CHAPTER ONE
" Carrot boy "
Sa pagdilat ng mata ng isang binata ay natagpuan nya ang sarili sa isang hindi pamilyar na lugar.
Sa lugar na napapaligiran ng maraming bulaklak at luntiang kapatagan. Isang itong tahimik at payapa na kapaligiran na ini-enjoy ng mga munting mga hayop na masayang naglalaro sa lugar .
Tanaw nya mula sa kinatatayuan ang mga malulusog na punong kahoy na punong puno ng mga bunga ng prutas. Sa pagtingala nya ay masisilayan ang asul na kalangitan at puting puti na mga ulap na tumatakip sa araw .
Naririnig nya sa paligid ang mga huni ng mga ibon at ang ingay nang pag daloy ng malinis na tubig na umaagos sa ilog at kasabay ng kanyang paghanga sa kanyang mga nakikita ay ang paghampas ng isang malakas na hangin sa kanyang katawan.
Naramdaman nya sa kanyang balat ang pagdampi ng malamig at sariwang hangin na umiihip sa paligid nya na kay sarap sa pakiramdam .
Sa tagpong iyon ay tila napaisip ang binata kung ang nangyayari ba sa kanya ay isa lamang panaginip o isang uri ng ilusyon. Natatanong nya sa sarili kung paano sya napunta sa lugar na iyon ng hindi nya namamalayan.
Habang pinagmamasdan ang mga kamay at dinadama ang masarap na pakiramdam dulot ng sariwang hangin ay biglang may boses ng babaeng nagtanong sa kanya.
Isang misteryosang babae na may itim na mahahabang buhok at nakasuot ng isang puting simpleng bistida ang biglang sumulpot sa kanyang likuran.
Sa kanyang pagtalikod ay may kung anong liwanag ang sumilaw sa kanyang paningin dahilan para mapatakip sya ng kanyang mata gamit ang kanang braso.
Hindi maaninag ng binata ang buong mukha ng babae siguro dahil sa sinag ng araw o baka dahil sa liwanag na nagmumula mismo sa misteryosang babae ngunit ang alam lang ng binata ay nakangiti sya nitong tinatanong .
" Anong masasabi mo sa aking tahanan ? " Tanong nito sa binata .
Nagtataka ang binata sa biglaang tanong nito at hindi nito nagawang makasagot ulit dahil narin sa pagkabighani sa babae at pagkabigla sa biglaang pagsulpot nito. Walang gusto ang binata kundi masilayan ang kabuoan ng mukha ng kanyang kaharap upang makilala ito pero hindi sya nabigyan ng pagkakataon.
Kasabay ng tagpong iyon humampas ang malakas na hangin sa paligid na syang nagpatangay sa mga taluyot ng mga bulaklak at tila pumapaligid sa misteryosang babae.
Tinatangay ang matingkad na buhok nito na tila nakikipagsayaw sa hangin habang sumasabay ang mga pag lipad ng mga puting taluyot ng bulaklak sa paligid nya.
Nagpapatuloy ang pagbuka nang bibig ng babae at tila may isinasambit pero hindi ito nagagawang mapakingan ng binata ,
Wala itong marinig kundi ang pag eko ng hangin sa paligid at mga huni ng ibon. Hindi nya mawari kung malakas lang ba ang tunog sa paligid na gawa ng kalikasan o sadyang walang boses ang mga pagbigkas ng misteryosang babae .
" Anong nangyayari ? Hindi ko sya marinig . Ano ang kanyang sinasabi? " Bulong nito sa sarili .
Umikot ikot ang babae at tila magiliw na nagku-kwento ng mga bagay bagay . Tinuturo ang mga bundok, ilog, langit at mga hayop sa paligid pero gayumpaman ay walang magawa ang binata kundi tumingin at pagmasdan lang ito sa ginagawa,
Sa patuloy na pag bukas ng bibig ng misteryosang babae na tila may sinasabi sa kanya ay sandali itong napayuko at humawak sa dibdib .
Nabakas ang pag aalala sa babae ,napalitan ang mga ngiti nito ng isang malungkot na ekspresyon na tila may inaalalang problema. Sa sandaling iyon ay bigla itong nanahimik at nabalot ng katahimikan ang lugar .
