na ito."
'Luna. Gayunpaman ay wala akong kapangyarihan upang ayusin ang mga bagay bagay, kaya naghahanap ako ng mga taong gagawa nito para sa akin."
Tinanong niya si Luna, "Nararamdaman ko ang napakalakas na enerhiya na tinataglay mo, kaya mo bang ayusin ang mga bagay bagay sa lupaing ito?"
Napangiti si Luna dahil sa kakaibang tanong ni hiyas, ngunit ang kanyang ngiti ay nagpapakita ng pagkalito. "Hindi ko maunawaan ang sinasabi nyo," sabi niya.
"Wala akong ideya kung paano aayusin ang mga bagay sa lupain na ito. Hinihiling mo ba na sumali ako sa pag-aaklas laban sa España upang mapalayas ang mga Kastila?"
Inamin niya kay hiyas, "Matutuwa ako kung mapapalayas ang mga Kastila sa pilipinas, pero iyon ay isang mahirap na gawain na hindi ko kayang gawin. Walang kakayahan ang mga Pilipino upang ipagtanggol ang bansa ito laban sa espanya—iyon ang katotohanan."
Kalmado namang sumagot si Hiyas, "Alam ko na mahirap, ngunit hindi imposible. Natutuwa akong malaman na may kagustuhan kang mapalaya ang Pilipinas, Luna."
" Hindi kita pipilitin kung ayaw mo akong tulungan at ang totoo hindi ko rin inaasahan na tutulungan mo ako." Sambit nya.
Lumutang muli si Hiyas, lumabas sa barrier ng Mooncrest, at naghanda na umalis. "Salamat sa pakikipag-usap," sabi niya.
"Magkikita tayo muli sa ibang pagkakataon." Ngunit bago siya tuluyang umalis, humarap siya muli kay Luna.
"Maghanda ka para sa araw ng Pulang Buwan," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng babala.
"Si Ifugao ang aking napiling sugo. Wala akong pakialam kung magiging kakampi o kalaban mo siya, pero gusto kong humingi ng pabor sayo heneral. "
Maaari bang huwag mo siyang huhulihin hangga't hindi siya pa sya handa."
Napangiti si Luna sa narinig mula kay hiyas "Paki-usap ba iyan o babala mula sa isang diwata?" tanong niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagbibiro.
"Hindi mo kailangang matakot sa akin," sagot ni Hiyas. "Kahit isa akong diwata, wala akong kapangyarihang manakit o pumatay ng sino man lalo na ang makapangyarihang kagaya mo."
Ilang sandali pa ay tumalikod si hiyas at naglaho sya kasabay ng pagdaan ng hangin.
Napabuntong-hininga naman si luna at tumingala sa bilog na buwan habang nahihiwagaan sa sinabi ni Hiyas tungkol sa araw ng Pulang Buwan.
" Araw ng pulang buwan? "
Ang labanan sa Plaridel ay natapos sa gabing iyon, nag-iwan ng napakalaking pagkasira sa city hall at maraming nasawi sa panig ng mga sundalo at rebelde. Gayunpaman, naiwasan ni Ifugao ang mas malaking trahedya, at nailigtas ang karamihan sa mga sibilyan.
Ngunit sa gitna ng katahimikan, alam nila na marami pang bagong hamon ang naghihintay at nakakasiguro sila na malaki ang magiging epekto nang naganap sa plaridel sa magiging kapalaran sa hinaharap ng mga pilipino sa pilipinas. ---
Wakas ng kabanata.