Sa isip ng binata ay tila may problema ang misteryosang babae at nais nya itong malaman para sana tulungan pero sa pagsubok nyang humakbang palapit dito ay bigla itong nagtaas ng ulo at tumingin sa binata .
Napatigil ang binata sa pagtatangkang gumalaw mula sa kinatatayuan nito nang makita na muling ngumiti sa kanya ang misteryosang babae habang Inaabot ang mga kamay sa kanya.
Isang pagtaas ng kamay na tila inaalok nya ito na sumama.
May ibinibigay ba ito o baka gusto nitong magpasama ay walang ideya ang binata dahil kahit gaano nya pa unawain ang mga pagbigkas ng bibig nito ay wala syang maintindihan sa gusto iparating nito. Ang tanging alam lang nya sa sarili ay may gusto itong ipahatid sa kanya maliban sa salita.
Isang tagpong labis na ikinagulat ng binata at lalong pinagtaka pero gayumpaman kahit na tila wala syang marinig na tanong o paki usap mula rito ay gusto nya itong tugunin subalit kahit ang mga boses nya ay hindi umaabot sa babaeng kaharap. Hindi nya malaman kung may lumalabas bang mga boses sa bibig nya sa tuwing nagsasalita sya o binubulong nya lang ito sa isip nya .
Hindi nya alam kung ano ang pwedeng gawin upang magawa nyang marinig ang mga tinig nito.
Nais nya malaman ang lahat at marinig muli ito kahit sa isang pagkakataon.
Kahit na wala syang ideya sa mga tunay na nasambit ng misteryosang babaeng nagsasalita sa kanyang harapan ay unti unting inangat nya ang kanang braso na gustong abutin ang mga kamay ng dilag at umaasa na malaman ang lahat ng kasagutan sa tanong nya.
Sa paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa misteryosang babae ay muli itong nagsalita.
" Tinatawag ka ng inang bayan at kinakailangan ang iyong tulong, tutugunin mo ba ito ? " Isang pagbigkas ng misteryosang babae na nagpatigil sa kanyang paghakbang palapit dito.
" Tutugunin ? " Isang pabulong na pagtatanong nito sa sarili habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng misteryosang babae .
" Anong ibigmong sabihin ? "
Sa muling pag buka ng bibig ng misteryosang dalaga ay humampas ang malakas na hangin na syang nagpapikit sa binata .
Sa muli nitong pagdilat ay kaharap nya na ang isang bubong na walang kisame. Sa sandaling yun ay inaabot nya ito ng kamay at unti unting napagtanto na nagising sya mula sa pagkakatulog.
Napatunganga na lang sya habang nakahiga at basang basa ng pawis ang sandong suot dahil na rin sa init ng loob ng bahay na tinitiran nya.
Mula sa pagkakahiga sa isang banig sa lapag ay umupo sya at nagkusot ng mga mata upang tuluyang magising. Pinagmasdan nya ang paligid nya kung saan sya nakatira at kagaya ng dati ay nag iisa nanaman sya dito.
Isa itong maliit na bahay na gawa sa mga tagpi tagping kahoy at kawayan, ang ganitong uri ng bahay ay pangkaraniwang makikita sa kanilang nayon sa probinsya.
Sa mga oras na iyon ay napahawak sya sa kanyang ulo at iniisip ang wierdong panaginip. Malinaw nyang naaalala ang mga tagpo sa kanyang panaginip pero hindi ang itsura ng misteryosang babae .
" Ang weird ng panaginip ko " Bulong nito sa sarili .
Ilang saglit pa ay bumangon na ito mula sa pagkakaupo at tuluyan ng naglikpit ng higaan. Nagmamadali itong nagtungo sa kusina para maghilamos at naghanda para sa pag alis .
Ang binatang ito ay si Erik lumagbas, labingapat na taong gulang isang normal na bata na may kaliitan ang pangangatawan at may matitingkad na itim na buhok, nakatira sya kasama ang pamilya nya sa isang maliit na mapayanan sa probinsya ng ifugao .
Bilang lang ang mga nayon sa probinsya dahil malaki sa mga lugar sa ifugao ay kabundukan at kagubatan kaya marami sa naninirahan dito ay sa pagtatanim ng gulay nabubuhay .
Ang maliit na lugar nila ay isa lang sa mga taniman sa bayan ng lingawin kung saan isa sila sa nag susupply sa mga katabing bayan .
Bilang maaga na nagtatrabaho ang kanyang ama't ina sa taniman ng gulay ay sya lagi ang naiiwan sa kanilang bahay at nasanay na mag asikaso ng sarili .
Ang kanyang pagmamadali at pag aayos ng sarili upang umalis ay hindi upang pumasok sa eskwelahan kagaya ng mga normal na teenager kundi para magtrabaho at maghanap buhay.
Suot ang kulay orange na hood at pantalon ay handa na syang magtungo sa kanyang destinasyon at gawin ang nakasanayan na trabaho bilang mag gugulay .
Sa murang edad ay nagbanat na ng buto si erik katulong ng kanyang pamilya upang matugunan ang pang araw araw na gastusin nilang pamilya.
Dali dali nyang nilock ang pinto at tumakbo paalis ng bahay. Dito ay nagtungo sya sa isang bodega na puno ng mga trabahador ng gulay na abalang nag aakyat ng mga sako sakong gulay sa isang truck .
" Tanghali na carrot boy! dalian mo ng mag akyat ng gulay kundi iiwan ka namin. " Sigaw ng isang Maskuladong lalaki na nasa driver seat .
Hindi sila ang pangunahing grupo na nag susupply ng gulay sa mga bayan kaya wala silang permanenteng babagsakan o bebentahan na tao. Ang grupo nila ay nagbabakasakali lang na makaubos tuwing mag dedeliver.
Nagtatagal kadalasan ang pagbyahe nila ng apat hanggang anim na araw hanggang sa maubos ang kanilang mga paninda na itinanim ng mga pamilya nila.
Wala syang sinayang na oras at agad na hinawakan ang mga gulay na nakatipon sa isang basket at inakyat sa truck. Ang mga basket na ito ay naglalaman ng mga carrot na pananim ng kanilang pamilya na inani ng kanyang ama .
~
Sa paglipas ng ilang minuto pagkatapos nilang mag karga ng mga gulay ay umandar na ito at nilisan ang lugar upang magtungo sa mga malalaking palengke .
Habang nakaupo sa mga sako ng gulay ang binata ay kumakain sya ng mga nilagang carrot na baon bilang almusal. Sa sandaling iyon ay wala syang ibang pwedeng gawin sa loob ng umaandar na truck kundi tumingin sa labas para pagmasdan ang mga daan hanggang sa makarating sila sa destinasyon .
~Eric Point of view ~
Kapag may itinanim ay may aanihin, ganyan ang mga salitang una mong malalaman at panghahawakan kapag nagmula ka sa isang pamilya ng mag gugulay .
Ang bawat piraso ng mga gulay na ito ay pinagpawisan at pinagpaguran ng aming mga kasama at pamilya na itanim. Babantayan at alagaan hanggang sa pwede na itong anihin para ibenta sa palengke sa syudad .
Ang pamilya ko ay nag aarkila ng pwesto ng lupa upang taniman ng mga carrot at paglipas ng buwan ay aanihin nila ama . Sa pagkakataon na iyon ay sumasama ako sa ibang mag gugulay para ibenta ito sa mga palengke sa ibat ibang lugar .
Medyo kumplikado dahil nung una ayaw ako pasamahin ng leader namin dahil sa napakabata ko pa raw para magbenta sa syudad. Hindi ko alam kung anong problema nya tungkol sa edad pero matagal ko ng trabaho ito kaya sanay na ako maki pag usap sa mga tao kaya maiiwasan ko ang mga manloloko.
Ilang araw din ako nawawala sa bahay at sa totoo lang mahirap ang nalalayo sa pamilya ko maliban sa nakakalungkot pero kahit papaano ay masaya rin ang trabahong ito dahil nakakapunta ako sa ibat ibang lugar at syudad.
Aaminin ko na medyo mahirap para sa maliit kong katawan na mag buhat ng mga malalaking basket at ilako ito pero kailangan ko itong gawin para kumita ng pera pang gastos sa susunod na buwan .
Hindi ako pwedeng umuwi saamin ng hindi ko naibebenta lahat ang mga carrot namin. Inutang lang kasi nila nanay ang mga pang punla nito pati ang pwesto sa lupa para itanim ito .
Sa totoo lang karampot lang ang natitira saaming pera sa trabahong ito pero kailangan namin itong gawin at ipagpatuloy dahil ito lang ang alam naming paraan para mabuhay .
Mahirap , nakakapagod at walang kasiguruhang pagkita ng pera.
Paulit ulit na mga bagay at problema aming hinaharap sa araw araw .
Wala kaming ideya kung hanggang kelan namin ito gagawin .
Hanggang kelan kami mabubuhay sa sitwasyon na isang kahig, isang tukang pamumuhay .
Nakakasawa ,
talagang nakakasawa .....
Ang mabuhay bilang mahirap sa isang mahirap na pamayanan ay isang parusa at hindi magandang bagay .
Marahil masaya ako at kinatutuwa na naging anak nila mama at papa dahil kahit na mahirap kami ay masaya kaming nabubuhay ng sama sama pero hindi yun sapat para sabihin na maswerte ako sa buhay ko.
Mayroon akong dalawang kapatid, isang 5yrs old at 8yrs old na mga babae. Sila ang gusto kong makatapos ng pag aaral kaya naman nag presinta akong huminto na lang sa pag aaral at tumulong kanila papa at mama sa pag ta-trabaho bilang mag gugulay kagaya nila ng may pang gastos kami sa pag aaral ng mga kapatid ko .
Pangarap kong makapag aral sila ng high school sa syudad ng maynila at hindi lang sa maliit na pamayanan dito sa probinsya .
Ang sabi kasi nila napakaunlad ng maynila at lahat ng bagay doon ay maganda, bago at may class kaya naman pangarap namin makapanirahan doon ng pamilya ko.
Hindi ko alam kung gaano karaming pera ang magagastos para makatapos ang mga kapatid ko pero pagsusumikapan ko ito. Kahit anong mangyari .
Umaasa akong ang pagsisikap ko ay magresulta ng pag babago sa buhay namin .
Pero ....
Pero Posible bang makaranas ng maginhawang buhay ang mga tulad namin ?
May karapatan ba kaming magkaroon ng pangarap sa isang bansang tinanggalan ng sariling karapatan at ngayon ay nakakulong sa bakal na batas ng mga dayuhan .
~ end of Point of view
Huminto ang Truck na Sinasakyan nila dahil sa checkpoint ng otoridad .
Ang checkpoint ay binabantayan ng mga kastilang pulis
Ang mga ito ay naka unipormeng kulay abo na minamando ang mga taong nagdadaan at sinusuri maigi ang mga kagamitan na tila may hinahanap .
Dito ay hinihingan nila ng ID ang mga tao at inililista sa isang booklet , ang paghaharang sa check point ay paraan ng gobyerno para pigilan na makapasok ang mga rebelde sa mga bayan at makapang gulo .
Ang mga rebelde sa mga panahon na iyon ay mga pilipinong ayaw tanggapin ang pamumuno ng mga kastila. Maraming mga grupo ang mga rebelde at ang ilan sa kanila ay mga grupo ng mga sangano na nang gugulo at naninira ng mga pagmamay ari ng mga kastila na nakatira sa syudad.
Kadalasan nanghaharang sila ng mga sasakyan para pagnakawan at isa na kanilang paboritong targetin ay ang mga truck ng gulay kagaya ng sinasakyan nila Erik .
~ Erik Point of view
Malayo kami sa kabiyasnan kaya hindi ko alam ang mga nangyayari sa bansa basta ang alam lang namin ay hawak ito nang gobyerno ng espanya .
Tinuro noon sa eskwelahan na dating pinapasokan ko na halos 500years na mag mula ng sinakop ng mga kastila ang pilipinas at sumailalim ito sa pamumuno nito .
May ilang mga pilipino na hindi tanggap ang pamumuno ng mga ito kaya nag aaklas sila at naging mga rebelde. Sa totoo lang hindi ko alam kong anong saysay ng kanilang ginagawa dahil ang sabi nila ay milyon-milyong sundalo ang meron ang espanya kaya paano sila lalaban dito ?
May bulong bulungan din na may mga tinataglay na mahika at pambihirang kakayahan ang mga kastila kaya sila hindi natatalo sa mga laban.
Kasinungalinan man iyon o totoo eh sa tingin ko hindi na mahalaga iyon, wala naman kasing ginagawang kakaiba ang mga kastila sa lugar namin kaya ok lang para saakin na narito sila.
Ang totoo mas ok saakin na narito sila dahil nalalayo kami sa panganib dulot ng mga bandido na gusto kaming pagnakawan .
Hm...
Kalayaan ?
Pero ano bang halaga nun para sa simpleng mamamayan na kagaya ko ? May mababago ba sa estado ng buhay ko kung magtagumpay sila na mapalaya ang bansa ?
Kahit gaano ko pa isipin ito
Hm...
Sa tingin ko walang kwenta ...
Hindi ko kayang unawain kung bakit sila nag aaksaya ng buhay para sa kalayaan kung pwede naman sila mabuhay na lang at sumabay sa agos .
~ End of Pov
Habang dumadaan sila sa proseso sa check point ay napatingin sa labas si Erik para tignan ang nangyayari .
Sa pagkakataon na iyon ay nakita nya ang pag abot ng pera ng drayber ng truck sa mga kastilang pulis.
Ang perang ito ay panibagong kabayaran nila sa mga kastila sa pagdaan sa checkpoint maliban pa sa buwis na kinukuha ng gobyerno. Ang pagbabayad na ito ay sapilitan at wala silang magawa kundi mag bigay para payapang makadaan sa checkpoint.
Tinuruan sila ng mga nakakatanda na tumahimik at sumunod na lang sa bawat sasabihin sa kanila upang hindi mapahamak. Ito ang nakatatak sa bawat mag gugulay sa mga lumipas na taon at nagpasalin-salin na sa mga henerasyon .
Ang ginagawa nilang paniningil ay kabawasan sa kita ng mga mag gugulay lalo na sa may malilit na bilang ng ititinda gaya ni erik .
Ang bagay na ito ay hindi masyadong iniinda ni erik at kinasasama ng loob dahil na rin sa nasanay na syang magbigay ng porsyento nya para ibibigay sa mga kastila tuwing magdedeliver sila ng gulay .
Sa paniniwala nya ay maliit na bagay lang ito kung tutuusin dahil ang mga pulis na iyon ay nagbabantay sa kanila laban sa mga pag atake ng mga rebelde .
Higit limang taon ng nakakalipas.
Sa gitna ng Pilipinas, sa pusod ng Maynila na itinuturing na kabisera ng bansa, isang napakalaking plaza ang puno ng napakalakas na ingay ng mga tao at sundalo. Ang sikat ng araw ay tumatama sa masalimuot na arkitektura ng mga gusali na nakapaligid, na nagmumungkahi ng isang makasaysayang kahalagahan ng lugar na ito.
Ang hangin ay mabigat, puno ng alikabok at amoy ng pawis mula sa libu-libong katawan na nagtitipon sa plaza. Kasalukuyang nagtatanghal ang isang makasaysayang at makapangyarihang pagtitipon, isang pagtatanghal ng kapangyarihan at takot na naging simboliko sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila.
Ang plaza ay puno ng humigit-kumulang na sampung libong Pilipino, ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng pinag halong takot, pagkalito, at galit na pinipigilan. Nakapaligid sa kanila ang mga sundalong Kastila, na nakauniporme ng makintab na metal at madilim na tela, ang kanilang mga baril ay nakataas at handang gumalaw anumang oras.
Ang mga Pilipino, karamihan ay sapilitang dinala mula sa kanilang mga bahay at nayon, ay nakatayo sa ilalim ng matinding init ng araw, ang kanilang mga damit ay basa ng pawis at alikabok, ang kanilang mga mata ay nakatuon sa entablado sa harapan. Ang mga sundalo ay nakabantay sa bawat sulok ng plaza, ang kanilang mga boses ay tumataas habang pinapagalaw ang mga tao upang manatili sa linya, na parang mga hayop.
Sa entablado, limang Pilipino—mga rebelde na lumalaban sa gobyerno ng Espanya—ay nakaluhod, ang kanilang mga kamay at paa ay nakagapos ng matigas na kadena na kumikiskis sa kanilang balat. Ang kanilang mga damit ay puno ng duguang sugat at putik, senyales ng kanilang matinding pagdurusa bago dalhin sa lugar na ito.
Ang kanilang mga ulo ay bahagyang nakayuko, ngunit ang kanilang mga mata ay nagliliyab ng matinding determinasyon, kahit na ang kanilang mga katawan ay halos hindi na makagalaw. Sa likod nila, ang malaking tarangkahan ng hukuman ay nakatayo, ang dilaw na pintura nito ay naglalaho na dahil sa panahon, at sa harapan nito ay ang mga upuan ng mga heneral—mga lalaking nakasuot ng puting kasuotan, ang kanilang mga uniporme ay puno ng ginto at badge, na sumasalamin sa kanilang mataas na katayuan.
Sa gitna ng sampung heneral ay tumayo ang isang matipunong lalaki, ang kanyang katawan ay puno ng kapangyarihan at awtoridad. Siya si Viceroy Antonio Magellan, ang pinuno ng kapitolyo, na nakasuot ng isang magarang damit na may ginintuang coat na kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw.
Ang kanyang mukha ay matigas, ang kanyang mga mata ay parang matatalim na espada na tumingin sa karamihan. Ang kanyang presensya ay nagdudulot ng takot at paggalang, at ang kanyang hakbang ay parang musika ng kapangyarihan habang lumalapit siya sa gitna ng entablado upang harapin ang mga manonood.
"Mga mamamayan ng Pilipinas," simula niya, ang kanyang boses ay malakas at tumitigib sa hangin, na parang kulog sa kalawakan ng plaza. "Ngayong araw ay saksi kayo sa makasaysayang pagbitay sa mga rebelde ng Pilipinas na kumakalaban sa banal na gobyerno ng Espanya!" Ang kanyang mga salita ay puno ng tiwala, at ang kanyang mga kamay ay nakataas, parang isang hari na naghahari sa kanyang kaharian.
Matapang niyang ipinahayag ang kanyang matibay na paninindigan, ang kanyang boses ay tumataas sa bawat salita. "Ubusin ko ang lahat ng rebelde, mga Pilipinong walang respeto sa kapayapaan ng bansang ito! Walang puwang sa aking pamumuno ang mga berdugong pumapatay ng mga inosenteng mamamayan, mga hayop na sumisira sa kaayusan na ipinapakita ng Espanya!" Ang kanyang mga mata ay dumaan sa bawat mukha sa karamihan, na parang hinahamon ang sinuman na makipaglaban laban sa kanya.
"Hangga't ako ang viceroy na namumuno sa bansang ito, titiyakin ko na walang kahit na sino ang magtatagumpay na masira ang kapayapaan na inalay ng Espanya sa inyo!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng galit at determinasyon. Ang mga sundalo sa likod niya ay tumango, ang kanilang mga baril ay mas higpit na hinawakan, na parang handang sundin ang bawat utos ng kanilang pinuno.
Habang nagsasalita si Magellan, umakyat sa entablado ang mga sundalong pilipino na nakasuot ng simpleng damit ng mga Pilipino, ngunit ang kanilang mga mukha ay walang emosyon, parang mga makina na hinuhubog ng kanilang mga amo.
Ang bawat isa ay may dalang mahabang baril, ang mga ito ay nakatuon sa limang rebelde na nakaluhod sa kanilang harapan . Ang mga Pilipinong nanonood ay nabalot ng matinding takot, ang kanilang mga mukha ay puno ng luha at pagkabalisa. Ang mga bata ay nakatago sa likod ng kanilang mga magulang, ang kanilang mga kamay ay nakakapit nang mahigpit, habang ang mga matatanda ay nakatungo, parang natatalo na ng bigat ng kanilang damdamin.
"Panuorin ninyo lahat ang mangyayari sa mga kumakalaban sa gobyerno ng Espanya!" sigaw ni Magellan, ang kanyang kamay ay tumuro sa mga rebelde. Kasabay nito, isang sundalo ang dahan-dahang itinataas ang isang pulang bandila, isang senyales na naging simula ng katapusan para sa mga nakagapos na Pilipino.
Sa isang iglap, ang mga sundalo ay nagpaputok ng kanilang mga baril, ang tunog ng mga putok ay parang kulog na kumalat sa buong plaza. Ang mga bala ay malapitang pinaulanan ang limang rebelde, ang kanilang mga katawan ay napuno ng dugo na dumadaloy tulad ng isang ilog sa entablado.
Ilang saglit pa, ang mga rebelde ay bumagsak sa lupa, ang kanilang mga mata ay nananatiling bukas, puno ng galit at hindi natapos na laban. Ang dugo ay kumalat sa sahig ng entablado, na parang isang madilim na pintura ng kawalan ng pag-asa.
Ang mga Pilipinong nanonood ay nagimbal, ang kanilang mga sigaw ng takot at pagkadismaya ay nagmistulang isang korong puno ng sakit. Ang ilang mga nanonood ay nanginginig, ang kanilang mga kamay ay nakatakip sa kanilang mga bibig habang pinipigilan ang kanilang mga luha.
Ang iba ay umiiyak nang tahimik, ang kanilang mga mukha ay puno ng lungkot at kawalan ng lakas, habang ang mga kabataan ay tumatakbo palayo, hindi makapaniwala sa nakita. Ang mga sundalo ay nanatiling nakatayo, ang kanilang mga mukha ay walang emosyon, parang hindi nila nauunawaan ang lalim ng sakit na dulot ng kanilang mga aksyon.
Ang eksena ay naka-broadcast live sa telebisyon at internet, na nagpapakita ng kalupitan sa buong bansa. Sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, ang mga rebelde ay nanonood sa kanilang mga tahanan o nakatago sa gubat, ang kanilang mga mata ay nagliliyab ng matinding galit. "Mga hayop sila!" sigaw ng isang rebelde mula sa isang liblib na baryo, ang kanyang kamao ay nakakuyom nang mahigpit habang pinapanood ang live feed sa isang lumang telebisyon.
"Papatayin ko sila! Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa mga kababayan natin!" sigaw ng isa pang rebelde, ang kanyang boses ay puno ng pait at determinasyon habang hawak ang isang matalim na gulok.
Sa isang kweba sa hilagang bahagi ng bansa, isang grupo ng mga rebelde ay nagtitipon, ang kanilang mga mukha ay puno ng galit habang pinanonood ang pagbitay. "Hindi na natin dapat hayaang manatili ang mga Kastila sa bansang ito!" sigaw ng kanilang pinuno, ang kanyang boses ay tumatagos sa dilim ng kweba.
"Kailangan nating labanan sila hanggang sa huling hininga! Ang dugo ng ating mga kapatid ay hindi dapat mabalewala!"
Ang mga Pilipino sa iba't ibang sulok ng bansa ay nagtitipon sa lihim na lugar, ang kanilang mga puso ay puno ng poot at determinasyon. Para sa kanila, ang mundo ay tila naging bulag sa kawalan ng katarungan na ginagawa ng mga Kastila, at wala silang inaasahang tulong mula sa labas.
"Ang tanging magpapalaya sa atin ay ang ating sariling lakas!" sigaw ng isang matandang rebelde, ang kanyang boses ay puno ng sakit ngunit puno rin ng pag-asa. "Kailangan nating ipaglaban ang ating kalayaan para sa mga susunod na henerasyon ng lahing pilipino, kahit ito ang maging dahilan ng ating kamatayan!"
Habang ang mga rebelde ay nagngangalit sa bawat sulok ng bansa, bumalik si Magellan sa entablado, ang kanyang mukha ay puno ng kasiyahan sa tagumpay ng kanyang plano.
"Digmaan ang gusto ninyo, kaya digmaan ang ibibigay ko!" sigaw niya, ang kanyang boses ay tumataas sa hangin, na parang isang hamon sa mga rebelde. "Uubusin ko kayong lahat, kahit saan man kayo magtago! Isinusumpa ko ang bagay na yan!"
Ang kanyang mga salita ay nagdulot ng mas malaking ingay sa karamihan, ang mga Pilipino ay nahati sa pagitan ng takot at galit. Ang mga sundalo ay mas higpit na bumantay, ang kanilang mga baril ay nakahanda, habang ang dugo sa entablado ay unti-unting natutuyo sa ilalim ng mainit na araw.
Habang ang mga rebelde ay nagsusumigaw ng kanilang mga balak na paghihiganti, ang kanilang mga puso ay puno ng apoy na handang sumiklab sa anumang oras. Ang hangin ay puno ng tensyon, at ang Pilipinas ay handang sumabog sa isang digmaang magpapabago sa kasaysayan ng bansa.
End of chapter 1
